LOGINBago pa siya makagalaw, nakapasok na ang mga tauhan ng Daddy niya sa loob ng consultation room.
“Miss, huling pagkakataon na namin ’to. Kung hindi ka pa sasama sa ’min, mapipilitan na kaming gumamit ng dahas.”
“Subukan niyo, malalagot talaga kayo kay Daddy!”
Lumapad ang ngiti ng kanang kamay ng ama niya. “Si Don Ernesto na mismo ang nagsabi.”
Mariing kumuyom ang mga kamay ni Erzel. Hindi ito ang unang beses na pinuntahan siya ng mga tauhan ng Daddy niya, pero ito ang unang beses na nahuli siya ng mga ito. Hayss… Bahala na nga.
Ramdam na ramdam ni Erzel ang panginginig ng mga tuhod niya habang naglalakad papalapit sa binatang kalmadong nakaupo sa tapat ng mesa. Huminto siya sa harapan nito at pikit-matang umupo sa kandungan ng binata. Hindi naman ito nagreklamo, hindi rin siya itinulak. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, mabilis niyang ikinawit ang mga braso sa batok nito, at confident na humarap sa mga tauhan ng Daddy niya.
“Paki sabi kay Daddy,” malambing niyang sabi kahit ramdam niya ang init ng mga pisngi niya, “hindi ko na kailangang umuwi para magpakasal sa kung sino mang poncio pilatong nirereto niya sa akin, dahil… I’m already married.”
“Right, husband?”
Pero parang walang narinig ang lalaki. Para bang nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya makagalaw habang unti-unting umiinit ang katawan niya sa sobrang lapit ni Erzel. Pinagpapawisan na siya nang husto. Ngayon lang kasi may babaeng basta na lang lumapit at umupo sa kandungan niya nang ganoon.
Bahagya namang natawa ang kanang kamay ng Daddy niya. “Mukhang hindi naman kayo mag-asawa, Miss. Hindi nga nagsasalita, eh.”
Unti-unting naningkit ang mga mata ni Erzel sa inis. “Hindi talaga magsasalita ’yan dahil pipí siya!” singhal niya sa mga ito. “Kaya pwede ba?! Magsilayas na kayo sa harap ko bago ko pa kayo gawing palaka!”
Dali-dali namang nagsilabasan ang mga ito kasama ang assistant niya.
Akmang tatayo na si Erzel nang bigla siyang hinatak ng binata pabalik sa kandungan nito.
“Hoy, feel na feel mo naman, ano?! Wala na sila. Tapos na ang palabas!” Pero sa halip na bitiwan siya, mahigpit siyang niyakap nito.
“Five minutes. Don’t move,” bulong nito na para bang nahihirapan sa paghinga.
“B-bakit? Okay ka lang ba?”
Pero hindi man lang siya sinagot nito.
Dahan-dahang pumikit si Erzel at pinakiramdaman ang lalaki. Isang maling galaw lang talaga nito at tiyak na makakatikim ito ng suntók sa kanya. Saglit siyang napatingin sa suot niyang relo. Tatlong minuto na silang nasa ganoong posisyon, pero wala naman itong ginawang masama sa kanya. Hindi rin naman niya naramdaman na kailangan niyang lumayo o pumiglas. Hindi niya maintindihan kung bakit, kahit ngayon lang sila nagkita, panatag ang loob niya sa piling nito.
Pagkaraan ng eksaktong limang minuto, kusa na itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
“O-okay ka lang ba?” wala sa loob na tanong niya sa binata.
Ngumiti naman ito at tumango.
“Yung kanina pala, sorry, nadamay ka pa. Ang kulit kasi ni Daddy! Pinapauwi na ’ko sa ’min para magpakasal sa taong hindi ko naman kilala!”
“Bakit hindi mo subukang kilalanin? Malay mo, magustuhan mo naman pala. Or else, may boyfriend ka na.”
Kusa namang umikot ang mga mata ni Erzel. Hindi talaga siya komportableng pag-usapan ang ganitong bagay. Mabilis niyang hinatak ang upuan at umupo sa tapat nito.
“Hayss. Kaysa pag-usapan natin ang buhay ko, bakit kaya hindi na lang ikaw ang magkwento? Ano ba talagang sadya mo sa ’kin?”
“Bago ko sagutin ’yan, I’m Juan Miguel Cervantez.” Sabay lahad nito ng kamay.
Magalang naman niyang tinanggap iyon. Malamig ang kamay nito. Kinakabahan ba siya? “Erzel.”
“Sa totoo lang, matagal na kitang hinahanap Miss Erzel. May nakapagsabi kasi sa ’kin na magaling ka raw.”
Kusa naman siyang napayakap sa sarili. “Hoy, Mr. Cervantez, anong magaling ang pinagsasabi mo diyan?! Hindi ako gano’ng klaseng babae, ha!”
