แชร์

Chapter 57

ผู้เขียน: Meowwie Tales
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-15 22:23:36

Nagmulat ako ng mga mata dahil sa liwanag na unti-unting tumatama sa kisame—galing sa manipis na kurtinang. Ilang segundo akong hindi gumalaw. Hinayaan ko lang ang sarili kong maramdaman ang bawat himig ng katahimikan, at ang bigat ng bisig na nakapulupot sa baywang ko.

Nakahiga ako paharap sa kay Denver, at kahit hindi ko pa siya tinitingnan, alam kong gising siya.

Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghinga, ang mabigat pero mahinahong tibok ng puso niya na tila sinasabayan ang akin. Ang braso niyang nakaakbay sa akin ay mahigpit, parang ayaw akong paalisin kahit isang pulgada.

Napangiti ako. Maliit lang. Pero totoo.

Pinikit ko uli ang mga mata ko, sininghot ang bango ng unan — may halong amoy niyang woodsy scent, at konting hint ng mainit na balat at pabango.

"I know you’re awake," bulong niya.

Napamulat ako. Tila tumalbog ang puso ko nang marinig ko ang husky na boses niyang gumising sa katahimikan ng umaga.

“Good morning,” nakangiting ani ko, paos at mahina.

“Good morning too,” tu
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Love Beyond Contract   Chapter 58

    Pagkatapos naming mag-agahan, si Denver na ang naghugas ng mga plato, habang ako naman ay pinipilit na tumayo, hindi naman na gaano kasakit ang pagitan ng hita ko.Papunta ako ng banyo para maligo, malagkit na kasi ako.Mga ilang minuto ako sa banyo na naliligo ng matapos ako. Ang ginhawa sa pakiramdam ang mainit na tubig.“You didn't wait me?” biglang tanong ni Denver pagkapasok ng kwarto.“Eh ano kasi, ang lagkit ko na kaya naligo na ako,” tugon ko at naglakad para lumabas ng kwarto niya. Nasa kabilang kwarto kasi iyong mga damit ko.“It's fine, dress up formal we going into mall,” saad niya paglapit sa akin.“Mall? Anong gagawin natin doon?” Saglit akong tumigil sa paglalakad."We'll buy some souvenirs because our flight back to the Philippines is tomorrow,” ani niya at lumapit sa akin.Oo nga pala, ika-pitong araw na namin dito sa Korea, tapos na kasi ang lahat ng business meeting niya rito. At sakto ibibili ko sila Mama at Kuya ng gusto nila.“Oh sige, magbibihis lang ako,” ani k

  • Love Beyond Contract   Chapter 57

    Nagmulat ako ng mga mata dahil sa liwanag na unti-unting tumatama sa kisame—galing sa manipis na kurtinang. Ilang segundo akong hindi gumalaw. Hinayaan ko lang ang sarili kong maramdaman ang bawat himig ng katahimikan, at ang bigat ng bisig na nakapulupot sa baywang ko.Nakahiga ako paharap sa kay Denver, at kahit hindi ko pa siya tinitingnan, alam kong gising siya.Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghinga, ang mabigat pero mahinahong tibok ng puso niya na tila sinasabayan ang akin. Ang braso niyang nakaakbay sa akin ay mahigpit, parang ayaw akong paalisin kahit isang pulgada.Napangiti ako. Maliit lang. Pero totoo.Pinikit ko uli ang mga mata ko, sininghot ang bango ng unan — may halong amoy niyang woodsy scent, at konting hint ng mainit na balat at pabango."I know you’re awake," bulong niya.Napamulat ako. Tila tumalbog ang puso ko nang marinig ko ang husky na boses niyang gumising sa katahimikan ng umaga.“Good morning,” nakangiting ani ko, paos at mahina. “Good morning too,” tu

