Share

CHAPTER 744

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-05-24 23:24:28

"Hindi kayo nagpasabi na parating pala kayo. Di sana ay naghanda ako ng pagkain."

"Okay lang, nay. Tara doon sa restaurant para makagala naman si Gray at Lilly dito."

"O siya sige… sandali lang at magbibihis muna kami ng lolo at lola mo."

Habang silang tatlo na lang ang nasa sala, ay napatingin siya sa paligid ng kanilang bahay. Ibang-iba na ito mula noong huling umuwi siya doon. Napaayos na ito ng nanay niya dahil sa mga perang pinapadala niya. Mas komportable na ito kaysa sa dati. Meron ding biniling house and lot ang nanay niya sa isang malaking subdivision doon, pero hindi sanay ang lolo at lola niyang tumira doon dahil mas gusto nilang manatili sa orihinal na bahay nila. Nandoon daw kasi ang mga kaibigan nila na pwedeng makakwentuhan sakaling mabored.

Habang nag-iisip ay nagulat siya nang hawakan ni Gray ang kamay niya at pinisil iyon.

"I’m proud of you, Rosie. Ibang-iba na ang bahay n’yo kaysa dati… at dahil ‘to sa pagsisikap mo. I’m proud of you"

Nagulat man siya sa ginawa nito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (36)
goodnovel comment avatar
Angeline Fello
mag 12 na uli to mag update ...
goodnovel comment avatar
Lyn-ana Ferrer Digasa
umay tong Author nato pabebe
goodnovel comment avatar
Daday Marie Diapolet Castillon
Miss author ano kaya kung tapusin mo na 2..para matapos na din Ang pagbayad ko......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 746

    Hi Venice... I'm Lilly. Agad namang sabi ni Lilly para hindi mapahiya si Venice."H-hi Lilly... maiiwan ko muna kayo ha... May aasikasuhin lang ako sa kusina...""Bye..." nakangiting wika ni Lilly. Mabuti na lang at andoon si Lilly, kung hindi ay napaka-awkward talaga ng sitwasyon.Nakasimangot na siya habang kumakain. Naiinis siya sa ugali ni Gray. Napakabastos nito sa mga babae. Ano ba naman na mag "Hi" lang nito kay Venice. Maging siya ay napahiya sa ugali nito."Kain na anak. Walang bawas yang order mo, akala ko ba gusto mo ang mga ito?" sabi ng nanay niya.Sandaling kinalimutan niya ang inis kay Gray, nakakahiya din sa nanay at lolo’t lola niya kung magtantrums siya doon. Pero mamaya, sisiguraduhin niyang pagsasabihan niya si Gray."Gusto mo pa ng karne sa bulalo?" tanong nito pero nilalagyan na siya sa pinggan niya "How about kare-kare?" Todo asikaso ito sa kanya."Pwede bang ako na... kaya ko naman..." mahinang sabi niya. Alam niyang tinitingnan na din sila ng nanay at lolo’t l

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 745

    Nang makarating sila sa restaurant na sinasabi ng nanay niya, ay agad silang sinalubong ng kumare nito. Hindi niya kilala ang ginang. Marahil ay bagong kaibigan ito ng nanay niya."Mare... salamat at napadalaw ka. Eto na ba ang anak mong si Rosabel?""Oo mare, siya nga si Rosabel. Kakarating lang niya galing America. Doon siya nagtatrabaho.""Abah, ang gandang bata nga. Di ko akalaing meron ka palang ganitong kagandang anak.""Hahaha... syempre mana sa akin, mare.""Parang hindi naman!"Natawa sila sa biro ng kumare ng nanay niya. Di nga sila magkamukha ng nanay niya dahil mana siya sa tatay niyang Black American kaya parang Beyoncé ang beauty niya."O siya, pakainin mo na kami mare, baka kung saan pa mapunta itong usapan natin."Natawa naman ang ginang sa sinabi ng nanay niya at iginiya sila sa isang table for 6. Magkatabi sila ng nanay niya, pero sa kabila naman ay si Gray. Naiinis siya dahil maging doon ay hindi man lang ito dumistansya sa kanya kahit sandali lang.Lutong-bahay at F

