Share

CHAPTER THREE

last update publish date: 2026-07-28 02:57:32

Napalunok ng sariling laway si Juan Miguel. Para bang bigla na lang siyang nag-alangan kung dapat pa ba niyang sabihin ang problema niya. Pare-pareho naman ang reaksyon ng mga taong nilapitan niya. Kung hindi siya pinagtawanan, ininsulto naman ang pagkatao niya. Bigla na lang siyang tumayo at tumalikod. Aalis na lang siya.

Pero bago pa man siya makahakbang palabas, may kamay na bigla na lang humawak sa braso niya.

“Saan ka pupunta?”

Dahan-dahan siyang lumingon dito. “Uuwi na. Sorry, sinayang ko lang ang oras mo.”

Marahang ngumiti si Erzel at humarap sa binata.“Hindi ko alam kung gaano kabigat ’yang dinadala mo rito…” sabay tapik nito sa dibdib ng binata. “Pero payong kaibigan lang, huwag mo nang hintayin ’yung araw na maipon lahat ng baggage na ’yan sa loob mo. Dahil sigurado ako… kapag napuno ka, bigla ka na lang sasabog.” 

Agad namang hinuli ni Juan Miguel ang kamay ni Erzel at mabilis na inilayo sa dibdib niya.

 “Alam kong ngayon pa lang tayo nagkakilala, pero promise.” Sabay taas ng kanang kamay ni Erzel na parang nanunumpa, “Anuman ang mapag-usapan natin ngayon, sa atin lang ’yon. Hindi kita huhusgahan, at mas lalong hindi kita pagtatawanan.” Bahagya siyang ngumiti. “Makikinig lang ako at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka.”

“Fine.” Muli siyang umupo. “H-hindi ako...” Napayuko siya at mariing tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Ilang segundo siyang nanatiling ganoon. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang naglakas-loob. “H-hindi ako tinítigásan.”

Mariing kinagat ni Erzel ang labi niya. Problema nga. “Ituloy mo lang.”

Diretsong tumingin sa kanya si Juan Miguel. Akala niya pagtatawanan siya ni Erzel. Na makikita na naman niya ang parehong tingin ng pangungutya at awa na ilang beses na niyang naranasan. Pero hindi.

“Honestly, hindi ko alam kung kailan talaga ’to nagsimula.” Mahigpit niyang ikinuyom ang dalawang kamao. “Basta ang naaalala ko lang, may babaeng... nagkagusto sa ’kin noon. Pero tinanggihan ko siya dahil hindi ko naman siya type, at isa pa, may girlfriend ako.” Saglit siyang natigilan. “Tapos bago siya umalis, sinabi niya kung hindi ako mapapasakanya, sana raw hindi na rin ako tigásan.”

Napasinghap si Erzel.

“Pero siyempre, hindi naman ako naniwala. Sa isip-isip ko, masama lang ang loob niya sa ’kin. Kaya niya ’yon nasabi.” Napabuntong-hininga siya. “Pero pagkatapos ng araw na ’yon, naaksidente ako. Paggising ko, nasa ospital na ’ko. Wala namang kakaiba, hanggang sa...” Bahagya siyang napayuko. “Hanggang sa napansin kong hindi na ako... normal.” Pilit siyang napalunok. 

“Iyon din ang dahilan kung bakit unti-unting nanlamig ang relasyon namin ng ex-fiancée ko... Hindi ko na kasi siya nasa-satisfy. Kaya nung nag-decide siya na makipaghiwalay, wala akong nagawa kundi pumayag... dahil ako ang problema. And she deserves the best.”

Napasinghap siya hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Pahigpit nang pahigpit ang paghinga niya. Ilang ulit na umawang ang mga labi niya, ngunit sa halip na mga salita, impit na hikbi lang ang kumawala.

Unti-unting humakbang si Erzel papalapit sa kanya, bahagya itong yumuko at marahan siyang niyakap.

Mas lalong napaiyak si Juan Miguel habang nakayuko sa balikat ng dalaga. Ilang minutong walang nagsalita. Tanging pigil na paghikbi lang ni Juan Miguel ang naririnig sa buong consultation room habang marahang tinatapik ni Erzel ang likod niya.

“Alam mo…” Mas naiinis pa ’ko sa ex-fiancée mo kaysa sa sumumpa sa ’yo. Biruin mo, iniwan ka talaga niya dahil lang sa gano’n?!”

Napabuga siya ng hangin habang nakapamewang sa harap ni Juan Miguel. “Oo. Siguro nga importante ang séx sa isang relasyon. Pero sapat bang dahilan ’yon para iwan ka niya? Hayss! Nakakainis! Hindi naman sa jinu-judge kita pero… Ganung klaseng partner ba ang gusto mong pakasalan? ’Yung basta ka na lang iiwan kapag hindi mo na naibibigay ’yung satisfaction na hinahanap niya?”

Saglit na natahimik si Juan Miguel. Sa dami ng babaeng nakilala niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng babae—bóld and genuine. Napatitig siya sa mukha nito. Namumula ang mukha ni Erzel at bahagyang lumalaki ang butas ng ilong sa inis. Bahagya siyang napangiti hanggang sa marahan siyang natawa.

