Share

03 - Barge In

last update Last Updated: 2022-09-04 12:06:06

Hindi pa nakakapasok si Kraner sa kanyang apartment nang mapansin n'ya ang kulay pulang likido sa kanyang fingerprint door access. Hindi 'yon dugo kundi, ketchup? Alerto ang detective ng buksan ang pinto bago pumasok sa loob.

Mula sa kanyang duty belt ay binunot n'ya ang kanyang baril. Maingat si Kraner habang umaabante. Sinisigurado n'yang hindi s'ya makakagawa ng ingay para mataranta ang taong naglakas-loob na pasukin ang apartment n'ya.

Nang ilibot n'ya ang tingin sa loob ng salas at kusina ay wala s'yang namataang tao roon pero mabilis n'yang itinutok sa tapat ng kanyang kwarto ang baril dahil sa ilang ingay na naririnig n'ya mula sa loob. Tunog iyon nang pagbukas ng kanyang cabinet. Bukod sa mga damit n'ya ay matatagpuan din 'don ang kanyang maliit na vault at ilang mahahalagang papeles.

Ipinagpatuloy ng detective ang paglapit sa pinto. Bukod sa mahinang tunog na nagagawa ng kanyang sapatos ay dinig din ng detective ang yabag ng kung sino na nasa kwarto. Dahan-dahang pinihit ni Kraner ang doorknob bago 'yon ibalya nang malakas at mabilis na itapat ang hawak n'yang baril sa taong nasa loob.

"Son of a b*tch! What are you doing here? Muntik na kitang barilin!" He cursed. Marahas na napahilamos ng mukha si Kraner at umiwas nang tingin sa babaing walang saplot sa harapan n'ya.

Walang bakas ng kahit anong pagkagulat sa mukha ni Amelia kahit nang tutukan s'ya kanina ng baril ni Kraner. Ipinagpatuloy n'ya ang pagsuot sa itim na long sleeve na kinuha n'ya sa cabinet para takpan ang hubad n'yang katawan. Kailangan n'ya kasing itapon lahat ng damit n'ya pati panty at bra matapos n'yang maligo sa gas nang tangkain s'yang sunugin kanina ng grupong nakaalitan n'ya.

"I'll stay here for a while," aniya nito habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang tuwalyang pagmamay-ari rin ni Kraner. " S'ya nga pala, I brought you french fries. Your favorite. Sorry dahil kaunti na lang ang natira, nagutom kasi ako habang naghihintay sa'yo."

"Teka, paano mo nalaman ang password ko? At bakit nangangamoy gas ang loob ng apartment ko?" Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Kraner. Halos magdikit ang perpekto n'yang mga kilay dahil sa pagsasalubong nito.

He obviously didn't like the presence of the girl in his apartment. Sigurado kasi s'yang may ginawa o kinasangkutan na naman itong gulo.

"Nakalimutan mo atang ako ang naghatid sa'yo rito nang gabing malasing ka at may mangyari sa atin dalawa." Pilyang kinindatan ni Amelia si Kraner na mas lalong ikinainis ng lalaki.

"Get out!" asik ng lalaki.

"Pero hindi ko pa nasasagot ang pangalawa mong tanong. Do you want me to leave or answer you?" nakangusong tanong ni Amelia na halatang nagpapa-cute sa lalaki.

Mas naging inosente ang mukha ni Amelia dahil wala na s'yang makapal na eyeliner at black lipstick na suot ngayon. Hindi na s'ya mukhang miyembro ng black cult. Kung nakikita siguro ni Amelia ang itsura n'ya sa salamin ay baka masuka na s'ya dahil sa ginagawa n'yang pagpapa-cute.

"Tell me then leave." Tiim-bagang na pahayag ni Kraner.

"Muntik na akong masunog ng buhay ng mga drug trufficker kanina. Binuhusan nila ako ng gas para patahimikin pero I was able to escape kaya maganda pa rin ako ngayon," pahayag ni Amelia na para bang wala s'yang pangamba sa nangyari sa kanya kanina.