Inihit naman sa kakatawa si Juan Miguel sa naging reaksyon ng dalaga.
“Hoy! Tumigil ka nga!” Pero kahit anong pagbawal niya ay patuloy pa rin ito sa kakatawa, hanggang sa mahawa na rin siya sa pagtawa nito.
“Ang ibig ko kasing sabihin, magaling ka raw na albularyo.”
Kusa namang tumulis nang bahagya ang nguso ni Erzel habang nakatingin sa kanya. “Eh, malay ko ba kung anong sinabi sa ’yo ng nagsabi no’n!”
“Alam mo, Miss, kung wala kang ginagawang mali, hindi mo kailangang matakot o mag-alala sa kung anumang sasabihin ng iba tungkol sa ’yo. Saka, hindi naman lahat naniniwala sa sabi-sabi.”
Kusang lumapad ang ngiti ni Erzel. “Thanks. So, ano ngang sadya mo?”
Kusang nawala ang ngiti sa labi ng binata. “Isinumpa ako.”
Bahagyang natigilan si Erzel habang nakatitig sa binata. Hinintay niyang bigla itong tumawa at sabihing nagbibiro lang siya, pero nanatili itong seryoso.
“Ano’ng sabi mo?”
“Isinumpa ako,” ulit niya. Saka ngumiti nang mapait.
Napakurap si Erzel. “Seryoso ka ba? Baka pinagtitripan mo lang ako, ha! Tatamaan ka talaga sa ’kin!” Sabay amba pa niya na para bang manununtok.
Tumango lang si Juan Miguel.
“Sorry, ha. Hindi ko lang talaga in-expect. Mukha ka naman kasing disente at may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”
“Dahil nangyari na mismo sa ’kin. At alam mong wala sa estado ng buhay ’yan dahil kapag sinumpa ka, sinumpa ka, at habang-buhay mo nang dadalhin ‘yon. But here I am, hoping… na sana… matulungan mo ’kong maputol ang sumpang dala-dala ko.”
Mariing napapikit si Erzel. Sa lahat ng mga naging kliyente niya, si Juan Miguel pa lang ang nakilala niyang parang may mabigat na pinagdadaanan. Karaniwan kasi sa mga VIP clients niya, naghahanap lang ng taong makikinig sa kanila at makakausap. Hayss…
“Bukod sa ’kin, may nilapitan ka na bang iba?”
“Sa totoo lang, halos lahat ng pinakamagagaling na doktor sa loob at labas ng bansa napuntahan ko na. Pati mga albularyo sa kung saan-saang lugar, pero sa huli, pineperahan na lang nila ’ko. Ikaw na lang talaga ang pinakahuli sa listahan ko na puwedeng makatulong sa akin pero… kung pati ikaw mabibigo rin… Siguro dapat ko na lang tanggapin na ganito na lang ako habang-buhay.”
“Wait, bago ka mag-jump into conclusion, paano mo ba nasabing isinumpa ka?”
“Where is he?” Seryoso ang mukhang tanong ng Daddy niya habang nagdi-dinner sila.Bahagya siyang natigilan sa pagsúbó at nag-iwas ng tingin. “B-bumalik na po ng Manila.”Bahagyang natawa ang Daddy niya nang mapiyok pa siya sa pagsasalita.“Bakit parang kinakabahan ka?” Napangisi ito. “Bukas na ang kasal mo, anak. I told you, you can still back out… like you always do. Just tell me.”Nag-angat siya ng tingin. Nakangiti ito, pero tumatagos ang lungkot sa mga mata ng Daddy niya.Buong buhay niya, palagi siyang tumatakas… ayaw niya ng pinipilit at ikinukulong sa lugar o sitwasyong hindi naman niya gusto. Gusto niyang mamuhay nang payapa. Simple pero masaya. At ang lahat ng ’yon ay naranasan niya sa piling ni Juan Miguel.Mariin siyang napapikit. “Magpapahinga na po ako.”Dire-diretso siyang pumasok sa silid at mabilis na ibinalik sa drawer ang mga inimpake niyang damit. Alam niyang magiging masaya siya sa piling ni Juan Miguel. Pero hindi niya kayang talikuran ang Daddy niya. Hindi na siy
Pupungas-pungas na sumandal sa gilid ng kama si Juan Miguel. Napalingon siya sa babaeng nakadukdok sa gilid ng kama. Hindi nga siya umalis. Hinawi niya ang mga buhok na nakakalat sa mukha nito at maingat iyong ikinawit sa tainga nito.“Whitey…” bulong niya. Agad naman itong nag-angat ng mukha.“Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita.” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya habang hinihípo nito ang leeg at noo niya.Kinabig niya papalapit ang baywang nito at mahigpit niya itong niyakap. “I miss you so much, Whitey.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? May nagawa ba ’kong mali?”“Wala.”“Then why?!” Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya rito.Ang dami niyang gustong sabihin. Ang dami niyang gustong itanong kay Erzel, pero sa kabila ng kagustuhan niyang malaman ang totoo, natatakot din siyang marinig ang isasagot nito.Marahan nitong tinapik ang likod niya. “Juan, please, tama na… tapos
Tahimik na nakaupo sa kama si Erzel, sa loob ng silid niya. Mag-iisang linggo na siya sa Madrigal Mansion, pero hindi man lang niya nagawang lumabas doon.Tapos na ang kontrata nila ni Juan Miguel… at wala na siyang karapatan pang manatili sa tabi nito. Ayaw na niyang maiwanan ulit. Kaya siya na mismo ang gumawa noon. But suddenly… she misses him, and she wants to be with him. Pero hindi na dapat.Kung tutuusin, puwedeng-puwede na nga itong bumalik kay Zunshine. Pero… ang hindi niya maintindihan… ay kung bakit hinahanap pa rin siya nito. Imbes na bawiin ang babaeng gusto nitong pakasalan.Napasinghap siya at walang ganang ibinagsak ang katawan sa kama. Paulit-ulit niyang isinasaksak sa isip na tama lang ang ginawa niya. Pero sa tuwing naiisip niya ’yon, parang may libo-libong kútsilyong tumatama sa dibdib niya.“Miss Erzel, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo.”Walang ganang lumabas siya ng silid. Nakita niya ang ama niyang nakaupo sa sofa. Tahimik, habang nililinis ng personal nurse ni
Ibinuka nito ang bibig niya na para bang sinisipat kung nasa bibig pa niya ang bawang. Nang masiguradong wala na ito, pinainom siya nito ng isang basong gatas. Nakatulong naman iyon para mawala ang anghang at pait sa bibig niya.Napangiti siya nang maglapat ang mga labi nila. Parang kagabi lang ay hindi ito marunong humalik, pero ngayon, parang sanay na sanay na itong makipag-espadahan ng dila sa kanya. Hindi niya alam kung parte pa rin ito ng panggagamot ni Erzel o nadadala na rin ito sa init ng katawan nila. Dahil kahit siya, gustong-gusto niya ang masarap na paghalik nito sa kanya. Ang marahang paggiling at pagkiskis ng katawan nito sa kanya.Ano kayang itsura nito habang ginagawa iyon? Nasasarapan kaya talaga siya? Mabilis niyang tinanggal ang piríng sa mga mata niya. Tumambad sa kanya ang kaakit-akit na hubad na katawan ni Erzel na para bang sinadyang pahiran ng chocolate at strawberry.Napakagat siya sa sariling labi habang nakatitig kay Erzel na nakapikit habang gumigiling sa k
Napabalikwas sa kama si Juan Miguel. Mag-isa na lang siya. “Whitey…” tawag niya kay Erzel pero hindi ito sumasagot.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid. Pagdating niya sa kusina, natigilan siya nang makitang suot nito ang itim na long sleeve niya. Napalunok-laway na lang siya habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya nang biglang humakbang ang mga paa niya papalapit dito, at walang pasabing niyakap ito mula sa likuran.Napangiti pa siya nang bigla itong napaigtad sa gulat.“Good morning, Whitey!”Bigla na lang itong kumalas sa pagkakayakap niya. Salubong ang mga kilay nito. “Sino ba sa amin ni Zunshine ang asawa mo?” Kunot-noong tanong nito.“Syempre, ikaw.” Proud niyang sagot.“Pero bakit siya pa rin ang wallpaper mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag—” Agad niyang dinukot ang cellphone at biglang kinuhanan ng picture si Erzel habang galit na nagsasalita.“Look, ang ganda ng wallpaper ko, no? Ni-lock screen k
“Mag-asawa ka diyan?!” Napangiti siya na para bang may naisip na kalokohan. “Gusto mong mag-bonding tayo? Tara… sabay tayong maligo!”Nawala ang ngiti sa labi niya nang humakbang ito papalapit sa kanya. Nagbibiro lang naman siya, pero bakit parang naniwala ito sa sinabi niya?Napasinghap siya nang marahan nitong ikinawit ang buhok niya sa tainga. Bahagyang yumuko si Juan Miguel. “Sure! Basta, hilúdan mo ’ko ha, tapos hihilúran din kita!”Pigil-hininga siya habang nakatitig sa binata. Wala ito sa usapan nila at hinding-hindi siya bibigay sa binata kahit gaano pa ito ka-attractive.“Bastos!” Tinulak niya ito at dali-daling pumasok sa banyo. Mahigpit ang hawak niya sa pinto habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.“Grabe! Kung lagi siyang didikit sa akin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.”“Whitey… ayaw mo ba talaga?!” mapang-asar na tanong nito habang kumakatok sa pinto. Walanghiya talaga.“Manahimik ka nga!”Pero mas lalo lang t







