******************* AMBER: Lihim na nagngingitngit ang kalooban niya nang marinig na si Beverly ang hinahanap ni James at hindi siya. Di kaya may nasabi na si Angus kay James bago pa man siya dumating? Humanda ka, Angus. Sisirain din kita! wika ni Amber sa sarili. “Nag-aalala ako para sa kalagayan ng anak ko, Doc Angus. Baka nalason na ni Beverly ang utak ng anak ko,” wika ni Tita Evelyn. “James is fine, Tita. Wag kang mag-alala. Sa tingin ko nga ay unti-unti na siyang nagigising sa katotohanan,” pasimpleng sagot ni Angus na ikinainis niya. Parang nagpapahaging ito sa kanya. Muli niya itong tiningnan ng masama. Wag mo akong hamunin, Angus. Baka gusto mo ding sumunod kay Alastair? wika niya sa isip habang pinapatay na si Angus sa kanyang isip. “Why is James calling Beverly "Bebe" na parang may ugnayan na sila?” tanong ni Tita Evelyn. “Can’t you see, Tita? Beverly is James’ mistress. Nakipagrelasyon siya kay James while having an affair also with John. She’s a slut! Tin
************ JAMES' POV:"M-mom…" mahinang wika niya nang magising siya ulit. Dali-daling pumunta ang mommy niya sa tabi niya."Anak!… salamat at nagising ka na ulit. May nararamdaman ka ba? Magpapatawag ako ng doktor? sunod-sunod na tanong nito sa kanya. "W-wag na, Mom… okay lang ako..." Pilit nyang salita. Ang kapatid niyang si John ay tumayo din sa kabilang gilid ng kama niya pero hindi siya pinapansin. Alam niya masama ang loob nito sa kanya."J-John…" tawag niya sa kapatid. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at hinawakan ang kapatid."Wag ka munang magsalita, Kuya… mahina ka pa, kailangan mo ng pahinga." Malamig na wika nito para halatang nag-aalala. "J-John, where is Beverly?"Nagkatinginan ang mommy at kapatid niya na parang may tinatago sa kanya."I don’t know, Kuya…""W-what do you mean you don’t know? W-wag mo siyang pabayaan... nasa panganib ang buhay niya kay Amber...""Wag kang magsalita ng ganyan sa asawa mo! Bakit naman sasaktan ni Amber si Beverly? Wala siyang r
Namuti ang mukha nito nang marinig ang tanong niya. "I did nothing to her! Ang mga pulis ang nagkulong sa kanya dahil kasabwat niya si Alastair sa planong pagpatay sa’yo!" Putol-putol na wika nito. Hindi nito inaasahan sa sasabihin nya. "Because that’s what you said to the police, kaya kinulong siya kahit walang ebidensya!" balik sigaw nya dito."What's the fuss all about, James? Bakit mo ako ginaganito? Hindi mo ba nakikitang makaka-sama sa akin ang mga pinagsasabi mo dahil buntis ako sa anak mo???" Umiiyak na wika nitong nagpapa-awa. "Pinagbibintangan mo ako ng kung ano-ano para protektahan ang kabit mo? Huhuhu…""Stop it, Amber! You’ve had enough!" Si Angus naman ang nagsalita. Nagulat siya sa reaksyon nito at sa pakikisali sa usapan nila ni Amber."Wag mo nang bilugin ang mga ulo nila. Hindi na ako makakapayag na saktan mo ang kaibigan ko para sa kapakanan mo, Amber!" dagdag pa nito. "What are you talking about, Doc Angus? Bakit ganyan ang mga pinagsasabi mo kay Amber?" Galit na
"Yes po, Tita. She is my wife at ang pinsan niya ay si Beverly Catalan aka "Bebe." Hindi man inamin ni James sa amin pero duda kaming may relasyon ang dalawa noon pa. Girlfriend siya ni James sa Pilipinas. Ang hindi lang namin alam ay kung bakit andito si Bebe sa Scotland at magkasama ang dalawa samantalang hiwalay na sila noon pa."G-girlfriend mo si Beverly, Kuya?" nag-aalangan tanong ni John."P-pasensya ka na, Bro... hindi ko nasabi kaagad sa inyo. Unang kita ko kay Bebe sa bahay na kasama mo at pinakilalang girlfriend ay natakot kaagad ako. Ayaw kitang saktan dahil nakita ko kung gaano ka kasaya kay Bebe..." paliwanang nya. "You mean... si Bebe ang kinukwento mong girlfriend sa Pilipinas, anak?" tanong naman ng Mommy nya."Y-yes, Mom… pasensya na kayo kung hindi ko nasabi kaagad sa inyo. Hindi maganda ang paghihiwalay namin bago pa man ako umuwi ng Scotland. Akala ko ay mananatiling pagkamuhi ang mararamdaman ko para kay Bebe at kaya kong ipagkatiwala na lang siya kay John... pe
