Share

Chapter 67

Author: Meowwie Tales
last update Last Updated: 2025-08-04 22:22:26

★ Sienna’s POV ★

Nanghihina at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari, heto ako ngayon—nakaupo sa labas ng emergency room, yakap-yakap ang sarili. Nananalangin na sana'y ligtas sila Denver at Kuya Steve. Ang dami kong gustong itanong, gustong ipagsigawan, pero ang kaya ko lang gawin ay umiyak nang tahimik habang ang oras ay tila bumagal sa paligid.

“Sienna.”

Napalingon ako sa boses na ‘yon. Sila Faye at Mama, parehong nagmamadali sa paglapit, kita sa mga mata nila ang pag-aalala.

“Anak, ano ba ang nangyari?” maluha-luhang tanong ni Mama nang makalapit siya sa akin. At doon ko na hindi napigilan ang luha ko. Hindi ko na rin kinaya ang bigat ng lahat—ang takot, ang sakit, ang mga tanong na sunod-sunod.

Hindi ako nakasagot agad. Niyakap ko lang siya nang mahigpit habang tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Sa bisig niya ako humugot ng lakas, pero kahit ‘yon, parang hindi sapat.

Ilang saglit pa, unti-unti na akong tumahan. Pinilit kong huminga nang malalim habang hawak pa rin ang kamay ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Beyond Contract   Chapter 69

    ★Sienna’s POV★Tatlong araw. Tatlong araw na akong hindi mapakali.Simula nang isugod siya sa ospital, halos hindi na ako umalis sa tabi niya. Kahit pa paulit-ulit akong sinasabihan nina Mama at Faye na magpahinga, hindi ko magawa. Hindi ako mapalagay hangga’t hindi ko siya nakikitang maayos. Dahil alam kong kailangan niya ako.Pero ngayon… ito na. Makakauwi na si Denver. Malungkot man na hindi na namin kasama na makakauwi si Kuya Steve ay masaya pa rin ako dahil narito pa rin si Denver.Tahimik ako habang inaayos ang gamit niya. Isa-isang tinutupi ang mga damit, pinaplastik ang toiletries, at sinisiguradong walang maiiwan. Kahit simpleng bag lang ito, parang bigat-bigat sa dibdib habang nilalagyan ko ng gamit.Napahinto ako nang makita ko ang polo niya—‘yung suot niya noong araw na ‘yon. May mantsa pa rin ng dugo sa kwelyo, kahit ilang beses ko na itong nilabhan kagabi. Napakapit ako sa telang ‘yon, saglit na pinikit ang mga mata.Hindi ko na naman napigilan.“Nalaman ko sana kaagad,

  • Love Beyond Contract   Chapter 68

    Mabigat ang bawat segundo habang nakatayo kami sa hallway malapit sa morgue. Walang imik. Tanging tunog ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang naririnig sa paligid at mahihinang hikbi namin ni Mama. Ang katawan ni Kuya Steve, dinala na sa loob. Kasama na siya sa mga katawang hindi na muling babangon.Nakahawak pa rin sa akin si Mama, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Si Faye naman, tahimik lang, nakatingin sa sahig habang patuloy ang pagpatak ng luha niya.“Anak… uwi na muna tayo,” mahina at pagod na pagod na wika ni Mama. “Wala na tayong magagawa dito ngayong hapon. Bukas natin asikasuhin ang lahat.”Tiningnan ko siya. Pagod at nanghihina—hindi lang pisikal, kundi pati puso.“Ma…” mahina kong tugon, pilit na buo ang boses. “Umuwi na muna kayo ni Faye. Magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahala dito.”Nag-angat siya ng tingin. Kita ko agad ang pag-aalala sa mga mata niya.“Sigurado ka, anak?” tanong niya.Tumango ako. “Gusto ko po muna puntahan si Denver at makita ku

