Napaatras ang dalawa ng ako’y papalapit na sa kanila.
“Sino ka? Huwag kang lalapit! Sisigaw ako kapag lumapit ka,” natatakot na pagtaboy sa akin ni Set.
“Ako to dre si Mac Salas kaibigan nyo.”
Pilit kong sinasabi sa kanila na ako si Mac ngunit ayaw padin nila maniwala.
“Ah, alam ko na. May isa akong sikreto na silang dalawa lamang ang nakakaalam,” bulong ko sa sarili.
Ang sikretong ito ay tungkol sa babaeng aking napupusuan. Siya ay si Jas, isa sa matatalik naming kaibigan. Intinatago ko ito sa lahat dahil natatakot ako na masira ang aming pagkakaibigan dahil dito. Imbis kila Mercury at Set. Tiwala naman ako na hindi nila ipagsasabi ito kahit kanino.
“May sikreto ako na kayo lang nakakaalam ‘di ba? Naaalala nyo ba ‘yong sinabi ko sainyo noong nagpunta tayo sa plaza last time? Tayong tatlo lang magkakasama noon tapos pupunta sana tayo ng Balanga. ‘Di ba sinabi ko sainyo na may gusto ako kay Jas.”
Pagkasabi ko nito, kumalma na ang dalawa. Muli kong binalik ang pinag-uusapan namin kanina.
“Ano dre naniniwala na ba kayo? Payag ba kayong samahan ako? Huwag kayong mag-alala may kasunduan naman kami nung Diyosa na kapag gusto nyo nang bumalik dito ibabalik niya kayo.”
At sawakas, pumayag na sila. Ngunit nababagabag pa rin ang kalooban ni Mercury. Agad niya akong tinanong,
“Pero dre, ano bang mapapapala namin sa pagsama sayo? Ibubuwis namin buhay namin diyan, pero hindi ko naman alam kung anong makukuha kong kapalit,”
Natahimik ako dahil hindi sumagi sa aking isipan ang mga bagay na ito. Masyado akong naging makasarili at natakot na mahiwalay sa kanila. Hindi agad ako nakapagbigay sa kaniya ng kasagutan.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay dumeretso agad kami sa tapat ng simbahan. Habang bumibili ng pagkain ang mga kaibigan ko, panandalian akong pumasok sa loob ng simbahan. Ako’y lumuhod at nagdasal,
“Thankyou for everyday blessings, forgive my sins, and Lord please help me to find answers to my questions.”
Habang nagdadasal, isang mahinhin na boses ang narinig ko sa aking isipan. Nagwika ito,
“Kapag sumama ang mga kaibigan mo, tutuparin ko rin kung ano man ang kanilang hilingin. Maghanda ka na, patawad kung hindi ko matutupad ang pinangako ko sayo. Ihanda nyo na inyong mga sarili dahil nalalapit na ang panahon.”
Mabilis nawala ang boses pero sigurado ako na ang Diyosa na si Anna ang narinig ko. Dahil dito, napanatag ang aking kalooban dahil alam ko na kung ano ang isasagot ko kay Mercury. Pero nangamba ako sa sinabi ng Diyosa dahil si Mercury at si Set pa lang ang nakakausap ko tungkol sa bagay na ito.
Nagmadali akong lumabas ng simbahan upang agad na makausap ang mga kaibigan ko. Saktong-sakto naman na nandoon sina Jas, Dane, Nads, Set at Mercury.
Patakbo akong lumapit sa kanila nang biglang may lumabas na isang malaking butas sa aking paanan. Dahil dito, ako’y biglang napasigaw,
“Oh shit ano to?! Di ako makagalaw.”
Unti-unting may humila sa akin pababa. Agad na tumulong sila Mercury at Set ngunit pati sila ay hinila ng misteryosong butas.
“Dre ano to? Bakit ang bilis naman. Hindi naman to kasama sa sinabi no’ng Diyosa na nakausap mo ah. Akala ko ba isang linggo pa?”
Natatakot na tanong ni Mercury. Ako din mismo ay naguguluhan at nakakaramdam ng kaba.
Ang tatlo kong babae na kaibigan ay natulala.
Nang matauhan, dali-daling binatak ni Nads at Dane ang kamay ko pero pati sila ay nadamay na hinihila papasok sa butas. Sinubukang humingi ng tulong ni Jas sa ibang tao.
“Tulo…”
Ngunit huli na ang lahat. Ang butas ay mas lumaki at lahat kaming magkakaibigan ay nilamon nito.
Habang nakalubog sa kailaliman ng aking isipan, muli kong narinig ang boses ng Diyosa.
“Malaking problema ang kinakaharap ng mga Diyos ng Aragona sa ngayon, kaya naman pansamantala akong mawawala. Oo nga pala, habang aking sinisiyasat ang iyong mga kaibigan, napag-alaman ko na sila din ay may mataas na potensyal sa paggamit ng mahika. Kaya naman tuluyan ko na silang isinama. Patawad ngunit isa na rin sila sa mga napili kaya’t hanggat hindi natatapos ang misyon na ibinigay ko sainyo ay hindi pa kayo pupwedeng bumalik sa inyong mundo.”
Unti-unting nawala ang boses.
Ako’y binalot ng sobrang pagsisisi dahil dito. Inakala ko na ayos lang ang aking mga naging desisyon, ngunit ito pala ang maaring sumira sa aming samahan dahil sa aking pagiging makasarili.
Pagkalipas ng limang oras na wala kaming malay ay nagising na si Nads. Tumayo ito mula sa pagkakahiga. Umugong ang takot at kaba sa kaniyang puso ng makita nya kaming nakahandusay sa sahig. Inakala niya na wala na kaming buhay kaya’t nagmamadali nya kaming ginising isa-isa.
“Oy guys gising! Gumising na kayo baka may mangyari sa’ting masama kapag nagtagal pa tayo rito”.
Gumaan ang kaniyang pakiramdam ng lahat kami ay bumangon. Wala namang nasaktan sa amin.
Dito, natagpuan namin ang aming mga sarili na napapaligiran ng mga Puno. Ang ulap ay dumidilim na para bang may isang malakas na ulan ang paparating.
Lahat kami ay naguguluhan at nangangamba.
“Paano tayo napunta rito? Kanina nasa simbahan lang tayo ah,” pagtatakang tanong ni Jas.
Agad kaming tumakbo palabas ng gubat. Isang kalsada ang aming natanaw mula sa kabilang banda ng ilog. Tumawid kami ng tulay at nagpahinga sa daan.
“Oy mac ano to?! Nasaan tayo? May alam ka ba sa mga nangyayari?” nagagalit na tanong sa akin ni Nads.
Nahihiya ako sa kanila dahil nadamay sila sa mga nangyayari. Hindi ako makasagot kaagad dahil pati ako ay gulong-gulo pa sa mga nagaganap.
Buti na lang ay alam na nila Mercury at Set na isasama ko sila dito. Ngunit nabigla rin sila dahil masyadong mabilis ang lahat.
Nagpaliwanag ako kila Dane,
“Pasensya na kung nadamay kayo dito sa gulong napasukan ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari lahat ito. Actually tatanungin ko muna sana talaga kayo kung gusto nyo sumama pero di ko naman kayo pipilitin. Kaso hindi ako sigurado sa mga detalye kung bakit pati kayo nadamay. Pasensya na, huwag kayong mag-alala aayusin ko to.”
Naiinis akong tinignan ni Nads,
“So ano na? Ano nang plano mo? Nandito na kami wala na kaming magagawa. Mamaya ipaliwanag mo sa amin lahat lahat huh? Pero sa ngayon humanap muna tayo ng ligtas na lugar.”
Naglakad-lakad kami hanggang sa nakahanap kami ng isang maliit na bayan. Makaluma ang istraktura ng mga bahay. Ang mga tao ay nakasuot ng mga makalumang damit. Wala din kuryente ngunit madaming mga ilaw sa paligid.
Sa mundong ito, ang mahika ay makikita kahit saan. Ang mga tao ay nagtataglay ng mahika ngunit hindi lahat ay may potensyal at may kakayahang gamitin ito.
Nagtanong-tanong kami sa mga taong napapadaan. Isang lalaking may bitbit na malaking gamit sa likuran ang aking nakausap.
“Kuya, kuya, ano pong lugar ito?” sambit ko sa lalaki.
Napahinto ito habang dahan-dahan na ibinibaba ang dala-dala nyang gamit.
“Ahh bago lang ba kayo dito sa Siana?”
Tumango ako habang mababakas sa aking mukha ang pagtataka dahil ang lahat ng aking nakikita dito ay hindi gaanong pamilyar sa aking mga mata.
“Oho eh, nagmamadali po ba kayo? Kung ayos lang po pwede bang humingi na rin ako ng mga detalye tungkol sa lugar na ito?”
Nagulat ang lalaki sa aking sinabi,
“Naliligaw ba kayo? Saan bayan ba kayo nanggaling?”
Hindi ko naman masabi sa lalaki na nanggaling kami sa ibang mundo dahil hindi ko alam kung isa siya sa mga taong dapat kong iwasan.
Kabilinbilinan pa naman sa akin ng Diyosa na si Anna na lumayo ako sa mga taong may koneksyon kay Luosito dahil siguradong mapapahamak lamang ako.
Buti na lang ay agad akong nakaisip ng paraan.
“Oho, naglalakbay po kasi kami kaso bigla kaming sinugod ng mababangis na hayop. Tumakbo kami sa gubat at eto dito kami napadpad.”
“Ah ganoon ba? Sige sumama muna kayo sa akin. Mayro'n akong panuluyan sa bayan na 'to. Doon na tayo mag-usap at para makapagpahinga na rin kayo.”
Hindi na kami tumanggi sa alok ng lalaki dahil mukhang mabait naman ito at mapagkakatiwalaan. Pagod na pagod na rin kami kaya’t gusto na naming magpahinga.
Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap