Share

CHAPTER EIGHT

last update publish date: 2026-08-04 03:26:48

Kinagabihan...

Isa-isang huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng isang five-star hotel kung saan ginaganap ang taunang Women's Empowerment Charity Gala. Kumislap ang mga ilaw ng camera habang sunod-sunod na bumababa ang mga kilalang negosyante, celebrities, at iba pang personalidad na inimbitahan sa engrandeng pagtitipon.

Pagkababa ng sasakyan, bahagyang inayos ni Juan Miguel ang suot niyang itim na tuxedo. Sandali siyang huminto sa red carpet at ngumiti sa mga photographer na sunod-sun
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
TeaGhang
kikikilig ang turon ko hahahahahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TEN

    Ilang segundo ring nanatiling tahimik ang buong grand ballroom matapos ang huling salita ni Juan Miguel. Pagkatapos ay biglang umugong ang malakas na palakpakan. Bigla na lang nangilid ang luha ni Juan Miguel dahil sa tuwa. Kanina lang, pinagtatawanan siya at kinukutya ng mga tao. Pero ngayon, parang bumalik na siya sa dati niyang buhay—pinapalakpakan, tinitingala, at nirerespeto ng mga tao sa paligid niya. At ang lahat ng ’yon ay dahil kay Erzel. “Okay ka lang?” bulong nito nang mapansing nagpahid siya ng luha. Tumango lang siya at ngumiti. Pagbaba nila ng stage, naupo na sila sa table nila at nag-umpisa nang kumain. Habang masayang nagkukwentuhan, bigla na lang natigilan si Juan Miguel nang makitang papalapit sa table nila si Zunshine. “JM, may I borrow this one?” sabay hipo nito sa inuupuan ni Erzel. Agad namang napatingin si Erzel sa paligid. Tsk, papansin. Ang dami namang bakanteng upuan, ’yung sa akin pa talaga ang napili niya? “Move.” Kusang umawang ang bibig ni Erzel n

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER NINE

    Unti-unting kumalas si Erzel sa pagkakayakap ni Juan Miguel nang mapansin niyang halos lahat ng tao sa grand ballroom ay nakatingin sa kanila. Biglang uminit ang mga pisngi niya at mariing napakagat sa labi. Sa sobrang hiya, bahagya niyang itinulak si Juan Miguel para makalayo rito, ngunit hindi man lang ito natinag. Sa halip, napasinghap siya nang marahan siyang kabigin nito sa baywang palapit. Wala na siyang nagawa kundi isubsob ang mukha sa dibdib ng binata.“Blacky...” halos pabulong niyang reklamo. “Bakit sila nakatingin? Nakakahiya.”Mahinang natawa si Juan Miguel. Muli nitong niyakap si Erzel at marahang hinaplos ang buhok nito.“No worries, Whitey.” Bahagya itong yumuko para marinig niya. “Naiinggit lang sila sa 'kin.”Bahagyang umangat ang ulo ni Erzel. “Ha?”Ngumiti si Juan Miguel. “Kasi napakaganda ng wife ko.”Hindi alam ni Erzel kung maiinis ba siya o matatawa sa kakapalan ng mukha nito para i-claim talaga na asawa siya nito. Pero bago pa makaisip ng isasagot si Erzel,

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER EIGHT

    Kinagabihan...Isa-isang huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng isang five-star hotel kung saan ginaganap ang taunang Women's Empowerment Charity Gala. Kumislap ang mga ilaw ng camera habang sunod-sunod na bumababa ang mga kilalang negosyante, celebrities, at iba pang personalidad na inimbitahan sa engrandeng pagtitipon.Pagkababa ng sasakyan, bahagyang inayos ni Juan Miguel ang suot niyang itim na tuxedo. Sandali siyang huminto sa red carpet at ngumiti sa mga photographer na sunod-sunod ang pagkuha ng litrato niya. Matapos ang ilang sandali, saka pa lang siya tuluyang pumasok sa grand ballroom.Kalmado ang ekspresyon ng mukha niya, ngunit paminsan-minsan ay napapatingin pa rin siya sa main entrance. Mahigit tatlumpung minuto na ang lumipas mula nang iwan niya si Erzel sa condo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito dumarating."JM."Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon.Nakatayo sa harap niya si Zunshine Agustin. Nakasuot ito

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER SEVEN

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Erzel. Mabilis siyang umiwas ng tingin.“Hindi ah!” mabilis niyang depensa. “Magbabakasyon lang ako.”Bahagyang tumango si Juan Miguel na parang naniwala. Dahan-dahan itong humakbang palapit at marahang ikinawit sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok. “Good.”Napapikit si Erzel nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga niya.“Tamang-tama,” muling bulong nito. “Dala mo na pala ang mga gamit mo.”Bigla siyang napamulat. Hindi pa siya nakakapagsalita nang basta na lang kunin ni Juan Miguel ang travel bag sa balikat niya.“Hoy! Akin 'yan!”Hindi man lang siya nilingon ng binata. Dire-diretso lang itong naglakad papunta sa elevator.“Mr. Cervantez! Hoy!”Halos patakbo niya itong sinundan.“Saan ba tayo pupunta? Mamayang gabi pa naman ang event, 'di ba?” tanong niya habang papasok sa sasakyan nito.Pero imbes na sagutin siya, ipinikit lang ni Juan Miguel ang mga mata at isinuot ang earbuds. Wala nang nagawa si Erzel kundi humaluki

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER SIX

    Kinabukasan…“Oh my God! Seryoso?! Kasal ka na, Miss Erzel?” manghang bulalas ni Jane habang nag-aayos ng mga halamang gamot sa estante. “Akalain mo 'yon! Napapayag ka rin pala ni Sir Ernesto na magpakasal!”Hindi agad nakasagot si Erzel. Nanatili siyang nakasandal sa upuan, nakatitig sa kisame na para bang doon niya hinahanap ang tamang isasagot. Kung madali lang sanang ipaliwanag ang nangyari.“Hindi...” Napakunot-noo si Jane. “Anong hindi?”Bahagyang pumikit si Erzel bago nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.“Ibang lalaki...” halos pabulong niyang sabi. “Ibang lalaki ang pinakasalan ko.”“What?!”“Ang mahalaga,” putol ni Erzel kay Jane bago pa ito makapagtanong ulit, “may lalaki na akong maihaharap kay Daddy bilang asawa ko. Siguro naman sapat na 'yon para hindi na siya mag-alala.”Lalong napanganga si Jane. Ilang beses itong nagbuka ng bibig na parang may gusto pang sabihin, pero halatang nag-aalangan. “B-bakit parang hindi ka naman masaya?” nauutal na tanong nito.Napapik

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FIVE

    Ilang segundo ring walang nagsalita.Nakakunot-noong nakatitig lang si Erzel kay Juan Miguel, na para bang hinihintay niyang bigla itong tumawa at sabihing biro lang ang lahat– pero nanatili itong seryoso."Ano'ng sabi mo?""Isinumpa ako," ulit ni Juan Miguel, walang bahid ng biro sa mukha.Napakurap si Erzel."Seryoso ka ba? H-hindi mo 'ko pinagtitripan? Sorry ha, but look at you. You look... decent. Mukha ka namang may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”Marahan itong tumango.“I know. But it’s true, alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo 'to. Kaya nga ako iniwan ng ex-fiancée ko. Dahil isinumpa ako. Wala sa estado o katayuan sa buhay 'yan. Kapag sinumpa ka... sinumpa ka. Albularyo ka ‘di ba? Kung may taong mas makakaintindi sa kalagayan ko, hindi ba’t ikaw dapat ‘yon?” basag ang boses na sabi niya. Mariing napakagat si Erzel sa labi niya. “T-tama ka.” seryoso niyang sabi, “Albularyo ako at naiintindihan kita. Sige, ituloy mo.” nakangiti niyang sagot. “Halos laha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status