FAZER LOGIN“Pagod na pagod na ako, Raven. Pagod na akong umasa at maghintay na may magbago.”
Sa wakas, sinabi ni Harlyz ang matagal na niyang kinatatakutang sabihin.
“Tapusin na natin ito. Mag-file na tayo ng annulment. Gusto ko nang makawala. Kung ganito lang din ang magiging pagsasama natin, hindi ko na kaya.”
Biglang natahimik si Raven.
Nakatitig lang ito sa kanya na para bang hindi nito kailanman naisip na si Harlyz ang unang bibitaw.
Hinawakan ni Harlyz ang kamay niya.
“Isa lang naman ang gusto ko mula sa'yo. Gusto kong piliin mo ako. Kaya kong tiisin ang lahat, Raven. Kaya kong manatili. Pero kahit kailan, hindi mo ako binigyan ng dahilan para maniwalang gusto mo talaga ako.”
Yumuko si Harlyz.
Handa na siyang pakawalan ito.
Pero bago pa niya mabawi ang kamay niya, bigla siyang niyakap ni Raven nang mahigpit.
Sa pagkakataong iyon, wala silang pinagtalunan.
Walang sisihan.
Walang masasakit na salita.
Nagyakapan lang sila, na para bang pareho nilang ayaw pang tuluyang bumitaw.
At nang gabing iyon, may ginawa silang desisyong hindi na nila mababawi.
Alas tres y medya na ng madaling-araw.
Gising pa rin si Harlyz habang nakahiga sa tabi ni Raven. Tahimik niyang pinakikinggan ang maayos nitong paghinga.
Nakapulupot ang braso nito sa bewang niya.
Dahan-dahan niya iyong inalis.
Ayaw niyang magising si Raven.
Tahimik siyang nagbihis at kinuha ang kanyang bag. Isinilid niya roon ang mga bagay na ilang araw na niyang inihanda.
Ang bankbook niya.
At ang mahahalagang dokumento.
Walang nakakaalam sa plano niya.
Hindi ang mama niya.
Hindi si Daisy.
At lalong hindi si Raven.
Huminto na si Harlyz sa school na pinapasukan niya. Nailipat na rin niya ang mga kailangan niyang ilipat at naayos na ang lahat para sa bagong buhay na balak niyang simulan nang mag-isa.
Lumingon siya kay Raven.
Mahimbing pa rin itong natutulog.
Matagal niya itong tinitigan.
Pagkatapos, pinilit niyang umalis bago pa magbago ang isip niya.
Sumakay siya ng taxi pabalik sa bahay nila.
Pagdating doon, mabilis niyang inimpake ang natitira niyang gamit.
Iniwan niya ang mga alahas.
Mga credit card.
Mamahaling regalo.
At lahat ng bagay na bahagi ng buhay niya kasama si Raven.
Ang kinuha lang niya ay ang mga bagay na dala niya bago siya naging asawa nito.
Bago tuluyang umalis, inilapag ni Harlyz ang susi ng bahay at ang wedding ring niya sa tabi ng larawan nila noong kasal.
Matagal niyang tinitigan ang litrato.
Pagkatapos, itinaob niya iyon.
Anim na buwan.
Iyon lang ang kinailangan para tuluyang masira ang buhay na matagal niyang pinangarap na mabuo kasama si Raven.
Kinuha ni Harlyz ang maleta at naglakad palabas nang hindi lumilingon.
Iniwan niya ang mga alaala.
Ang mga regalo.
At ang kinabukasang minsan niyang inakalang bubuuin nilang dalawa.
Sinabi niya sa sarili na ito na ang simula ng bago niyang buhay.
Buhay na para naman sa kanya.
Paglabas niya ng bahay, pinilit niyang magpatuloy sa paglalakad.
Hindi siya puwedeng lumingon.
Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon, baka bumalik siya kay Raven.
Baka bumalik siya sa parehong sakit.
At sa parehong pag-asang alam niyang wala nang patutunguhan.
Pero kahit ganoon...
May maliit na bahagi pa rin ng puso niya na umaasang hahabulin siya ni Raven.
“Mommy, galit ka ba sa akin?”
Biglang bumalik sa kasalukuyan si Harlyz nang marinig ang boses ni Jezza.
