Share

Chapter 21: Mad

"Anong oras na, bakit ka pa pumunta rito?" bungad ko matapos naming maghiwalay mula sa mahigpit na yakap.

Maganda ang ngiti niya at talagang nakadikit sakin ang tingin.

Na-miss ko siya.

"Hindi mo 'ko na-miss?" siya na tunog nang-aasar.

Kakasabi ko lang no'n sa utak ko!

Natawa na lang ako pero nang maalala ang huling tagpo naming dalawa, nahiya ako. Umiwas ako ng tingin habang nangingiti. Alam ko na ngayon na may gusto siya sakin kaya naiilang ako. Hindi ko na alam kung paano pa siya pakikisamahan.

Dapat cool lang ako. Hindi naman kasi siya ang unang lalaki na nagtapat sakin. Ang kaso, may gusto rin ako sa kaniya.

"Bakit ikaw? Na-miss mo 'ko?" Binalik ko ang tanong.

"Oo syempre." Walang kahirap-hirap niyang sagot.

Tinikom ko ang bibig para hindi pumunit nang malaki ang ngiti. Sinilip niya ang mukha ko dahil nakahilig ako sa bar. Hindi ko tuloy naiwasang salubungin ang tingin niya.

Nagtaas-baba ang tingin niya sa akin. Sinilip pa niya ang sapatos ko gayung nakaupo kamin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status