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 744

    "Hindi kayo nagpasabi na parating pala kayo. Di sana ay naghanda ako ng pagkain.""Okay lang, nay. Tara doon sa restaurant para makagala naman si Gray at Lilly dito.""O siya sige… sandali lang at magbibihis muna kami ng lolo at lola mo."Habang silang tatlo na lang ang nasa sala, ay napatingin siya sa paligid ng kanilang bahay. Ibang-iba na ito mula noong huling umuwi siya doon. Napaayos na ito ng nanay niya dahil sa mga perang pinapadala niya. Mas komportable na ito kaysa sa dati. Meron ding biniling house and lot ang nanay niya sa isang malaking subdivision doon, pero hindi sanay ang lolo at lola niyang tumira doon dahil mas gusto nilang manatili sa orihinal na bahay nila. Nandoon daw kasi ang mga kaibigan nila na pwedeng makakwentuhan sakaling mabored.Habang nag-iisip ay nagulat siya nang hawakan ni Gray ang kamay niya at pinisil iyon."I’m proud of you, Rosie. Ibang-iba na ang bahay n’yo kaysa dati… at dahil ‘to sa pagsisikap mo. I’m proud of you"Nagulat man siya sa ginawa nito

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 743

    Pagkaupo niya sa likod ay padabog niyang sinara ang pinto. Sumulyap siya sa harap at nakita niyang napakamot na lang sa ulo si Gray habang si Lilly naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila pareho."Nakakainis!" bulong niya sa sarili habang pinipilit na huwag tumingin sa unahan. Kanina lang ito nanghingi ng sorry sa kanya at nagbigay pa ng pink blouse, tapos ngayon ay magjo-joke na naman ng below the belt?! Mabuti sana kung mag-jowa sila!?Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis na sasama na naman si Gray sa kanila. Matutuwa siya dahil ayaw nitong mahiwalay sa kanya. Pero naiinis din siya sa sarili, dahil dalawang araw pa lang siya sa Pilipinas pero ang dami nang nangyari sa kanila. Habang patagal nang patagal, unti-unti nang nabubuwal ang pader na itinayo niya sa pagitan nila ni Gray.Hindi siya dapat nagpapabola. Pero sa unang pagkakataon, parang may parte ng puso niyang gustong simulan muli kung ano ang inumpisahan nila ni Gray dalawang taon na ang nakalipas.Makalipas ang ilan

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 742

    "Ate!..."Napatalon siya nang marinig ang boses ni Lilly. Agad niyang binalik ang picture frame sa side table."Let’s go na!""Ah, eh... tara na..." wika niya saka dali-daling lumabas ng kwarto.Pagbaba nila ng sala ay nakita niyang nakaupo si Gray sa couch at nakapikit ang mga mata, parang pagod na pagod."Kuya, let’s go!" pukaw ni Lilly sa kapatid."Mukhang pagod ka ata. Magpahinga ka na lang dito. Kami na lang ni Lilly ang aalis." nag-aalalang sambit niya sa binata. Malayo pa naman ang Baguio at magda-drive pa ito ng pagkalayu-layo. She is sure na hindi pa ito papayag na salitan sila sa pag-drive."Hindi... sama ako... Andiyan na ba ang mga gamit ko?""Oo, andito sa bag ko." sagot niya."Manang!" tawag nito kay Manang Glenda habang tumayo."Ano po 'yon, Senyorito?""Aalis muna kami papuntang Baguio. Ikaw na ang bahala dito. Bukas na kami babalik.""Ah, ganoon ba... Sige, huwag kayong mag-alala, senyorito, ako na ang bahala dito. Mag-iingat kayo sa biyahe." bilin ni Manang Glenda sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 741

    "So... tomorrow is Sunday, what's our plan? Dapat may bonding ulit tayo bago mag-Monday. We are all going to be busy again!" wika ni Lilly."Pupunta ako sa Cebu tomorrow. May convention ako sa Monday doon. 'Wag na kayong lumabas ni Rosabel sa bahay dahil wala ako. Doon lang kayo mag-bonding sa bahay." sabi ni Gray."No. Plan ko umuwi ng Baguio bukas. Bibisitahin ko lang sina Nanay sandali pero babalik din agad ako sa gabi dahil may pasok na sa Monday." sabi nya. Plano na nya iyon kanina pa"Sama ako, Ate!" agad na sabi ni Lilly."Sure! I'm sure matutuwa si Nanay na makita ka.""Yehey! Magpa-drive na lang tayo kay Mang Berting.""No..." sabat ni Gray sa usapan nila ni Lilly."Anong NO, Kuya? Di mo kami papayagan na pumunta ng Baguio?" tinaasan nito ng kilay ang kapatid."Hindi ko kayo papayagan kapag hindi ako kasama... Sasama ako bukas sa inyo.""Huh? Di ba may flight ka pa-Cebu?" nagtatakang tanong nya"That can wait. Pwede naman akong magbiyahe sa madaling araw sa Monday.""Sigurado