Hawak ni Daisy ang kamay ng bata habang nakatingala si Jezza sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.
“Hindi ko na hahanapin si Daddy,” sabi ni Jezza. “Huwag ka nang umiyak, Mommy. Sorry.”
Mabilis na pinunasan ni Harlyz ang mga luha niya at niyakap ang anak.
“Hindi, baby. Hindi galit si Mommy sa'yo.”
Kumapit nang mahigpit si Jezza sa kanya.
“Huwag ka nang umiyak, okay?”
Mas hinigpitan ni Harlyz ang yakap sa anak.
Masyado pang bata si Jezza para maintindihan kung bakit nasasaktan ang kanyang ina.
Pero alam ni Harlyz kung ano ang gusto ng anak niya.
Isang ama.
Napaisip siya.
Kung alam lang niyang buntis siya noon, mananatili kaya siya kay Raven?
Kahit pagkatapos ng lahat?
Baka tiniis niya ang sakit para lang lumaki si Jezza na may buong pamilya.
Ibinigay ni Harlyz sa anak ang lahat ng kaya niya.
Bahay.
Pagkain.
Damit.
At lahat ng pagmamahal na kaya niyang ibigay.
Pero may isang bagay na hindi niya kayang ibigay nang mag-isa.
Ang ama nito.
Tahimik silang pinagmamasdan ni Daisy.
Nang kumalma na si Jezza, kinuwentuhan siya nito at gumawa ng mga nakakatawang mukha para mapangiti ang bata.
Huminga nang malalim si Harlyz at tumayo.
“Sis, puwede mo muna siyang bantayan?”
“Of course. Anong gagawin mo?”
“May kailangan lang akong tapusing papeles para sa delivery bukas.”
Mas madaling isipin ang trabaho.
Orders.
Mga numero.
Schedules.
Mga bagay na kaya niyang kontrolin.
At higit sa lahat, ang café ay isang bagay na siya mismo ang nagtayo para sa kanilang mag-ina.
NAKARAAN
Dalawang taon matapos ipanganak si Jezza, halos trabaho at pag-aalaga sa anak ang umikot sa buhay ni Harlyz.
Nagtatrabaho siya sa araw.
Inaalagaan si Jezza sa gabi.
Pagsapit ng katapusan ng unang taon, unti-unti nang naging stable ang café.
Bumabalik ang mga customer.
Mas maraming tao ang nakakaalam sa lugar.
At sa wakas, kumikita na siya nang maayos sa halip na araw-araw mag-alala sa mga bayarin.
Nang maging maayos na ang negosyo, bumalik si Harlyz sa school para tapusin ang huling semester niya sa Culinary Arts.
Pagkatapos niyang grumaduate, pinaalis niya ang yaya ni Jezza.
Ayaw na niyang mas marami pang importanteng sandali sa paglaki ng anak ang hindi niya makita.
Pero makalipas lamang ang dalawang buwan, may nangyaring hindi inaasahan.
Nagkita sila ni Daisy.
Pareho silang natigilan.
Mula kay Harlyz, napunta ang tingin ni Daisy kay Jezza.
At sa sandaling iyon, alam ni Harlyz na hindi na siya puwedeng basta mawala ulit.
Kaya sa pagkakataong ito, hindi siya tumakbo.
Dinala nila si Jezza sa isang restaurant.
Habang naglalaro ang bata, magkatapat na naupo ang magkapatid.
Anim na taon ng katahimikan ang namagitan sa kanila.
Si Daisy ang unang nagsalita.
“Alam mo ba kung gaano ka namin katagal hinanap?”
Hindi sumagot si Harlyz.
“Bigla ka na lang nawala. Parang hindi ka nag-exist. Kahit ako, hindi mo man lang sinabihan.”
Yumuko si Harlyz.
Wala siyang maidadahilan.
“Alam mo bang susuportahan sana kita?” tanong ni Daisy. “Kahit ano pa ang nangyari?”
Alam ni Harlyz na totoo iyon.
Pagkatapos, napatingin si Daisy kay Jezza.
Biglang lumambot ang mukha nito.
“Ang batang iyon... pamangkin ko siya, hindi ba?”
Nanigas si Harlyz.
“Kamukha niya si Raven.”
Hindi nakapagsalita si Daisy habang unti-unting naiintindihan ang lahat.
Pagkatapos, yumuko ito.
“I'm sorry.”
Inabot ni Harlyz ang kamay ng kapatid.
Sobra niya itong namiss.
Nang malaman niyang buntis siya, maraming beses niyang gustong tawagan si Daisy.
Maraming beses niyang hawak ang phone.
Pero sa huli, lagi niya itong ibinababa.
“Hindi. Ako ang dapat humingi ng sorry,” sabi ni Harlyz. “Tinakasan ko ang lahat. Pati kayo. Hindi ko alam kung paano ako makakabangon kung mananatili ako sa lugar kung saan ako nasaktan.”
Hinawakan nang mahigpit ni Daisy ang kamay niya.
At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, hindi na naramdaman ni Harlyz na nag-iisa siya.
“Pamangkin mo siya,” pag-amin niya.
Napatingin siya kay Jezza.
“Jezza Everhart. Four years old siya at malapit nang mag-five.”
Napangiti si Harlyz nang makita ang anak sa play area. Abala itong kumbinsihin ang isa pang bata na siya ang masusunod sa laro.
“Magugustuhan mo siya. Maingay at medyo dramatic.”
Napatawa si Daisy kahit may luha pa sa mga mata nito.
“Baka sa'yo niya nakuha.”
Pareho silang natawa.
Sa maikling sandaling iyon, parang bumalik sila sa dati.
Pero agad naging seryoso si Daisy.
“Karapatan ng kapatid kong malaman ang totoo. Please, Harlyz. Huwag mong ilayo si Jezza sa amin. Alam kong sinaktan ka ni Raven, pero huwag mong ipagkait sa anak mo ang pagkakataong makilala ang pamilya niya.”
Napapikit si Harlyz.
Alam niyang may punto si Daisy.
“Hindi ko naman siya itatago habambuhay. Dadalhin ko siya sa inyo. Makikilala niya kayong lahat.”
Nakita niya ang ginhawa sa mukha ng kapatid.
“Pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako handa. Lalo na sa kanya.”
“Paano kung ayoko nang maghintay?” tanong ni Daisy. “Paano kung tawagan ko si Raven ngayon?”
Napatitig si Harlyz sa kanya.
“Sa tingin mo ba kapag nalaman niyang buhay ka at may anak kayo, hindi ka niya hahanapin?”
Nawala ang lambot sa mukha ni Harlyz.
“Kapag sinabi mo sa kanya, hindi mo na kami makikita.”
Natigilan si Daisy.
“Kapag sinabi mo kay Raven, aalis kami ni Jezza. At sisiguraduhin kong hindi mo na kami mahahanap.”
Biglang nagbago ang bigat ng usapan.
Alam ni Daisy na seryoso ang kapatid niya.
Tumingin si Harlyz sa play area, pero hinawakan siya ni Daisy sa braso.
“Fine. Maghihintay ako.”
Lumingon si Harlyz.
“Anim na buwan,” dagdag ni Daisy. “Iyon lang ang hinihingi ko. Please. Hayaan mong maging parte kami ng buhay ni Jezza.”
Alam ni Harlyz na karapat-dapat sina Daisy at Jezza sa pagkakataong iyon.
Kahit hindi pa siya handa, dahan-dahan siyang tumango.
WAKAS NG NAKARAAN
Apat na buwan na ang lumipas mula nang mangako si Harlyz kay Daisy.
Pero matapos niyang makitang umiiyak si Jezza at humihingi ng tawad dahil gusto nitong makita ang ama, parang hindi na kayang hintayin ni Harlyz ang natitirang dalawang buwan.
Nakatitig siya sa mga papeles sa mesa.
Hindi niya magawang mag-focus sa orders at invoices.
Iisa lang ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya.
Hanggang kailan niya kayang ilayo si Raven bago si Jezza naman ang masaktan?
Ang pagharap kay Raven ay nangangahulugang kailangan niyang harapin ulit ang lahat ng anim na taon niyang pilit kinakalimutan.
Pero may karapatan si Jezza sa katotohanan.
