LOGINMaaga akong nag-update ng last chapter niya ngayon! Susunod po kaagad ang Lihim na Pagnanasa mamayang 11:00 - 11:30 pm. Maraming salamat po!
Nerisse Villareal’s Point of View “Bakit ako uupo riyan?” tanong ko sa kaniya nang mahigit niya ako palapit sa kaniya.Tinanggal niya ang kamay niyang nasa kandungan niya, at ipinatong muli ‘yon sa armrest. Humaplos naman ang palad niya sa likod ko, at nagsimulang gumuhit doon ng bilog.“Puwede namang umalis ka na lang diyan nang makapagtrabaho ako.”“You look uncomfortable when you’re sitting here, though. Kaya ako na ang umupo para hindi ka mahirapan,” paliwanag niya na siyang nagpalalim ng mga linya sa aking noo.Anong nahihirapan? Hindi naman ako nahihirapan kapag umuupo ako sa swivel chair ko. Kaya ano ang pinagsasabi nitong lalaking ‘to?Kinagat ko ang aking ibabang labi. Sinubukan kong pigilan ang sarili kong magmura lalo na’t marami siyang ginawang mabuti sa akin ngayon. Hindi niya ako inaasar, o hindi niya pinapainit ang ulo ko.Pero ang hindi ko lang matanggap ay kung paanong nahihirapan ako. Nahihirapang magtrabaho, oo. Pero ‘yang nahihirapang umupo? Kalokohan.Sinubukan k
Nerisse Villareal’s Point of ViewHindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa buttered shrimp na niluto niya. Maliban doon, may pritong talong din, at vegetable salad.“Kakain ka ng vegetable salad,” saad niya.Napaangat naman ang aking tingin, at sinalubong ang kaniyang mga mata na mariin ang titig sa akin.“Mamaya, kakain ka rin ng prutas. Makatutulong ‘yan para hindi ka magkaroon ng period cramps.”Nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Talagang pinagpipilitan niyang magkaroroon ako ng period, kahit hindi naman!Inabot niya ang plato at nilagyan ‘to ng kaunting kanin, at buttered shrimp, saka pritong gulay. “I’ll peel the shrimp for you. Baka magtaka ka kung bakit kaunti lang ang inilagay ko,” paliwanag niya, at inilahad sa akin ang plato.Napalunok ako nang marinig ko ang pamilyar na kabog ng aking puso. Kinuha ko ang ibinigay niya, at hindi nagawang magpasalamat.Pasimple kong kinagat ang aking ibabang labi, habang pinapanood siyang magbalat ng hipon para sa
Nerisse Villareal’s Point of View Pagkasara niya ng p***o, kaagad kong napansin na wala na pala siyang suot na salamin. Nakatupi rin ang kaniyang sleeves, hanggang sa kaniyang siko. ‘Yong buhok naman niya, medyo magulo pa rin.Napakurap ako nang ini-lock niya ang p***o ng aking office. Hindi niya inilihis ang kaniyang mga mata. Kaya napakunot ang aking noo.“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin.Napasulyap ako sa dala niyang paper bag, pero ang una kong hinanap ay ang milk tea, dahil ‘yon naman ang itinanong niya sa akin kanina.Nang ilapag niya ang paper bag sa aking table, binuksan naman niya ‘yon, saka inilabas ang laman. Napakurap pa ako, dahil ang nakita ko lang ay ang cinnamon.“‘Yong milk tea ko?”Sinalubong ko na naman ang kaniyang mga mata, at hindi maiwasang ikunot ang aking noo. ‘Yon pa man din ang hinihintay ko, pero wala?“Hindi ako bumili,” kalmado niyang sagot na siyang nagpalaglag ng aking panga.Nakita naman niya ang re
Nerisse Villareal’s Point of View Dalawang araw ang lumipas nang sabihin ni Vaughn na may umuwi, pero wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nila.Sa dalawang araw na ‘yon, hindi ako nilubayan ng mga tauhan ni Lucien lalo na kung wala siya sa tabi ko. Sabay pa rin naman kaming kumakain ng lunch, dahil siya mismo ang nagpupunta rito.Ang kinaibahan lang ay naging mapagmasid siya sa buong paligid. Hindi niya ako hahayaang kumain ng pagkain unless mga tauhan niya ang bumili, o nagbigay sa akin.Nerisse Villareal: Milk tea?Tinitigan ko ang message ni Lucien sa akin gamit ang account ko. Matapos ang pagtawag sa akin ni Seb noon, habang hinahalikan ako ni Lucien, hindi ko na ulit ‘yon kinuha pa. Kahit naman may mga importante akong titingnan doon, hindi ko na pinilit pa.Bukod sa hiyang-hiya ako sa nangyari, kahit wala namang ideya si Seb, parang ayaw ko ng ulitin pa ‘yon.“Wala ba ‘tong trabaho?” bulong ko, habang nakatitig sa message niya.Nerisse Villareal is typing…I pursed my lips.
Nerisse Villareal’s Point of View Natawa nang mahina si Lucien, at tumigil sa paghalik sa aking leeg. Hindi siya lumayo, at nanatili ang kaniyang mukha roon, habang ang kamay niya ay patuloy pa rin sa pagmasahe sa aking dibdib.“Bakit mo pinatay ang tawag, huh?” tanong niya, at bahagyang isinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg para amuyin ako roon. “Akala ko ba ay gusto mong kausapin ‘yang kaibigan mo?”Sinubukan ko siyang ilayo sa akin, ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapulupot ng kaniyang bisig sa aking baywang, at parang ayaw talaga akong pakawalan.“Paano ko siya makakausap kung ayaw mong tumigil?” hinihingal kong tanong sa kaniya.Naramdaman ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi na siyang nagpapikit nang mariin sa aking mga mata.“Bakit naman ako titigil?” bulong niya, at dahan-dahang hinalikan ang aking leeg. “Nauna naman nating ginawa ‘yon.”Hinampas ko ang dibdib niya, at inilayo siya nang kaunti. Tumigil na siya sa pagmasahe sa aking dibdib, ngunit hindi pa ri
Nerisse Villareal’s Point of View Bigla kong inilapat ang aking kamay sa kaniyang dibdib, at sinubukang tumugon sa kaniyang halik. Marahas ang naging paggalaw ng kaniyang labi, at parang may gustong sabihin na hindi ko magawang sagutin.“Lucien,” daing ko nang kagatin niya ang aking ibabang labi, at basta na lang ipinasok ang kaniyang dila sa aking bibig.Naikuyom ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, at wala sa sariling hinila ang kaniyang damit para kumuha ng lakas.Gumapang pataas ang kaniyang kamay na nasa aking batok para hilahin ang buhok ko pababa. Napatingala naman ako dahil doon, at hindi mapigilang kagatin ang kaniyang dila nang kaunti lalo na nang makipaglaro siya sa aking dila.Nagtagal ang aming paghahalikan, hanggang sa pareho na kaming kinakapos sa hangin. Kung hindi ko pa hinampas ang kaniyang dibdib, hindi niya ako titigilan.Bumaba ang kaniyang halik papunta sa aking panga. Binitawan ko ang kaniyang damit, at ipinatong ang aking mga kamay sa kaniyang balikat par