********** BEBE'S POV: Nagising siya sa isang hindi pamilyar na kwarto at nakahiga sa magarang kama. Inilibot niya ang paningin sa paligid... pilit iniisip kung nasaan siya. Unti-unting naging pamilyar ang lugar na iyon, pero bago pa man niya maalala ng tuluyan ay agad na bumukas ang pinto at pumasok doon ang Ate Jonie niya. Biglang lumapad ang ngiti niya nang makita ang pinsan. Malaki na ang tiyan nito... sa pakiwari niya ay manganganak na ito anumang oras. "Hi, Ate!" sigaw niya saka agad na bumangon sa kama, pero bigla siyang nahilo at muling humiga. "Wag ka munang gumalaw... mahina pa ang katawan mo," nag-aalalang sambit ng pinsan niya. "Bakit, Ate? Ano ang nangyari sa akin?" tanong niya habang hawak ang ulo niya. "Ha... ah, eh... wala naman. Baka nasobrahan ka lang sa tulog. Magpahinga ka muna diyan." Inayos na din ni Ate Jonie ang unan na paghihigaan niya. Ngumiti siya at inayos ang paghiga. Maya-maya, pumasok na din sa kwarto si Tita Beth at Tito Gregore. "Welcome back,
*************** JAMES' POV: Kasalukuyan siyang nag-iisa sa kwarto niya. Ang mommy niya ay umuwi sandali para kumuha ng ilang gamit na kailangan niya. Si John naman ay bumili lang sandali ng pagkain para sa kanila. Tinatamad na siyang kumain ng pagkain sa ospital. Magdadawang linggo na siya doon simula nang magising siya. Hindi pa siya pinapayagang lumabas dahil kailangan pa niyang magpagaling ng lubusan. Si Amber ay dinala sa mental health facility dahil nalaman na mayroon siyang sakit sa pag-iisip. Ayaw sana niyang pumayag dahil mas gusto niyang ikulong ito, pero hindi pumayag ang pamilya nito. Wala din naman siyang magagawa dahil iyon ang findings kay Amber. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya. Pero sinabi naman ng mga taga-facility na hindi na makakalabas si Amber doon, kaya para na din siyang nakakulong. Ilang beses nang bumalik ang mga magulang nito sa kanya para humingi ng tawad at patawarin na lang si Amber, pero hindi siya pumayag. Kailangan nitong managot sa pagpa
Pauwi na siya ng bahay nang sa wakas ay napalabas na siya ng ospital. Si John ang nagda-drive at siya naman ang nasa passenger's seat."Siguradong magugulat si Mommy at Daddy na nakauwi ka na, Kuya. Hindi nila alam na ngayon ang labas mo ng ospital," wika ni John habang nagda-drive.Tumango lang siya. Hindi na nakapunta ang Mommy at Daddy niya sa ospital tulad ng dati dahil naging malungkutin na ang dalawa sa nangyari sa kanya.Naging mahina ang Mommy niya. Halos hindi na ito kumakain. Dinibdib nito ang nangyari kay Beverly. Sising-sisi ang Mommy niya. He knows his mom loves Beverly so much.Tumingin lang siya sa labas ng bintana. Kung kailan nakalabas na siya ay biglang hindi niya na alam ang gagawin. Kung noong nasa ospital siya ay ang dami niyang plano... ngayon ay parang bigla siyang natakot. Hindi pala madali ang plano nyang gagawin niyang makipaglapit kay Bebe ulit.Wala din siyang makukuhang suporta sa mga kaibigan niyang sina Clark at Ken, at siguro’y galit din sa kanya si Jon
Kinabukasan ay lumipad agad sila ni John papuntang Manila. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, dumaan lang sila sa condo niya para iwan ang mga bagahe nila, saka kumuha ng kotse at bumiyahe na ulit papuntang Pampanga kung saan ang rancho ng mga Miller. Alam niyang nandoon si Bebe dahil doon din namalagi si Jonie.Siya ang nagda-drive at si John naman ang nasa passenger's seat."Pwede bang mag-drive-thru muna tayo, Kuya? Gutom na gutom na ako. Parang wala ka atang planong pakainin ako!" reklamo nito habang humihikab.Madaling araw ang flight nila galing Edinburgh, tapos may stop-over pa sa Dubai hanggang sa makarating sila ng Manila. Kung siya lang ay hindi naman siya nakaramdam ng gutom. Mas natuon kasi ang isip niya sa kung paano ang muling pagkikita nila ni Bebe... kinakabahan kasi siya.Sana lang ay payagan siya ni Jonie na makausap si Bebe. Sina Ken at Clark ay kanina pa niya tinatawagan pero hindi siya sinasagot ng mga kaibigan. Hindi pa alam ng mga ito na dumating na siya sa Manil
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis