Maraming tao ang nagtipon-tipon sa gitna ng plaza. Nais nilang manood sa mga nagtatanghal ng mahika.
May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang biglang nagpakilala sa gitna.
“Kamusta mga tao dito sa Siana? Ako nga pala si Steban. Ngayong gabi ay hahanap kami ng mga magboboluntaryong sumali sa aming paligsahan. Huwag kayong mag-alala, maganda ang aming ipapamigay na premyo. Ang kailangan nyo lang gawin ay ihanda ang inyong mga sarili at mahika dahil ang kompetisyon na ito ay palakasan at pagalingan.”
“Sino may gusto sumali sa inyo? Ako sasali ako kayo ba?”
Pagkatanong ko nito, hindi na sila nagdalawang-isip pang sumali.
“Sige. Sali na rin kami mukhang maganda naman ‘yong premyo eh,” tugon ni Set.
Dagdag pa ng lalaki na nagngangalang Steban,
“Mamimigay ako ng iskolarsip para sa isang mamahaling paaralan sa masuswerteng tao na mananalo sa paligsahan.”
Ang paaralan na tinutukoy niya ay tinatawag na Akademya ng mga Batang Salamangkero. Na kung saan, karamihan ng mga nakakapag-aral dito ay nagmula sa mayayamang pamilya. Mahal kasi ang matrikula sa paaralan na ‘yon.
Hangga’t hindi pa namin nakakausap ang Diyosa, wala pa kaming alam na paraan kung paano makakabalik sa aming mundo. Kaya naman ang pagsanay sa aming mga sarili upang makaangkop sa mundo ng Aragona ay kinakailangan.
Nagbolontaryo kaming sumali dahil maari nitong mabago ang aming kapalaran. Malaking tulong sa amin kung makakapasok kami sa paaralan na pang salamangkero dahil mahahasa namin dito ang aming mga mahika.
Umabot ng 20 tao ang nagpresinta na sumali.
“Mayroon na tayong dalawangpung boluntaryo. Sisimulan na natin ang paligsahan ngunit bago ang lahat, ipapaliwanag ko muna ang patakaran. Kailangan niyo lang na pasukuin ang inyong mga kalaban sa kahit paanong paraan. Pero ang pagpatay o pagdulot ng matinding pinsala ay ipnagbabawal. Kapag hindi ninyo sinunod ang patakaran, awtomatikong tanggal na kayo sa paligsahan.”
Bago mag-umpisa, inilista muna ng lalaki ang aming mga pangalan. Matapos nito ay ipinagtapat-tapat niya ang mga pangalan upang gamiting basehan sa pagkakasunod-sunod ng laban.
Masuwerte akong nauna sa listahan kaya naman agad na akong pumasok sa lugar na paggaganapan. Malaking lalaki na may may mabatong pangangatawan ang sumunod sa akin.
Siya ang aking unang makakatapat.
Nakakaramdam ako ng kaba, pero hindi tulad no’ng nakaharap namin ang Teghasus sa gubat. Hindi naman nanganganib ang aking buhay dahil ipinagbabawal ang pagpatay sa paligsahan.
Ikinalma ko ang aking sarili upang makapagpokus sa laban habang todo suporta naman ang aking mga kaibigan.
“Go Mac! Kaya mo yan! Gamitin mo bilis mo para manalo,” sigaw ni Mercury.
Malakas na putok ng isang baril ang nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng laban. Dahil sa laki ng katawan ng lalaki, alam ko na may taglay din siyang pambihirang lakas.
“Oy bata umuwi ka na lang. Hindi ‘to para sa mga totoy,” pang-iinis na sabi ng lalaki.
“Ah totoy pala ah. Tignan natin kung sino magmumukhang totoy mamaya,” sambit ko habang pinapanatili ang aking distansya.
Nagtaka ako dahil ibinaba ng lalaki ang kaniyang katawan at idinikit ang kamay sa sahig.
“Humanda ka na!”
Ibinuhos niya ang buo niyang pwersa sa kaniyang pagtalon upang tangkain akong dakutin.
Buti na lamang ay may taglay akong kakaibang bilis kaya naman hindi niya ako nagawang abutan. Nagpatuloy siya sa paghabol pero hindi ko hinayang makadikit siya sa akin.
“Manong ano na? Kaya mo pa ba?”
Nakakita ako ng pagkakataon na umatake habang siya’y naghahabol ng hininga. Gamit ang aking bilis, tumakbo ako sa kaniyang likuran at isang bumubulusok na suntok ang aking pinakawalan.
Napaluhod siya kaya nagpaulan pa ako ng mga suntok upang sirain ang kaniyang depensa. Bagama’t matigas ang kaniyang mga braso, pinilit kong ilusot ang isa kong kamao.
Matagumpay kong natamaan ang kaniyang mukha. Tuluyan ko nang nasira ang kaniyang balanse.
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na ito kaya agad kong ipinalupot ang aking braso sa kaniyang leeg.
“Suko na manong. Hindi ka na makakatakas. Sumuko ka na hangga’t pwede pa.”
Pilitin niya mang magpumiglas, hindi niya magawang maialis ang aking braso. Ilang segundo pa ang lumipas ay tuluyan na rin siyang sumuko.
“Tama na suko na ko. Pakawalan mo na ko hindi ako makahinga.”
“Susuko ka rin pala pinahirapan mo pa ako,” sambit ko bago dumeretso sa aking mga kaibigan. Nagdiwang kami dahil sa aking panalo. Masaya ako dahil hindi ako gaanong nahirapan sa una kong laban.
“Nice one dre,” salubong sa akin ni Mercury.
Susunod nang lalaban si Set. Pumasok siya kasabay ang isang kakaibang lalaki.
“Goodluck Set. Mag-iingat ka mukhang hindi normal ‘yang makakalaban mo,” paalala ko sa kaniya.
Nagpasalamat siya sa aking paalala at dumeretso na sa gitna.
“Huwag kang mag-alala dre kaya ko to.”
Hinawakan muli ni Steban ang baril. Inihanda na nya ang kaniyang kamay para paputikin ito. Hindi pa naibibigay ni Steban ang hudyat, pero agad ng lumusob ang misteryosong lalaki.
“Teka wala pa! Huwag kayong magsisimula ng hindi pa ko nagbibigay ng hudyat.”
Hindi nakinig ang lalaki sa sinabi ni Steban at nagpatuloy pa rin sa paglapit kay Set. Napansin naman siya ni Set kaya nakapaghanda ito.
“Handa ka na bang mamatay?” tanong ng lalaki kay set.
Iniangat niya ang kaniyang kamay. Bumulong ito ng isang salamangka. Mabilis ang kaniyang pagbigkas kaya hindi namin ito masyadong narinig.
“Set lumayo ka diyan.”
Nangamba kami sa maaring mangyari kay Set dahil matinding mahika ang naiipon sa kamay ng lalaki.
“Sirain mo lahat ang nasa aking harapan, apoy mula sa buwan!”
Matapos itong bigkasin ng misteryosong lalaki, isang malaking bolang apoy ang lumitaw sa ere. Umabante ito ng mabilis. Buti na lang ay mabilis ding nakaalis si Set.
“Teka pwede ba ‘yan? ‘Di ba bawal pumatay? Eh kahit sino hindi makakaligtas kapag natamaan niyan eh,” reklamo namin sa misteryosong lalaki.
“Huwag kayong mag-alala. Wala akong pakelam sa paligsahan. Dahil ngayong gabi ay uubusin ko kayong lahat na nandito sa Siana.”
Banta ng misteryosong lalaki sabay tumawa ng malakas. May sinabi pa ito bago tuluyang mawala na parang bula.
“Tandaan ninyo ang pangalan ko. Ako si Pikasyo. Ang wawasak sa bansa ng Leonardo.”
Nataranta ang mga tao dahil ang bolang apoy ay dumeretso sa kabahayan. Maraming bahay ang nasira at nilamon nito.
“Tara umalis na tayo dito. Delikado na masyado,” wika ni Dane sa amin.
Tumakbo kami patungo sa panuluyan ni Mang Serio. Subalit wala kaming inabutan ni isang tao.
“Nasaan na sila?” tanong namin sa aming mga sarili.
“Baka lumikas na sila dre. Tara lumikas na rin tayo baka ano pang mangyari sa’tin dito,” paanyaya ni Mercury kaya tumungo kami sa tarankahan ng Siana.
Mula dito, matatanaw ang maraming bahay na nilalamon ng apoy. Nagsisigawan din ang mga tao at humihingi ng tulong. Malaking hukbo ang biglang lumitaw sa gitna ng bayan.
Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap