共有

Kabanata 4 - Lucky

作者: Saevris
last update 公開日: 2026-08-18 18:01:43

Elysia Mireille Severino’s Point of View

“‘Yong usapan natin,” paalala nito sa akin na siya namang ikinalingon ko sa kaniya.

Tumigil ang kaniyang sasakyan. Nasa parking lot na kami ng mall ngayon. Hindi pa man kami nakabababa ng kaniyang sasakyan, halata na kaagad sa presensiya namin ang bigat.

Umangat ang sulok ng aking labi. Lumingon siya, at saktong ipinilig ko naman ang aking ulo sa kanan.

“Nakapirma naman na ako, Aeron. Huwag mong sabihing iniisip mong hindi ko ‘yon susundin?”

Tinaasan niya lamang ako ng kilay, at tinanggal ang kaniyang suot na seat belt.

“Stay here,” utos niya, at basta na lamang lumabas ng kaniyang sasakyan.

Nang maisara niya ang p***o ng driver’s seat, saka naman ako natawa nang pagak. Nanginginig ang aking mga kamay, habang sinusundan siya ng tingin. Tinanggal ko na rin ang suot kong seat belt nang buksan niya ang p***o.

“Thank you, honey!” maligaya kong sambit nang alalayan niya akong bumaba.

Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka. Nagtama rin kaagad ang aming mga mata, pero ngumiti lang ako nang matamis sa kaniya.

Nakayuko siya nang kaunti, at dahil hindi pa siya nakatatayo nang maayos ay mabilis ko siyang hinalikan ngayon sa kaniyang pisngi.

Hindi siya nakagalaw kaagad. Mukhang hindi niya inaasahan na darating ako sa puntong ‘yon, pero hindi ba ganito naman ang gusto niya? ‘Yong magmukhang mahal ko siya sa harap ng publiko.

“May mga nakatingin. Kilala ka yata nila,” bulong ko sa kaniya matapos ko siyang halikan sa pisngi.

Bigla naman siyang tumayo nang maayos, hanggang sa lumipad ang kaniyang kamay sa aking likuran. Kaya lumawak ang ngisi sa aking labi.

Isinara niya ang p***o, at nagsimula naman kaming maglakad papunta sa elevator.

“Sino ‘yon? Girlfriend niya?”

Humagikgik lamang ako. Tahimik kasi ang parking lot. Kaya kung may magsasalita, maririnig kaagad.

“Wala namang girlfriend si Aeron, hindi ba?”

“Eh, sino ‘yan? Nakita mo namang si Aeron.”

“Ang weird lang, ha? Parang kailan lang nang i-announced nila ang engagement party ni Lucien. Tapos ngayon malalaman kong may karelasyon na rin pala si Aeron? Parang lahat na yata ng mga Vieri ngayon ay nagsisimula ng mag-settle down.”

Natigil lang ang usapan nang makapasok kami ni Aeron sa elevator. Lumayo ako nang kaunti sa kaniya, pero nilingon kaagad niya ako.

Kaya pala familiar ang apelyido niya. Nagkaroon nga pala ng engagement party ang pinsan niya. Nagpunta pa sina Mommy, at Daddy no’n. Nagawa pa nga nila akong pilitin, pero hindi talaga ako pumayag.

“Bakit parang sunod-sunod yata kayong ikakasal ngayon?” tanong ko sa kaniya.

Hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa aking labi. Nakasandal din ako ngayon sa dingding ng elevator, habang nakatingala sa kaniya.

Tuluyan naman niya akong hinarap, at nilapitan. Itinukod niya ang kaniyang kaliwang kamay sa dingding ng elevator, at medyo malapit lang ‘yon sa aking ulo.

“It’s none of your business,” malamig niyang wika.

Natawa ako nang mahina. Puno nang pang-aasar, habang mariin ang kaniyang titig sa akin.

“Magiging asawa mo ako, hindi ba?” paalala ko sa kaniya. “Kung gusto mong mag-work ‘to. Dapat may ideya ako sa nangyayari lalo na kung ihaharap mo ako sa pamilya mo. Pero kung ang goal mo naman ay malaman nilang may kasunduan lang tayo, ikaw ang bahala.”

Tumunog ang elevator. Tumayo ako nang maayos, habang siya naman ay nanatiling nasa ganoon pa rin na posisyon.

Umalis ako sa kaniyang harapan, at hindi na siya hinintay pang bumalik sa reyalidad. Sumusunod naman ako sa usapan, pero ‘tong lalaking ‘to, mukhang gusto niyang siya palagi ang masusunod. Akala ko ba ay gusto niyang malaman ng lahat na may relasyon kami, pero puno ng pagmamahalan? Kalokohan.

Sumunod naman siya kaagad sa akin nang makailang hakbang na ako. Nagawa pa nga niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang, at inilapit sa kaniya. Kaya hindi ko maiwasang mapangisi na lamang ulit.