  • Love Beyond Contract   Chapter 56

    Tahimik ang buong unit. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang may gustong ipahiwatig. Para akong nakabitin sa pagitan ng dalawang mundo — isang parte ng sarili kong alam kung anong nangyayari, at isang parte na takot mahulog.Habang lalong palalim ang bawat halik niya ay lalong nag-iinit ang katawan ko.Mga ilang saglit ay pinutol na niya ang paghalik, parehas kaming habol ang hiniya. Napatingin ako sa kaniya yung mga mata nangungusap.May lalim. May init. May pagnanasa na pinipigil... hanggang sa hindi na niya kaya.“Here,” mahina niyang sabi habang iniabot ang pajama. “I picked the softest ones I could find. I know you get cold easily.”Napalunok ako. “Salamat,” mahina kong sagot.Tumayo na ako, handa sanang lumakad papuntang banyo, pero bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang pulso ko. Hindi marahas. Sapat lang para huminto ako.“Sienna,” tawag niya. Ngayon, mas mababa ang boses niya. Mas mabigat. “Wait.”Lumingon ako sa

  • Love Beyond Contract   Chapter 55

    Hindi ko alam kung ilang beses na akong huminga nang malalim ngayong gabi — pero bawat buntong-hininga, may kasamang kilig, kaba, at konting pagkalito.Ang ganda ng gabi.Ang daming nangyari.At hanggang ngayon, hawak ko pa rin ‘yung bouquet.Nang matapos na ang mga speeches, performances, at games, isa-isang lumalapit ang mga bisita para personal na batiin ang bagong kasal. May ibang yumayakap, may nag-aabot ng regalo, may mga nagse-selfie pa kasama si Hana — kasi naman, sikat talaga siya.“Let’s go,” biglang sabi ni Denver sa tabi ko. “It’s our turn to greet them.”Tumango ako. Medyo kabado, pero hindi na rin ako tumutol.Habang papalapit kami sa stage kung nasaan sina Hana at Min-ji, naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa amin, kahit na ganito ang eksena kanina kinakabahan pa rin ako. Pero iba ‘yung pakiramdam ko kapag hawak niya ang kamay ko.Pagdating sa harap, agad akong nginitian ni Hana. Yung genuine smile niya na parang alam ang iniisip ko. Si Min-ji naman, ngumiti rin at

  • Love Beyond Contract   Chapter 54

    Pagkatapos ng bouquet toss, halos hindi pa rin ako mapaniwala. Ang dami pa ring bumabati sa akin, tumatawa, nagpapakuha ng picture — as if ako ang bagong bride. Pero ang totoo, ang utak ko ay nasa isang tao lang.Si Denver.Simula nang makuha ko ang bouquet, hindi na nawala ang ngiti niya. Nakatayo lang siya sa isang tabi, tahimik pero present. Parang sinasabi ng mga mata niya, "Sinabi ko na eh."Naputol ang pag-iisip ko nang muling narinig ang host.“And now, gentlemen! It’s time for the garter toss! Please come to the front!”Napalingon ako agad sa direksyon ni Denver. Naglalakad siya pa-center — kalmado lang, walang pagmamadali, pero imposibleng hindi mapansin. Tall, confident, naka-black suit na parang bagong labas sa magazine.May mga kalalakihang sumali — mostly mga celebrity guests, groomsmen, at mga model-looking na lalaki. Pero si Denver? Bakit siya sasali? Kasal kaya kami.“Alright! Are you ready?” sigaw ng host.The guys cheered.Ang groom, si Min-ji, lumuhod sa harap ni Ha

  • Love Beyond Contract   Chapter 53

    Tumahimik ang buong lugar, at kasabay non ang kaba na nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan?. Lahat kami ay nakatayo na sa kani-kaniyang pwesto. Ang mga ilaw, bahagyang pinadilim, habang qwwwwang spotlight ay tumutok sa malawak na pinto ng event hall. Tapos, unti-unting tumugtog ang Canon in D sa strings — ang paboritong bridal march ng halos lahat ng ikinakasal sa Korean dramas.At doon, sa mismong sandaling ‘yon, bumukas ang pinto.At lumitaw si Hana grabe ang ganda talaga ng idol ko.Napatigil ako sa paghinga.Si Hana… THE Hana. Superstar. Multi-awarded actress. Leading lady ng mga paborito kong Kdrama. At ngayon nakasuot ng eleganteng white gown na tila isinukat para lang sa kanya ng mga designer. Mahaba ang veil, may pearls ang hem ng dress, at sa bawat hakbang niya, para siyang lumulutang.Hindi ko alam kung dahil ba idol ko siya kaya ganito ang nararamdaman ko, pero seryoso — parang slow motion ang lahat. Parang nanonood lang ako ng K-drama ngayon.“Ang ganda niya,” bulong k

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status