Share

01 - Imprisoned

Penulis: Royai's Novele
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-04 11:34:13

HOURS EALIER

(Before she broke his nose)

“I want you to smile at me when you’re sober, not just when you’re drunk. Tsk tsk.” Amelia whispered to herself, watching Kraner’s goofy, wide grin from being totally wasted.

T*ngina! - mura ni Amelia sa isip habang naglalakad papalapit sa binata. Kung sa pagsusungit pa nga lang nito ay hulog na hulog na s'ya paano pa kaya kung lagi itong nakangiti sa kanya?

"Pasensya ka na at ikaw ang tinawagan ko. Hindi ko kasi ma-contact ang kapatid n'ya," pahayag ni Daniel, isang pulis na katrabaho ni Kraner.

"No. It's fine. Ako na ang bahala sa kanya."

"Gusto mo bang tulungan na kita sa pagsakay sa kanya sa kotse mo?"

"Hindi na. Tatagay lang muna ako ng isang basong beer para may energy ako sa lalaking 'to mamaya." Makahulugang pahayag ni Amelia na ikinatawa naman ni Daniel.

"Okay. Goodluck sa’yo. Siguradong bubugahan ka niya ng apoy bukas pag nagising siyang ikaw ang kasama niya," pabirong sabi ni Daniel bago siya iniwan.

Tama si Daniel. Kung ngayon ay parang maamong kuneho si Kraner sa harap niya, bukas ay siguradong mala-dragon ito sa kanya, lalo na kapag siya ang kaharap nito.

Ewan n’ya ba kung bakit ilag ito sa kanya.

The Steinfeld brothers were her childhood friends, but despite that, Kraner grew distant as they got older. She couldn’t help but think he became a cop just to put her behind bars. After all, she was quite the troublemaker.

"Hi, gorgeous," Kraner greeted her with a mischievous grin, his voice low and teasing.

Without waiting for a response, he slipped his arm around her waist with an easy, familiar confidence and pulled her closer. Because he was perched comfortably on a tall bar stool and she was standing right in front of him, the height difference allowed him to draw her in effortlessly. As their bodies closed the gap, he leaned forward and nestled his face into the curve of her neck, right beneath her ear.

Now he was sniffing her — unbothered, unashamed, and clearly enjoying every second of it.

Marahas na napabuga ng hangin si Amelia bago abutin ang baso ng beer na inorder n'ya. Nilagok n'ya iyon ng isang inuman bago ibaba ang tingin sa kasama.

"Umuwi na tayo, detective."

"Nooo. L-Lesh stay her for a while."

Mas lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Kraner kaya mas lalo rin s'yang napadikit sa matipuno nitong katawan habang nakapwesto sa pagitan ng hita nito.

Kanina pa nag-aalab ang katawan n’ya—hindi lang dahil sa magkalapit nilang ng mga katawan, kundi lalo na sa bawat pagsinghot nito sa leeg n’ya.

She was enjoying it more than she cared to admit—his closeness, his warmth, the way he breathed her in like she was something familiar and comforting.

She wished they could stay like this tonight—wrapped in this fleeting warmth, in the illusion that he wanted her just as much as she wanted him. In his arms, everything felt still, safe, almost real.

But she knew better. By tomorrow, he’d go cold again. He’d keep his distance, avoid her gaze, speak to her like she was just another case file he needed to close. Like she was a mistake he couldn't afford to make again.

"Bakit ka ba kasi naglasing?" tanong n'ya pero isang ungot lang ang naging sagot sa kanya ni Kraner. "Damn! You looked adorable when you're drunk," bulong ni Amelia habang sinusuklay ang buhok ng binata gamit ang mga daliri n'ya.

"I-I'm sorry. I-It's all my fault." Narinig n'yang bulong ni Kraner.

"F*ck! H-How can I forgot?!"

Ngayon ang ika-tatlong anibersaryo ng pagkamatay ng nakatatanda n'yang kapatid na si Lucas. Gustong ihampas ni Amelia ang sarili sa bar counter dahil hindi n'ya man lang nagawang bisitahin ang puntod ng kapatid ngayong araw.

Siguradong tadtad na naman ng mga text messages at tawag ang cellphone n'ya mula sa mga magulang. Hindi na s'ya magugulat sa sermunan na aabutin n’ya pag-uwi.

Naging abala kasi s'ya sa pakikipaghabulan at taguan sa mga kriminal. Well, hunting nasty scroundrel is her hobby. Nagsimula ang hobby n'yang iyon noong namatay ang kapatid n'ya. Seeking justice for the death of her brother is not easy, lalo pa't may ilang mga balakid sa kanya katulad nalang ng lalaking kasama n’ya ngayon.