May karapatan siyang makilala ang kanyang ama.
Napapikit si Harlyz at huminga nang malalim.
Kailangan niyang gawin ito para kay Jezza.
Kahit mabuksan ulit ang mga sugat niya.
Kahit masaktan siya ulit.
Pagdilat niya, naroon pa rin ang takot.
Pero sa unang pagkakataon, hindi na niya iniisip ang pagtakas.
Kinuha niya ang phone.
Saglit siyang nag-alinlangan.
Pagkatapos, pinindot niya ang screen.
Desidido na siya.
Ngayong gabi, tatawagan niya si Daisy.
At pagkatapos noon...
Babalik siya.
Babalik sa buhay na anim na taon niyang iniwan.
At haharapin niya ang lalaking kahit kailan ay hindi niya tuluyang nakalimutan.
Si Raven.
Halos nawasak si Harlyz nang iwan niya ito.
Pero baka mas masakit ang pagbabalik.
Dahil sa pagkakataong ito, kasama niya ang anak na hindi alam ni Raven na mayroon siya.
At kapag nagkaharap silang muli...
Wala nang lugar para tumakbo.
Isang halik lang ang kailangan para halos masira ang pagmamahalan nila.At ngayon, limang minuto lang ang meron si Raven para ayusin ang lahat bago tuluyang mawala sa kanya si Harlyz.Limang minuto.Iyon lang ang ibinigay sa kanya ni Harlyz.Pero kahit ganoon...Parang napakahaba na agad ng bawat segundo.Nakatayo si Raven sa harap niya.Pinagpapawisan ang noo nito kahit malamig naman sa loob ng office.Matigas ang mga kamay niya.Hindi rin pantay ang paghinga.At sa unang pagkakataon, nakita ni Harlyz ang isang bagay sa mukha niya.Takot.Mabuti.Dapat lang."Limang minuto," muling sabi ni Harlyz, mababa at kalmado ang boses. "Siguraduhin mong totoo lahat ng sasabihin mo."Sandali siyang tumigil."Dahil kapag nagsinungaling ka..."Diretso siyang tumingin sa mga mata nito."Wala ka nang bahay na babalikan."Parang bumigat ang hangin sa buong kwarto.Napakalunok si Raven.Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.Pero hindi maitag
Pumunta si Harlyz para sorpresahin ang asawa niya.Pero sa halip, isang bukas na pinto ang muntik nang sumira sa kakaunting tiwalang natitira sa kanya.Pagpasok pa lang niya sa building ng office ni Raven, may kakaiba na siyang naramdaman.Sobrang tahimik ng lugar.Kahit ang secretary, wala sa pwesto.Baka nag-lunch lang.Hindi na iyon masyadong inisip ni Harlyz.May maliit na ngiti sa labi niya habang naglalakad papunta sa office ni Raven.Gusto niya itong sorpresahin, kaya hindi na siya kumatok.Diretso niyang binuksan ang pinto.At doon siya natigilan.Nasa likod ng desk si Raven.At may isang babaeng nakaupo sa kandungan niya.Sobrang lapit nito kay Raven.Sobrang komportable.Parang normal lang na nandoon siya.Parang biglang nakalimutang huminga ni Harlyz.Sa likod niya, napasinghap si Daisy at agad hinigpitan ang hawak sa kamay ni Jezza.Lumingon si Harlyz kay Daisy.Isang tingin lang.Ilabas mo siya.Ngayon na.Naintindihan agad ni Daisy.Walang sinasabi, mabilis niyang inilay
Nang sandaling umiwas ng tingin si Jezza, agad kinabahan si Harlyz.Lumapit siya sa bintana ng classroom at sumilip.Nasa loob ang anak niya, nakaupo sa maliit na desk.Dahan-dahang gumagalaw ang maliit nitong kamay habang nagsusulat sa papel.Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya.Pero maya't maya, napapatingin si Jezza sa bintana.Hinahanap siya.Sinisiguradong nandoon pa rin ang mommy niya.Sumikip ang dibdib ni Harlyz.Nandito lang si Mommy, baby.Nagtagpo ang mga mata nila sa salamin.Ngumiti si Jezza.Isang maliit at napakatamis na ngiti.Pagkatapos, yumuko ulit siya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.Doon lang nakahinga nang maayos si Harlyz.Unang araw ngayon ni Jezza sa school.Sobrang excited ng anak niya.Bagong mga kaibigan.Bagong matututunan.Isang bagong mundo para sa kanya.Pero kahit ganoon, panay pa rin ang tingin ni Jezza sa bintana.Parang gusto lang niyang makasiguradong hindi biglang mawawala ang mommy niya.Napangiti nang mahina si Harlyz.Ang bilis talaga ng p
