Share

Langitngit ng Langit
Langitngit ng Langit
Author: Gabriel Pattern

CHAPTER ONE

last update publish date: 2026-07-28 02:55:47

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"

Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.

Muli siyang huminga nang malalim.

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"

Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya.

"M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."

Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi.

"B-bay..."

Napahawak sa dibdib ang babae.

"B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"

Biglang napadilat si Erzel at napatingin sa maliit na mesa sa gilid.

"Mrs. Evangelista..." sabay turo niya sa maliit na basket. "Yung bayad po."

Napakurap ang babae. "B-bayad? Hindi Bayani?"

"Opo, yung consultation f*e po." Napangiti si Erzel. "Hindi n'yo pa po kasi nailalagay."

"Oh, I'm sorry. Nakalimutan ko." Agad nitong binuksan ang mamahaling handbag at kumuha ng sampung libong piso bago marahang inilapag sa mesa.

"Salamat po." Mabilis na itinabi ni Erzel ang pera bago muling umayos ng upo.

"Eto na..." bulong niya habang nakapikit ang mga mata at dahan-dahang iniikot ang ulo kasabay ng paghahalo sa kawali.

Lumipas ang ilang segundo bago siya napailing.

"Naku..."

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Evangelista.

"Kayo naman kasi, Mrs. Evangelista." Nakanguso siyang tumingin dito. "Naputol tuloy ang koneksyon. Hindi ko na nasilip kung sino."

Napahawak sa noo ang babae.

"Oh, no... I'm so sorry."

Napabuntong-hininga si Erzel bago marahang ngumiti. "Hayaan n'yo po. Susubukan ko ulit sa susunod."

"Salamat ha, at sana... manatiling confidential ang pagpunta ko rito at kung ano man ang pinag-usapan nating dalawa."

Basag ang boses ni Mrs. Evangelista habang pinupunasan ang mga luhang tuloy-tuloy na pumapatak.

"H-hindi ko na kasi talaga alam ang nangyayari sa akin. Malakas talaga ang kutob ko na kinukulam ako."

Napakunot-noo si Erzel.

"P-paano n'yo po ba nasabing kinukulam kayo?"

"Ang totoo niyan, Miss Erzel, unti-unti nang nalalagas ang buhok ko." Napahawak ito sa suot nitong wig. "Kaya nga napilitan na akong magsuot nito. Halos araw-araw akong nakakakita ng mga hibla ng buhok sa unan at sa banyo."

Napatango-tango si Erzel.

"May ginamit po ba kayong bagong shampoo? Hair treatment? O baka naman may allergy lang kayo sa isang product?"

Saglit na natigilan si Mrs. Evangelista bago dahan-dahang binuksan ang mamahalin niyang handbag.

"Nagsimula lang naman 'to nang gamitin ko 'tong ibinigay ng asawa ko." Inilabas nito ang isang maliit na bote at inabot kay Erzel. "Sabi niya, gamitin ko raw ito para mas gumanda ang pagsasama naming mag-asawa. Parang excited na excited pa nga siyang ibigay sa akin 'to. Pero sa halip na gumanda ang pagsasama namin, mas lalo siyang nanlamig. Lagi na siyang late umuwi... Para bang iniiwasan na niya akong makita."

Saglit na pinagmasdan ni Erzel ang bote, saka muling tumingin sa ginang.

"Mrs. Evangelista..." Bahagya siyang napayuko. "Kaya naman pala nalalagas ang buhok n'yo."

Napakurap ang babae. "What do you mean?"

"Pubic hair removal cream po ito..."

Saglit silang natahimik bago sabay na humagalpak ng tawa.

"Kaya pala excited na excited siyang ibigay sa akin!" namumulang sabi ng ginang habang marahang hinahampas sa balikat si Erzel. "May balak pala siyang kainin ako ulit!"

Nang mahimasmasan, unti-unting sumeryoso ang mukha ni Mrs. Evangelista.

"Buong akala ko, pinapakulam na ako ng asawa ko at may ginagawa siyang kalokohan. Maling akala ko lang pala."

Sandaling natahimik si Erzel. Hindi niya alam kung bakit, pero niyakap niya ang ginang at marahang tinapik ang likod nito.

"Ngayon pong malinaw na hindi naman talaga kayo kinukulam, hangad ko po ang kaligayahan ninyong mag-asawa. Sana po, subukan n'yong mag-usap nang maayos. Minsan kasi, hindi kulam ang sumisira sa isang relasyon—kundi ang kawalan ng tiwala at komunikasyon."

Tahimik na tumango si Mrs. Evangelista. "Thank you, Erzel. Hindi ako nagkamaling lumapit sa 'yo."

Ngumiti lang siya. "My pleasure! Ingat po kayo sa pag-uwi."

