★Sienna Point of View★
“Maraming salamat po, Doc,” pagpapasalamat ko kay Dr. Perez na siyang doktor nila mama at kuya. Hindi pa sila nagigising pero, ang mga sugat nila sa katawan ay paunti-unti na gumagaling. Next week na pala ang surgery ni mama. Hindi ko ma-imagine na kung hindi ko tinanggap ang alok ni Denver baka pinaalis na kami sa ospital. “Mama, Kuya Steve aalis na po muna ako, bibisita po ako uli sainyo. Pagaling po kayong dalawa,” ani ko at umalis na. Pauwi na ako, mga ilang kilometro na lang ay malapit na ako sa mansion ni Denver. Hindi na ako nagpasama magiging abala lang ako sa kanila. Sapat ma sa akin na nasa maayos na kalagayan sina Mama. “Sumama ka sa amin.” Isang itim na van ang huminto sa harap ko at pinapilit akong hinahatak ng dalawang lalaking naka itim na maskara. “Ano ba! Bitiwan ninyo ako! Tul-” hindi ko na naituloy ang paghingi ko ng tulong, dahil may panyo silang inilagay sa bibig ko na s’yang dahilan para dumilim ang paligid ko at mawalan ako ng malay. ★Denver Point Of View★ Kakarating ko lang galing office, gusto ko umuwi ng maaga dahil bigla ko na lang gusto makita si Sienna, nagpaalam siyang kanina na dadalawin ang mama at kuya niyang wala pa ring malay. “Manang Lita, nakauwi na ba si Sienna?” tanong ko sa Head housekeeper ko. Hindi ko kasi napapansin si Sienna. “Hindi pa rin po siya nakakauwi mula po kaninang alas-dose ng tanghali,” tugon niya. “Ganon ba, may kasama ba siyang umalis?” tanong ko uli. “Wala po, ayaw niya magpasama kahit sa driver,” tugon niya. “Ibig sabihin umalis siya mag-isa?” tanong ko. “Ganon nga po,” saad niya. Kaagad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon at tinawagan kaagad ang numero ni Sienna. Nagriring lang ang phone niya at hindi sinasagot ang tawag, nakailang beses pa rin ang tumatawag pero walang sumasagot. “Manong ihanda mo ang sasakyan,” nagmamadaling utos ko sa personal driver ko na si Mang Tasyo. Binuksan ko ang GPS ko at hinanap ang location niya, wala na siya sa hospital. Teka bakit nasa lumang warehouse siya? Mukhang may masamang nangyari sa kaniya. Kaagad akong sumakay ng sasakyan at ipinamaneho nito papuntang warehouse malapit sa Fort Santiago. Sa tingin ko ay nasa panganib si Sienna. Habang papunta ako Fort Santiago ay tinawagan ko si Xandro, ang kaibigan kong police superintendent. "Xandro, I need your help. I think Sienna's been kidnapped. I'll send you the location," I said. And I immediately hung up the call. Xandro has known me since we were kids, so I trust he'll help me. Kaagad kong sinend ang location kung saan si Sienna, kung sino man ang may kakagawan nito. Pagbabayaran ko siya ng malaki once na may mangyari na masama sa asawa ko. “Manong bilisan mo pa ang pagmamaneho, baka kung ano na ang nangyari kay Sienna.” Kaagad naman na sinunud ni manong ang utos ko. ★Sienna Point Of View★ Nagising ako sa isang madilim at lumang silid, “Nasaan ba ako? Ang sakit ng ulo ko. Anong oras na? Bakit ako nandito?” sunod sunod kong tanong sa sarili ko. Tatayo na sana ako ngunit may tali pala ang mga paa at kamay ko. Kinidnap ba ako? Ay, malamang Sienna, kaya ka nga nandito eh. Pero bakit at sino ang kikidnap sakin? Mga inutangan ba ni papa? Ni kuya? O baka nagandahan sa akin kaya ako kinidnap para gawing slave. My shark! huwag naman po, ayaw ko pang mawasak ang kuweba ko. Pero hindi nila tinakpan yung bibig ko pero bakit? Ang dami kong tanong at natatakot na rin ako, baka naman ibebenta nila yung lamang loob ko. Anong kamalasan naman itong nararanasan ko. Ayaw ko pang mamatay napakabata ko pa, gusto ko pa mag asawa. Teka may asawa na ako ah? Pero contract lang naman yun gusto ko yung mahal ko talaga. Gusto ko pang makita sila kuya at mama, naiiyak na ako sa takot. Sisigaw na ba ako ng tulong? Baka walang makarinig sa akin. Pero yun lang ang magagawa ko. “Tulong! Tulong! Tulongan ninyo akooooo!!!! Kinidnapppp!!!! Po ako!!!! Tulong!!!!” malakas na sigaw ko. “Pwebe ba tumahimik ka!” Nagukat ako sa malakas na kalampag ng pinto at sinaway ako isang lalaki pagpasok niya, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim at sa likod lang nagmumula ang liwanag. “Ano bang kailangan ninyo sa akin! Bakit ninyo ako