Parang napapadalas ang pagngisi ko sa kaaway kong ‘to, ha? Hindi ko pa nakalilimutan kung ano ang dahilan kung bakit nangyayari ‘to sa isipan ko.

“Good afternoon, sir, ma’am. What can we do po?”

“Saan dito ‘yong for women?” tanong ko.

“This way po, ma’am,” aniya, at nagsimulang maglakad.

Sumunod naman ako kaagad doon, pero hindi ako hinayaan ni Aeron na magpunta roon. Nakabuntot siya sa akin, hanggang sa makarating kami sa women’s section.

Unang nahanap ng mga mata ko ay ang underwear, at bra. Kaya naman nilapitan ko kaagad ‘yon, at hinanap kaagad ang size ko.

“Where’s the 38B cup size?”

Bigla naman akong hindi nakagalaw sa naging tanong ni Aeron. Parang napantig ang tainga ko sa lumabas sa kaniyang bibig, at bahagyang napaisip kung size ko ba ang binanggit niya, o ibang babae?

“Here po,” sagot naman kaagad ng babae.

Lumingon naman ako kay Aeron nang matauhan ako, at napansin na nakatingin pala siya sa akin ngayon.

“Alam mo?” tanong ko sa kaniya.

Hindi ko na inisip pa kung narinig ng saleslady ang tanong ko kay Aeron, ngunit para sa ikatatahimik ng sarili ko, tinanong ko na.

“Yes,” sagot niya kaagad, habang nakatingin sa akin.

Maingay akong napasinghap. Nanlaki pa ang aking mga mata, habang nakatitig sa kaniya na ngayon ay walang emosyong mababasa sa kaniyang mga mata.

“Paanong hindi ko malalaman?”

Gumapang ang init sa aking dibdib pataas sa aking leeg, at mukha. Nanuyo ang aking lalamunan, at napasulyap ngayon sa saleslady na ngayon ay umaaktong parang walang naririnig.

Hinampas ko ang kaniyang dibdib nang mapatingin ulit ako sa kaniya. Ngunit tanging pag-angat lang ng kaniyang kilay ang aking natanggap.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pamimili ng mga gamit ko. Nakasunod din si Aeron sa akin, hanggang sa nakuha ko na lahat ng mga kakailanganin ko.

Siya pa mismo ang mga nagbuhat nito. Kahit papaano ay nagkaroon naman ng silbi ang pagsunod niya sa akin.

Nang nasa cashier na kami, pumulupot ulit ang kaniyang bisig sa aking baywang. Nagawa pa nga niya akong inilapit sa kaniya, habang ang mga cashier, at humahagikgik pa.

“Ang swerte naman ni ma’am kay sir.”

Ipinilig ko ang aking ulo sa kanan nang kaunti. Ngumiti rin ako nang tipid sa kanila.

“Siya ang swerte sa akin,” sagot ko naman, at tiningala si Aeron na ngayon ay nakatitig na pala sa akin. “Right?”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 46 - Pull

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewNagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya, at nang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata. Mula sa ilaw na nagmumula sa labas, bahagya kong naaaninag ang mukha ni Aeron.“Did I wake you up?” tanong niya, gamit ang mababang boses.Umiling naman ako nang bahagya, at kinusot ang aking mga mata nang kaunti.“Hindi naman. Mababaw lang talaga ang tulog ko,” napapaos kong paliwanag.Sinabihan niya akong umidlip muna, habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila. Noong una ay tinanggihan ko pa, ngunit dahil medyo marami rin akong nakain kanina, nakaramdam ako ng antok.Dahan-dahan ko naman inabot ang seat belt, at tinanggal ‘yon. Pinatay naman ni Aeron ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.“Gutom ka?”Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa kaniya, at ngumiti. “Busog pa ako. Ang dami nating kinain kanina.”“Bumili ako ng chocolate chip cookies,” wika niya na siyang ikinakurap k

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 45 - Match

    Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ano ba dapat?” tanong ko sa kaniya, may nakalolokong ngisi sa labi niya.Sinubukan kong maging kalmado kahit papaano, ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinurot ang aking daliri, at tinitigan siya, kahit na gusto ko na talagang ilihis ang aking mga mata.Biglang tumahimik ang buong paligid, habang nakikipagtitigan ako kay Aeron. Hindi ko alam kung dahil ba sa tensyon sa pagitan namin, o kung ano.“Alangan na sabihin kong pangit ka, kahit hindi naman?”“So, guwapo nga ako sa paningin mo?”Napakurap ako, at medyo natawa nang mahina nang tuluyan kong maintindihan ang gusto niyang iparating.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba kami ngayon, dahil kumikislap ang mga mata niya.Hindi ko rin maramdaman na pagpapanggap lang ang lahat ngayon lalo pa’t ang lakas ng kabog ng puso ko.“Kahit naman sino, magaguwapuhan sa ‘yo.”Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, at ipinilig nang kaunti ang kaniyang ulo. Lumapit

