Share

Love Between Missions
Love Between Missions
Author: Miss_Cali

PROLOGUE

"Dapa!" sigaw ni Papa. Hinila n’ya kami pareho ni Mama payuko sa gilid ng kotse.

Magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa gubat kung na saan kami ngayon. Nakarating kami rito matapos ng dalawang oras na pagtakas sa dalawang van na humahabol sa amin.

Isang malakas na pagsabog ang lalong nagpayuko sa aming tatlo. Bumilis ang tibok ng puso ko at tuluyang nilamon ng kaba ang dibdib ko.

"Anong gagawin natin Ma, Pa?" Tumayo ako at nakipag barilan sa mga lalaking kanina pa humahabol sa amin. Matapos kong makapatay ng ilan ay bumalik na ako sa pagkakaupo.

"Kailangan na nating umalis dito, baka maabutan nila tayo Victor," sambit ni Mama. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni nita ng sabihin n’ya ‘yon. Tumango sa kaniya si Papa at sandaling gumanti nang pagbaril sa mga kalaban.

"Ico-cover ko kayo, kapag sinabi kong takbo tumakbo kayo naiintindihan n'yo ba?" wika ni Papa.

What?

"Hindi pwede Pa! Paano ka? Hindi ka namin iiwan dito.” Umiling ako sa kaniya. Walang dapat maiwan sa amin dito masiyadong delikado.

"Anya anak, h’wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Niyakap n’ya kami ni Mama nang mahigpit. Hindi pwede, paano kung mamatay siya? Kung mapahamak siya?

"Pero hindi ba ang sabi mo walang iwanan," muli kong sabi. Hindi ko na ba siya mapipilit? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.

"Anak, iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan n’yong makaalis dito, mauuna lang naman kayo ng Mama mo at susunod ako pangako," nakangiti siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. But I can't smile like him, I can't find any reason to smile dahil natatakot ako at nilalamon na ako nito. I can't lose any of them, not this time, not in this kind of situation, not now.

"Susunod ka hindi ba? Mangako ka sa akin Victor," naluluhang wika ni Mama at ganoon din ako. Ito ang unang beses na mangyayari sa amin ito, hindi ko ‘to gusto pero wala akong magagawa.

"Pangako Ava susunod ako, sa ngayon ang mahalaga ay makaalis kayo rito bago dumating si George, naiintindihan niyo?" tanong n’ya.

Tanging malungkot na tango ang tugon namin ni mama sa kaniya. Kahit may pag-aalinlangan ako, umaasa akong kaya niya ito. Tumayo na siya at muling nakipag barilan sa mga tauhan ni George. Wala pa sa ilang segundo ay sumigaw na siya senyales nang pagtakbo.

"Run!" Agad kaming tumakbo ni Mama. We run faster as we can. Magkahawak ang kamay namin ni Mama habang tumatakbo palayo, nilingon ko si Papa na nakikipag barilan pa rin. Gusto ko siyang balikan, hilahin at kaladkarin paalis roon pero malayo na kami sa kaniya, unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.

I'm scared hindi ko mapigilan na matakot, naiisip kong baka may mawala sa akin dahil sa gulong hindi ko alam ang dahilan. Sa ngayon ang tanging alam ko lang ay galit na galit si George sa mga magulang ko pati kay tita Bree na kaniyang sariling asawa. Gusto n’ya silang makuhang tatlo, hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang naiisip kong kahihinatnan nito. May mamamatay, sigurado ako do’n at hindi ko hahayaang mangyari iyon sa mga magulang ko.

Nakarating kami sa gitna ng gubat dahil sa pagtakbo. Sandali kaming huminto ni Mama sa malaking puno, sa ngayon wala akong ibang marinig kung ‘di mga putok ng baril.

Patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko. Sana ayos lang si papa, sana walang mangyari sa kaniyang masama. Hindi ko mapapatawad si George kapag nawala sa akin ang Papa ko.

"Magpahinga muna tayo anak, magiging okay din ang lahat. Don't think too much, magiging maayos ang Papa mo kayang-kaya niya iyon," pang palubag loob na saad niya. I know she's scared but she needs to be brave for our family and for me.

Umupo ako sa damuhan, sumandal ako sa puno habang hawak pa rin ang baril ko.

