Share

KABANATA 1

                                   ANYA

“Anya De Chavez, itaas mo ang dalawa mong kamay at huwag kang kikilos nang masama!” may autoridad na sigaw ng isang lalaking naka-unipormeng pang pulis, medyo kakaiba nga lang ito dahil kulay gray ang uniform nila. Mukhang may katandaan na rin ito dahil sa mga puti n’yang buhok.

Sinunod ko siya dahil sa gulat at pagkatakot. Maayos akong naupo sa sofa at tinaas ang magkabila kong kamay. Nalintikan na! Paanong natunton nila ako? Kilala na ba ako ng mga pulis? Isa na ba akong wanted? Bakit hindi ko man lang alam? BAKIT!

Parang may nagrarambulan sa tiyan ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Nakatitig lang ako sa lalaking nagsalita, nakatutok din ang mga baril ng dalawa n’yang kasama sa akin kaya wala akong magawa. Hindi ako makakilos para makatakas.

“Ikaw si Anya De Chavez, hindi ba?” tanong ng kaninang pulis.

Tumango ako sa kaniya, sinubukan kong tanggalin ang takot sa mukha ko gano’n din ang kunot ng aking noo pero hindi ko kaya. Ito ang isa pinaka kinatatakutan ng mga kriminal, ang matunton ng mga pulis.

“A-Anong kailangan n’yo sa akin?” I stuttered.

Ngumisi ang pulis na kanina pa nagsasalita. Nakakapang-inis ang ngising ‘yon, tila iniinsulto ako nito.

“Malalaman mo rin kapag sumama ka na sa amin,” kalmado pero may autoridad na sagot nito.

“Paano kung hindi ako sumama?” lakas loob na tanong ko. Papatayin kaya nila ako? Lalo akong kinabahan sa naisip ko, gusto ko pang makasama sila Mama at Papa.

“It doesn’t matter kung sasama ka voluntarily, we can drag you anytime.” Sinenyasan n’ya bigla ang dalawa n’yang kasama.

“Kakaladkarin namin siya Chief?” tanong ng isa sa mga kasama n’yang pulis. Palagay ko ay nasa mid-40's na ito.

“Bahala kayo kung anong gusto n’yong paraan para madala siya sa HQ. Kapag hindi siya sumama barilin n’yo!” Winasiwas pa nito ang baril n’ya.

What the hell? Akala ko ba ay kailangan nila ako tapos ipababaril n’ya lang pala ako.

“Teka! Anong gagawin n’yo sa akin? Saan n’yo ako dadalhin? Kung ikukulong n’yo ako bakit hindi n’yo na lang ako iposas sasama naman ako nang maayos!” argumento ko sa kanila.

“Hindi kami nandito para hulihin at ikulong ka. May kailangan kami sa’yo kaya sumama ka na lang,” sambit muli nitong Chief nila bago lumabas ng bahay.

Lumapit na sa akin ang dalawa n’yang kasama, may dalang puting panyo ang isa habang posas at blindfold naman ang hawak ng isa. Nag-umpisa ng tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.

Umurong ako sa sofa habang palapit sila hanggang sa marating ko ang dulo nito. Sandali kong nakalimutan ang lahat ng fighting techniques na alam ko, sa ngayon hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Para bang hinayaan lang ng katawan ko na sumama ako sa kanila. Ito na ba ‘yon? Ito na ba ang magiging kabayaran sa lahat ng kasalanan ko?

“Ano ba talagang gagawin n’yo sa akin? Totorture-in n’yo ba ako o papatayin?” tanong ko sa dalawang pulis.

“Just cooperate Ms. De Chavez, huwag kang mag-alala hindi ka naman namin sasaktan,” sagot ng isa na may hawak na puting panyo.

Siguradong pampatulog ‘yon, at hindi ako nagkamali nang maamoy ko ito ay nahilo at umikot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng antok at unti-unting pagsara ng talukap ng aking mga mata. Naramdaman ko rin ang posas sa aking mga kamay at ang biglang pag-angat ko. Kung bakit kasi hindi ko man lang sila namalayan pag-uwi ko ng bahay. Kagagaling ko lang sa arena dahil sa isang laban, marahil pagod ako kaya hindi ko namalayang may nakapasok na pala sa bahay ko.

Sana palayain nila ako kapag nakuha na nila ang kailangan nila sa akin, gusto ko pa na makita sila Mama at Papa pagkalaya nila.

