Share

Chapter 6

Penulis: Meowwie Tales
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-28 13:37:22

★Sienna Point Of View★

Nagising ako nang buhusan ako ng malamig na tubig. Gusto kong murahin kong sino man yun,  ang kaso lang ay may takip ang bibig ko.

“Hoy! Gumising ka na riyan, gusto ka na ma-meet ng boss namin.” Kailangan talaga buhusan ako ng malamig na tubig? 

Sinubukan kong bumangon kahit na nakatali ang mga kamay at paa ko. Saka ko siya  tinitigan nang masama ang lalaking nakamaskara nang makabangon ako sa pagkakahiga.

“Tumayo ka na diyan. Huwag kang mabagal,” inis ma saad niya. Paano ako tatayo eh ang hirap hirap, lalo na nakatali ako, sira ba ulo nito o bulag lang. Hindi pa rin ako tumatayo.

“Sabing tayo na!” Pasigaw niyang sabi. Sa takot ko ay sinubukan kong tumayo pero masakit ang mga paa ko.

“Ay nako, Raul, tanga ka talaga kahit na kailan, kung tinulungan mo yan makatayo ng makita na ni boss,” inis na sabi ng isa pang lalaki pagkapasok. Kaagad naman siyang umalis ng sumunod naman si Raul sa utos niya.

Kaagad naman akong tinulungan ni Raul tumayo, salamat naman at may utak ang kasama nito. Pero paano ako maglalakad eh, nakatali nga mga paa ko.

“Sige lakad na!” utos niya, pero hindi ako sumunod.

“Ano pang tinatanga-tanga mo riyan lakad!” saad niya uli. Tinitigan ko lang ito ng masama.

“Ay! Putangina naman yan Raul, nagagalit na si boss ang tagal mo!” inis na pumasok uli yung lalaki.

“Ayaw pa kaso nitong babae maglakad,” paliwanag niya. Aba! Kasalanan ko ba kung nakatali paa ko.

“Ako na nga, grabe yang utak mo!” inis na sabi niya, lumapit siya sa akin at tinanggal ang pagkakatali sa paa ko.

Walang imik na hinatak ako nito palabas ng lumang silid pagkatapos matanggal ang tali sa mga paa ko. Dinala ako nito sa labas kung saan mas lawak, puro mga malalaking drum lang ang makikita.

May isang babae na nakatalikod, nakasuot ito ng black backless dress na umaabot hanggang tuhod. Pinaapo ako ng lalaki sa bakal na upuan.

Nang makaupo ako ay tinalian niya ako uli sa paa, kung wala lang takip itong bibig ko kanina ko pa sila pinagmumura.

“Boss nandito na po siya,” ani ng lalaki saka lumayo kaunti.

"Delighted to see you, the woman who stole my fiancé's heart... or should I say, gold digger." The woman snapped, spinning around. S-si Lisha? 

Parang modela siyang papalapit sa akin, inilapit nang dahan-dahan ang maganda niyang mukha sa mas maganda kong mukha. At bigla tinanggal nang mabilis ang electric tape na nasa bibig ko.

“Aray!!” daing ko.

“Well… well… well… Gusto kong malaman paano kayo nagkakilala ng fiance kong si Denver?” maarteng saad niya at hinawakan ang mukha ko.

“Wala ka na roon,” matapang na tugon ko. Hindi ko alam ang sasabihin kaya iyun na lang ang nasabi ko. Isang malakas na sampal mula sa kanan ang natanggap ko.

"Who are you to speak to me like that? Don't you know who I am?" she said angrily. Ang hapdi ng pisngi ko.

“Who are you ka rin! Wala akong pake kong sino ka pa! Kung anak ka pa ng president ng pilipinas wala akong pake! Pakawalan niyo ako!” matapang na ani ko at pinipilit na kumawala sa pagkakatali. Sanay na ako sa ganito, ang makatanggap ng sampal o mabugbog man kaya wala lang ito sa akin. Isa na namang malakas na sampal ang tanggap ko.

“Iniinis mo talaga ako noh!? Ikaw babae ka makinig ka! Ako lang naman ang nag-iisang anak ng Villanovan. Kaya kong gawin lahat ng gusto ko,” ani niya. At mahigpit noyang hinawakan ang mahaba kong buhok.

“Bingi ka ba!? Sabi ko wala akong pake kung sino ka pa! Ano bang kailangan mo? At bakit mo ako kinidnap?” tanong ko. Inalis naman niya ang kamay niya sa buhok ko. At nag crossed arm.

“Well, naitanong mo na rin. I want you to leave Denver. If you want, I'll give you a large sum of money," she said, playing with my long hair with her fingers.