  • Love Beyond Contract   Chapter 67

    ★ Sienna’s POV ★Nanghihina at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari, heto ako ngayon—nakaupo sa labas ng emergency room, yakap-yakap ang sarili. Nananalangin na sana'y ligtas sila Denver at Kuya Steve. Ang dami kong gustong itanong, gustong ipagsigawan, pero ang kaya ko lang gawin ay umiyak nang tahimik habang ang oras ay tila bumagal sa paligid.“Sienna.”Napalingon ako sa boses na ‘yon. Sila Faye at Mama, parehong nagmamadali sa paglapit, kita sa mga mata nila ang pag-aalala.“Anak, ano ba ang nangyari?” maluha-luhang tanong ni Mama nang makalapit siya sa akin. At doon ko na hindi napigilan ang luha ko. Hindi ko na rin kinaya ang bigat ng lahat—ang takot, ang sakit, ang mga tanong na sunod-sunod.Hindi ako nakasagot agad. Niyakap ko lang siya nang mahigpit habang tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Sa bisig niya ako humugot ng lakas, pero kahit ‘yon, parang hindi sapat.Ilang saglit pa, unti-unti na akong tumahan. Pinilit kong huminga nang malalim habang hawak pa rin ang kamay ni

  • Love Beyond Contract   Chapter 66

    ★ Sienna’s POV ★Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Bakit?Bakit si Kuya Steve pa?Hindi ko kailanman inakala na may lihim siyang gusto sa akin... At higit sa lahat, hindi ko rin inakalang hindi pala kami tunay na magkapatid.Narito pa rin ako, nakatali ang mga kamay at paa, pero wala na ang takip sa bibig at mga mata ko. Ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ko—hindi ko mapigilan.“Ayaw ko na ng ganito,” bulong ko habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha.Ano ba ang ginawa ni Lisha kay Kuya para magbago siya ng ganito? Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga siya tumitigil.“Boss! Boss! May mga pulis sa labas!” sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng silid.“Denver...” bulong ko. Alam kong siya ang naroon. Alam kong ililigtas niya ako.Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakatali sa mga kamay ko.“Ihanda niyo 'yung pinto sa likod!” rinig kong utos ni Kuya, matigas ang boses.“Sige po, boss!” sagot ng mga tauhan niya.Ilang sandali pa, bumukas ang pint

  • Love Beyond Contract   Chapter 65

    ★ Steve’s POV ★Hindi ko naman talaga gustong mauwi sa ganito. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong tama o mali.Ang alam ko lang… ayokong mawala siya.Tahimik akong nakatayo sa labas ng silid kung saan naroon si Sienna. Nakalock ang pinto pero naririnig ko pa rin ang mahihinang hikbi mula sa loob. Hindi siya sumisigaw, pero ramdam ko ang takot niya. Ang galit. At higit sa lahat—ang pagkalito.Ako rin, nalilito. Nalilito sa damdamin na gumugulo sa akin. Para akong batang nawawala sa dilim—walang direksyon, walang kasiguruhan.Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin:Hindi ko na kayang makita siyang masaya sa piling ni Denver.Bakit siya pa?Bakit hindi ako?Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinanong 'yan sa sarili ko mula nang bumalik ako at nakita ko silang magkasama. Masaya. Malapit. Parang ako ang estranghero. Parang ako ang naiwan sa nakaraan habang sila ay abala sa pagbuo ng ngayon.At doon ko naisip… kung kukunin ko siya, baka maalala niya kung sino talaga

  • Love Beyond Contract   Chapter 64

    ★ Sienna’s POV ★ Mabigat ang hakbang. Mabagal. Parang animo’y isang babasaging bagay ang dala-dala nila. Ang kaba sa dibdib ko ay parang bomba—konting galaw lang, sasabog. Ramdam ko ang bawat vibration ng upuan habang binubuhat ako. Kanina lang, ang kinakatakutan ko ay ang tunog ng katahimikan, pero ngayon, mas kinatatakutan ko ang susunod na mangyayari. May narinig akong pagbukas ng pinto. Bumungad ang malamig na hangin. Iba ito sa lamig kanina. Mas malamig. Mas nakakatakot. “Dito. Ibaba niyo siya,” utos ng isang boses. Na kanina ko pa iniisip kung siya nga iyon. Bumigat ang dibdib ko. Huwag. Huwag naman sana. Dahan-dahang ibinaba ng mga lalake ang upuan. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang malamig na paligid. At bago pa man ako makagalaw—may malamig na kamay ang lumapit sa mukha ko. Isang iglap, natanggal ang busal sa bibig ko. “Haa—haa.” Napasinghap ako, saglit akong nabilaukan sa hangin na bigla kong nalanghap. Tuyo ang lalamunan ko. Masakit. Pero ang pinakamasakit ay an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status