Pagdating sa gate ng school, halos mabagal ang paglalakad niya. Hindi dahil sa kabado siya... well, konti lang!… pero dahil alam niyang madaming matang nakatingin sa kanya.At hindi siya nagkamali. Habang naglalakad siya sa hallway papuntang gymnasium, ay napapalingon ang mga estudyante.“Wait, si Lilly Rose ba ‘yan?”“OMG! Ang ganda niya pala!”“Parang ibang tao!”“Look at her bag and dress. Nakita ko 'yan sa mamahaling shop. Mayaman pala siya?”Narinig niyang usapan ng mga babaeng nagtitipon-tipon sa hallway. Nahihiya siya dahil siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi kasi sila sanay na makita siyang nakaporma.Pagpasok ng gym ay hinanap agad ng mata niya si Finn. Nakatitig din pala ito sa entrance ng gym na parang may inaabangan kaya nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam pero parang namalikmata si Finn sa kanya. Sandali itong natigilan na tila kinikilala siya.... Kinawayan niya ito.Agad naman itong ngumiti nang makumpirma nitong siya nga iyon. Lumapit ito sa kanya. “Wo
LILLY'S POV:Nakatitig lang siya sa papalayong kotse ni Finn… hinalikan na naman siya nito. Kahit pa smack lang iyon ay hindi pa rin siya komportable. Pinapanindigan talaga nito ang pagiging mag-nobyo nila. Ayaw man niyang aminin pero may kilig siyang nararamdaman. Hindi niya akalaing sweet pala si Finn at hindi naman ito mayabang tulad ng pagkakakilala niya dati. In fact, napaka-sweet nito. Masarap sigurong maging nobyo ang lalaki.Ipinilig niya ang ulo sa mga naiisip. Si Peter ang gusto niya at hindi si Finn. Hindi totoo ang sa kanila ni Finn at isa lang iyong kasunduan.Pangiti-ngiti siyang pumasok sa bahay nila dala ang kanyang mga gamit. “Lilly!” tawag ng kuya niyang nasa couch kasama si Ate Rosabel. “Yes, kuya?”“Bakit ka nagdadala ng lalaki dito sa bahay?”“Bakit, kuya? Masama ba? He is just a friend.” pagdadahilan nya“Friend? Eh bakit may rose ka? Galing ba 'yan sa kanya?”“Ano namang masama?” pasupladang sabi nya. “Hindi siya nanliligaw sa akin, promise!” Hindi naman niy
Pagdating niya sa harap ng mansion nina Lilly ay tinigil niya ang kotse. First time niyang nakapunta doon.“Dito pala kayo nakatira?” wika niya saka nilibot ang tingin sa paligid.“Gusto mo pumasok muna?” ay Lilly“Nakakahiya...” sambit niya, pero ang totoo ay gusto pa niyang makasama si Lily ng matagal.“Hindi, it's okay. Kilala ka naman ni Mom and Dad. Saka friend nila ang dad mo.”“Sige...” sambit niya.Sinenyasan ni Lily ang guard na buksan ang gate para makapasok ang sports car niya. Kung maganda ang labas ng bahay, ay mas maganda pa pala ito sa loob, at ang daming mga sasakyan na nakaparada doon. Kung mayaman sila, ay hindi naman maipagkakaila na mas mayaman ang mga Miller-Enriquez.Paglabas nila ng kotse niya ay inaya siya ni Lily na umupo sa bench doon sa garden banda. Ang cute nito dahil dala-dala pa din nito ang rose na binigay niya.“Yaya! Pwede mo ba kaming dalhan ng snacks dito?”“Opo, Senyorita,” wika ng yaya saka pumunta ng kusina.“I'm so amazed na sobrang yaman mo pe
FINN ASHTON'S POV:Natatawa siya habang umiikot papunta sa driver's seat ng sports car niya. Naaaliw siya sa kaibigan ni Lilly na si Precious. Nagtanong pa ito ng pabulong kay Lilly kung malaki daw ba ang "ano" nya.Napaisip tuloy siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito kung sila lang dalawa?Pagsakay niya sa driver's seat ay hindi pa rin makatingin ng diretso si Lilly sa kanya. He finds it cute. Naaliw siya sa set-up nilang dalawa."Ano ba ang tinatanong ng kaibigan mo? Kung malaki daw ang 'ano' ko? Pinag-uusapan niyo ba ako kapag kayo lang?" tanong niya kay Lilly."Shut up, Finn! Don’t flatter yourself... ni hindi nga kita lubos na kilala! How would I know about you? At ano naman ang alam ko sa 'ano' na sinasabi ni Precious? How would I know?""You wanna know? Ipakita ko sa’yo kung gusto mo!""Eeiw Finn, nakakadiri ka!" sigaw ito pero halatang naiilang.Lalo siyang natawa. Ang sarap talagang biruin si Lilly. Napaka-gullible nito."Ang cute naman ng girlfriend ko..." wika niya sak
Shit! Hindi ba nila kilala kung sino ako? Baka kapag pinakitaan ko kayo ay lumuwa ang mga mata niyo?... inis na sabi niya sa sarili. Mukhang chinachallenge talaga siya eh. Porke ba simple lang siya manamit ay hindi na siya magugustuhan?Abangan nyo bukas, papakitaan ko kayo ng tunay na Lilly Rose Enriquez!... inis na sabi niya sa sarili."Ano ang sinisimangot mo d'yan?" nagtatakang tanong ni Finn."Iniinis ako ng mga babae dun eh. Bakit mo daw ako nagustuhan kung simple lang ako?""Hahaha... hayaan mo sila. Inggit lang ang mga 'yun."Hindi siya nagsalita pero may plano na siya para bukas."Dito na ang classroom ko," sabi niya ng makarating na sila sa first subject nyaBinigay ni Finn ang bag niya. "Mamayang uwian, sabay tayong umuwi ha. Ihahatid kita.""W-wag na... magpapasundo naman ako sa driver ko.""Sige na... gusto ko eh. One month lang tayo magkarelasyon kaya sulitin ko na.""Hahaha... kulit mo!""Naawa lang ako sa'yo noh... Wala kasing nanliligaw sa'yo kaya para naman ma-experi
Finn did not stop kissing her. Hindi lang iyon basta kiss. In fact, ginagalaw pa nito ang labi. Hindi siya marunong kaya parang tuod lang siyang naningas doon."Ggrrr!"Narinig niyang inis na sabi ni Shelie saka nagmartsa palayo sa kanila kasama ng mga alipores nito.Nang makaalis na ang mga ito ay tinulak niya si Finn. "What was that for?!" inis na sabi niya pero ang totoo ay nanginginig pa din siya. Iyon pala ang feeling ng halik ng isang lalaki?"Ayaw nilang maniwala na girlfriend kita eh," patawa-tawa pang sabi ni Finn."You should not do that! It's in our contract!" sabi niya saka hinampas ang kontrata sa mukha nito.Natawa si Finn sa kanya. "Seryoso ka talaga dito ha..." wika nito habang binabasa ang ginawa niyang kontrata."Number 1: NO KISSING? I guess hindi na 'yun kasama. I just kissed you. Saka sino ang maniniwala na girlfriend kita kung hindi kita hahalikan? I'm a touchy kind of guy. Saka nagustuhan mo naman halik ko, 'di ba?""O-of course not! You're such a lousy kisser!