Share

CHAPTER 1079

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-10-12 10:51:16

“Babe... Aria is trying to escape from work. Aalis na daw siya, hindi pa nga tapos ang work niya,” sumbong ni Madison.

“Si Dad ang nag-utos sa kanya, Madison.. si Dad naman ang boss dito at hindi ikaw, ‘di ba?” Naiinis na siya sa panggigipit ni Madison kay Aria.

Nagulat si Madison sa pamamaraan ng kanyang pagsagot, agad itong kumapit sa kanyang braso. “Saan ba kayo pupunta? Pwede din ba akong sumama?”

“Magpa-parlor lang si Aria, sasamahan siya namin.”

“Huh? Hindi ba siya marunong? Bakit kailang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (43)
goodnovel comment avatar
Winny
basta pag sa gobyerno nagtratrabho oras ng trabaho lagalag ang inuuna... tsk tsk walang pag unlad
goodnovel comment avatar
Beverly Estodillo
update please..
goodnovel comment avatar
Hilda Angud Fontejon Medes
Nitukar na pud iyang dugay update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1490

    Pumikit siya habang nakasandal ang dalawang kamay sa sementong gilid ng pool. Ninamnam niya ang sarap ng pakiramdam. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang ganoon. Parang nakatulog na nga siya roon.Ngunit bigla siyang nabigla nang may humawak sa kanyang balikat kaya agad siyang napabalikwas.“Hey… it’s me.”Parang natigil ang kanyang paghinga... Si Tyler ang nasa tabi niya.“W-what are you doing here?”“Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo narinig, so I used my card key.”Napakunot-noo siya. “Huh? Bakit may susi ka sa kwarto ko?” saka wala naman siyang narinig na katok.Ngumiti ito nang tipid. “I was about to check in, pero fully booked na.”“Huh?”Bigla siyang nataranta. Magsha-share sila ng room?Parang nabasa ni Tyler ang kanyang iniisip kaya lalo itong ngumiti.“Can I stay here for tonight?”“Ah… eh… uuwi na lang ako sa condo. Si Lola Beth naman ang nagbayad nito. Mas may karapatan kang mag-stay dito.”“Please stay, Jolie,” mahinang wika nito sabay hawak sa kanyang kamay.

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1489

    Dali dali siyang naglakad papasok ng hotel. Alam naman niyang paninira lang ni Tiffany iyon para galitin siya, pero naniwala pa rin siya. Pero malay ba naman niya kung pinatulan nga talaga ni Tyler si Tiffany? Sa tagal ng panahon na magkasama ang dalawa, imposibleng hindi ito natukso. Sobrang ganda, sobrang sexy ni Tiffany, at may nakaraan pa silang dalawa. Tyler was once madly in love with Tiffany.Habang naglalakad ay saka lang niya na-realize ang pagkakamali niya. Nang makilala siya ng mga tao ay bigla siyang pinagkaguluhan.Mabuti na lang at maagap ang mga bodyguard na itinalaga nina Lola Beth para sa kanya. Agad siyang pinalibutan ng mga ito upang hindi siya masyadong lapitan.“Miss Jolie, pa-picture naman!”“Nakita namin kayo kanina ni Daniel sa premiere ng pelikula n’yo. Ang sweet n’yo! Bagay kayo!”“Pwede po bang magpa-picture?”Nahihiya siyang tumango. “S-sige.”Isa-isa niyang pinagbigyan ang mga gustong magpa-picture. Nasa tabi lang ang mga bodyguard para hindi magkagulo.“

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1488

    Napakurap siya nang ilang beses habang nakatitig sa binata sa driver’s seat.“T-Tyler?” hindi makapaniwalang ulit niya, halos pabulong.Tahimik lang itong nakasandal sa upuan habang isang kamay ang kampanteng nakahawak sa manibela. Nakasuot ito ng simpleng itim na polo, ngunit kahit ganoon kasimple ang ayos ay hindi maitago noon ang natural na tikas at gwapo nitong mukha. Mas naging matipuno ito kumpara noon. Mas matured, mas malamig ang titig. Ngunit ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya... nakakagulo ng isip, parang bumalik lahat ng alaala sa isang iglap.“Miss me?” tanong nito. Seryoso ang mukha nito ngunit may kung anong lalim sa boses na lalong nagpakaba sa kanya.Agad siyang umiwas ng tingin. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ngayong magkatabi silang muli sa iisang sasakyan, hindi niya ito inaasahan.Kanina, nang makita niya ito sa loob ng sinehan, inakala niyang namamalikmata lang siya dahil agad itong nawala. Pero hindi pala, totoo palang bumalik na si Tyler. At kun

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1487

    Umiling ang dalawang matanda.“Ayaw ko lang na may nang-aapi sa apo ko,” mariing sabi ni Lola Beth bago marahang hinaplos ang buhok niya. “Anyway, congratulations ha? Ang galing-galing mo.”Napangiti siya kahit nangingilid pa rin ang luha sa kanyang mga mata. “Hihihi… thank you, Lola. Thank you rin po, Lolo.”Biglang nagsalita si Lolo Gregore habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa kanya.“At tandaan mo,” malamig nitong saad, “kapag sinubukan ka nilang sirain… kami ang unang sisira sa kanila.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig.“Walang sinuman ang pwedeng bumangga sa’yo hangga’t nandito kami ng lola mo.”Tuluyan nang bumigay ang puso niya. Hindi niya napigilang muling yumakap sa dalawang matanda nang mahigpit.Napangiti naman si Dolor habang pinagmamasdan sila. “Jolie…” mahina nitong bulong na may halong inggit at tuwa. “Ang swerte mo naman sa lolo at lola mo…”Nagbulungan din ang mga taong nasa paligid, halatang naaantig sa eksena.“Akala ko ulila siya…”“Ka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1486

    Lalo siyang napahiya sa mga naririnig. Nanginginig ang labi niya habang pilit pinipigilan ang pag-iyak. Pakiramdam niya’y gusto na lamang niyang maglaho sa harap ng napakaraming tao.“Jolie…” mahinang tawag ni Lola Beth habang hinahaplos ang kamay niya. “Binubully ka ba talaga ng apat na ’to?”Mabilis siyang umiling kahit nangingilid ang luha. “Wag n’yo na silang pansinin, Lola… lalaki lang ang gulo.”“Anong ‘wag pansinin’?” singhal muli ng ama ni Queenie habang masamang nakatingin sa kanya “Baka hindi mo alam, hija, kaya kitang ipatanggal sa industriya sa isang utos ko lang!”Agad na nanigas ang paligid. Napatingin ang lahat sa kanya. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay malamig na natawa si Lolo Gregore.“Sige,” kalmado ngunit nakakatakot nitong sabi. “Subukan mo.” Unti-unti nitong itinaas ang tingin sa heneral. “At papalisin din kita sa pwesto mo bilang general.”Biglang namutla ang ama ni Queenie. Magsasalita pa sana ito ngunit mabilis itong nilapitan ng ama ni Heather at pabulong

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1485

    Bigla niyang itinulak si Daniel na parang napapaso sa pagkakadikit nito sa kanya. Halos mapaatras pa ang binata sa lakas ng pagkakatulak niya dahilan para mapatingin ang lahat sa kanila... mga cameraman, reporters, pati ang fans na nagkakagulo sa paligid. Sandaling natahimik ang buong venue.“What happened, Jolie?” natatawang tanong ni Daniel, pilit na pinapagaan ang sitwasyon kahit halatang nagulat din ito. Mabilis siyang hinawakan ni Daniel sa kamay, mahigpit ngunit maingat, na para bang pinapakiusapan siyang makisabay na lamang sa harap ng mga camera.“A-ah… wala. Nagulat lang ako,” mabilis niyang palusot sabay pilit na ngumiti sa harap ng media. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay mabilis na tibok ng puso ang nararamdaman niya.Lihim siyang napatingin muli sa direksyon kung saan niya nakita si Tyler kanina. Ngunit wala na roon ang lalaki. Para bang isang ilusyon lang itong biglang naglaho. Mabilis siyang naglibot ng tingin sa paligid, umaasang masisilayan pa ito, pero kahit anino a

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 923

    LILLY'S POV: Nagising siya kinabukasan na malapad ang ngiti sa kanyang labi. Lalo na nang makita si Twinkle sa tabi niya. Kaya pala sa panaginip niya ay katabi niya si Finn sa pagtulog, naamoy niya ang pabango ng binata kay Twinkle. "Good morning baby.. did you sleep well dito sa dati mong kwart

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 921

    FINN'S POV:Napakasaya niya. Para siyang baliw na nakangisi habang nagda-drive. Hindi niya mapigilan lalo na’t okay na sila ni Lilly. Isa na lang ang problema niya.... Si Vanessa.Kailangan kumbinsihin niya itong magpa-therapy nang sa ganoon ay paggaling nito ay puwede na siyang manligaw kay Lilly,

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 945

    Hindi pa man sila tapos ng pagkain ay dumating si Precious. "Hi!" dire-diretsong pasok nito sa bahay. "Late na ba ako sa dinner?" tanong nito saka umupo sa isang bakanteng upuan doon. "Kumain ka na diyan, iha," sabi naman ni General kay Precious. Mukhang palagi si Precious doon, naiinggit siya d

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 916

    LILLY'S POV:Kanina pa siya pagulong-gulong sa kanyang kama pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis si Finn sa utak niya.Kanina pa umalis ang mommy niya pero hindi pa din mawala sa isip ang sinabi nito na kung hindi man si Finn ang para sa kanya ay balang araw makikita din siya ng lalaking

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status