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 44 - Tease

    Elysia Mireille Severino’s Point of View Sobrang init mukha ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Aeron. Nang magtama ang aming mga mata, umangat ang sulok ng labi niya. Inalalayan pa niya akong makatayo nang maayos, ngunit hinampas ko lamang ang kaniyang dibdib.“Si Aeron ba ‘yon?”Napakurap ako nang maisara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi pa man kami nakalalayo, pero may nakakikilala na kaagad sa kaniya.“Hala! Oo! Siya nga!”Hinuli naman ni Aeron ang kamay kong humampas sa kaniyang dibdib, at hinawakan ‘to nang mahigpit.Hinigit naman niya ako palapit sa kaniya, at mabilis na hinalikan ang labi ko, kahit may nakatingin sa amin ngayon.“Fiancée niya yata ‘yon.”“May fiancée ba siya? Wala akong nabalitaan. Ang alam ko, single siya.”“Seryoso ka ba? Kalat ‘yon sa social media!”Nagsimulang gumalaw ang labi ni Aeron na siyang ikinasinghap ko. Kinuha naman niya ‘yong pagkatataon para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin.Sinubukan kong t

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 43 - Sweet

    Elysia Mireille Severino’s Point of View “Matulog ka muna,” saad niya, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, habang nagmamaneho siya.“Bakit ako matutulog? Unfair ‘yon sa side mo,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Sumulyap naman siya sa akin saglit, ngunit ibinalik kaagad ang kaniyang atensyon sa harapan. Nakapatong ang isang kamay niya sa gearshift, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Medyo mabilis din ang kaniyang pagmamaneho, ngunit halata naman na nag-iingat siya. Isa rin siguro sa dahilan ay sports car ang gamit niya. Eh, magkaiba pa man din ang performance ng mga normal na sasakyan kung ikukumpara sa sports car.“Paanong naging unfair? It’s fine. Pagod ka sa trabaho,” paliwanag niya, pero umiling lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko, at kinuhanan siya ng video. Ipo-post ko mamaya sa social media account ko kapag nakarating na kami sa Tagaytay. For safety reasons na rin kasi. Maraming nakakikilala sa kaniya kung ikukumpara sa akin.“Pagod ka rin naman,” kome

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 42 - Admire

    Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ma’am, nandito na po si Sir Aeron. Papasukin ko po ba?” tanong ng secretary ko nang ilapag niya ang mga document na kailangan kong pirmahan.“Yes,” sagot ko naman, at ngumiti nang tipid sa kaniya. “Thank you.”Paglabas ng secretary ko, mabilis akong napasulyap sa digital clock na nasa gilid ng table ko, at napansin na alas kuwatro na pala ng hapon. Tama pala talaga siya sa sinabi niya. Kaya bahagya kong ipinilig ang ulo ko.Nang bumukas ang pinto, iniluwa kaagad nito si Aeron. Agad niyang hinanap ang aking mga mata. Inayos niya ang pagkatupi ng kaniyang sleeves nang maisara niya ang pinto.“Uuwi pa ba tayo sa condo mo?” tanong ko sa kaniya nang tumigil siya sa harapan ng aking table. “Or didiretso na kaagad tayo sa Tagaytay?”“Ikaw? Ano ba ang gusto mo?”Napakurap naman ako, at hindi makapaniwala na ako ang tatanungin niya kung gayon na dapat sa kaniya manggagaling ang sagot.Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa harapan ng aking table, at t

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 41 - Surprise

    Elysia Mireille Severino’s Point of View Napatitig na lang ako sa plato ko na kung saan ay punong-puno ng pagkain. Tinitingnan ko pa lang, parang alam ko na kaagad na hindi ko ‘to mauubos.“Uubusin ko kung hindi mo kayang ubusin,” pahayag niya na siyang nagpaangat naman ng aking tingin, at sinalubong ang mga mata niya. “Pero marami kang binili.”Umangat lang ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kanan. Dumaan ang kislap sa kaniyang mga mata. Kaya napakurap ako, at nahigit ang aking hininga.“I know. Sinadya ko talaga, dahil baka marami kang kainin,” paliwanag niya, at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. “Pero kung hindi mo kayang maubos, ayos lang. I can finish that. Don’t worry.”Napatango na lang ako, at hindi na nagsalita pa. Medyo nabibingi na rin kasi ako sa tibok ng puso ko, at parang hindi na ako makahinga nang maayos. Kaya pinili ko na lamang na kumain nang tahimik, kahit na lalo akong naiilang sa katahimikan.“Maaga ang out ko mamaya,” anu

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status