Share

KABANATA 7

ANYA

"Dad what happened?" Napatayo si Krixx matapos naming pumasok nila Von sa office room ng task force E111.

"Oh God hon, are you okay?" Naglakad agad si Aji papunta kay Keo. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala sa asawa. Lalo na at nakita nilang puno ng dugo ang braso nito, balot na rin ng dugo ang tela na tinali sa sugat niya upang pigilan ang pagdugo nito.

"Don't worry I'm okay, hindi naman ito ganoon kalalim hon," sagot ni Keo.

Napatingin naman ako sa long table kung saan naka-upo sila Sue at Chief, seryoso silang nakatingin kay Keo.

"Sigurado ka ba?" tanong pa ni Aji. Hawak niya ang braso ni Keo at pinatungan ng bagong tela.

"Yes I'm pretty fine hon,"

Bumaling naman nang tingin sa amin si Aji.

"Kayong dalawa okay lang ba kayo?" tanong niya.

"Okay lang kami siyempre maliban sa asawa mo. Siya ang unang sinugod ni Aliseo kaya natamaan siya ng itak. Hindi namin siya naramdaman ni Keo kaya nagulat kami no’ng sumugod siya," sagot ni Von.

"Masyadong mabilis ang pangyayari, marami siyang alam pagdating sa pakikipaglaban. Iyon ang dahilan kung bakit nahuli niya kami ni Von," dagdag ni Keo.

Hindi kaya hindi lang siya simpleng janitor sa Black University dati? Paano naman nangyaring marami siyang alam sa pakikipaglaban.

"Kung gano’n si Anya ang nagligtas sa inyo?" tanong ni Chief. Bakit parang sa tono niya hindi siya naniniwala.

"Yes Chief, nagulat din kami sa pagdating niya. Akala namin hindi n’ya kami mahahanap," sabi pa ni Von.

"Good job, hindi lang pala puro katigasan ng ulo ang paiiralin mo De Chavez," papuri ni Chief. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi niya mukha kasing galit pa rin siya sa akin.

"Aray!" d***g ni Keo. Napatingin kaming lahat sa kaniya, nililinis pala ni Aji ang sugat niya.

"Ang mabuti pa dalhin mo na si agent Keo sa clinic Aji, baka kailanganin ng sugat niya ng stitches," mungkahi ni Chief.

Sumunod naman ang dalawa at lumabas na papunta sa clinic. Nagulat naman ako no’ng biglang may humigit sa kamay ko.

"Ikaw are you okay Anya? Baka may sugat ka rin tulad ni Dad. I'm willing na gamutin ka or kahit kuhanin mo pa akong nurse without salary it's fine with me," sambit ni Krixx na nasa harap ko.

Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba niya sasamahan ang Daddy niya sa clinic at ako pa ang iniintindi niya.

"Ayos lang ako wala akong sugat o kahit galos," sagot ko sa kaniya.

"And if ever na mayroong sugat ang pinsan ko I'm the first person who will take care of her, kuha mo?" Inalis ni Sue ang kamay ni Krixx sa kamay ko.

Ito na naman tayo.

"Bakit ba kung kumilos ka akala mo ikaw ang nanay ni Anya? Masama na bang magmalasakit ngayon," buwelta ni Krixx.

"Hindi naman pero kung sa’yo galing ang malasakit na ‘yan baka masama nga," sagot ni Sue.

"Anong sabi mo? Kung hindi ka lang talaga pinsan ni Anya pinatulan na kita e," inis na sabi ni Krixx.

"Sino naman ang tinakot mo? Oh sige gusto mo ba ng one on one huh?" Tinaas pa ni Sue ang mga manggas ng t-shirt niya. Tinapik ko siya para sabihin na itigil na at huwag na niyang patulan si Krixx pero dahil magkamag-anak kami siyempre hindi siya nakinig.

"Kayong dalawa tama na ‘yan," saway ni Chief kaya biglang bumalik sa pagkakaupo ‘yong dalawa. Tingnan mo nga naman.

"Dahil lagi naman kayong hindi magkasundo." Naglakad si Chief patungo sa harapan no’ng dalawa.

"Puntahan ninyo si Dr. Harry Baylon isa siyang pathologist, siya ang gagawa ng autopsy ni Aliseo." Binigay ni Chief sa dalawa ang isang papel siguradong iyon ang address ng taong sinasabi niya.

Nag-agawan pa nga silang dalawa dito kaya napunit ang papel. Ang ending ay pilit nilang pinagdikit muli ito dahil hindi na sila binigyan ng bagong kopya ng address ni Chief. Mukha tuloy silang kawa-awang dalawa, pero kahit ganoon hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Kayong dalawa." Tinuro niya kami ni Von.

"Pagbalik ni Aji bumalik kayo sa bahay ni Aliseo. Search his house, baka mayroon siyang diary or pictures na connected sa Black University," pagpapatuloy niya.

"Yes Chief," sagot namin.

Pagkatapos ng nangyari sa bahay ni Aliseo at sa pagkamatay niya umalis agad kami sa lugar dahil kailangan naming mag-report sa headquarters. Nagpadala ng ambulance si Chief pero huli na dahil hindi na na-revive si Aliseo, wala na itong buhay ng dumating ang ambulance. Marami siyang tama ng baril sa upper body mayroon din sa kanyang sintido.

Dahil umakyat sa puno ang sniper ay nagkaroon siya ng chance na barilin si Aliseo sa parte na ikamamatay agad nito. Plus, naka-upo pa si Aliseo sa tapat ng bintana kaya madali siyang naasinta ng sniper.

Hindi pa rin ako makapaniwala na namatay ang kaisa-isang witness na meron kami at nag-iisang taong maaaring magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa Black University at posible rin na may alam siya tungkol kay George.

THIRD PERSON

Dalawang lalaki ang magkaharap sa balkunahe at kapwa may hawak na wine glass. Ang isa ay nakasuot ng formal attire na tila dadalo sa isang pagdiriwang, habang ang isa naman ay naka-itim na kasuotan. May takip ang kaniyang mukha at may suot pa itong cap sa ulo at sa balikat niya nakasabit ang isang sniper rifle.

"Anong balita?" tanong ng lalaking naka-formal attire.

"Napatay ko na siya tapos na ang trabaho ko," sagot ng lalaking naka-itim.

"Nope it's not done yet." Ngumisi ito sa kausap.

"What do you mean?" halatang naguguluhan ang lalaki.

"There is something wrong here, hindi mo ba napansin? Dating pulis si Aliseo siguradong hindi ang pagkamatay niya ang magiging katapusan nito. Maaaring may bagay siyang iniwan para maglantad sa BU at sa mga tao sa likod nito." Naglakad siya ng pabalik-balik sa likuran ng kausap.

"Kung gano’n anong gusto mong gawin ko?" seryosong tanong ng lalaking naka-itim.

"Bumalik ka sa bahay niya, gusto kong hanapin mo kung may bagay nga ba siyang tinago laban sa atin," sagot nito.

"Paano kung naroon pa rin ang mga taong ‘yon?"

Huminto sa paglalakad ang lalaking nakapormal na kasuotan at hinarap ang kausap.

"Sinong mga tao?" kunot noo niyang tanong.

"Tatlo sila, mga nakatakip ang mukha nila kaya hindi ko sila nakilala. Nakita kong tinali nila si Aliseo kaya madali ko rin itong nabaril. Hinabol ako no’ng kasamahan nilang babae pero hindi naman ako nito naabutan," sagot pa nito.

Napaisip ang lalaking nakapormal na damit sa narinig. Iniisip niya kung sino naman kaya ang mga taong ‘yon? Hindi kaya kaaway niya ito sa ilegal na negosyo? Pero ano namang kinalaman ni Aliseo do’n. Marahil gagamitin nila itong paraan para pabagsakin siya sa kasalukuyang puwesto. Mataas na ang tingin ng mga kriminal sa kaniya dito sa Pilipinas simula no’ng mapasakaniya ang katungkulan na ‘to.

"Kailangan mong bumalik sa bahay ni Aliseo sa madaling panahon bago ka maunahan ng mga pulis na mag-iimbestiga sa bahay n’ya o ng mga taong nakita mo," utos nito.

Tumango sa kaniya ang lalaki na agad namang umalis sa lugar. Sumakay ito sa motor n’ya at nagmamadaling umalis.

ANYA

Madilim na no’ng makabalik kami sa bahay ni Aliseo. Dahil nag-iingat kami pinili namin na patayin ang ilaw ng sasakyan, nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Von at pansin kong nahihirapan siya sa pagmamaneho lalo na at madilim.

Si Aji naman ay nasa likod namin sakay ng motor ni Keo. Pare-pareho kaming nakasuot ng mask at cap kahit madilim na, kailangan pa rin naming mag-ingat.

"Tigil," sambit ko kaya biglang nagpreno si Von.

"What?" Inis siyang tumingin sa akin.

Itinuro ko naman sa kaniya kung ano ang nakikita ko. Hindi kasi tulad ng kanina na marami pa ang damo sa harap ng bahay ni Aliseo pero dahil sa mga tauhan ni Chief madali na itong makikita. Medyo malayo rin kami sa bahay kaya hindi naman mapapansin ang tunog ng sasakyan.

"Mukhang may nauna na sa atin," sambit ko.

Naramdaman ko naman na sumakay sa loob ng kotse si Aji at sinilip ang bahay ni Aliseo, nasa pagitan namin ni Von ang ulo niya.

"Anong plano?" tanong niya pa.

Binalik ko ang paningin ko sa bahay, pansin na pansin ang gumagalaw na ilaw sa loob nito. May tao ngayon doon at hindi ito kakampi, siguro siya ‘yong lalaki kanina. Mukhang may hinahanap din siya, baka maunahan niya kami.

"Ganito, I'm sure na ang tao sa bahay ay ‘yong lalaki kanina. Maghiwa-hiwalay tayo, ako sa may pinto kayo Aji at Anya sa magkabilang side," plano ni Von.

"Game." Agad lumabas si Aji ng sasakyan na sinundan naman namin ni Von.

Mabuti na lang at naka black outfit ako ngayon, nilabas ko na ang baril ko at sinundan sila Von na naglalakad na papunta sa bahay.

Naglaho kami sa dilim no’ng nakarating kami sa kani-kaniya naming posisyon. Nakayuko ako habang marahang naglalakad, nakikita ko mula sa puwesto ko ang ilaw galing sa loob ng bahay.

Nasaan ka siya?

Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa parehong lugar kung saan ako palihim na pumasok  kanina. Nasa kwarto siya ngunit nagulat ako no’ng bigla niyang pinatay ang ilaw.

Alam na n’ya!

Isang malakas na ingay ang narinig ko mula sa kwarto. Kaya agad akong umakyat, kahit madilim nakita kong nakikipagbuno si Von sa isang lalaki.

Hinanap ko ang flashlight at agad binuksan, kaya lang biglang may humila sa paa ko kaya natumba ako.

Peste.

Sinipa ko ang lalaki sa mukha niya kaya agad akong nakatayo. Si Von naman ay hila-hila ang paa no’ng lalaki palabas ng kwarto sinundan ko sila dala ng flashlight.

Pero hindi pa man nakararating sa sala, gamit ang kaliwang paa no’ng lalaki sinipa n’ya ang likod ng tuhod ni Von kaya ito natumba. Anak ng!

Susugod na sana kaya lang nakatayo na ito at tinutukan kami ng baril ni Von.

"H’wag kayong gagalaw."  Dahan-dahan itong humakbang patungo sa pinto.

"Anong kailangan mo sa bahay ni Aliseo?" tanong ni Von.

"Katulad ng kung anong pakay ninyo," sagot nito.

"Kung gano’n nakuha mo na ba? Itaas mo ang dalawang kamay mo." Tinutukan ni Aji ng baril ang lalaki mula sa likod nito.

Malas niya tatlo kami.

Hindi sumagot ang lalaki at tinaas ang magkabilang kamay, ngunit mabilis itong umikot at hinampas ang kamay ni Aji upang mabitawan nito ang baril. Sinipa niya pa ito sa tiyan na nakapagpatumba rito.

Ako naman ay tumakbo palapit at inilagay sa leeg niya ang kanang braso ko upang sakalin siya. Nakahawak siya sa braso ko habang sinusubukan kong tanggalin ang mask niya sa mukha. Kailangan kong malaman kung sino siya.

"Sino ka?" bulong ko.

"Alamin mo." Gamit ang lakas niya inabot niya ang likod ng damit ko at hinagis ako pabaliktad.

Tumama ang likod ko sa sahig at namilipit ako sa sakit, pero natanggal ko naman ang takip sa mukha niya.

Agad niyang tinakpan ang mukha niya gamit ang braso umikot siya kung saan madilim at hinubad ang damit na suot niya saka ito itinali sa mukha. Peste hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

Patayo na sana ako pero biglang may nagpaulan teargas sa loob ng bahay, kaya agad akong nagtakip ng ilong. Bago tumakbo palabas ang lalaki nakita ko ang tattoo nito sa likod, isang maliit na itim na puso ang naka-tattoo malapit sa kanang balikat niya.

Akala ko ay mahuhuli na namin siya pero nagkamali ako. Unti-unti akong nawalan ng hangin hanggang sa malanghap ko na ang usok mula sa teargas, pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.

Pero teka, nasaan si Von at Aji?

Sinubukan kong gumapang patungo sa puwesto ni Aji pero tanging pag-ubo na lang ang kaya ko.

"Anya!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

Nakita ko si Krixxenn na palapit sa akin habang may takip sa ilong at bibig. "Don't worry nandito na ako," Binuhat niya ako palabas ng bahay.

Pakiramdam ko wala na akong marinig. Gusto ko na lang matulog dahil papikit na rin naman ang mga mata ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status