Paglabas ni Mrs. Evangelista sa consultation room, walang ganang umupo si Erzel sa upuan niya habang pinagmamasdan ang buong silid. Kahit mga gamit sa panggagamot ang laman nito, malinaw pa rin sa isip niya ang orihinal na itsura ng lugar—ang silid na dating may kama at puno ng mga larawan nila ng lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay.

Pero hindi na ito bumalik.

Kusang tumulo ang luha niya, na agad din naman niyang pinahid. Huminga siya nang malalim bago pilit na ngumiti.

“Next!”

Biglang bumukas ang píntó ng consultation room, napatayo pa siya sa gulat sa lakas ng kalabog ng píntó. Unti-unting humakbang papalapit ang lalaking hindi niya maaninag kung sino dahil sa kapal ng usok.

“Excuse me, s-sino ka?” nauutal na tanong niya habang marahang umaatras palayo.

Hindi man lang nagsalita ang bagong dating. Marahan nitong inilapag ang isang itim na briefcase sa mesa.

Saglit itong yumuko at binuksan iyon. "One billion pesos. Pagalingin mo lang ako."

“I-isang... bilyon?” halos pabulong niyang sabi. Lumapit siya sa briefcase at hinawakan ang makakapal na bundle ng tig-iisang libong piso. Inamoy-amoy pa niya ang mga ito bago kumuha ng isang libong piso at itinaas, para bang tinitiyak kung peke ba o totoong pera ang hawak niya.

Tumango lang ang binata at tipid na ngumiti. “Down payment lang 'yan.”

Kusang umawang ang labi ni Erzel habang nakatingin sa binata. Hindi niya alam kung matatawa ba siya, sisigaw, o yayakapin ang lalaking nasa harapan niya.

“Kapag napagaling mo 'ko, doble pa ang matatanggap mo.”

Saglit na natahimik si Erzel. Pinagtitripan ba 'ko ng lalaking 'to? Obviously, mayaman siya at mukha namang disente, pero… bakit sa isang albularyo siya pupunta? Hindi kaya may krung-krung ang isang 'to? 

“Deal?” sabay lahad ng kamay ng binata.

Aabutin na sana ni Erzel ang kamay nito para makipagkamay nang biglang bumukas ang p***o. Hinihingal na humawak sa braso niya ang assistant niyang si Jane.

“Miss Erzel! Sibat na!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
하늘 김
Uy Wow ang ganda po!
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
PS: Hello, Readers! Finally, mababasa n’yo na po ang revised version ng Chapters 1–9! ... Thank you for reading and for your support! 🫶...️
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
PS: Naka-under review pa po ang Chapters 1–9, kaya hindi pa visible ang revised chapters. I’ll update you guys once they’re approved. ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY THREE

    “Where is he?” Seryoso ang mukhang tanong ng Daddy niya habang nagdi-dinner sila.Bahagya siyang natigilan sa pagsúbó at nag-iwas ng tingin. “B-bumalik na po ng Manila.”Bahagyang natawa ang Daddy niya nang mapiyok pa siya sa pagsasalita.“Bakit parang kinakabahan ka?” Napangisi ito. “Bukas na ang kasal mo, anak. I told you, you can still back out… like you always do. Just tell me.”Nag-angat siya ng tingin. Nakangiti ito, pero tumatagos ang lungkot sa mga mata ng Daddy niya.Buong buhay niya, palagi siyang tumatakas… ayaw niya ng pinipilit at ikinukulong sa lugar o sitwasyong hindi naman niya gusto. Gusto niyang mamuhay nang payapa. Simple pero masaya. At ang lahat ng ’yon ay naranasan niya sa piling ni Juan Miguel.Mariin siyang napapikit. “Magpapahinga na po ako.”Dire-diretso siyang pumasok sa silid at mabilis na ibinalik sa drawer ang mga inimpake niyang damit. Alam niyang magiging masaya siya sa piling ni Juan Miguel. Pero hindi niya kayang talikuran ang Daddy niya. Hindi na siy

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY TWO

    Pupungas-pungas na sumandal sa gilid ng kama si Juan Miguel. Napalingon siya sa babaeng nakadukdok sa gilid ng kama. Hindi nga siya umalis. Hinawi niya ang mga buhok na nakakalat sa mukha nito at maingat iyong ikinawit sa tainga nito.“Whitey…” bulong niya. Agad naman itong nag-angat ng mukha.“Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita.” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya habang hinihípo nito ang leeg at noo niya.Kinabig niya papalapit ang baywang nito at mahigpit niya itong niyakap. “I miss you so much, Whitey.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? May nagawa ba ’kong mali?”“Wala.”“Then why?!” Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya rito.Ang dami niyang gustong sabihin. Ang dami niyang gustong itanong kay Erzel, pero sa kabila ng kagustuhan niyang malaman ang totoo, natatakot din siyang marinig ang isasagot nito.Marahan nitong tinapik ang likod niya. “Juan, please, tama na… tapos

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY ONE

    Tahimik na nakaupo sa kama si Erzel, sa loob ng silid niya. Mag-iisang linggo na siya sa Madrigal Mansion, pero hindi man lang niya nagawang lumabas doon.Tapos na ang kontrata nila ni Juan Miguel… at wala na siyang karapatan pang manatili sa tabi nito. Ayaw na niyang maiwanan ulit. Kaya siya na mismo ang gumawa noon. But suddenly… she misses him, and she wants to be with him. Pero hindi na dapat.Kung tutuusin, puwedeng-puwede na nga itong bumalik kay Zunshine. Pero… ang hindi niya maintindihan… ay kung bakit hinahanap pa rin siya nito. Imbes na bawiin ang babaeng gusto nitong pakasalan.Napasinghap siya at walang ganang ibinagsak ang katawan sa kama. Paulit-ulit niyang isinasaksak sa isip na tama lang ang ginawa niya. Pero sa tuwing naiisip niya ’yon, parang may libo-libong kútsilyong tumatama sa dibdib niya.“Miss Erzel, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo.”Walang ganang lumabas siya ng silid. Nakita niya ang ama niyang nakaupo sa sofa. Tahimik, habang nililinis ng personal nurse ni

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY

    Ibinuka nito ang bibig niya na para bang sinisipat kung nasa bibig pa niya ang bawang. Nang masiguradong wala na ito, pinainom siya nito ng isang basong gatas. Nakatulong naman iyon para mawala ang anghang at pait sa bibig niya.Napangiti siya nang maglapat ang mga labi nila. Parang kagabi lang ay hindi ito marunong humalik, pero ngayon, parang sanay na sanay na itong makipag-espadahan ng dila sa kanya. Hindi niya alam kung parte pa rin ito ng panggagamot ni Erzel o nadadala na rin ito sa init ng katawan nila. Dahil kahit siya, gustong-gusto niya ang masarap na paghalik nito sa kanya. Ang marahang paggiling at pagkiskis ng katawan nito sa kanya.Ano kayang itsura nito habang ginagawa iyon? Nasasarapan kaya talaga siya? Mabilis niyang tinanggal ang piríng sa mga mata niya. Tumambad sa kanya ang kaakit-akit na hubad na katawan ni Erzel na para bang sinadyang pahiran ng chocolate at strawberry.Napakagat siya sa sariling labi habang nakatitig kay Erzel na nakapikit habang gumigiling sa k

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER NINETEEN

    Napabalikwas sa kama si Juan Miguel. Mag-isa na lang siya. “Whitey…” tawag niya kay Erzel pero hindi ito sumasagot.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid. Pagdating niya sa kusina, natigilan siya nang makitang suot nito ang itim na long sleeve niya. Napalunok-laway na lang siya habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya nang biglang humakbang ang mga paa niya papalapit dito, at walang pasabing niyakap ito mula sa likuran.Napangiti pa siya nang bigla itong napaigtad sa gulat.“Good morning, Whitey!”Bigla na lang itong kumalas sa pagkakayakap niya. Salubong ang mga kilay nito. “Sino ba sa amin ni Zunshine ang asawa mo?” Kunot-noong tanong nito.“Syempre, ikaw.” Proud niyang sagot.“Pero bakit siya pa rin ang wallpaper mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag—” Agad niyang dinukot ang cellphone at biglang kinuhanan ng picture si Erzel habang galit na nagsasalita.“Look, ang ganda ng wallpaper ko, no? Ni-lock screen k

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER EIGHTEEN

    “Mag-asawa ka diyan?!” Napangiti siya na para bang may naisip na kalokohan. “Gusto mong mag-bonding tayo? Tara… sabay tayong maligo!”Nawala ang ngiti sa labi niya nang humakbang ito papalapit sa kanya. Nagbibiro lang naman siya, pero bakit parang naniwala ito sa sinabi niya?Napasinghap siya nang marahan nitong ikinawit ang buhok niya sa tainga. Bahagyang yumuko si Juan Miguel. “Sure! Basta, hilúdan mo ’ko ha, tapos hihilúran din kita!”Pigil-hininga siya habang nakatitig sa binata. Wala ito sa usapan nila at hinding-hindi siya bibigay sa binata kahit gaano pa ito ka-attractive.“Bastos!” Tinulak niya ito at dali-daling pumasok sa banyo. Mahigpit ang hawak niya sa pinto habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.“Grabe! Kung lagi siyang didikit sa akin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.”“Whitey… ayaw mo ba talaga?!” mapang-asar na tanong nito habang kumakatok sa pinto. Walanghiya talaga.“Manahimik ka nga!”Pero mas lalo lang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status