Mabibilis na tapik ang aking naramdaman sa aking bandang likuran. Umaga na pala kaya ginigising na ako ni Set upang mag-almusal.
“Uy dre bangon na nandoon na silang lahat sa baba. Ikaw nalang hinihintay.”
Naalimpungatan ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Sa aking pagtayo, natanaw ko mula sa bintana ang madaming tao na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang ilan ay nagtatayo ng maliit na silungan kung saan nila ilalagay ang kanilang mga paninda. Habang ang iba ay may dala-dalang mga armas. Nagtaka ako dahil normal lang ba ang magdala ng armas kung saan-saan?
“Set, mga sundalo ba ‘yong mga lalaki na ‘yon? Bakit kaya may bitbit silang mga espada? Yung iba may dala pang mas malalaking armas.”
Sumilip din si Set sa bintana upang makita,
“Hindi ko alam eh dre. Hayaan mo na sila, tara na bumaba na tayo baka nagsisimula na silang kumain.”
Sumama na ako kay Set pababa. Masayang nag-uusap sila Mercury at Dane habang hinihintay si Mang Serio. Noong araw kasi na iyon ay plano naming maghanap ng trabaho. Lumapit ako sa kanila at umupo. Sakto namang tinawag kaming lahat ni Dane para maka-usap.
“Muntik ko ng makalimutan, ‘di ba sinabi nga pala no’ng Diyosa na lahat tayo ay may mataas na potensyal pagdating sa mahika? Paano ba natin magagamit yong mahika na iyon? Oy Mac ikaw ba alam mo ba kung paano?”
“Hindi eh.”
Umiling ako dahil hindi nabanggit ng Diyosa kung paano namin ito gagamitin.
Tsempo namang dumating si Mang Serio. May dala itong malaking bato na kung titignan ay parang isang normal lang na bato.
“Mang Serio ano po iyang dala niyo?” tanong ni Mercury.
Tumingin ito sa amin at nagtaka,
“Hindi rin ba kayo pamilyar dito? Saan ba talaga kayo nanggaling? Baka tiga ibang mundo kayo ah? Haha,” pabirong sabi nito.
Napatawa na lang kami at gumawa ng dahilan.
“Hindi po eh. Galing po kasi kami sa ibang isla. Malayo po kasi ‘yon sa ibang mga bayan kaya hindi pa kami gaanong pamilyar sa mga gamit niyo rito.”
“Ah ganoon ba. Kung titignan niyo mukha lang syang normal na bato. Pero ginagamit ito para alamin kung anong mahika ang pwede niyong gamitin.”
Pagkasabi ni Mang Serio ng bagay na ito, natuwa kami dahil maari namin itong gamitin upang malaman kung anong mahika ang meron kami. Hiniram namin ito sa kaniya panandalian.
“Mang Serio pwede po ba naming hiramin iyan? Hanggang ngayon po kasi hindi pa namin alam kung anong mahika ang meron kami,” sambit ko sa kaniya.
Hindi ito nagdalawang isip na pahiramin kami at inilapag agad ito sa mesa.
“Tinatawag itong bato ng mahika. Hindi naman ito sobrang komplikado gamitin. Kailangan nyo lang na ipatong ang kamay nyo at pumikit. Isipin nyo na naglalakbay kayo sa loob ng inyong isipan. Kapag may nakita kayong liwanag, hayaan nyo lang na lumabas ito. Iyon ang mahika at subukan nyo itong dalhin papunta sa bato.”
Isa-isa naming sinubukan ang bato. Una itong sinubukan ni Set. Ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay at pumikit. Ilang minuto na ang lumilipas ay tila wala pa ring nangyayari.
“Uy Set ayos ka lang ba?” wika ko sa kaniya.
“Shh! Nagfofocus ako huwag ka munang maingay.”
Pagkasabi nito, nag-iba ang kulay ng bato. Iminulat na ni Set ang kaniyang mga mata at lahat kami ay namangha sa ganda ng aming nakita. Nagkaroon ng tubig sa loob ng bato na naging dahilan para magkulay asul ito.
“Wow, ang ganda. Ano po ibig sabihin nito kapag naging kulay asul?”
Ipinaliwanag sa amin ni Mang Serio ang isinisimbulo ng bawat kulay.
“Ang asul ay sumisimbulo sa tubig, ang pula naman ay para sa apoy. Ang itim ay para sa dilim, at ang puti ay para sa liwanag. Ang kulay berde ay para sa hangin, at ang kayumaggi ay para sa lupa.”
Pagkayari ni Set, sumunod na sumubok si Mercury. Ang bato ay naging kayumanggi ngunit wala ng ibang nangyari dahil ang bato ay orihinal naman ng parte ng lupa.
Natuwa si Mercury sa kinalabasan,
“Yes! Saktong-sakto ito talaga yung kapangyarihan na gusto ko.”
Masaya itong kinuha ni Dane para matuklasan kung ano ang mahikang taglay niya. Pagkapatong ng kaniyang kamay, naging pula ang kulay ng bato at bigla kaming nakaramdam ng init. Parang bang nag-aapoy ito. Mabilis na binitawan ni Dane ang bato dahil sa gulat.
“Mang Serio bakit uminit yong bato? No’ng sila Mercury at Set wala namang nangyaring ganito ah?” nagtatakang tanong ni Dane.
“Ah oo nga pala nalimutan kong sabihin. Magbabago talaga ang anyo ng bato depende sa kung anong mahika ang meron kayo.”
Mas lalo na kaming naliwanagan dahil sa paggabay sa amin ni Mang Serio.
Iniabot ni Dane kay Nads ang bato upang siya naman ang sumubok nito. Pagkahawak ni Nads sa bato ay biglang lumamig ang paligid.
