Share

Chapter 16

Mga madaling araw pa ay gising na ako. Ito ang pangatlong araw ko rito sa barko at ang araw na pagdating ko sa Siargao. Inaabangan ko talaga ang paglitaw ng araw. Sa wakas ay masisimulan ko na rin ang mission ko at para matapos ko na agad ito. Nang nakarating kami sa Siargao ay una ako bumaba sa barko. Sumunod lang sa akin si Lorenzo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Sa tuwing naglalakad kami papunta sa hotel na malapit sa dako ng mission namin maraming babae ang napapatingin kay Lorenzo. Naparolyo na lang ang aking mga mata at parang ang sarap kunin ng mga mata nila at pagbabarilin. May iba pa na lumapit kay tanda at nakipag-usap pa na pinansin naman niya. Magsama kayong lahat. Binilisan ko ang paglalakad at iniwan siya doon na lapain ng mga babaeng papansin sa kanya.

Magkasalubong ang mga kilay ko dahil nagawa pa niya talaga makipagtawanan doon sa mga babae. Nakakainis talaga siya. Eh kung misyon ang unahin niya para matapos na ito? Hindi nagtagal ay nasa front desk na ako ng hote
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status