Pawis na pawis ako sa pagpiglas kaya hinayaan ko ang sariling magpahinga sandali. Binusalan na nila ang bibig ko kaya nawalan na ako ng pag-asang may makakarinig sakin mula sa labas. Walang tutulong sakin kundi ako lang, sarili ko lang. Dumaloy ulit ang luha ko sa sintido. Naisip ko sina Mama at Angge. Paano ko pa itatayo ang sarili ko pagkatapos nito? Paano pa ako gagapang para sa kanila kung pakiramdam ko patay na ko? Hindi ko ma-imagine ang sarili. Napansin ng lalaking pumapapak sa leeg ko na hindi na ako gumagalaw. Kaya naman humiwalay siya sakin para tingnan kung buhay pa ba ako. "Ano?" Sumingit si Hugo sa kanila para tingnan ako. Naka-recover na siya mula sa sakit ng sipa ko. Ramdam kong wala nang pwersa ang mga nakahawak sakin. Akala yata nila ay napagod na ako kaya hindi na ako kakawala ulit. Tinanggal na rin ang panyong nakatakip sa bibig ko na hinahawakan ng isa sa kanila. Walang buhay na tiningnan ko si Hugo. Nakangisi siya sakin na mukhang natutuwa dahil makakatiki
"Frida," ang siyang kumawala sa mga labi niya pagkatapos niyang bumitaw sa masuyong halik na iyon. Para akong lumutang sa ere na hindi na inintindi ang pangalang nabanggit niya. Parang sumugat sa puso ko ang halik niyang iyon. Kumalabog ang puso ko nang maalala kung paano ako halikan ng mga hayop kanina. Ang mga laway nilang kumalat sa leeg at pisngi ko, natuyo na sa balat ko. Nakakadiri! Sanay naman ako sa mga pambabastos dahil nga parte iyon ng trabaho ko pero hindi naman ang tulad kanina! Wala pang kahit sino o costumer na nagtangkang halikan ako! Para na akong mamamatay kanina! Hindi ko naman ugaling manakit pero nagawa ko! Kung natuloy man ang panggagahasa nila sa sakin, baka hindi na ako makalabas pa ng buhay roon! "Shhh. I'm sorry. I'm sorry. Don't cry. Hush now." Natulala ako kay Cosimo sa masuyong mga sinabi niya. Marahan niyang hinahawakan ang mukha ko na par
Nagising ako sa silaw ng liwanag na pilit pumapasok sa mga mata ko. Imiktad ako sa sakit ng ulo. Parang pinupokpok ang sentido ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin.Nang dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ang sariling nakadapa sa ibabaw ng lalaki. Agad kumalabog ang puso ko. Tumingala ako at mas lalong nataranta nang makita si Cosimo, mahimbing na natutulog.Then naalala ko kung anong nangyari kagabi. Lahat-lahat ng nangyari na puro lang naman kamalasan. Pati ito. Mariin akong napapikit at parang gustong sabunutan ang sarili sa kung anong ginawa namin nitong lalaking 'to.Seryoso, Liana? Binigay mo ang sarili mo sa lalaking 'yan? 'Di ba dapat kay Aldrio lang? Bakit mo hinayaang siya ang makauna sa 'yo?!Tumiim ang bagang ko. Mariin kong kinamot ang ulo, nagpipigil na baka masabunutan ko ang sarili sa pagiging pakawala!Huminga ako nang malalim pagkatapos ay dahan-dahang bumaba mula sa ibabaw ni Cosimo.
Marami nang mga tao rito sa mansion ng mga Melgarejo. Maingay ang pool area dahil doon ang pinaka-venue ng event. Kanina pa nag-start ang celebration ni Caius. Nabati ko na rin siya at nakapagbigay ng mamahaling regalo na kay Lucas naman talaga galing, hindi sakin. "You're so alone here, dear. Don't you like to get along with them outside?" tanong ni Ma'am Encarnacion. Ramdam ko kasing hindi maayos ang pakikitungo sakin ni Caius. Hindi naman niya ako binabastos. Hindi lang talaga siya ngumingiti. Naalala ko tuloy noong sinumbong ko siya sa Mama niya. Baka iyon ang dahilan ng pagiging mailap niya sakin. Ngumiti ako. "I'll just stay here. I'm waiting for Cosimo, Tita." Kahit hindi naman. Anong pakialam ko sa lalaking 'yon? Kung pwede nga lang, hindi ko na siya makita kahit kailan. Babalik lang sakin ang nangyari samin sa kotse niya. Parang hindi ko kayang sikmurahin. Nanliliit na ako sa sarili ko matapos 'yon. Parang napaka-easy to get ko naman kasi na ang bilis kong mag-give i
Hindi ko inasahan iyon. Akala ko, ako ang kakampihan niya. Parang kanina lang maayos kaming nag-usap tapos ngayon, balik sa samaan ng loob na naman kami? Tumalim pa ang tingin niya sakin bago siya tumalikod at binuhat ang sarili para makaahon sa tubig. Tinulungan pa siya no'ng babae sa pamamagitan ng pagkapit sa kaniyang braso. Pairap akong umiwas at natawa na lang sa natunghayan. Ako itong fiancee niya pero hindi man lang ako tinalungan. Inuna pa ang ibang tao. "Frida! Are you okay?" Lumapit ang dalawang babaeng nakaaway ko kanina sa babaeng 'yon. Frida? Parang familiar ang pangalan. Hindi ko lang maisip kung saan o kailan ko narinig. "What happened?" Tumatakbong dumating si Casnu. Nang makita ako, agad niya akong dinaluhan. "Elysia!" Umupo siya sa gilid ng pool at in-extend ang kamay niya para abutin ako. Sinulyapan ko si Cosimo na ngayon ay nakatayo na at kinakausap iyong babaeng nagngangalang Frida. Nakahawa
Natapos ang kasal na siyang hinihintay ng lahat. Napagtagumpayan ko rin ang unang gabi kasama siya sa iisang kwarto. Sa buong oras na flight namin papuntang Maldives sakay ng isang private jet, inisip ko lang ang sinabi niyang portrait kagabi. Gusto niyang gawan ko siya ng portrait niya bilang wedding gift ko raw. Required bang may wedding gift? Noong kinasal naman sina Mama at Papa, wala silang palitan ng regalo. Wala kaming imikan sa isa't isa hanggang sa makarating na kami sa destinasyon. Akala ko medyo magiging close kami since nagtabi na kami sa iisang kama. Nag-expect din kasi ako dahil maganda ang pakikitungo niya sakin noong araw ng kasal. Nakakapanibago nga lang. Considering what happened at Caius' birthday party, naka-move on na siya. Kung sabagay, mahigit isang Linggo na rin naman ang nakalipas mula nang gabing 'yon. I'm sure marami pa siyang kailangan isipin na mas importante kaysa sa galit niya sakin. "Are you okay?" tanong niya nang mapatingin s
"Bakit ka tumawag?" Tanong ko kay Elysia pagpasok ko sa kwarto namin ni Cosimo. Ni-lock ko ang pinto at kinalma muna ang sarili bago tumawag. Sa social media niya ako kinontak at f-in-ollow pa 'ko. Nasa kwarto niya siya. Nakaupo sa paanan ng kama at hawak lang ang telepono. Sa picture ko lang siya nakikita noon at first time niya ring makita ako ngayon. 'Di ko alam kung bakit sinasabi ni Lucas na magkamukha kami, e, hindi ko naman makita ang sarili ko sa kaniya. Pareho lang kaming kulot ang buhok. Maputi siya sa pictures pero morena pala talaga siya. Baka nagpa-tanned skin? Uso naman iyon sa America, 'di ba? "Why? You don't want me to interrupt your dream-come-true vacation? Are you enjoying the life pretending as me, huh?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Tila nang-aasar ito. Kumunot ang noo ko at umupo nang tuwid sa kama. Sinandal ko nang maayos ang likod sa headboard. "Hindi sa ganoon... May problema ka ba sakin?" Huwag naman niyang ipamukha na parang ako lang an
Kakarating lang namin sa islang binida sakin ni Fred. Pagbaba ko pa lang sa bangka, para bang hinihila ako pabalik sa kung saan ako umalis. Ang bigat ng loob ko. Nagpaulit-ulit sa aking isipan ang naging reaksyon ni Cosimo habang papalayo ako. Papaano niya natunugang tumakas ako? Halos dalawang minuto lang naman ang pagitan simula nang lumabas ako sa banyo hanggang sa sumampa sa bangka ni Fred. Isa pa, bakit pa niya ako hahabulin? Wala ba siyang tiwala na babalik din ako? Sa edad kong 'to, marunong naman akong mag-ingat para sa sarili. Hindi na ako kailangan pang bantayan! Higit isang oras kong nakasama ang pamilya ni Fred bago sila humiwalay saming dalawa. Mababait sila kahit na bagong kakilala lang ako. Na-realize ko na hindi naman lahat ng Chinese masungit. Ganoon kasi ang pagka-percieve ko sa kanila noon. "Do you know how to swim?" tanong niya nang magsimula na kaming maghubad para lumusong sa tubig