“Ang ganda. Nagkulay berde ‘yong bato,” sambit ni Nads. Si Nads ay nagtataglay ng mahika ng hangin.
Iniabot ni Nads kay Jas ang bato pagkayaring gamitin. Nang sinubukan na ito ni Jas, isang matinding liwanag ang biglang sumilaw sa aming paningin. Hindi namin masabi kung anong kulay ito dahil sa tindi ng liwanag. Lahat kami ay hindi makatingin sa bato at pati si Mang Serio ay nagulat sa nangyari.
“Sobrang taas ng potensyal mo pagdating sa puting mahika iha. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.”
Dagdag pa niya,
“Lahat kayo ay may nakakamanghang mahika. Nahigitan niyo pa ang resulta na nakuha ng mga kilalang salamangkero dito sa bayan.”
Pero ng mga sandaling ito, hindi ko pa nasusubukan ang bato.
“Uy ako pa pala hindi ko pa nasusubukan ‘yang bato. Paabot naman please?”
Ibinigay ito sa akin ni Jas. Pagkapatong pa lang ng aking kamay ay biglang nahati ang bato sa gitna.
“Anong nangyare? Hala nasira ko na ata.”
Dinampot ko ang bato gamit ang dalawa kong kamay. Dahil nahati na ito sa dalawa, ang kalahati ng bato ay nasa aking kanang kamay, habang ang kabilang parte naman ay nasa kaliwa kong kamay.
Ilang segundo pa lang ang lumilipas, biglang bumigat ang paligid. Tila ba may mabigat na bagay ang nakapatong sa aming mga katawan. Nagmistulang isang vacuum ang bato sa aking kaliwang kamay. Hinigop nito ang plato na nasa aking harapan.
Nagulat ako at mabilis kong inihagis ang bato.
“Shit. Ano ‘yon? Bakit nagkaganto?” natataranta kong tanong.
Nang aking tignan ang bato sa aking kanang kamay, umilaw ito na tulad ng resulta na nakuha ni Jas.
Tila ba hindi nagkakasundo ang dalawa kong taglay na mahika.
“Baka nahati ‘yong bato dahil dalawang klase ng mahika ang meron ka Mac,” mungkahi ni Mercury.
“Pasenysa na po Mang Serio nasira ko ‘yong bato,” agad kong sambit kay Mang Serio.
Nanginginig dahil sa takot siyang nagwika,
“Ayos lang iho huwag mo na alalahanin ‘yon.”
Muling nagpa-alala sa amin si Mang Serio bago ito tuluyang umalis.
“Kakaiba ang mga taglay ninyong mahika. Balang araw magiging isa kayong magagaling na salamangkero. Pero huwag ninyong hahayaan na lamunin kayo ng kasakiman dahil ito ang magdadala sa inyo sa kapahamakan. Lalo ka na Mac. Kakaiba ang iyong mahika, hindi ko inakala na maaring magtaglay ang isang tao ng puti at itim na mahika. Malalakas ang mahika na iyan, ngunit ang itim ay para lang sa dilim at ang puti ay para lang sa liwanag. Huwag mong hahayaan na masakop ka ng dilim dahil ang dilim ay ang kasalungat ng liwanag.”
Napansin ko kanina bago bumaba ng hagdan na nakakangiti na ulit sila Mercury kahit kagabi lang ay sobrang lungkot at takot na takot pa sila sa mga nagnayayari. Nang pagkaalis ni Mang Serio, tinanong ko silang lahat kung paano nila nagawang maging masaya sa kabila ng mga naganap.
“Uy guys. Pasensya na nga pala ulit. Oo nga pala, napaisip lang ako bigla. Napansin ko kasi na masaya na ulit kayo ngayon. Hindi naman ‘yon masama, actually mas maganda pa nga ‘yon. Kaso nagtataka lang ako kung paano nyo nagawang maging masaya? Tsaka gusto ko lang sana malaman kung galit ba kayo sa akin. Ayos lang naman kahit anong isagot nyo naiintindihan ko naman kayo.”
Biglang umakbay sa akin si Mercury. Tumingin silang lahat sa akin imbis lang kay Nads. May galit pa rin kasi siya sa akin ng mga sandaling ‘yon.
“Alam mo dre, wala rin namang saysay kung magtatanim kami ng galit sayo. Nandito na kami eh, wala na kaming magagawa. Ang pwede na lang nating gawin ngayon ay umisip ng paraan paano makakausap ang Diyosa na yan. At para malaman na rin natin kung paano tayo makakabalik sa atin. Huwag ka ng masyadong mag-isip diyan, isipin mo na lang kung ano maaari nating magawa sa ngayon,” sambit ni Mercury. Pagkarinig nito, mabilis na gumaan ang aking kalooban. Nagkaroon ako ng panibagong lakas na tuparin ang aking ipinangako.
“Salamat sa inyo,” maluhaluha kong wika sa kanila.
Matapos kumain ng almusal, agad kaming dumeretso sa isang malaking gusali sa gitna ng bayan. Ito kasi ang itinurong lugar sa amin ni Mang Serio kung nais naming makahanap ng trabaho.
Tinatawag nila itong Pasilidad ng mga Mandirigma. Dito ka maaring makahanap ng mga trabaho na ibibigay sayo ng mga namamahala sa pasilidad. Kung matatapos mo ang mga trabaho na ito base sa sinabing panahon at proseso ng namamahala, makakatanggap ka ng salapi.
Meron lang tatlong klase ng salapi sa mundong ito. Ang ginto, pilak at tanso. Katumbas ng isang ginto ay isang daang pilak at ang isang pilak ay nangangailangan ng sampong tanso kung nais mong magkaroon nito.
Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap