Mag-log inNatigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.“How’s my patient?” nakangiting bati nito habang papalapit sa kama niya.“I’m okay, doc,” mahina ngunit magalang niyang sagot.“I have good news, Miss Jolisa,” dagdag ng doktor. “Pwede ka na lumabas anytime soon.”Napakunot ang noo niya. “Huh… paano ’yan, doc? Wala pa akong maalala.”“It’s okay,” kalmado nitong sagot. “Malakas na ang katawan mo. Pwede ka nang magpagaling sa bahay. Hindi naman agad babalik ang memory mo, at hindi rin natin masasabi kung kailan... pwedeng bukas, o sa isang buwan. Ang importante, stable ka na. Your memory will come back on its own.”“G-ganun ba…” mahina niyang tugon, hindi pa rin lubos na kampante.“Basta regular check-up lang palagi dito sa ospital. Saka mas makakabuti kung nasa pamilyar kang lugar,” dagdag pa ng doktor. “Ang dati mong buhay bago nawala ang memorya mo ay maaaring makatulong para maalala mo ang lahat.”“Salamat, doc,” sabi ni Jolisa.Ngunit si Tyler ang agad na
Nagdaan pa ang mga araw, at unti-unti nang gumagaling ang sugat ni Jolisa sa kanyang ulo. Araw-araw ay may kaunting pagbabago, mas nakakatayo na siya nang matagal, mas nakakakain nang maayos, at mas nagkakaroon ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit sa kabila ng pagbuti ng kanyang katawan, nananatiling blangko ang kanyang isipan. Wala pa ring bakas ng kanyang nakaraan, walang alaala ng kung sino siya bago ang aksidente.“Here, love… eat some fruitS. Makakatulong ’to sa ’yo para lalo kang lumakas.”Napatingin siya sa lalaking maingat na nagbabalat ng orange para sa kanya. Si Tyler... ang lalaking nagpakilalang nobyo niya. Totoo nga kaya iyon? Sa tuwing tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasang mag-isip.Kung totoo man ang sinasabi nito, masasabi niyang napakaswerte niya. Gwapo ang lalaki, matipuno, malinis tingnan, at halatang may kaya sa buhay. Higit pa roon, kitang-kita kung paano ito tumingin sa kanya, parang napakahalaga niya sa lalaki.Sa pag-iisip na iyon, bigla siyang namula.“He
Pero napag-isip-isip din niya na total hindi naman siya naaalala ni Jolisa, baka ipagpaliban niya muna ang planong pagdispatsa sa dalaga. Palamigin niya muna ang sitwasyon para hindi maghinala si Tyler sa kanya. Lalo na’t ang nurse ay mukhang nagdududa na sa kanya. Kapag may mangyaring masama kay Jolisa ay baka ituro siya nito.Napatingin siya kay Tyler na gumagawa na ng mahinang hilik. Agad itong nakatulog. Ngayon, ang dalawa na ang mahimbing na natutulog. Pero siya, ito, gising na gising.Lumapit siya sa bintana at doon tumingin sa labas. Sa dami ng nangyari sa araw na ’yon ay tila hindi na niya alam kung ano ang uunahin.Pagtingin niya sa kama ay nagulat siya nang nakatingin na si Jolisa sa kanya. Parang may kung anong kaba siyang naramdaman. Pero hindi siya nagpahalata.“J-Jolisa… nagising ka pala. Kanina ka pa ba gising? Hindi ka man lang nagsabi. Nagulat ako sa’yo,” sunod-sunod na sabi niya, pero walang ekspresyon ang mukha nito at nakatingin lang sa kanya.Lumapit siya sa babae