“Sa tingin mo gagawin ko yun? For your information. Hindi ako mukhang pera, sayo na ‘yang pera mo, pero hind ko ibibigay ang gusto mo,” ani ko. Hindi ko pwede gawin ang gusto niya dahil may kasunduan kami ni Denver at hindi ako yung tipo ng tao na sumisira sa kasunduan.

“Nagmamatigas ka!” Isang malakas na sabunot ang ginawa niya. Kahit ano pang gawin niya hindi ako susuko.

“Jave,” ani niya at may inabot ang lalaki sa kaniya. Isang brass knuckles. Lord kayo na po bahala sa akin.

“Ano? Magmamatigas ka pa?” ani niya at inunat-unat ang mga daliri.

“Bakit ba patay na patay ka kay Denver!?” inis na tanong ko.

“Well, siya lang naman ang lalaking gusto ko makasama, siya ang knight in shining armor ko nong mga panahon na binubully ako. Siya ang naging kakampi ko sa lahat.” Saglit siyang huminto.

“Mas pinili niya akong kasama nong mga bata kami kaya hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. Sa akin lang siya! Sa akin lang si Denver! walang pwedeng ibang babae ang umagaw kay Denver sa akin,” seryoso niyang saad at hinawakan na naman ang pisngi ko at pinisil ito.

“Kaya hiwalayan mo na si Denv-” hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita.

“Hindi. Ko hihiwalayan si Denver,” madiin na saad ko.

“Talagang matigas ka.” Isang malakas na suntok ang kaniyang pinakawalan na tumama sa mukha ko. Dahilan para makapagsuka ako ng dugo.

“Boys hawakan ninyo siya!” utos niya at agad na sinunod ng dalawang lalaki. Hawak nila ako sa magkabilang dulo ng braso ko.

Sunod-sunod na suntok ang nakuha ko sa kaniya. Halos nanlalabo na ang paningin ko, mamatay na ba ako? Susunod na ba ako kay Kuya Simon? Mukhang wala ng magliligtas sa akin.

“Kung ayaw mong sumunod sa gusto ko mas maigi pa na mamatay ka na lang,” ani niya at sisimulan na naman akong bugbugin ng-

“Lisha! That’s enough!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Kasunod ang ingay ng serena ng pulis, bago pa naman ako makalingon ay nawalan na ako ng malay .

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Beyond Contract   Chapter 17

    ★Sienna POV★Hindi na nga ako nakatanggi sa pagsama kay Denver na mamalengke. Ano bayan! Nakadungaw lang ako sa bintana at hindi siya pinapansin.Namamalengke rin pala ang mayaman na tulad niya… okay, medyo awkward na sa katahimikan."Sienna, can I ask you something?" I turned to him. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya nang lumingon siya sa akin at sa kalsada na lang ako tumingin. Hindi ko sinagot ang tanong niya."W-what... kind... of... things do you like to do?" he asked slowly.Tama ba ang narinig ko? Tinatanong niya kung ano ang gusto kong ginagawa? Oh baka namali lang ako nang rinig?Hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi ko ba alam pero yung pakirandam ko kakaiba parang selos? Agggrrrhh naguguluhan na ako sa nararamdaman ko."It's fine if you don't want to tell me," he said.Hindi na siya uli nagsalita pa, ang tahimik na naman pero ayaw ko makipag-usap sa kaniya. Bahala siya (> _ >)Mga ilang minuto na byahe ay nakarating na rin kami sa pale – Mall? Teka akala ko mamaleng

  • Love Beyond Contract   Chapter 16

    ★Sienna Point Of View★Isang oras ang nakalipas nang matapos ang surgery ni Mama. Nasa labas kami ngayon ng operating room, iniwan na namin ni Denver sa kwarto niya dahil nagpapahinga ito.Baka sa makalawa ay makakalabas na si Kuya Steve ng hospital.“Sana maging success ang operasyon ni Mama,” mahinang panalangin ko."Don't worry, all the doctors here are good," Denver assured.Napalingon naman ako sa kaniya, nakasandal siya sa pader at nakatutuk lang ang tingin nito sa pinto ng operating room.Napatingin naman ako kaagad at napatayo nang lumabas ang doctor na gumawa ng surgery kay Mama.“Doc. Kumusta po si Mama!” kagaad kong tanong.“Good news, the surgery was a success, and we expect him to wake up within a couple of days. I'll check in on you later," saad ni Dr Reyes.“Thank you po, Doc,” pasasalamat ko.“Maiwan ko na muna kayo,” nakangiting paalam niya saka umalis.“I told you,” nakangiting saad ni Denver. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.“Thank you,” mahinang us

  • Love Beyond Contract   Chapter 15

    Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang Mommy ni Denver, dahil kailangan na raw siya sa hospital. Hindi ko akalain na 6 na hospital ang pagmamay-ari nila rito sa pilipinas.“Magbihis ka na, maaga pa ang surgery ni Mama, baka hindi tayo umabot.” Kaagad ko naman siyang sinunod.Sana ay maayos ang magiging resulta ng surgery ni Mama.****“Sienna, I have a good news for you,” nakangiting saad ni Denver pagkababa ko ng hagdan.“Ano yun?” excited na tanong ko.“Ang Kuya Steve mo gising na,” masayang tugon niya.“Talaga? Oh… thank you lord. Pwede na ba tayo umalis?” tanong ko.“Oo naman,” Nauna siyang lumabas ng mansion, habang ako naman ay nakasunod. Salamat naman at nagising na si Kuya Steve.★Soriano General Hospital★Nagmamadali akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Kuya Steve. Kinausap pa ni Denver ang doktor na gagawa ng surgery ni Mama.“Kuya.” Gulat na lumingon sa akin si Kuya pati na rin ang kausap nitong nurse.“Kuya.” Paiyak akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap nang m

  • Love Beyond Contract   Chapter 14

    “Just one night, that's all." Saad niya.“Huwag ka mag-alala wala naman akong gagawin sayo. Gawin mo na lang ito para kay Mom, hindi niya alam ang tungkol sa atin,” dagdag pa niya.“Okay, basta huwag mo kung aanuhin,” ani ko saka yakap sa sarili ko. Tumawa lang ang loko saka lumapit sa akin – ayan na naman siya, bakit ang hilig niyang lumapit sa akin ng ganito. Isang tulak lang eh pwede na kami nito magkiss.“Opo, kaya maligo ka na para makatulog na rin tayo-” Lumapit pa siya tsaka lumapit sa tenga ko.“Babe,” bulong niya.Umayos na ito ng tayo saka ngumisi. Napayuko na lang ako sa hiya.“Mauna na ako, sunod ka na lang sa kwarto natin,” saad niya at naglakad na.Grabe ka Sienna, babe talaga? Eh ginagawa ko lang naman sinabi niya na magpanggap eh, iyun kasi ginagawa ko kay Oliver dati.****Nang matapos na ako maligo at makapagbihis ng pantulog ay lumabas na ako para magtungo na sa kwarto ni Denver.Pagkalabas ko pa lang ay nabungaran ko na si Mom.“Oh Sienna bakit nandiyan ka? Di ba

  • Love Beyond Contract   Chapter 13

    “7 years ago, lagi mainit ang ulo niya tapos mahilig siyang magkulong lang sa kwarto niya. Walang pake sa paligid niya. Pero sa hindi ko malamang dahilan paunti-unti siyang nagbago.” Lumingon si Mom sa kinaroroonan nila Denver.Napatingin naman ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na ang pogi niya pala kapag ngumingiti.“Kaya, Sienna. Kung may nagawa o magawa man sa iyo si Denver ay sana bigyan mo siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya,” saad niya sabay hawak sa kamay ko.“Pakiusap, alagaan mo si Denver, ayaw ko na siyang bumalik sa dating siya.” Napatango na lang ako sa mga sinabi niya, saka naman niya ako niyakap nang mahigpit.“Mom. Pwede ko po ba mahiram si Sienna,” paalam ni Denver kaya napalingon ako sa kaniya.“Go ahead,” turan naman ni Mom.“Mag-enjoy ka po sa birthday party mo Mom, mamaya may surprise ako,” nakangiting sabi ni Denver at hinawakan na ang kamay ko.“Thanks,” mahinang sabi niya. Saka niya binitawan ang kamay ko ng makalayo na kami mula sa kinaroroo

  • Love Beyond Contract   Chapter 12

    “Tulungan ko na kayo,” ani ko.“Huwag na po, kailangan niyo pa po kasi mag-ayos,” pigil ni Cara.“Kami na po bahala rito, doon na po kayo sa sala. Ihahanda na po muna namin ang almusal niyo,” saad naman ni Luisa.“Ako na lang bahala sa pag-aasikaso ng almusal,” nakangiting ani ko. Sinimulan ko nang kumilos, kumuha ako ng mga kubyertos at dalawang plato. Ako na rin nag-asikaso ng paghahanda sa pagkain namin. Pinipigilan pa akong nina Maria, pero hindi ako pumayag.Naayos ko na ang lahat ng pagkain naming dalawa, ipinagtipla ko rin siya ng kape.“Good morning Sien.” Napalingon ako sa nagsalita – si Denver na bagong gising. Hindi ko ito pinansin at umupo na.“Meron ka ata,” ani niya at umupo na rin.“Anong meron?” mataray na tanong ko.“Ah wala yun.” Napakunot naman ang noo ko, anong meron pinagsasabi niya.“Ikaw ba naghanda nito?” tanong niya.“Oo,” tipid na sagot ko. Nakita ko namang napangiti siya.“Hoy, hindi porke na ako ang nahanda nito eh ibig sabihin okay na tayo,” paalala ko. N

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status