"Ma, mamamatay na ba tayo?" tanong ko. The thought scared me, but the situation keeps on yelling that it will be the end of our lives. Ito na nga ba ‘yon? Baka ito na ang oras para pagbayaran lahat ng kasalanan namin.

"Anak huwag mong sabihin iyan, hindi pa tayo mamamatay. Makatatakas din tayo rito, basta sama-sama lang tayong tatlo at kapag nakatakas na tayo pangako magbabagong buhay na tayo,” tugon n’ya. Marahan n’yang hinaplos ang buhok ko, pilit din n’ya akong nginitian nakita ko sa ngiti n’ya ang pangamba. Nakaramdam ako ng kirot at lungkot, wala na nga sigurong kasiguraduhan kung mabubuhay pa kami sa susunod na mga oras.

"Ma ano ba kasing nangyayari? Sabihin mo naman sa akin, bakit kayo hinahabol ni George?" Tumayo ako at hinawakan ang magkabila n’yang kamay.

"Ma please sabihin mo sa akin," pakiusap ko.

She sighed.

"Hindi pwede anak, nangako ako kay Bree na kahit sa’yo ay hindi ko pwedeng sabihin," sagot n’ya. Pero bakit? May kinalaman ba ‘to sa away nina tita Bree at ni George? Pero bakit naman kami involved?

Sobra bang malala ito at kailangan pa na umabot sa patayan?

Bigla kaming nagkatinginan nang may marinig kaming kaluskos sa damuhan ni Mama, wala na rin akong naririnig na barilan sa gubat.

"Sa likod ko,” utos n’ya.

Nagpunta naman agad ako roon at kapwa kaming nakahanda sa mga susunod na mangyayari. Nakatutok sa damuhan ang baril ni Mama habang marahan kaming naglalakad patungo doon.

Tuloy lang ito sa paggalaw, muling sumibol ang kaba ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko habang palapit kami rito. Nabigla kami nang may lumabas ditong tao kaya agad naming naitutok ang mga baril namin sa dalawang taong lumabas mula rito.

"Ava kami lang ito," habol hiningang sambit ni Papa kaya mabilis naming ibinaba ang mga baril namin.

"Thanks God at okay ka!" sambit ni Mama, bakas sa mukha n’ya ang relief nang makita si Papa.

 Ako naman ay tumakbo agad patungo kay Papa at niyakap siya nang mahigpit. Thanks God he's okay.

"Anong ginagawa mo rito?" narinig kong tanong ni Mama. Kumalas agad ako sa pagkakayakap kay Papa para tingnan kung sino ang kausap n’ya.

Nagulat ako ng makita ko si Tita Bree.

"I'm here to save my friends, ako ang dahilan kung bakit nandito kayo sa ganitong sitwasyon. Nadamay lang kayo sa galit ni George sa akin, I won't let him hurt the three of you," sagot n’ya.

"No you should go Bree, papatayin ka n'ya kapag nakita ka n’ya rito. Umalis ka na rito ngayon na," giit ni mama.

"Hindi ko kayo iiwan dito, it's my fault and it's my responsibility na iligtas kayong tatlo. Importante kayo sa akin at hindi ko hahayaan na saktan n’ya kayo," pagmamatigas nito.

"Mas mahalaga ang mga anak mo Bree, kuhanin mo sila at magpakalayo-layo na kayo rito. Believe me, kaya namin ang mga sarili namin," dagdag pa ni Papa.

"Pero hindi kakayanin ng konsiyensya kong gawin iyan,"

Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa sitwasyon na ito, hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit nangyayari ito pero hindi ko maiwasan ang mag-alala sa mga susunod na mangyayari.

"Kaya namin ang mga sarili namin Bree, kilala mo naman kami ‘di ba? Magtiwala ka lang sa amin, magiging okay lang kami." Hinawakan ni mama ang magkabilang braso ng kausap habang nakangiti.

"Hindi ko na dapat sinabi ang totoo sa inyo hindi n’yo na sana ako tinulungan. Hindi ko naisip na aabot tayo sa ganito, ako ang sumira sa pagkakaibigan ninyo. Patawarin n’yo ako,” Umagos ang mga luha ni tita Bree kasabay ng hikbi ay ang pagyakap ni mama sa kaniya.

"Sshh don't blame yourself, we choose to be on your side because you’re right. We helped you dahil alam naming iyon na lang ang tamang bagay na maaari naming gawin," sagot muli ni Mama. May ngiting kumalas sa pagkakayakap mula kay tita Bree.

"Hanapin n’yo sila!" umalingawngaw ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki at hindi ito kalayuan mula sa amin.

Si George, sigurado akong siya ‘yon.

Natigilan kami at nagtinginan, nag-iisip kung anong maaaring gawin.

"Anya magtago ka, huwag na h’wag kang lalabas ano man ang mangyari," utos ni Papa.

Kumunot ang noo ko.

"But why? I can help you if I stay here," reklamo ko.

"Just hide yourself at huwag ka ng makulit!" may autoridad na sabi n’ya. Habang si Mama ay tinanguan lang ako with her worried expression on her face.

Wala akong nagawa kung ‘di magtago sa isang puno malapit sa kanila. Nakatanaw lang ako mula rito nang biglang tinutok nila Papa ang baril nila sa kanilang harapan. Nakita ko si George kasama ang isang babae, naka-cap at shades ito kaya hindi ko s’ya mamukhaan at may ilan din siyang tauhan na kasama.

"Tingnan mo nga naman, ang swerte ko naman ngayong araw. Ang tatlong taong hinahanap ko ay nandito sa gubat at magkakasama,” nakangisising sambit nito.

Bumunot din siya ng baril ganoon din ang babae at ang mga tauhan n’ya at itinutok ito sa direksyon nila Mama. I panicked, anong gagawin ko?

"Put down your guns George, ako na lang ang isama mo ako naman ang tunay na may kasalanan,” pigil ni Tita Bree sa kanila. Naglakad siya palapit kay George pero hindi siya hinayaan ng asawa na makalapit.

"No! Don't you dare Bree, h’wag kang lalapit or else babarilin kita!" galit na sigaw nito. Dahil doon ay tuluyang huminto si Tita Bree sa paglalakad.

"Ibaba n’yo ang mga baril n’yo George, paalisin mo na lang kami," pakiusap ni Papa pero tinawanan lang siya nito. I was wrong noong sinabi kong mabait siya, mali ako no’ng sinabi kong tunay na kaibigan siya nila Mama at Papa.

The George Montefalco that I am seeing now is far from the George I know. Ano ba talagang dahilan ng gulo na 'to?

"I can't set you free Victor, niloko ninyo akong tatlo trinaydor ninyo ako! At ang kapalit ng ginawa n’yo alam niyo kung ano? KAMATAYAN!" he shouted angrily, nag-aapoy ang boses n’ya sa galit. Pero hindi magagawa nila Mama ‘yon sa kaniya, matatalik silang magkakaibigan.

"It's all my fault George, p-please let them go. I-I'm sorry sa nagawa ko I-I'm sorry kung nasaktan kita pero maniwala ka, ginawa ko 'yon para sa’yo," humahagulhol na sambit ni Tita.

"I don't believe you!" sigaw sa kaniya ng asawa.

"Maniwala ka sa kanya George, she's telling the truth huwag mong isara ang isip at puso mo. Please unawain mo kung paano namin nagawa 'yon sa’yo," sambit ni Mama.

"Stop it Ava! Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit anong dahilan!" sigaw ni George. Kitang-kita ko ang galit niya nang itutok niya sa langit ang baril n’ya bago nagpaputok.

"Gusto kong sumama kayo sa aking tatlo o baka naman dito niyo na gustong mamatay?" puno ng galit na tanong niya.

"Tumigil ka na George huwag mo silang idamay please! Ako na lang ang isama mo," pakiusap muli ni Tita habang ako naman ay hindi alam kung ano ang dapat gawin. Natatakot akong baka barilin sila ni George, hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa mga magulang ko.

Nagulat ako ng makarinig ng mga magkakasunod na gunshots. Tumumba sa damuhan ang mga tauhan ni George pagkatapos itong barilin nila mama. Pero napatakip ako sa bibig nang iputok ni George at ng babaeng kasama n'ya ang hawak nilang baril kanila Mama. Sandaling nag-slow motion ang paligid ko, halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. No, hindi pwede!

Patakbo na sana ako sa kinaroroonan nila pero natigilan ako noong makita kong bumagsak si Tita Bree sa damuhan habang hawak ang dibdib niyang puno ng dugo.

"T-Tita Bree,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status