分享

Chapter 71

作者: Madam Ursula
last update publish date: 2026-06-02 20:33:15

Kinabukasan, maaga pa lamang at sadyang sumunod ang drayber sa utos nang kumatok siya sa pinto ni Anton. Halos wala pa ring sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang magising ang binata at agad na naghanda. Pagkababa niya sa hagdan patungo sa sala, gulat na gulat siya nang makita roon si Amara—nakaayos na, nakabihis nang maigi, at katabi na ang kanyang maleta na tila ba matagal na siyang naghihintay.

Dahil mahigpit ang paalala na walang sinuman ang dapat makaalam na ganap na nakakalakad at m
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 72

    Natahimik si Amara. Ang matagal nang itinatagong lihim ni Anton ay sa wakas nabunyag na maging ang kanilang ipinagbabawal na relasyon ay natuklasan din ng matanda. Tama nga ang sabi ni Anton. Kakaiba talaga ang pananahimik ni Donya Soledad. Kung nakapagtataka na ito para kay Anton, na hindi pa lubos na alam ang kabuuan ng sitwasyon, higit pa itong nakakabagabag at kakaiba para kay Amara.Unti-unti nang binabalot ng matinding pagkakasala at panunumbat sa sarili ang kalooban ng dalaga. Alam niyang bukas na ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa, at batid niyang ligtas na at hindi na nasa panganib si Anton. Wala na sanang dahilan para manatili pa siya rito, at wala na ring dahilan para ilihim din niya sa binata ang sarili niyang pinakamabigat na lihim.Ngunit sa kabila ng lahat, pinipigilan siya ng kanyang puso. Hindi siya makawala at hindi niya kayang lumayo. Nais pa niyang makapiling si Anton nang mas matagal. Nais pa niyang pahabain ang mga sandaling puno ng pagmamahalan na kanila

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 71

    Kinabukasan, maaga pa lamang at sadyang sumunod ang drayber sa utos nang kumatok siya sa pinto ni Anton. Halos wala pa ring sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang magising ang binata at agad na naghanda. Pagkababa niya sa hagdan patungo sa sala, gulat na gulat siya nang makita roon si Amara—nakaayos na, nakabihis nang maigi, at katabi na ang kanyang maleta na tila ba matagal na siyang naghihintay. Dahil mahigpit ang paalala na walang sinuman ang dapat makaalam na ganap na nakakalakad at maayos na ang kalusugan ni Anton, napilitan pa rin siyang gumamit ng saklay habang dahan-dahang humahakbang patungo sa pintuan. Agad naman siyang nilapitan ni Amara at marahang inalalayan at inakbayan sa paglalakad, habang si Manong Ruben naman ay naunang humakbang bitbit ang kanilang mga gamit at inilalagay ang mga ito sa sasakyan.Bago pa man siya tuluyang sumakay, lumingon si Anton at sinuri ang buong paligid ng bahay. Inaasahan niyang naroon ang kanyang lola kahit man lang para magpaalam, mag

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 70

    Napasinghap si Amara. Doon niya naintindihan ang lahat. Hindi lang pala tungkol sa laro ni Anton ang pagtatago ng katotohanan. May mas malaki at mas madilim na plano si Doña Soledad, isang plano kung saan si Anton ay kailangang manatiling 'may sakit', at si Peachy ay kailangang manatiling naniniwala."Kaya itutuloy niyo ito," mariing utos ng matanda, nakatitig nang diretso sa kanilang mga mata. "Itutuloy niyo ang pagkukunwari. Anton, magpapatuloy kang maging mahina at nangangailangan ng saklay. Amara, ikaw pa rin ang magiging anino niya at tagapag-alaga. At huwag na huwag ninyong hahayaang malaman ni Peachy o ng sinuman ang totoo. Hangga't hindi natin nakukuha ang lahat ng dapat na sa atin, mananatili itong sikreto. Nilinaw ko ba?"Wala silang nagawa kundi ang tumango. Pakiramdam ni Anton ay lalong sumikip ang kanyang dibdib. Akala niya ay tapos na ang hirap at akala niya ay matatapos na ang kasinungalingan nang matuklasan ito ng kanyang lola. Pero lalo lang pala itong lumalalim."At

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 69

    Sa ibaba ng hagdan, nakatayo si Doña Soledad malapit sa hagdanan at nakikinig nang mabuti. Isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang naririnig niya ang bawat salita nila. Alam niyang magbabago ang lahat ngayong alam na ng mga ito na natuklasan na sila, at alam niyang nasa kanyang mga kamay ngayon ang kapalaran nilang dalawa. At sa likod ng lahat ng ito, mayroon siyang sariling plano. Iginala ni Donya Soledad ang paningin. Wala si Peachy sa sala; malamang ay garden ito. Mula nang dumating si Peachy sa mansion ay wala itong ginagawang hakbang. Ni hidi niya ito nakitang kisang alagaan ang mapapangasawa o kaya naman ay alukin man lang kumain. Malakas ang hinala niya na nagbaisahan si Peachy sa mansion, hindi para dalawin si Anton. May palagay siyang spy ang babae at nanghihirap ng bala para mapabagsak ang kanilang pangalan. Malakas ang kutob ni Sonya Soledad na hindi totoo sa puso ang pagpatulob ng pamilya Larrazabal sa pamilya nila at lalong hindi totoo na si An

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 68

    Nagpilit si Anton na makapasok sa pintuan, pero hinaharang siya ni Amara. Pero malaking lalaki si Anton. Nagawa ng binatang makapasok, pero napigil siya ni Amara sa gilid ng pinto. Nang makapasok ay umiral ang katahimikan. Wala siyang masagot sa sumbat ni Amara. Dahil alam niyang totoo ang lahat ng sinasabi nito. Alam niyang mali siya.Alam niyang ang tanging dahilan kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon ay dahil ayaw niyang mawala si Amara sa kanya. Natatakot siyang kapag nalaman nitong magaling na siya, ay aalis na ito at iiwan siya. Kaya naman, ginamit niya ang kondisyon nito bilang tali upang panatilihin ang dalaga sa kanyang piling. Pero ngayon, ang tali na iyon ay naging patibong na siya ring sumakal sa relasyon nilang dalawa."Mahal kita, Amara… mahal na mahal kita," garalgal na sabi ni Anton habang tumutulo na rin ang kanyang mga luha. "Natakot lang ako, natakot akong kapag nalaman mong magaling na ako, ay iiwan mo na ako. Ayokong mawala ka… Ikaw lang ang mayroon ako. Kai

  • Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair   Chapter 67

    Muling nabalot ng katahimikan ang paligid, ngunit sa pagkakataong ito ay narinig ni Anton ang mahihinang yabag ng mga paang papalapit mula sa loob ng silid. Ang simpleng tunog na iyon ay nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanyang puso na kanina pa tila namamatay sa panghihinayang at takot. Umugong ang seradura at dahan-dahang umikot, hanggang sa wakas ay unti-unting bumukas ang pinto.Doon ay tumambad sa kanya si Amara. Mapula at namamaga ang mga mata sa kakaiyak, gusot ang suot na damit, at halatang pagod na pagod, hindi lamang ang katawan kundi lalo na ang kanyang damdamin. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na dinanas, nakatayo pa rin ito at nakatingin sa kanya; at kahit puno ng kirot ang mukha ng dalaga, kitang-kita pa rin ni Anton ang wagas na pagmamahal na mayroon ito para sa kanya. Bago pa man makapagsalita o makapaghayag ng damdamin si Amara, dali-daling lumapit si Anton at niyakap ito nang mahigpit. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga at hinigpitan pa l

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status