Nanlaki ang mga mata ni Tyler sa sinabi ni Jolisa.“A-anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses nito habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga. “Love… ako ‘to. Si Tyler.”Ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Jolisa. Dahan-dahan nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Tyler, tila hindi komportable.“P-pasensya na… pero hindi ko kayo kilala.”Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Tyler. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya napaghandaan.“Hindi… hindi pwede ‘to…” bulong nito sa sarili. “Doc! Anong nangyayari sa kanya?!”Lumapit ang doktor, maingat na sinilip ang reaksyon ni Jolisa. “Possible po na nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa trauma at malakas na pagtama ng ulo niya. Kailangan pa po natin siyang obserbahan.”“Temporary lang, doc, hindi ba? Babalik din ang alaala niya?” tanong ni Tyler, puno ng pag-asa.“May posibilidad, sir. Pero hindi po natin masasabi kung kailan. Ang importante ngayon ay nagising na siya, Mr. Blacksmith. Yun ang ipagpapasalamat
Nakita niya kung paano pagmasdan ni Tyler si Jolisa na puno ng pagmamahal. Hinaplos nito ang kamay ni Jolisa na may mga kalmot. Siguradong galing iyon sa kanyang kuko noong nag-agawan sila ng baril. May mga kalmot din naman siya galing sa kuko ni Jolisa pero hindi gaano dahil maiksi ang kuko nito. Di tulad ng sa kanya.“Magigising ka rin, love… alam ko,” bulong ni Tyler kay Jolisa na buo ang pag-asa.Napatigil si Pretzel sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang lambot ng boses ni Tyler. Ibang-iba ito sa nakasanayan niyang nakikita, ang seryoso, matigas, at laging kontrolado. Parang lumalambot ito pagdating kay Jolisa.At doon, may kung anong kumirot sa loob niya. Ngunit mabilis niyang binawi iyon. Hindi ito ang oras para sa ganoong pakiramdam. Hindi siya dapat madistract.“Tyler…” muli niyang tawag, mas mahina na ang tono. “Siguro dapat magpahinga ka muna. Ako na muna ang magbabantay sa kanya.”Umiling si Tyler. “Ayos lang ako.”"“Pero kanina ka pa dito. Hindi ka pa kumakain
Pagbalik ni Pretzel sa loob ng ospital ay pumunta siya sa kwarto ng kanyang daddy. Hindi na siya nag-abalang kumatok at dumiretso ng pasok, umupo sa sofa at tila pagod na pagod.Kamusta na si Dad, Yaya Mel? Nagising na ba siya? Tanong niya sa kanyang yaya. Ito ang tinawagan niya para samahan siyang magbantay doon kay Dad.Nagising na kanina si mayor, ma'am, at hinahanap ka.Tumango lang siya habang nakatingin sa kanyang nasirang nail polish habang nagse-sex sila ni Paolo kanina.That was intense. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang panginginig ng kanyang katawan. Ang galing talaga ni Paolo. Pero ganun pa man ay hindi pa rin siya lubos na masaya. Ang gusto niyang matikman ay si Tyler. Nakita niya kung paano nito romansa-hin si Jolisa habang pumupuslit siya sa bahay nito kada gabi.Kapag maikama siya ni Tyler, sisiguraduhin niyang iyon ang pinaka masarap na sex na matitikman ng lalaki. Walang wala si Jolisa sa kanya. Halatang walang alam sa pagpapaligaya ng lalaki. Pero kung
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke
"Bhie, sure na lilipat ka sa Manila?""Oo.. yun ang gusto ng amo ng nanay. Saka okay na din iyon para makasama ko naman si nanay.""Bisitahin mo ako dito palagi ha.""Syempre naman! Ikaw pa ba?" Kinurot pa ni Rosie sa pisngi ang lalaki na muli niyang ikinaselos. Bakit hindi ginagawa iyon ni Rosie s
"Tikman mo na, Kuya," muling sabi nito. Natatawang kinuha niya ang kutsara at tinikman ang ulam. Napangiti siya nang malasahan ang pinagmamalaki nitong paboritong ulam. Nagtatalo ang anghang at asim na may konting alat dahil sa bagoong. Dumagdag pa sa sarap ang malambot nitong baboy saka ang priton
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Bagu