“Hoy! Ano na namang tinatawa-tawa mo?!”

“Wala... Ang ganda mo kasi kapag naiinis ka.”

Bigla naman siyang inirapan ni Erzel at marahang itinulak. “Tsk! Ewan ko sa ’yo.”

Akmang tatalikod na ito nang biglang hawakan ni Juan Miguel ang kamay niya. “Kung aalukin kita ng kasal ngayon... papayag ka ba?”

Bahagyang natigilan si Erzel. Nagbibiro ba siya? Pero bago pa siya makasagot, bigla namang tumunog nang malakas ang cellphone niya. Agad siyang napangiti nang makita ang pangalan ng VIP client niya sa screen.

“Yes, hello!” matamis niyang bati.

“Baby girl, kailangan kita. Magkita tayo sa hotel, okay? I’ll send the address.”

Agad namang nawala ang ngiti ni Juan Miguel nang bahagya niyang marinig ang malalim na boses ng lalaking kausap ni Erzel sa kabilang linya. Súgar baby ba siya ng isang mayamang matandang lalaki? Hayss, sayang. Matanda pala ang type niya.

Pagkatapos ng tawag, mabilis na nagsuot ng jacket si Erzel. Agad siyang lumingon kay Juan Miguel.

“May raket pa ’ko mamaya. Puwede ka nang umalis.”

“Pero—”

“Sige na, alis na. Bumalik ka na lang kapag nagawan ka na ng schedule ng assistant ko.” 

Iiling-iling na lumabas ng consultation room si Juan Miguel. Pambihira, gaano karaming pera ba ang kailangan niya at kahit gabi na, rumaraket pa siya.

Napatingala si Erzel sa kabuuan ng luxury hotel sa harap niya. Nakakalula naman.

Pagkapasok niya sa lobby, saglit niyang inilibot ang tingin sa paligid bago lumapit sa front desk.

Matapos makipag-usap sa staff, itinuro sa kanya ang isang kwarto sa first floor. Nagpasalamat siya bago naglakad patungo roon.

Pagbukas niya ng p***o, hindi ang kliyenteng tumawag sa kanya ang naghihintay sa loob. Kundi si Mrs. Evangelista.

Kasama nito ang ilang babae at tatlong lalaking may hawak na mga cellphone na agad na itinutok sa kanya.

“Siya ’yan!”

Bago pa makapagsalita si Erzel, nahila na ng ginang ang buhok niya.

“A-ahh! Aray! Mrs. Evangelista!” Napangiwi siya sa sakit habang pilit inaalis ang kamay nito sa ulo niya. “Tama na po! Ano ba?!”

“Walanghiya ka! Todo-comfort ka pa sa ’kin kanina, ikaw naman pala ’yung kabít ng asawa ko!”

“Hindi po! Hindi ako kabit ng asawa n’yo! Ano ba, huminahon nga kayo!”

“Sinungaling!”

Walanghiya. Saan naman kaya nanggaling ang maling impormasyon ng matandang ’to? ’Yung ganda kong ’to, kabít? My God! Kung kailan pa sila tumanda, saka sila nag-iisip na may nangyayaring kabítan.

“Huwag mo ’kong gawing tanga, hija! Narinig ko kayong magkausap ng asawa ko kanina! Ano, magsisinungaling ka pa?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY THREE

    “Where is he?” Seryoso ang mukhang tanong ng Daddy niya habang nagdi-dinner sila.Bahagya siyang natigilan sa pagsúbó at nag-iwas ng tingin. “B-bumalik na po ng Manila.”Bahagyang natawa ang Daddy niya nang mapiyok pa siya sa pagsasalita.“Bakit parang kinakabahan ka?” Napangisi ito. “Bukas na ang kasal mo, anak. I told you, you can still back out… like you always do. Just tell me.”Nag-angat siya ng tingin. Nakangiti ito, pero tumatagos ang lungkot sa mga mata ng Daddy niya.Buong buhay niya, palagi siyang tumatakas… ayaw niya ng pinipilit at ikinukulong sa lugar o sitwasyong hindi naman niya gusto. Gusto niyang mamuhay nang payapa. Simple pero masaya. At ang lahat ng ’yon ay naranasan niya sa piling ni Juan Miguel.Mariin siyang napapikit. “Magpapahinga na po ako.”Dire-diretso siyang pumasok sa silid at mabilis na ibinalik sa drawer ang mga inimpake niyang damit. Alam niyang magiging masaya siya sa piling ni Juan Miguel. Pero hindi niya kayang talikuran ang Daddy niya. Hindi na siy

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY TWO

    Pupungas-pungas na sumandal sa gilid ng kama si Juan Miguel. Napalingon siya sa babaeng nakadukdok sa gilid ng kama. Hindi nga siya umalis. Hinawi niya ang mga buhok na nakakalat sa mukha nito at maingat iyong ikinawit sa tainga nito.“Whitey…” bulong niya. Agad naman itong nag-angat ng mukha.“Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita.” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya habang hinihípo nito ang leeg at noo niya.Kinabig niya papalapit ang baywang nito at mahigpit niya itong niyakap. “I miss you so much, Whitey.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? May nagawa ba ’kong mali?”“Wala.”“Then why?!” Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya rito.Ang dami niyang gustong sabihin. Ang dami niyang gustong itanong kay Erzel, pero sa kabila ng kagustuhan niyang malaman ang totoo, natatakot din siyang marinig ang isasagot nito.Marahan nitong tinapik ang likod niya. “Juan, please, tama na… tapos

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY ONE

    Tahimik na nakaupo sa kama si Erzel, sa loob ng silid niya. Mag-iisang linggo na siya sa Madrigal Mansion, pero hindi man lang niya nagawang lumabas doon.Tapos na ang kontrata nila ni Juan Miguel… at wala na siyang karapatan pang manatili sa tabi nito. Ayaw na niyang maiwanan ulit. Kaya siya na mismo ang gumawa noon. But suddenly… she misses him, and she wants to be with him. Pero hindi na dapat.Kung tutuusin, puwedeng-puwede na nga itong bumalik kay Zunshine. Pero… ang hindi niya maintindihan… ay kung bakit hinahanap pa rin siya nito. Imbes na bawiin ang babaeng gusto nitong pakasalan.Napasinghap siya at walang ganang ibinagsak ang katawan sa kama. Paulit-ulit niyang isinasaksak sa isip na tama lang ang ginawa niya. Pero sa tuwing naiisip niya ’yon, parang may libo-libong kútsilyong tumatama sa dibdib niya.“Miss Erzel, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo.”Walang ganang lumabas siya ng silid. Nakita niya ang ama niyang nakaupo sa sofa. Tahimik, habang nililinis ng personal nurse ni

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWENTY

    Ibinuka nito ang bibig niya na para bang sinisipat kung nasa bibig pa niya ang bawang. Nang masiguradong wala na ito, pinainom siya nito ng isang basong gatas. Nakatulong naman iyon para mawala ang anghang at pait sa bibig niya.Napangiti siya nang maglapat ang mga labi nila. Parang kagabi lang ay hindi ito marunong humalik, pero ngayon, parang sanay na sanay na itong makipag-espadahan ng dila sa kanya. Hindi niya alam kung parte pa rin ito ng panggagamot ni Erzel o nadadala na rin ito sa init ng katawan nila. Dahil kahit siya, gustong-gusto niya ang masarap na paghalik nito sa kanya. Ang marahang paggiling at pagkiskis ng katawan nito sa kanya.Ano kayang itsura nito habang ginagawa iyon? Nasasarapan kaya talaga siya? Mabilis niyang tinanggal ang piríng sa mga mata niya. Tumambad sa kanya ang kaakit-akit na hubad na katawan ni Erzel na para bang sinadyang pahiran ng chocolate at strawberry.Napakagat siya sa sariling labi habang nakatitig kay Erzel na nakapikit habang gumigiling sa k

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER NINETEEN

    Napabalikwas sa kama si Juan Miguel. Mag-isa na lang siya. “Whitey…” tawag niya kay Erzel pero hindi ito sumasagot.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid. Pagdating niya sa kusina, natigilan siya nang makitang suot nito ang itim na long sleeve niya. Napalunok-laway na lang siya habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya nang biglang humakbang ang mga paa niya papalapit dito, at walang pasabing niyakap ito mula sa likuran.Napangiti pa siya nang bigla itong napaigtad sa gulat.“Good morning, Whitey!”Bigla na lang itong kumalas sa pagkakayakap niya. Salubong ang mga kilay nito. “Sino ba sa amin ni Zunshine ang asawa mo?” Kunot-noong tanong nito.“Syempre, ikaw.” Proud niyang sagot.“Pero bakit siya pa rin ang wallpaper mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag—” Agad niyang dinukot ang cellphone at biglang kinuhanan ng picture si Erzel habang galit na nagsasalita.“Look, ang ganda ng wallpaper ko, no? Ni-lock screen k

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER EIGHTEEN

    “Mag-asawa ka diyan?!” Napangiti siya na para bang may naisip na kalokohan. “Gusto mong mag-bonding tayo? Tara… sabay tayong maligo!”Nawala ang ngiti sa labi niya nang humakbang ito papalapit sa kanya. Nagbibiro lang naman siya, pero bakit parang naniwala ito sa sinabi niya?Napasinghap siya nang marahan nitong ikinawit ang buhok niya sa tainga. Bahagyang yumuko si Juan Miguel. “Sure! Basta, hilúdan mo ’ko ha, tapos hihilúran din kita!”Pigil-hininga siya habang nakatitig sa binata. Wala ito sa usapan nila at hinding-hindi siya bibigay sa binata kahit gaano pa ito ka-attractive.“Bastos!” Tinulak niya ito at dali-daling pumasok sa banyo. Mahigpit ang hawak niya sa pinto habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.“Grabe! Kung lagi siyang didikit sa akin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.”“Whitey… ayaw mo ba talaga?!” mapang-asar na tanong nito habang kumakatok sa pinto. Walanghiya talaga.“Manahimik ka nga!”Pero mas lalo lang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status