"Kung patayin na lang kaya kita! Is that what you want?" dismayang pahayag ni Kraner. "Noong nakaraang linggo lang ay nakipaghabulan ka sa serial rapist tapos wala pang isang buwan ay ito na naman, grupo naman ngayon ng mga drug addict! Ano ba talagang gusto mong gawin sa buhay mo?"

"You know what I want Kraner," seryosong sagot ni Amelia. Nawala ang kaninang mapaglarong ekspresyon ng dalaga at halatang may nais na ipahiwatig sa kanya.

Nagsukatan nang tingin ang dalawa pero si Kraner na ang unang umiwas sa kanya.

"Matulog ka na. Bukas na bukas ay ihahatid kita sa condo mo."

"Wala akong pasok bukas. Semestral break pa namin."

Hindi na lang umimik si Kraner. Alam n'yang nagsisinungaling ang dalaga dahil noong isang taon pa nito sinasabi ang dahilang 'yon sa kanya sa tuwing kailangan s'ya nitong lusutan. Kapag nagsalita pa s'ya ay baka saan na naman mapunta ang pagtatalo nilang dalawa.

Lumapit s'ya kay Amelia at inagaw sa kamay nito ang tuwalya n'ya bago pumasok sa banyo.

"Do you want me to scrub your back?" nakangising tanong ni Amelia pero binagsakan lang s'ya ng pinto ni Kraner.

Humagikgik ang dalaga bago ibagsak ang katawan sa malambot at mabangong kama ni Kraner. Kinuha n'ya rin ang unan nito at sininghot-singhot iyon.

"Ang bango talaga," bulong n'ya saka n'ya ibinaonang mukha n'ya sa unan.

Habang naghihintay s'ya sa paglabas ni Kraner sa banyo ay unti-unting nakaramdam ng antok si Amelia. Ngayon n'ya lang naramdaman ang pagod kahit kaninang umaga pa s'ya tumatakbo at nakikipagbugbugan sa mga drug addict na nakaharap n'ya.

Sadyang wrong timing lang dahil nahulog s'ya sa patibong ng taong gustong makipaglaro sa kanya ng taguan at patayan. Masyado s'yang nadala sa emosyon n'ya kanina kaya napasugod s'ya.

***

NAALIMPUNGATAN si Amelia at napaangat ng tingin sa pinto ng banyo. Patay na ang ilaw sa loob at mukhang wala na roon si Kraner. Kinusot-kusot n'ya ang mapupungay na mga mata saka naglakad palabas ng kwarto.

Kahit patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng apartment at may kaunting ilaw pa rin na pumapasok mula labas ng malaking bintana. Hinanap ni Amelia si Kraner at nakitang natutulog na ito ngayon sa sofa. Sumimangot s'ya dahil hindi man lang s'ya nito tinabihan sa kama.

Nagtampo s'ya pero mga 5 seconds lang.

Tahimik na naglakad si Amelia papalapit sa pwesto ni Kraner saka pumaibabaw dito at nahiga sa dibdib nito.

"What the hell," anas ng lalaki na halatang naalimpungatan dahil sa ginawa n'ya. Bumagsak ang katawan ni Amelia sa tabi ni Kraner nang gumalaw ito. Ngayon ay kalahati sa katawan ni Amelia ang nasa sofa at kalahati naman ay nakayakap sa matipunong katawan ni Karner.

"Ang lawak-lawak ng kama sa loob pero sumiksik ka pa talaga rito. Bumalik ka na nga 'ron," pagtataboy ni Kaner sa kanya.

Akmang tatayo na sana si Kraner para lumipat sa kwarto nang higpitan ni Amelia ang pagkakayakap sa kanya. Pati binti nito ay nakapulupot na ngayon sa bewang n'ya.

"Ano ba!" reklamo ni Kraner.

"Just stay here. Baka may umatake sa akin na multo."

"Tsk. Ibang klase ka rin. Hindi ka takot sa baril at mga kriminal pero takot ka sa multo."

Alam ni Kraner na totoo ang sinasabi ni Amelia. Kahit noong mga bata pa sila ay kilala na n'ya ito. Iharap n'yo na ang lahat ng mga wanted na kriminal kay Amelia, itutok n'yo na ang iba't ibang uri nang deadly weapon huwag lang multo dahil siguradong titiklop ito at iiyak sa harap ninyo. Iyon lang ang matinding kahinaan ni Amelia na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Kraner.

Lihim na napangiti si Amelia dahil sa pananatili ni Kraner sa tabi n'ya. Kahit alam n'yang ayaw sa kanya ng binata ay iyon lang ata ang nag-iisa n'yang dahilan para hindi s'ya nito iwanan.

"What are you up to Amelia?" narining n'yang tanong ni Kraner kaya napaangat s'ya ng tingin dito.

"You know the answer to that question Kraner. Alam mong simula ng patayin n'ya ang kapatid ko ay doon na rin nagsimula ang paghahanap ko sa kanya," sagot ni Amelia.

"Tumigil ka na. Imbes na malutas mo ang kaso ay baka sumunod ka lang sa kapatid mo. Think about your parents. Ikaw na lang ang meron sila at isa pa... ikakasal ka na rin." Para iyong apoy sa dila ni Kraner na ayaw n'yang marinig mula sa sarili.

"I can't stop now. Ngayong sigurado na akong malapit lang s'ya sa akin ay sisiguraduhin kong mahuhuli ko s'ya. And that arriange marriage with your brother can't stop me."

This girl is impossible.

S'ya ang problemado para sa kapatid kung paano nito iha-handle ang babaing 'to kapag kasal na ang dalawa.

"At isa pa, hindi ako magpapakasal kay Kiel. Sasakyan ko lang ang arrange marriage na 'to pero kapag kasalan na ay magiging runaway bride ako," natatawang pahayag ni Amelia. "Ayokong maging battered wife Kraner," dugtong pa n'ya.

"Hindi nananakit ang kapatid ko," giit ng lalaki.

"Edi ayokong maging battered husband ang kapatid mo."

"You shouldn't be here."

Para sa binata ay mali ang ginagawang pagpuslit ng dalaga sa apartment n'ya. Usap-usapan na ang kasal nang dalawa kaya delikado para sa pangalan nila na makitang pumupunta ito sa kanya. Kung may nangyari man sa kanila noong malasing s'ya ay hindi na dapat pa maulit 'yon dahil parang pagtatraydor na rin sa kapatid n'ya ang ginagawa n'ya.

"Okay," usal ni Amelia na ikinakunot ng noo ni Kraner. Hindi s'ya makapaniwala sa mabilis na pagpayag ni Amelia. Mas madalas kasing nagkakaroon muna ng pilitan at bangayan sa pagitan nila.

"Tama ka. Hindi dapat ako nandito." Naupo si Amelia at akmang aalis na sana s'ya nang pigilan s'ya ni Kraner.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis. Uuwi na lang ako sa condo since ayaw mo naman na nandidito ako sa apartment mo."

"Matulog ka na Amelia. Bukas kita ihahatid."

"No need. Ngayon na ako aalis. Hindi mo na rin ako kailangang ihatid. I can take care of myself."

Sandaling napapikit si Kraner para pakalmahin ang sarili. Alam n'ya ang ginagawang pangungunsensya sa kanya ni Amelia. Kahit noong mga bata pa sila ay ganoon din ang ginagawa nito para masunod ang gusto nito.

Naupo s'ya at inalalayan ang bewang ng dalaga nang bumagsak ito sa kanyang kandungan.

"I'm tired. Pwede bang makinig ka na lang muna sa akin kahit ngayon lang?"

"Why do you hate me so much Kraner?"

"I don't hate you. Wala akong sinabing ganun."

"Pero lagi mo akong iniiwasan o itinataboy kahit noong mga bata pa tayo."

Ilang sandali natahimik at napatitig sa mukha ni Amelia si Kraner. Minsan n'ya lang makita na parang inosenteng paslit si Amelia at walang kahit anong black cult make-up kaya hindi n'ya mapigilang puriin ang ganda nito.

Bumuntonghininga s'ya. Pagod na talaga s'ya kaya ayaw na n'yang makipag-away pa rito.

Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ng dalaga at kinurot ito.

"Last night I saw a child standing in front of my door, knocking 3 times that symbolizes demonic visitation. Ganitong oras din at kung ayaw mong makita ang transparent na batang 'yon ay matulog ka na."

Hindi naniniwala si Kraner sa mga supernatural. Gusto n'ya lang talagang takutin si Amelia para tumahimik na ito at matulog.

Lihim na natawa si Kraner sa likod ng isip n'ya nang makita ang ekspresyon ni Amelia. Namutla ang mukha at mga labi nito dahil sa sinabi n'ya. Bigla tuloy s'ya nakonsensya.

"Matutulog na ako," usal nito.

Yumakap sa leeg n'ya si Amelia kaya naramdaman n'ya ang pangingining ng katawan nito. Hinaplos n'ya ang likuran nito para pakalmahin ang takot nito. Ayaw n'ya sanang takutin si Amelia pero she gave him no choice. Minsan kasi ay kailangan din n'yang bawasan ang katapangan ni Amelia na nagdadala sa sarili nitong kapahamakan.

Dahan-dahang ibinagsak ni Kraner ang katawan n'ya sa sofa at yinakap ang dalaga. Hinalikan n'ya muna ang tuktok ng ulo ni Amelia bago ipikit ang kanyang mga mata.

Parang nakababatang kapatid n'ya na si Amelia but he knew for himself that it's more than that. Pilit n'ya lang 'yon itinatanggi sa sarili dahil ikakasal na ang babae sa kapatid n'ya.

"I'm sorry," usal n'ya.

"I hate you."

Napangiti na lang s'ya. Hindi n'ya alam kung bakit ang lakas ng epekto ni Amelia sa kanya. Kung kaya n'ya lang palitan ang puso n'ya para hindi na ito tumibok pa para kay Amelia ay gagawin n'ya.

Siguro ang magagawa n'ya na lang ngayon ay ibuhos lahat ng atensyon sa trabaho para panandaliang mawakli ang nararamdaman n'ya para sa dalaga pero kung ganito naman ang sitwasyon nila palagi ay baka mabaliw s'ya at itanan na lang ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #3

    Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Para akong pinupukpok ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover?Mabilis akong napabalikwas ng mapansin ang hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko ngayon. Chineck ko ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may damit ako pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?!I cursed mentally.Hinalukay ko ang utak para alalahanin ang mga nangyari kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay.“L-Lucas. K-Kasama ko ba talaga s’ya kagabi o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak sa buhok ko. S’ya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw s a isipin ko ang bwat detalye ng gwapo n’yang mukha. Mas naging matured lang s’ya pero s’ya pa rin ‘yon.‘Have s*x with me’Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang ginawa kong pag-offer sa kanya na makipag-s*x sa akin. Siguro ay iniisip na n’yang malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman kasi ng lalaking pwede kong ayain ay s’ya pa tal

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #2

    Simula ng bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa ng gabing ‘yon sa kaibigan ko dahil kinaladkad na ako ni Alexis paalis. Pagbalik ko ay hindi na ako nagsayang ng oras na alamin ang totoong nangyayari. Kaagad kong kinompronta si dad na sabihin sa akin ang dahilan ng biglaan n’yang pagpapabalik sa akin dito sa State. Nalaman kong hostage s’ya ngayon ng isang gun syndicate na kung tawagin ay Cashmere. Sa loob ng siyam na taon ay wala man lang akong kalam-alam na hawak s’ya ng isang sindikato sa leeg. Supplier si dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. It was a legal business dahil gobyerno na mismo ang kumuha sa kanya para mag-supply ng mga kailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa pero lingid sa kaalaman ni dad na target na pala s’ya ng Cashmere. Kinidnap ng Cashmere si mom para gawing pang takot

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #1

    NOVA X LUCAS STORY***NOVA BENETTE“Who you?”Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai dahil sa baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at doon nasalubong ng mga mata ko ang mata ng pinaka-gwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko.Holy crap! This man is gorgeous. Mukhang kakatapos lang n’yang maglaro ng basketball dahil sa hawak n’yang bola at suot n’yang jersey. Kahit pawisan s’ya ay parang ang bango n’ya pa ring tingnan, hindi lang ‘yon, mas lalo rin s’yang naging sisig sa paningin ko. Sizzling hot sisig. Yum!Simula ng lumabas ako sa mansion ay marami na akong nakita at nakasalamuhang mga lalaki bukod sa bodyguard ko na si Lexis at trainer ko na si Marco pero ngayon lang ata naka-jackpot ng gwapo ang mga mata ko.S’ya na siguro ang kapatid ni Amelia na si Lucas. Madalas kasi sa akin na ikukwento ng kaibigan ko ang mga away at asaran nilang dalawa ng kapatid n’ya.“Wait. Siomai ko ba ‘yan?” Nagsalubong ang makakapal na kilay ni L

  • Lean on me, Daredevil   FINALE

    “You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa nobyong kakapasok lang sa kwarto n’ya.“Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits. What do you want to eat?”“Apple,”Naupo sa Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulan ang pagbabalat ng mansanas. Kasalukuyan pa rin s’yang nasa hospital dahil sa masilang kondisyon ng pagbubuntis n’ya. Her unborn child almost died, pero katulad n’ya ay lumaban ito para mabuhay.Sa loob ng isang linggo ay palaging nasa tabi n’ya Kraner para bantayan s’ya. Natatakot itong iwanan s’ya ulit kaya naman naging opisina na rin nito ang kwarto n’ya.Nagi-enjoy naman s’ya sa presensya ng nobyo n’ya sa tabi n’ya pero hindi n’ya mapigilang ma-guilty sa tuwing nai-istorbo n’ya ito sa trabaho. Madalas kasing mag-request s’ya ng mga kung ano-anong pagkain kaya natitingga ang trabaho ni Kraner para lang bilhan s’ya

  • Lean on me, Daredevil   65 - Yours Pt. 2

    “Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar sa kanya ang pagmumukha. Sa tabas palang ng pagmumukha nito ay alam na n’yang may hindi ito magandang plano para sa kaibigan n’ya. “I’m asking you,” mariing saad n’ya bago hilahin si Amelia papunta sa kanya. Naagaw ang atensyon n’ya nang pasuray-suray na lakad ni Amelia kanina kaya naman linapitan n’ya na ang dalawa at mukhang tama nga ang desisyon n’yang pakialaman ito. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” Humagikgik si Amelia. Halatang wala ito sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay n’ya ng makitang hindi s’ya matitigan ni Amelia ng diretso. Alam n’yang malakas ang alcohol tolerance ng dalaga at sigurado s’yang hindi wine ang magpapatumba rito. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “Dapat ay nagdasal ka muna na hindi ko nakita ang plano mo sa kaibigan ko bago mo gawin ang bagay na ‘to rito. You messed with a wrong girl, moron!" “Hindi mo ako matatakot! Isang police ca

  • Lean on me, Daredevil   64 - Yours Pt. 1

    2 years ago, before we got separated. I remember kissing her in the bar, iyon ang araw ng ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Lucas. I kissed her that night, we cherished each other in bed and became intimate. She thought it was our first kiss and our first time being intimate with each other but it wasn’t.Inakala n’ya rin na iyon ang unang beses kung saan naging open ako sa nararamdaman ko para sa kanya but it was just her presumption because the truth was, that night, way back years ago when we’re just starting to bloom, I already claimed her as mine. She was not in a good state to remember it and I was a coward to tell her everything.***YEARS AGO“Deym! Maganda ka pala kapag naayusan? Nagmumukha kang tao, gurl!” pahayag ni Noah na ikinasimangot n’ya.She’s wearing a sexy long emerald gown. Naka-expose ng kaunti ang dibdib n’ya sapat na para mabastos s’ya ng tignin ngayong gabing ‘to.(Subukan lang nilang bastusin ako ay sisiguraduhin kong magkukulay violet ang talong nila. Mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status