Share

CHAPTER 745

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-05-25 21:02:27
Nang makarating sila sa restaurant na sinasabi ng nanay niya, ay agad silang sinalubong ng kumare nito. Hindi niya kilala ang ginang. Marahil ay bagong kaibigan ito ng nanay niya.

"Mare... salamat at napadalaw ka. Eto na ba ang anak mong si Rosabel?"

"Oo mare, siya nga si Rosabel. Kakarating lang niya galing America. Doon siya nagtatrabaho."

"Abah, ang gandang bata nga. Di ko akalaing meron ka palang ganitong kagandang anak."

"Hahaha... syempre mana sa akin, mare."

"Parang hindi naman!"

Natawa sila sa biro ng kumare ng nanay niya. Di nga sila magkamukha ng nanay niya dahil mana siya sa tatay niyang Black American kaya parang Beyoncé ang beauty niya.

"O siya, pakainin mo na kami mare, baka kung saan pa mapunta itong usapan natin."

Natawa naman ang ginang sa sinabi ng nanay niya at iginiya sila sa isang table for 6. Magkatabi sila ng nanay niya, pero sa kabila naman ay si Gray. Naiinis siya dahil maging doon ay hindi man lang ito dumistansya sa kanya kahit sandali lang.

Lutong-bahay at F
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jhenny
Hirap basahin dami po mali.....
goodnovel comment avatar
Jie Ninobla
Pati nag babasa author utal na ......
goodnovel comment avatar
dyowanabi
pasencya na po. di ko pa pala na edit ito ng maayos na publish ko agad. ipapayos ko po sa editor ko.salamat sa pag intindi. =)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 751

    Kasalukuyan siyang nasa airport. Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan niya papuntang Cebu. Alas singko pa lang ng umaga at medyo madilim pa ang langit. Magta-taxi na lang siya papunta sa hotel. Wala naman kasing susundo sa kanya doon. Hindi rin naman alam ni Gray na pupunta siya dahil hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang cellphone nito. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa hotel. Napaisip tuloy siya... imposible atang hindi na ito nagbubukas ng telepono? Paano na ang mga importanteng tawag nito? Tungkol sa opisina? Siguradong tatawagan ito ng sekretarya. Di kaya sya lang ang hindi makatawag sa lalaki? Bli-nock ba nito ang number niya? Hmp! Masyado ka nang paimportante, Grayson Enriquez?! Ako na nga itong lumalapit sa'yo?... inis na wika niya sa sarili. Pagdating ng hotel ay tinulungan siya ng driver na ibaba ang maliit niyang maleta. "Thank you, kuya" aniya saka binigyan ito ng isang libo. "Keep the change po." sambit niya. Malapit lang naman ang airport sa hotel

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 750

    "Nay, babalik na kami sa Manila ni Lilly..." paalam niya. Alas tres na ng hapon at kailangan na nilang bumiyahe para hindi sila gabihin sa daan. Naiiyak siya dahil kulang ang isang araw na magkasama sila ng nanay at lolo't lola niya. "Bisitahin ko na lang kayo ulit dito ha" singhot niya habang yakap-yakap ito. "O 'di kaya ako naman ang bisitahin niyo doon. May condo naman ako sa Manila kaya may matitirhan kayo." "Sige anak, bisitahin ka namin doon habang hindi ka pa pinapabalik ni Ma'am Jonie sa America. Susulitin natin ang time na andito ka sa Pilipinas." "Mag-ingat ka doon, apo... ingatan mo palagi ang sarili mo. 'Wag kang magpupuyat at magpapakapagod, ha." "Opo, lola." Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. Maging si Lilly ay nagpaalam na rin sa pamilya niya. Sumakay na sila sa kotse na si Mang Berting ang driver. Panay pa ang kaway nila habang papalayo ang kotse. "Ate, nakakaiyak naman..." nahawa ata si Lilly sa kanya at umiiyak din ito kahit hindi naman nito pamilya. "Gus