Nagising si Raven na mabigat agad ang dibdib sa takot.Agad niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Hinahanap si Harlyz.Wala.Walang tao.Parang bumagsak ang puso niya.Huwag na naman.Pero bigla niya itong nakita.Si Harlyz.Nandoon pa rin.Nakahiga sa tabi niya.Napakawala si Raven ng hiningang hindi niya namalayang pinipigilan niya.Nakaramdam siya ng matinding ginhawa.Pero saglit lang iyon.Dahil may mali.Gising si Harlyz.Pero hindi maganda ang lagay niya.Mabagal ang bawat galaw nito.Mahina.Parang hirap siyang kontrolin ang sarili niyang katawan."Hey..."Lumapit si Raven.Lumambot ang boses niya habang maingat na inilapit ang kamay sa tiyan ni Harlyz."Baby... behave ka lang, okay?"Bahagya siyang ngumiti."Huwag mong masyadong pahirapan si Mommy."Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito."Mahal ka ni Daddy."Pinunasan ni Harlyz ang mga luha sa kanyang mga mata.Napakunot ang noo ni Raven.Pero bago pa niya maitanong kung anong problema, bigla siyang hinila ni Harlyz sa
Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang aksidente.Sa wakas, nakauwi na ang pamilya ni Harlyz. Masaya na ulit si Jezza. Ngumingiti na siya, tumatawa, at mahigpit na yumayakap sa kanila. Araw-araw, nakikita nilang unti-unti siyang gumagaling.Pero may isang bagay na isang buwan nang hinihintay ni Harlyz.Ang boses ng anak niya.Mula nang mangyari ang aksidente, wala ni isang salitang sinabi si Jezza.Linggo-linggo pa rin silang pumupunta sa ospital. Lumingon si Jezza kapag tinatawag siya. Ngumingiti siya sa pamilya niya at niyayakap sina Harlyz at Raven.Pero hindi pa rin siya nagsasalita.Noong una, halos hindi kayanin ni Harlyz ang katahimikan ng anak niya. Tuwing umaga, umaasa siyang may maririnig siyang kahit isang salita mula kay Jezza.Kahit "Mommy" lang.O "Daddy."Pero natututo na siyang maghintay.Basta nakikita niyang nakangiti ang anak niya, handa siyang maghintay.Ngayon ang ikalimang birthday ni Jezza.Puno ng dekorasyon ang buong bahay. May mahinang tugtog at ma
Paano kung nagsisinungaling si Raven?Paano kung pagkatiwalaan siya ulit ni Harlyz, tapos isang araw, magising na naman siyang wasak ang puso?Sa pangatlong pagkakataon?Hindi mawala sa isip niya ang tanong na iyon.Tinitigan ni Harlyz si Raven na nakatayo sa harap niya.Wasak.Desperado.Nagmamakaawang huwag siyang umalis.Pero nakita niya ang kwarto.Ang babaeng iyon.Ang kama.Parang nakaukit na sa isip niya ang lahat.Hindi niya kayang pagdaanan ulit iyon.“Babe, please,” sabi ni Raven, nanginginig ang boses. “Stay.”“Mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo. Walang nangyari sa amin.”Pagkatapos, sinabi nito ang lahat.Ang celebration sa office.Ang pag-inom nila.Si Chloe.Ang huling drink.Ang pagkahilo niya.At ang sandaling tuluyan siyang nawalan ng malay.Tahimik lang na nakinig si Harlyz.Pero hindi pa rin niya alam kung ano ang paniniwalaan.Hanggang sa naalala niya ang sinabi ng mommy niya.May mga anak sila.Si Jezza.Ang princess niya.At ang baby na lumalaki sa loob niya







