Share

KABANATA 6

ANYA

Pagkatapos ng laban kagabi ay umuwi rin kami agad ni Sue. Wala naman akong naging sugat matapos ang laban, sa ngayon alam kong nag-iinit na ang ulo ni Crimson sa akin. Kasalanan naman nila ni Gellan kung ano ang nangyari sa kanila.

Speaking of Gellan ang Devil na ‘yon, siguradong madadag-dagan ang kaaway ko dahil sa kaniya. Kaaway ko na nga ang tatay n’ya pati ba naman siya.

Hindi ko talaga makasusundo ang mga Montefalco kahit kailan.

Naamoy ko mula sa hagdan ang niluluto ni Sue sa kusina kaya do’n na ako dumiretso.

"Ano ‘yan?" tanong ko at umupo sa dinning table.

"As usual itlog at hotdog," umay na sagot n’ya.

Na naman?

"Isang linggo na nating ulam ‘yan, baka magka-cancer na ako sa’yo," reklamo ko.

"E anong gusto mong gawin ko? Limliman at hintaying maging manok ‘tong supply mo ng itlog? My gosh wala namang ibang laman ang ref mo kung ‘di ito lang,"  reklamo rin niya.

"Try mo kayang mag-grocery minsan, baka may makain na tayong matino,"

"And why ko naman gagawin ‘yon? Am I your maid?"

"Sino bang nakikitira? Ako ba, hindi ba ikaw." Tumayo ako at kumuha ng tinapay at palaman. Baka tubuan na ako ng kati-kati sa katawan dahil sa itlog.

"Excuse me, hindi ako nakikitira mas malaki pa nga ang bahay ko sa’yo," nagmamalaki niyang sabi.

"Oh e bakit ‘di ka na lang kaya umuwi, gusto mong tawagan ko na si Tita ngayon?" Bumalik ako sa upuan at dito na kumain.

"Anya naman e, sige na nga ako na ang mag-grogrocery," nakabusangot niyang sabi.

Paano kasi ayaw niyang umuwi sa kanila, hinahanap na nga siya ni Tita Sunny sa akin. Nangako raw kasi siya kilala Mama na sasamahan niya ako kaya ‘yan nandito siya sa bahay.

"Ipamigay mo na kaya ‘yang mga itlog diyan, kung bakit kasi tinanggap mo pa ‘yan." Inilapag n’ya sa lamesa ang mga niluto n’ya.

Hindi na ako nakasagot dahil nag-pop up sa screen ng cellphone ko ang mukha ni Chief Zam. Naalala ko naman kung anong ginawa ko kagabi, siguradong pagagalitan lang ako nito.

"Ikaw na ang sumagot." Inilagay ko sa harap ni Sue ang nag-riring na cellphone ko.

"Ayaw ko nga baka pati ako mapagalitan." Binalik n’ya sa akin ang phone ko pero pinindot n’ya na ang answer button.

“Bwiset ka talaga," gigil na bulong ko. Tinawanan lang niya ako saka nagsimula ng kumain.

"Hello De Chavez," wika ni Chief.

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone bago nagsalita.

"Yes Chief si Anya ‘to," sagot ko.

"Alam ko, ikaw nga ang tinawagan ko hindi ba," sa boses niya pa lang halata na ang pagkainis n’ya.

"Bakit kayo tumawag?" lakas loob kong tanong.

"Alam mo naman kung bakit nagtatanong ka pa!"

Lumayo ako sa cellphone dahil sa lakas ng boses n’ya.

"Ikaw na bata ka, ‘di ba at nag-usap na tayo? Sasabihin mo sa akin kung magpupunta ka sa casino. Oh ngayon, anong ginawa mo ro’n De Chavez?" galit na tanong niya.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Lalo lang siyang magagalit kapag nalaman n’ya.

"Nanood lang kami ni Sue, Chief," kunyari’y kalmado kong sagot.

"Kung ganoon ano ‘tong sinabi ni Sue na nakipag-away ka raw sa anak ng senate president at sa anak ni George? Really, of all people na pwedeng mong labanan si Gellan pa talaga? Gusto mo ba talaga ng mahirap na mission De Chavez?" ngayon ay sumisigaw na siya.

Sinamaan ko naman nang tingin si Sue.

"What?"  tanong niya.

"Sinabi mo ‘yong kagabi?" inis kong tanong.

"E sa nagtanong siya e." Nag-peace sign pa siya.

Sinabi ko na nga ba, dapat talaga hindi ko na lang siya sinama.

"H’wag mong sisihin si Sue na bata ka, tandaan mo kapag inulit mo pa ito ng hindi nagpapaalam bibigyan kita ng suspension," sabi pa niya.

"Yes Chief, hindi na mauulit," sagot ko.

"Talagang hindi na dapat, anyway may trabaho ka ngayon. Ikaw si Keo at Von ang assigned na magpunta sa bahay nitong Aliseo Dominguez siya ang taong tinutukoy ni Aji last meeting," wika niya sa galit pa rin na tono.

Bigla akong nabuhayan ng loob.

"Ngayon na po ba?" tanong ko.

"Of course ngayon na, kumilos ka na nga!" huling sigaw niya bago nag-end call.

Mabibingi ako sa kasisigaw n’ya. Bakit ba lagi na lang siyang high blood.

Agad akong nagbihis pagkatapos kumain. Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang tinitingnan ang sarili. Naka-black kangaroo pocket jacket ako with matching black leather pants at sneakers. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay.

"Hoy bruha," tawag ni Sue mula sa kwarto niya habang nakadungaw sa bintana, kaya tiningala ko siya.

"Oh ano ba? Aalis na ako," saad ko.

"Tumawag ka kapag kailangan n’yo ng tulong ah, at saka iwasan mo muna ang makipag-way dadalaw tayo kanila Tito at Tita sa susunod na araw. Baka pagalitan ka nila kapag nakita ka nilang may sugat," sabi n’ya.

Oo nga pala, nakalimutan ko na. Siguradong pagagalitan ako ni Mama sinabi pa naman n’ya na tumigil na ako sa pakikipag-away. Ayaw kong malaman nilang hindi ko sila sinunod, at saka iba naman na ang dahilan ng pakikipaglaban ko ngayon para rin naman ‘to sa kanila.

Binigyan ko ng thumbs up si Sue bago sumakay sa kotse. Tinawagan ko na rin si Von kanina para tanungin kung saan kami magkikita. Doon na ako dumiretso sa lugar na sinabi niya, lumiko ako palabas sa sementadong daan at mabatong daan ang sumalubong sa akin.

Puro puno ang paligid at huni ng ibon lang ang maririnig. Mukhang liblib na liblib ang bahay no’ng Aliseo. Binigyan ako ng kopya ni Keo ng identification nito, mahigit 50 years old na siya at walang pamilya, hindi rin ganoon kadami ang nakuhang information sa kaniya.

Huminto ako sa tabi ng dalawang kotse. Sasakyan ito no’ng dalawa, pero bakit walang tao?

Bago ako bumaba nagmasid muna ako sa paligid. Kinuha ko ang handgun ko sa passenger seat at inilagay sa bulsa ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko nakita sila Von.

Nasaan ba sila? Baka naman nauna na sila sa bahay ni Aliseo. Pero wala namang bahay dito.

Bumaba na ako sa kotse at nagsuot ng mask at cap, sinilip ko ang kotse ni Von at Keo pero parehas itong walang tao. Nasaan ba sila?

Umikot ako saglit at nagpalinga-linga baka sakaling makita ko sila pero hindi ko sila nakita. Nagdesisyon akong bumalik sa kotse nila, may napansin akong pulang stain sa pinto ng kotse ni Keo. Hinawakan ko ito at malapitang tiningnan.

"Dugo," sambit ko.

Mabilis akong tumingin sa lupa, nakita ko ang mga patak ng dugo dito. Mukhang nagkaroon ng gulo dahil bakas sa lupa ang magugulong shoe prints.

Nag-aalala ako sa dalawa, baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Agad kong sinundan ang mga marka ng dugo sa daan, hanggang sa makarating ako sa damuhan. Hinawi ko lahat ng mga naglalakihang dahon sa dinaraanan ko.

Nagtago ako sa isang puno no’ng may makita akong maliit na barong-barong. Ito na kaya ‘yong bahay ni Aliseo? Kanino kayang  dugo ang nagkalat sa daan?

Para masagot lahat ng tanong ko ay dahan-dahan akong nagtungo sa gilid ng bahay. Dahil gawa ito sa kahoy nakahanap ako ng maliit na butas para makasilip.

"Sabihin n’yo kung sino kayo?" sigaw noong nakatalikod na lalaki, siya siguro si Aliseo. Nakita ko sa harapan niya sila Von at Keo na kapwa nakatali sa upuan. Anak ng paano sila nahuli?

"Kailangan naming ng tulong mo Aliseo. Bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa Black University," rinig kong sabi ni Von.

"Kung gano’n kasamahan kayo no’ng babae? Sinabi ko na, hindi ako makikipag-usap," sabi nito.

Kailangan kong makagawa ng paraan para mailabas ‘yong dalawa doon.

"Handa kaming magbigay ng proteksyon sa’yo kapag nakipagtulungan ka sa amin," lintanya ni Keo.

Umikot ako sa kabilang bahagi ng bahay para maghanap ng entrance point. Sakto namang may nakabukas na bintana.

"Ginawa na ‘yan ng gobyerno dati pero hindi naman nila nagawang protektahan ang pamilya ko," sagot pa nito.

Kung ganoon pinatay ang pamilya niya, siguradong si George ang may gawa no’n. Umakyat na ako sa bintana, sinigurado kong naging tahimik ang pagkilos ko. Pagpasok ko sa loob, saka ko lang napansin na nasa kwarto pala ako.

Paano naman ako lalabas ngayon dito?

Noong naghahanap ako ng puwedeng labasan nabangga ko ang isang picture frame.

Malas!

"Sinong nandiyan?" sigaw ni Aliseo. Agad bumakas ang pinto kaya wala akong choice kung ‘di sipain siya palabas ng kwarto.

"Anya?" kapwa gulat si Von at Keo no’ng makita ako.

"Hi boys, mukhang kailangan n’yo ng kaunting tulong ah," sambit ko.

"Mga bwiset, umalis na kayo sa bahay ko!" muling sigaw ng lalaki, tangka niyang abutin ang itak na hawak n’ya kanina pero naunahan ko na siya. Hinampas ko siya ng baril sa batok kaya nawalan siya ng malay.

"Paano mo kami nahanap?" tanong ni Von. Nagpunta na ako sa puwesto nila at sinimulang kalagan sila.

"May nakita akong mga patak ng dugo kaya sinundan ko," sagot ko.

"Mukhang sa akin galing ‘yon," saad ni Keo at pinakita ang sugat n’ya sa braso. Mukhang hindi naman ito ganoon kalala.

"Ano bang nangyari, bakit kayo nahuli n’yan? Dalawa na nga kayo," tanong ko. Binuhat nila si Aliseo at ini-upo sa bangko.

"Bigla na lang niya kaming sinugod mahabang kwento," sagot ni Von.

Mahabang kwento o ayaw niya lang ikwento.

"Bakit ninyo kasi ako iniwan, dapat sinabay n’yo na lang ako," reklamo ko.

"Si Chief ang nagsabing hayaan ka mag-isa total pasaway ka naman daw." Tinali ni Von sa upuan si Aliseo.

Tsk paano pala kung naligaw ako? Ako pa ang tanga gano’n.

Matapos niyang itali ang lalaki nagising na ‘to.

"Ano ‘to? Pakawalan niyo ako rito." Nagpupumiglas siya sa upuan.

"Kung makikipagtulungan ka sa amin pakakawalan ka namin," sagot ni Keo.

"Sinabi ko na ‘di ba, wala akong maitutulong sa inyo. Pinapahamak lamang ninyo ang buhay niyo," saad niya.

"Pinatay n’ya ang pamilya mo hindi ba? Hindi mo ba gustong mabigyan sila ng hustisya. Kapag tinulungan mo kami tutulungan ka rin naming ipakulong kung sino man ang pumatay sa pamilya mo," wika ko.

Napatingin siya sa akin.

"Pero huli na ang lahat." Yumuko siyang bigla.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Keo.

"Nahanap na nila ako, nakita na nila kung saan ako nagtatago. Umalis na lang kayo rito baka madamay pa kayo," sambit niya.

"Kung sasama ka sa amin gagawin namin ang lahat para iligtas ka," saad ni Von.

"K-Kaya niyo ba talagang gawin ‘yan?"

Sa itsura niya, mukhang natatakot din siya sa mangyayari sa kaniya. Lahat naman ay matatakot lalo na at alam mong malapit ka ng mamatay.

Tumango kami sa kaniya.

"S-Sige isama niyo ako, i-ilayo n’yo ako sa kanila," sambit nito.

Nagtinginan kaming tatlo, kakalagan na sana ni Von si Aliseo pero sunod-sunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw na nagpayuko sa amin. Ang sunod na pangyayari ay nakita namin ang duguang katawan ni Aliseo na may tama ng mga baril.

Bwiset na!

"Sniper!" Hinila ako no’ng dalawa padapa sa sahig.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin, halos puro butas na rin ang dingding ng bahay.

Kinuha ko ang baril ko at saka gumapang patungo sa may pinto.

"Anya bumalik ka nga ritong pasaway na bata ka!" tawag ni Von pero hindi ko siya pinakinggan.

"Kailangan nating mahuli ang taong ‘yon, baka malaman natin sa kaniya kung sino ang nagpapapatay kay Aliseo," sambit ko.

Noong tumigil ang pagbaril tumayo ako at lumabas. Nakita kong may lalaking bumaba sa puno. Nang makita ako nito agad siyang tumakbo kaya naman hinabol ko siya at pinagbabaril pero huli na ako. Mabilis siyang nakalayo, nakasakay na siya sa motor niya at mabilis itong pinaandar.

Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa hingal.

Sino naman kaya ang taong ‘yon? Si George kaya ang nasa likod nito? Alam kaya n’ya na may pupunta kay Aliseo para kumuha ng impormasyon?

Noong araw na ‘yon ay binalita namin sa HQ ang nangyari. Nagulat ang lahat sa naging resulta ng plano, hindi namin inaasahang may mamamatay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status