LOGINNapangiti si Zunshine habang papasok sa mansyon ng mga Cervantez. Hanggang ngayon, espesyal pa rin ang trato sa kanya ng mga ito, kahit matagal na silang hiwalay ni Juan Miguel.“Grandma!” Masigla niyang bati. Hinâlîkan niya ito sa pisngi at mahigpit na niyakap.“Oh, dear! I’m glad you came!”“Happy Birthday, Grandma! Here’s my gift for you!”Agad namang sinilip ng matanda ang paper bag at ang jewelry na binili niya lang sa tiangge.“Thank you so much! Hija! Napaka-thoughtful mo talaga! Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago! Palagi mo pa rin akong naaalala! Kaya gustong-gusto kita para sa apo ko, eh!”Napatingin siya kay Juan Miguel at kay Erzel na parang may sariling mundo sa hapagkainan.Dali-dali siyang naglakad papalapit sa dalawa. “Grandma! Don't say that! May asawa na si JM, ayoko namang maging dahilan ng pag-aaway nila.”Bahagya siyang natawa nang tingnan siya nang masama ni Juan Miguel.“Oh, dear, don't worry. Kapag inaway ka ng babaeng ’yan, sabihan mo lang ako… tuturuan
Napahawak si Erzel sa balakang niya matapos silang magpamigay ng groceries at medicines sa mga pasyenteng pumila sa labas ng consultation room.Saglit niyang sinulyapan si Juan Miguel, parang nawala ang pagod niya nang makita niyang kumekembot pa ito habang nagluluto. “Grabe, hindi ba siya nauubusan ng energy?” Napailing na lang siya at akmang hahawakan ang doorknob.“Where are you going?”Halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita ito. “Ahh, may bibilhin lang ako sa labas. Babalik rin ako agad.”“Ano bang bibilhin mo? Ako na, or kung ayaw mo, sasamahan na lang kita—”Bahagyang tumulis ang nguso niya. Hindi siya sanay nang ganoon. At ayaw naman niyang palaging nakadepende kay Juan Miguel. “Ako na… magpahinga ka na lang diyan after mong magluto… babalik rin ako agad.”Pagpasok niya sa convenience store, kinuha niya agad ang isang box ng Salonpas at limang bote ng beer. Pagkatapos, dumaan siya sa katabing tindahan para bumili ng sisig at adobo na paborito niyang pulutan.Pangiti-ngiti
Napabalikwas ng bangon si Juan Miguel nang marinig niya ang malakas na pagtunog ng alarm clock. Agad niyang pinatay ’yon. Tumingin siya kay Erzel na mahimbing pa ring natutulog. Idinampi niya ang labi sa noo nito bago tumayo at nagluto ng breakfast nila. Pagkahain niya, saglit siyang naupo sa balcony. Napatingin siya sa ibabaw ng shorts niya. Marahan niyang hinaplos iyon saka tipid na ngumiti. “Dati ang problema ko… kung paano ka titigas ngayon naman kung paano ka palalambutin!” Bahagya siyang natawa. Pero agad ding napabuntong-hininga. Hindi madali ang pinagdaanan ni Erzel. At gagawin niya ang lahat para maging okay ulit ang asawa niya. Nagsisimula pa lang sila pero… ang dami nang nangyayari. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si James. “Balita?” “Boss, grabe ka naman, ang aga pa, eh! Manood ka na lang ng news sa T.V.!” “James Mercado!” Salubong ang mga kilay niya habang bumubulong. Natawa lang si James sa kabilang linya. “Look, kailangan na nating malaman kung sin
Napasinghap si Erzel habang nakasalampak sa banyo. Nilakasan pa niya ang shower para hindi marinig ni Juan Miguel ang paghagulgol niya.Muling bumalik sa isip niya ang katawan ni Mrs. Evangelista na nakasabit sa puno. Mariin siyang napapikit habang umiiling na tila ba inaalis sa isip ang itsura ng ginang.“I’m sorry… sorry… hindi ko po alam… Hindi ko alam na kabit ka lang ng gagóng ’yon… kung alam ko lang… matagal na sana kitang pinalayo sa kanya… hindi ka— hindi ka sana namatay…”Mariin niyang tinakpan ang bibig, pilit na pinipigilan ang paghikbi. “I’m sorry… Mrs. Evangelista.”Paulit-ulit niyang kinakabog ang dibdib hanggang sa mapatingin siya sa mga paa at braso niyang puro sugat.Kung hindi dumating si Juan Miguel… baka kung ano na rin ang nangyari sa kanya.Kusang umangat ang ulo niya nang bahagyang umingit ang píntô. “Sweetheart… hindi ka pa ba tapos? Tara, kain na tayo!”Pilit siyang ngumiti. “Sige, sandali lang.”Paglabas niya, nakahanda na ang pagkain. Napako ang tingin niya
“Pakawalan n’yo ’ko rito! Ano ba?!”Nagpupumiglas si Erzel, pilit na hinihila ang mga kamay niyang nakatali sa dalawang magkabilang poste. Pero kahit anong hila niya, hindi siya makawala.“Darling, calm down. Mage-enjoy ka sa gagawin natin. Promise, ipapatikim ko sa ’yo ang sarap na ngayon mo pa lang mararanasan.”Dinuraan niya ito sa mukha. “Nakakadiri ka! Pútángína mo! Nirespeto kita at itinuring na parang tunay kong ama, tapos ito lang ang igaganti mo?!”“Binayaran ko ang serbisyo mo. Sobra pa nga, ’di ba?! At lahat ng sobra, babawiin ko sa paraang gusto ko. After that… quits na tayo.”“Pútángína mo! Kaya kong ibalik sa ’yo lahat ng ibinayad mo, triple pa! Pakawalan mo lang ako!”Parang sinasakal ang dibdib niya. Kasalanan niya ’to, eh. Kung sinunod lang sana niya si Juan Miguel at ang Daddy niya na huwag na munang lumabas ng bahay, edi sana… hindi mangyayari ang lahat ng ’to.Bigla siyang napaliyad nang hatakin nito ang buhok niya.“Hindi ko kailangan ng pera mo! Bóbó ka ba talaga
Walang ganang napaupo si Erzel sa sofa. Ilang araw na silang nakabalik sa Manila. Pero hanggang ngayon, pinipigilan pa rin siyang lumabas ni Juan Miguel. Sobrang bored na siya sa condo, pero natatakot naman siyang may mangyaring hindi maganda kung susuwayin niya ito.“Bakit may mga pulis?” kunot-noong tanong niya, pero bago pa makasagot si Juan Miguel, may narinig ulit silang putok ng baril. Mabuti na lang at mabilis siyang nahila nito papasok sa loob ng hotel.“A-ano bang nangyayari?” Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot.Hindi ito sumagot agad. Niyakap lang siya nito nang mahigpit habang marahang tinatapik ang likod niya. “Hindi ko pa alam sa ngayon.”Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano talaga ang nangyayari o kung sino talaga ang may balak na saktan sila. Kahit ang Daddy niya, sinabihan siyang mag-ingat at huwag na munang lumabas. Pero hindi siya sanay na walang ginagawa. Paano na lang ang mga clients niyang naghihintay sa kanya?Napabuntong-hininga na lang si