                            *-*-*-*-*-*-*

“Nasaan ako?” iyan ang unang lumabas sa bibig ko ng magising ako sa loob ng madilim na kwarto. May nakatapat na bombilya ng ilaw sa ulo ko habang nasa tapat ng mahabang lamesa. Madilim na sa dulo nito kaya hindi ko na makita kung anong meron do’n. Nakaupo ako sa isang silya at balot ng lubid ang kamay at kalahati ng katawan ko.

Halatang ayaw nila akong makatakas dahil sa itsura ko ngayon. Pero sigurado akong kilala na nila ang buong pagkatao ko, ang tanong lang ay kung anong kailangan nila sa akin.

“Nasa headquarters ka ng isang secret government organization, ang National Criminal Chasers (NCC),” sagot ng pamilyar na boses. NCC? May secret agents din pala ang Pilipinas? At bakit hindi ko man lang alam iyon? At ano naman ang trabaho nila? Anong kailangan nila sa akin? Sobrang dami kong tanong, ang gulo-gulo ng utak ko ngayon.

“Ano namang kailangan n’yo sa akin? Ang sabi n’yo hindi n’yo ako ikukulong pero bakit?” naguguluhan kong tanong.

“Simple lang ang sagot Ms. De Chavez. Let’s go straight to the point, we want you to be our criminal undercover agent, for what? To bring down the Black University, ang nag-iisang criminal school sa buong bansa,” diretsong sagot nito.

What? Gusto nila akong gawing agent? Are they out of their minds? Isa akong kriminal for Pete’s sake! Gusto nilang kalabanin ko ng harap-harapan ang mga kapwa ko kriminal? That’s absurd!

“Alam kong naguguluhan ka dahil sa mga narinig mo, so let me explain kung ano ba ang NCC. Ang NCC, isa kaming sekretong organisasyon na binuo ng presidente para humawak ng ilang delikadong kaso. Iilan lang ang nakakaalam ng existence ng grupo namin, kami ang may hawak sa kaso ng mga most wanted at mga delikadong kriminal at syndicate sa bansa. At bakit kasama ang BU sa trabaho namin? Dahil isa itong ilegal na institusyon, at puro kriminal ang nasa loob nito. At higit sa lahat, ang nagtayo ng BU ay isa sa mga most dangerous criminals sa Pilipinas,” paliwanag n’ya.

Nakatingin lang ako sa madilim na dulo ng lamesa kung saan galing ang boses. Hindi ko pa rin nakikita kung sino ang nagsasalita bagamat nakita ko na siya kanina lang. Hindi rin ako sigurado kung mag-isa lang siya o kung may nakatutok na bang baril sa ulo ko.

Pero ano naman ang kinalaman ko do’n? Hindi naman ako nag-aaral sa BU.

“Sorry pero mali yata kayo ng taong kinuha para maging agent n’yo at isa pa sa legal na university ako nag-aaral at hindi sa BU. Isa lang akong professional killer at wala akong balak tumulong sa inyo,” pagtanggi ko sa kaniya.

“Bakit ka tumatanggi, natatakot ka ba?” tanong n’ya.

“Hindi ako natatakot, sadyang kilala ko ang isa sa mga tinutukoy n’yo, siya si George Montefalco hindi ba? Delikado siyang tao, may tauhan siya kahit saan o baka nga sa grupo n’yo meron na rin,” sagot ko.

Ang taong ‘yon? Sa sobrang katakaman n’ya sa kapangyarihan, may mga tao na siyang nasaktan. Hindi ko pa rin siya napatatawad dahil sa ginawa niya sa mga magulang ko.

“Kung hindi mo kami tutulungan na hulihin at ipakulong ang mga kriminal na nandoon, ilang buwan lang mula ngayon ay sasabog na silang lahat,” sambit n’ya na ikinagulat ko.

“Pasasabugin n’yo ang BU kasama ng mga kriminal doon? Pero mga bata pa ang mga nag-aaral do’n hindi lang sila basta kriminal. May mga pangarap din sa buhay ang mga estudyante na ‘yon katulad ng ibang natural na bata,” buwelta ko sa kanya.

“Iyan din ang pinaglaban ko sa presidente kaya ka nandito ngayon, ano sa tingin mo? Anong desisyon mo?” tanong n’ya.

Naaawa man ako para sa mga estudyante sa Black University pero ayaw kong pumasok sa isang malaking gulo. Nasa panganib na nga ang buhay ko ngayon dahil kay George idadagdag ko pa ba ‘tong panibagong problema na siya rin naman ang makababangga ko.

“I still don’t want to be your agent,” may diin kong sagot.

“Is that so? Paano kung mag-offer ako ng isang deal? What do you think?” interesanteng tanong n’ya.

Tumaas ang kilay ko. A deal, seriously? Gano'n ba nila ako kagustong maging agent. Kahit anong bagay o pera pa ‘yan hindi nila ako magagawang mapapayag.

“A deal? I’m not interested,” pagtanggi kong muli.

“Kilala mo naman siguro sina Ava at Victor De Chavez hindi ba?” ang sinabi n’yang ‘yon ang nakakuha ng pansin ko. Kumunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng mga magulang ko.

“Anong kinalaman ng mga magulang ko rito?” inis na tanong ko.

“Sila ang tinutukoy kong deal, Anya. Balita ko habang buhay na pagkakakulong ang sentensiya sa kanila. What if I’ll give them a parole para makalaya? And I will help you to prove na hindi sila ang pumatay kay Bree Anna Montefalco. Ano sa tingin mo? Gusto mo pa naman siguro silang makasama right?” saad niya.

Iyon ang deal n’ya? Gagawin n’ya ba talaga iyon? Kung totoo nga ‘yan, makakasama ko na sila Mama at Papa. Mapapatuyan ng hindi sila ang pumatay kay Tita Bree, okay lang naman sa akin kung nakulong sila dahil sa mga krimen na nagawa nila. Tanggap nila ang mga kasalanang ‘yon. Inamin nila lahat ng mga pagpatay na ginawa nila maliban sa murder case ni Tita Bree dahil hindi naman talaga sila ang pumatay sa kaniya.

“Napag-isipan mo na ba?”

Teka nagmamadali ba sila? Wala man lang bang palugit? Or take your time to decide?

“Ngayon ko na ba kailangang sumagot? Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna ang offer n’yo?” I asked.

“Yes you can Ms. De Chavez, pag-isipan mo ng mabuti, but while you’re deciding you’ll stay here,” tugon n’ya. What stay here? E wala nga man lang kama rito.

Dumaan ang ilang minuto, hindi siya nagsalita marahil binibigyan n’ya ako ng oras upang mag-isip.

“So what’s your decision?” I bite my lip.

I can’t make a decision sa ganitong sitwasyon. Hindi ako makapag-isip ng maayos, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari o magiging epekto ng desisyon ko sa buhay ko. Kapag tinanggap ko ang offer I’ll be their criminal undercover agent at may chance na makalaya sila Mama at Papa sa kulungan. Maliligtas ko ang mga buhay ng BU students, pero kung anong mangyayari sa akin kapag tumanggi ako ay hindi ko alam.

“What if I say no, anong gagawin n’yo sa akin?” buong tapang kong tanong.

“If you say no then sa kulungan na ang bagsak mo. Hindi naman namin maaaring pakawalan na lang ang isang delikadong kriminal na katulad mo if we already have you right?” deretsong sagot nito.

Nag-iwas ako nang tingin dahil sa sinabi n’ya.

“Listen to me Ms. De Chavez, isipin mo na lang na through this makakalaya na ang parents mo at ito na ang pagkakataon mo para magbago. Although I’m not guaranteeing you na hindi ka makukulong after ng case at operation na ‘to pero mapabababa ko ang parusa mo,” ani n’ya.

Hindi ko naman naisip na makatatakas ako sa lahat ng krimen na ginawa ko, na hindi kailan man ako makukulong. Actually, I’m looking forward sa idea na ‘yon. Alam kong may kabayaran ang mga ginawa ko at baka ito na ‘yon?

“Sigurado ka bang tutupad ka sa deal?” tanong ko habang nakaharap parin sa dilim.

“Of course, as long as gagawin mo ang trabaho mo. Then we will not have any problems about fulfilling my deal,” sagot n’ya.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko lang ‘to gagawin para sa sarili ko, pero para kay Mama at Papa at sa mga buhay na masasayang sa parating na bombing sa BU. Kriminal man sila, they still don’t deserve to die, what they deserve is second chances.

At ang second chance ko? Baka ito na ‘yon, inaalok na sa akin ang pangalawang tiyansa ko para mabuhay ng legal at maayos and I will grab this opportunity for my owns sake.

“I’m accepting your deal, I’m now your agent. Pero may isa akong kondisyon,” sagot ko.

“What condition?”

“I want you to recruit someone I know, she’s studying in BU,”

After kong sabihin ‘yon ay nagbukas lahat ng ilaw.

“Interesting,” sambit no’ng chief nila habang nakangisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status