"Kaya ba naglasing ka dahil sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa pagkamatay ni kuya? Stop blaming yourself, Kraner. Ginawa mo ang lahat para iligtas ang kapatid ko kahit muntik ka na ring mawala sa amin...sa akin."

"Amelia," masuyong pagtawag ni Kraner sa pangalan n'ya.

It was soothing and loving. Walang bakas ng pagka-irita sa boses ni Kraner ng sambitin nito ang pangalan n'ya which is ibang iba kapag nasa tamang katinuan ito.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Kraner. Nagulat s'ya nang haplusin nito ang pisngi n'ya.

"Sana pala ay lagi ka na lang lasing." Natatawang saad ni Amelia.

"Don't get yourself into trouble," he said, his voice low but firm, laced with worry he couldn’t quite hide. "I don't think I could ever forgive myself...if something happened to you—if I lost you."

There was a heaviness in his tone, like the very thought of losing her was enough to tear something inside him. His eyes searched hers, silently pleading, as if making her promise to stay safe was the only way he could breathe easy.

Naghumirantado ang puso ni Amelia dahil sa narinig. Ayaw n'yang paniwalaan ang mga sinabi ni Kraner dahil alam n’yang dala lang ito ng kalasingan ng binata. Nanlaki ang mga mata n'ya nang masuyo s'ya nitong halikan sa labi.

It was a gentle and passionate kiss. Para bang isa s'yang mababasaging bagay dahil sa maingat nitong paghalik at paghawak sa kanya. Ngayon ay alam na n’ya ang technique para makarami ng halik kay Kraner, mukhang kailangan n'ya itong lasingin palagi.

Nang mapugto ang mga labi nilang dalawa ay bumagsak sa balikat n'ya ang ulo ni Kraner. He's now sleeping peacefully.

Wala sa sariling napangiti si Amelia habang tinititigan ang maamong mukha ni Kraner. Kinuha n'ya sa bulsa ni Kraner ang phone nito saka sila nag-selfie. Siguradong mag-iinit na naman ang ulo nito sa kanya kapag nakita nito ang mga magaganda n'yang selfie.

Nang maibalik ang phone ni Kaner ay naging seryoso ang awra ni Amelia.

"I just can’t sit here and do nothing," she said, her voice steady but burning with emotion. "I have to do something—anything—to get justice for my brother. I won’t rest, I won’t back down, not until I catch that bastard with my own hands."

Her fists clenched at her sides, and for a moment, the pain in her eyes flared into raw determination.

"Even if it means putting my life on the line...I don’t care. I’m willing to risk everything." She turned to Kraner with a faint, almost apologetic smile. "I’m sorry, but this is who I am. You’re going to have to deal with a troublemaker like me."

PRESENT

(After she broke his nose)

"What the hell! Steinfeld! Let me out of here you jerk! Argghh!" Nanggagalaiting sigaw ni Amelia habang kinakalampag ang rehas na pinagkulungan sa kanya ni Kraner.

"That's for punching an officer." Walang emosyong pahayag ng binata bago ito maglakad papalayo sa kanya.

"Hoy! T*ngina mo! Bumalik ka rito!"

Kung alam lang niya na sa presinto siya mauuwi, sana’y hindi na siya sumama rito. At kung alam din niya na ipakukulong pala siya nito, edi sana tinuluyan na niyang basagin ang mukha nito.

(I love him but I f*cking hate him now!)

"What's happening, sir?" Narinig ni Amelia na tanong ng kung sino kay Kraner.

“Ignore her. Her throat will give up before she does.”

"You a**hole! Let me out! Let me out!"

"Amelia?" gulat na tawag ni Inigo sa kanya. Isa rin itong police na katrabaho ni Kraner. "Ano ba kasing ginawa m–Ohh. Mukhang alam ko na. Ikaw ba ang may gawa sa ilong ni Lt. Kraner?"

"Ako nga. Deserve!"

Humagalpak ng tawa si Inigo. "You really are something. Hahaha. Sa dami ng mga nakabakbakang kriminal ni Kraner ay ikaw palang ang unang tao na nakabali sa ilong n'ya."

"Talaga?"

"Oo."

"Nakaka-proud naman palang makulong rito."

Muling tumawa si Inigo. Inilusot nito ang kamay sa rehas saka nito ginulo ang buhok n'ya. "Papalayain ka rin ni Kraner. Sa ngayon, chillax ka muna r'yan."

(Chillax? Paano ko naman gagawin 'yon? Ano? Magha-heart to heart talk kami ng pader dito sa loob? Buti sana kung may kasama akong kriminal sa sildang 'to edi sana may ka-bonding ako.)

"Inigo!" Nang marinig ni Amelia ang boses ni Kraner ay doon na muling bumalik ang inis n'ya sa binata.

(May araw ka rin sa akin detective. Pagkatapos mo akong dila-dilaan ng parang ice cream. Pagkatapos mong mag-enjoy sa hotness ko ay gan'to ang isusukli mo sa akin?)

"Hoy Kraner! Isusumbong kita sa fiance ko! Sa tingin mo ba ay ligtas ka sa kuya mo kapag nalaman n'ya ‘tong ginawa mo sa akin?!" sigaw ni Amelia. Halos lumusot na ang mukha n'ya sa rehas dahil sa walang tigil n’yang pagsigaw.

"REALLY?" malamig na tugon ni Kiel habang abala sa pagbabasa ng mga papel na hawak n’ya.

Wala talaga siyang pakialam sa nangyari kay Amelia, at hindi rin naman naghahangad ng awa ang dalaga mula sa kanya. Gusto lang nitong may makausap—kahit sino—matapos ang nakakainis na karanasan nito sa kulungan kahapon.

"Oo. Ikinulong ako ng siraulo mong kapatid, Kiel!"

"Hmm." Tumatango-tangong usal ni Kiel.

"Ang boring naman ka-bonding ng fiance ko," komento ni Amelia saka n'ya ito lihim na inirapan.

Dumapa s'ya sa mahabang couch na matatagpuan sa loob ng opisina ni Kiel. Kinuha n'ya ang notebook mula sa bag n’ya at pinag-aralan ang mga impormasyong nakalakip dito.

Pareho silang tahimik ni Kiel at abala.

Kung matutuloy ang kasal naming dalawa ay siguradong pareho kaming lalangawin. Baka mabulok lang ang matres ko dahil pareho kaming walang interes sa isa't isa–sa isip-isip ni Amelia na napapairap na lang sa hangin.

Their engagement wasn’t because of love—it was because that’s what their parents wanted. It was a decision made over dinner tables and handshakes, not stolen glances or heartfelt promises. A strategic match between two influential families, more business than romance.

Kiel is the current CEO of Steinfeld Empire, a prestigious construction and real estate company known for its influence and legacy. His younger brother, Kraner, chose a completely different life as a dedicated and fearless police detective.

If she had been given the freedom to choose, she would’ve chosen Kraner without a second thought—because he’s the one she truly loves. But love had no place in the arrangement made by their families. The engagement was never about feelings; it was about protecting the company’s interests, securing alliances, and preserving reputation.

So in the end, her parents chose Kiel for her—because he was the heir, the future of the empire. Her heart didn’t matter.

Alam ni Keil ang nararamdaman n'ya para kay Kraner. Kahit tahimik lang ang fiance n'ya ay alam n'yang suportado ito sa kanya at ganun din s'ya sa babaing mapupusuan nito balang araw.

"Amelia,"

"Yes?"

"Kraner's coming."

Mabilis na napabalikwas si Amelia dahil sa sinabi ni Kiel. "B-Bakit? Huhulihin n’ya na naman ba ako? Ikukulong?”

"Just so you know, he’s not here because of you. Don’t get ahead of yourself."

"Damn you, Steinfeld!" sigaw ni Amelia saka s'ya dali-daling lumabas ng opisina ng fiance at pumasok sa exit door.

Masama pa rin ang loob n'ya kay Kraner at kung hindi n'ya ito iiwasan ay baka tumama na naman ang kamao n'ya sa mukha nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #3

    Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko—parang pinupukpok ako ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover? Mabilis akong napabalikwas nang mapansin ko ang hindi pamilyar na kwarto na kinalalagyan ko. Chineck ko ang sarili ko, at nakahinga ako ng maluwag nang makita na may damit ako… pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?! I cursed mentally. Hinalukay ko ang utak ko para alalahanin ang mga nangyari sa akin kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay. “L-Lucas… K-Kasama ko ba talaga siya kagabi, o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak ko sa buhok ko. Siya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw sa isip ko ang bawat detalye ng gwapo niyang mukha. Mas matured na siya, pero siya pa rin ‘yon. ‘Have s*x with me’* Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang ginawa kong offer sa kanya. Siguro iniisip na niya na malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman ng lalaking puwede kong ayain, siya pa talaga ang napili k

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #2

    Simula nang bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko dahil biglaan ang lahat. Pagkarating ko dito, hindi na ako nagsayang ng oras. Kaagad kong hinarap si Dad at kinompronta siya. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit niya ako pinabalik nang biglaan sa States—kung bakit parang wala akong karapatang pumili o magdesisyon para sa sarili ko. Nalaman kong hostage ngayon si Dad ng isang gun syndicate na tinatawag na Cashmere. Sa loob ng siyam na taon, wala akong kaalam-alam na hawak siya ng sindikatong ito sa leeg. Supplier si Dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. Legal ang negosyo niya dahil mismong gobyerno ang kumuha sa kanya upang magsupply ng mga kinakailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Dad, matagal na pala siyang target ng Ca

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #1

    NOVA BENETTE “Who you?” Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai nang marinig ko ang malalim at baritonong boses ng isang lalaki sa harapan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin at halos mabilaukan ako nang magtama ang mga mata namin. Holy crap. Kung may definition ng Greek god sa lupa, siya na ‘yon. From head to toe, he was ridiculously gorgeous. Hawak pa niya ang basketball at naka-jersey, halatang galing lang sa laro. Pawisan siya, pero imbes na makadiri, mas lalo pa siyang nagmukhang fresh—parang kahit pinagpawisan na ay may natural cologne na lumalabas sa katawan niya. At sa paningin ko ngayon? Para siyang sisig na bagong hango sa kawali. Sizzling hot sisig. Yum. Simula nang lumabas ako ng mansion, kung sinu-sinong lalaki na ang nakasalubong ko—maliban pa sa bodyguard kong si Lexis at sa trainer kong si Marco. Pero ngayon lang yata tunay na nanalo ng jackpot ang mga mata ko sa kagwapuhan. At teka lang… siya na siguro ang madalas ikwento ni Amelia—yung kapatid niyang si L

  • Lean on me, Daredevil   FINALE

    “You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa binata na kakapasok lang sa kwarto n’ya. “Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits but other than that do you want to eat? Baka may ibang cravings ka pa.” “Apple,” Naupo si Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulang balatan ang mansanas. Nasa ospital pa rin siya dahil sa maselang kondisyon ng pagbubuntis niya. Her unborn child almost died, pero katulad niya, lumaban din ito para mabuhay. Sa loob ng isang linggo, palagi nang nasa tabi niya si Kraner para bantayan siya. Natatakot itong iwanan siyang muli kaya naging opisina na rin nito ang silid niya sa ospital. Nag-e-enjoy naman siya sa presensya ng nobyo niya, pero hindi rin niya mapigilang makaramdam ng guilt sa tuwing naiistorbo niya ito sa trabaho. Madalas kasi siyang mag-request ng kung anu-anong pagkain, kaya napapabaya

  • Lean on me, Daredevil   65 - Yours Pt. 2

    “Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar ang mukha sa kanya. Sa tabas pa lang ng anyo nito ay alam na niyang may masama itong balak para sa kaibigan niya. “I’m asking you,” mariing saad niya bago hilahin si Amelia palapit sa kanya. Naagaw na kasi ang atensyon niya kanina sa pasuray-suray na lakad ni Amelia kaya nilapitan na niya ang dalawa—at tama nga ang naging desisyon niyang makialam. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” humagikgik si Amelia, halatang wala sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Kiel nang mapansing hindi siya kayang titigan ni Amelia nang diretso. Kilala niya ang taas ng alcohol tolerance ng dalaga at sigurado siyang hindi simpleng wine ang dahilan kung ito nagkakagan’to ngayon. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “You’ve made the mistake of choosing the wrong girl to play with, idiot.” “Hindi mo ako matatakot! Isang police captain ang ama ko, sa tingin mo ba ay mananalo ka sa paratang

  • Lean on me, Daredevil   64 - Yours Pt. 1

    Two years ago, before we parted ways, I remember kissing her inside that dimly lit bar. It was the third anniversary of Lucas’s death, a day already heavy with sorrow. That night, I pulled her close, kissed her, and when the world outside ceased to matter, we ended up in bed—holding onto each other as if we could shut out all the pain. We made love, and in her eyes, that moment became our first kiss, our first night of intimacy. She believed it was the beginning of everything between us. But it wasn’t. She thought it was also the first time I allowed myself to be vulnerable, the first time I confessed what I truly felt. But that was only her presumption. The truth was far more complicated. Because years ago, long before that night—back when we were still slowly finding our way toward each other—I had already claimed her, she had been mine from the very start. But she wasn’t in a state to remember it, and I never had the courage to tell her. I let her believe her version of the story,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status