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 740

    "Ugh! Here we go again… lover's quarrel na naman!" wika ni Lilly saka tinalikuran na sila. "Doon tayo sa steak house na paborito ko. Sumunod na lang kayo kapag tapos na kayong mag-away." pahabol nitong sabi saka iniwan sila doon ni Gray.Naghalukipkip siya ng kamay sa dibdib… Kapag ito ang naglalandi sa iba, ay okay lang? Pero pag siya, bawal? sigaw ng isip niya.Nandoon lang sila nakatayo ng ilang minuto, walang nagsasalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga na tila nag-iipon ng pasensya. Binitawan nito ang mga paper bag sa sahig saka lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Hinalikan siya nito sa pisngi...sa kanang pisngi niya, dahil si Peter ay sa kaliwa humalik kanina."Don’t you dare make me jealous, Rosie… hindi mo alam ang kaya kong gawin sa'yo…" wika nitong may pagbabanta. Aaminin niya, natakot siya sa banta nito. Ano ba ang kaya nitong gawin sa kanya?Hindi pa man nasagot ng utak niya ang tanong ay muli nitong kinuha ang mga paper bag sa sahig at hinawakan siya ng

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 739

    "See?" Malapad ang ngiti niya, sabi ni Gray sa kanya. "Akala mo ba sa'yo nakatingin? Hahaha!..." Hindi na nito napigilang tumawa.Nainis siya at kumawala sa pagkakaakbay nito. "Edi ikaw na! Ikaw na ang habulin ng mga babae at bakla!" Biglang nagkaroon siya ng insecurities sa kantawan. Gandang-ganda pa naman siya sa sarili niya sa araw na 'yon."Wag kang magpakampante, tingnan mo mamaya may magpapakilala din sa akin na lalaki." Wika niya na tila siguradong-sigurado para pagtakpan ang pagkapahiya."Bakit ko naman papayagan 'yon?" Muli na namang kumunot ang kilay nito."Gusto mo sa'yo lang may magpapakilala, ganun?" Supladang sabi niya."Bakit ka pa maghahanap, andito naman ako?""Ayaw kong pumila at makipag-agawan sa mga babae mo, noh!" Natigilan siya sa sinabi niya... tila hindi niya iyon pinag-isipan. Bakit 'yon ang lumabas sa bibig niya? Parang lumalabas tuloy na nagseselos siya sa mga babae nito!"Walang pila dahil ikaw lang ang babae ko ngayon, Rosie. I'm yours..." wika nito saka m

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 738

    "Rosabel!" sigaw ni Gray habang sinusundan siya ng tingin. Hindi siya tumigil, dire-diretso lang siya papunta kay Lilly na abala sa paghahanap ng mabibiling blouse. Ayaw niyang makita ni Gray ang reaksyon ng mukha niya dahil alam niyang namumula na siya. Ayaw niyang makitang nagtagumpay na naman ito sa pagpapakilig sa kanya."Ate, okay ka lang?" tanong nito nang magulat sa pagsulpot niya sa tabi nito."Y-eah..." pilit niyang ngiti. "Excited lang ako mamili ng bagong blouse." pagsisinungaling niya.Pero ang totoo ay hirap na hirap na siya tuwing nasa tabi lang si Gray dahil hindi niya kontrolado ang sarili niya. May mga pagkakataon na gusto na niya itong yakapin at halikan muli pero pilit niyang nilalabanan.Ang sabi pa nito ay magiging loyal na daw sa kanya ngayong andito na siya?! Neknek mo! Sinong maniniwala samantalang sa opisina pa lang ay ka-fuck buddy nito ang sekretarya niya?!Nanggigigil cya sa inis habang naaalala ang nakita sa opisina kahapon. Nakasimangot ang mukha niya na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status