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 749

    Nagising siya kinabukasan na mabigat pa rin ang dibdib. Unang ginawa niya ay tingnan ang cellphone... walang kahit isang message o tawag mula kay Gray.Ngayon lang niya na-experience na nagalit si Gray sa kanya ng ganoon. Usually ay magagalit lang ito sandali pero kahit kasalanan niya ay ito pa rin ang ang so-sorry. Pero ngayon ay tiniis siya ni Gray.Pinilit niyang bumangon. Ayaw niyang makita ni Lilly na may pinagdadaanan siya. Dumiretso siyang banyo habang tulog pa ang dalaga. Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Ang plano ay iikot sila sa Baguio. Ipapasyal nila si Lilly. Saka bonding na din nila ng mag-ina’t pati na ang kanyang lolo’t lola.Paglabas niya ng banyo ay gising na rin si Lilly.“Good morning, Ate. Ang aga mo ata gumising!” bati ni Lilly habang humihikab pa. Hindi na niya sinabi na hindi naman siya masyadong nakatulog sa kakahintay sa tawag o message ni Gray.“Ah, hindi naman.. kakagising ko lang din” pagsisinungaling niya.“Ahm Lilly…" tawag pansin nya sa dalaga. "Nags

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 748

    "Hi Ate… sorry, nauna na ako dito sa room mo ha. Na-shower na din ako… ang tagal niyo kasi!" rekllamo ni Lilly habang nag kukuskus na ng mukha nito ng skincare."Ah, namatayan kasi si Gray ng kotse.""Oo, nga, nasabi ni Yaya Cynthia. Kaya pala di na kayo nakasunod sa amin.""Maliligo lang ako ha." Paalam niya kay Lilly. Ayaw niyang mapansin siya nitong wala sa mood. Sinadya na niyang tumagal sa banyo para paglabas niya ay tulog na si Lilly at hindi na siya nito kausapin. Malakas ang pang-amoy ng babaeng ‘yon. Alam nito kung may nararamdaman siya o wala.Hanggang ngayon ay iniisip niya pa din ang mga sinabi ni Gray sa kanya. Bakit bigla siyang na-guilty? Bakit parang siya na ngayon ang walang kwenta?Dapat kakausapin niya si Gray, nasasaktan din siya na nasasaktan ito. Dapat maipaliwanag niya din ang nilalaman ng puso niya.Tinapos niya ang pagligo, pupuntahan niya si Gray sa kwarto nito.Paglabas niya ng banyo ay nakatulog na si Lilly, marahil dahil na din sa pagod. Dali-dali siyang n

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 747

    Natigil lang ang kanilang pag-aaway nang nag-ring ang cellphone niya. Doon siya nahimasmasan ng galit. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag... ang nanay niya ang tumatawag."Hello anak? Andito na kami sa bahay. Hindi ba kayo nakasunod sa amin?""P-pasensya na, Nay. Namatay kasi ang makina ni Gray." pagsisinungaling niya. "Pero okay na ngayon. I-text mo na lang ang address at pupunta na kami diyan.""Sige, anak. Mag-ingat kayo."Pagpatay niya ng telepono at namayani na nman ang katahimikan sa loob ng kotse. Mga buntong-hininga lang nila ang kanilang naririnig."Hinihintay na tayo nina Nanay..." tipid na sabi niya. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago paandarin muli ang makina.Binigay niya ang message ng nanay niya na address pero hindi pa din siya nagsasalita. Mainit pa din ang ulo niya."Kung nagpaparamdam ka lang sana sa akin sa loob ng dalawang taon, di sana alam kong may hihintayin pa ako. Ano ba naman na mag-reply ka sa mga message ko? Ano ba naman na sagutin mo ang ta

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 746

    Hi Venice... I'm Lilly. Agad namang sabi ni Lilly para hindi mapahiya si Venice."H-hi Lilly... maiiwan ko muna kayo ha... May aasikasuhin lang ako sa kusina...""Bye..." nakangiting wika ni Lilly. Mabuti na lang at andoon si Lilly, kung hindi ay napaka-awkward talaga ng sitwasyon.Nakasimangot na siya habang kumakain. Naiinis siya sa ugali ni Gray. Napakabastos nito sa mga babae. Ano ba naman na mag "Hi" lang nito kay Venice. Maging siya ay napahiya sa ugali nito."Kain na anak. Walang bawas yang order mo, akala ko ba gusto mo ang mga ito?" sabi ng nanay niya.Sandaling kinalimutan niya ang inis kay Gray, nakakahiya din sa nanay at lolo’t lola niya kung magtantrums siya doon. Pero mamaya, sisiguraduhin niyang pagsasabihan niya si Gray."Gusto mo pa ng karne sa bulalo?" tanong nito pero nilalagyan na siya sa pinggan niya "How about kare-kare?" Todo asikaso ito sa kanya."Pwede bang ako na... kaya ko naman..." mahinang sabi niya. Alam niyang tinitingnan na din sila ng nanay at lolo’t l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status