dinala rito! Bakit ninyo ako kinidnap!?” pasigaw na tanong ko. “Wala kaming kailangan sayo, pero ang boss namin meron,” natatawang tugon niya. “Sino!? Sabihin mo bakit ako? Wala akong ginagawang masama kaya pakawalan ninyo ako!” Sigaw ko. Pinipilit kong kinakalag ang pagkakatali sa kamay ko ngunit masyado itong mahigpit. “Ay, Raul bakit hindi mo kasi tinakpan yang bibig ng babae na yan, ang ingay-ingay tuloy,” saad ng isa pang lalaki na pumasok. Nakamaskara pa rin sila kala ko ay makikita ko ang mga panget na mukha ng mga ito. “Takpan mo na yang bibig n’ya, baka may makarinig pa, malalagot tayo kay boss niyan,” dagdag pa niya. Kaagad naman ito sinunod na nagngangalang Raul. “Huwag ka lalapit! Lumayo ka! Tulonggg!!!!” Sinusubukan kong gumalaw paatras pero nasa pader na pala ako. “Manahimik ka na lang para hindi ka masaktan, mamaya malalaman mo lahat ng sagot sa tanong mo at makikilala mo na rin ang boss namin pagkarating niya,” saad niya at kaagad na tinakpan ng electric tape ang bibig ko. Pagkatapos ay tumatawa silang umalis at isinara ang pinto. Ano ng gagawin ko, tanging pag iyak nalang ang kaya kong gawin. Please lord iligtas mo po ako sa kapahamakan. Sana naman may dumating na tulong, may ginawan ba ako ng masama para kidnapin ako? Baka sila Tita Regina sila lang naman ang kilala kong pwedeng gumawa nito sa akin. Mga ilang saglit na sinusubukan kong makawala sa pagkakatali pero wala pa rin. Nararamdaman ko na mahapdi na ang kamay at paa ko, maya-maya pa ay nawalan na naman ako ng malay dahil sa pagod na naramdaman.★Sienna POV★Hindi na nga ako nakatanggi sa pagsama kay Denver na mamalengke. Ano bayan! Nakadungaw lang ako sa bintana at hindi siya pinapansin.Namamalengke rin pala ang mayaman na tulad niya… okay, medyo awkward na sa katahimikan."Sienna, can I ask you something?" I turned to him. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya nang lumingon siya sa akin at sa kalsada na lang ako tumingin. Hindi ko sinagot ang tanong niya."W-what... kind... of... things do you like to do?" he asked slowly.Tama ba ang narinig ko? Tinatanong niya kung ano ang gusto kong ginagawa? Oh baka namali lang ako nang rinig?Hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi ko ba alam pero yung pakirandam ko kakaiba parang selos? Agggrrrhh naguguluhan na ako sa nararamdaman ko."It's fine if you don't want to tell me," he said.Hindi na siya uli nagsalita pa, ang tahimik na naman pero ayaw ko makipag-usap sa kaniya. Bahala siya (> _ >)Mga ilang minuto na byahe ay nakarating na rin kami sa pale – Mall? Teka akala ko mamaleng
★Sienna Point Of View★Isang oras ang nakalipas nang matapos ang surgery ni Mama. Nasa labas kami ngayon ng operating room, iniwan na namin ni Denver sa kwarto niya dahil nagpapahinga ito.Baka sa makalawa ay makakalabas na si Kuya Steve ng hospital.“Sana maging success ang operasyon ni Mama,” mahinang panalangin ko."Don't worry, all the doctors here are good," Denver assured.Napalingon naman ako sa kaniya, nakasandal siya sa pader at nakatutuk lang ang tingin nito sa pinto ng operating room.Napatingin naman ako kaagad at napatayo nang lumabas ang doctor na gumawa ng surgery kay Mama.“Doc. Kumusta po si Mama!” kagaad kong tanong.“Good news, the surgery was a success, and we expect him to wake up within a couple of days. I'll check in on you later," saad ni Dr Reyes.“Thank you po, Doc,” pasasalamat ko.“Maiwan ko na muna kayo,” nakangiting paalam niya saka umalis.“I told you,” nakangiting saad ni Denver. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.“Thank you,” mahinang us
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang Mommy ni Denver, dahil kailangan na raw siya sa hospital. Hindi ko akalain na 6 na hospital ang pagmamay-ari nila rito sa pilipinas.“Magbihis ka na, maaga pa ang surgery ni Mama, baka hindi tayo umabot.” Kaagad ko naman siyang sinunod.Sana ay maayos ang magiging resulta ng surgery ni Mama.****“Sienna, I have a good news for you,” nakangiting saad ni Denver pagkababa ko ng hagdan.“Ano yun?” excited na tanong ko.“Ang Kuya Steve mo gising na,” masayang tugon niya.“Talaga? Oh… thank you lord. Pwede na ba tayo umalis?” tanong ko.“Oo naman,” Nauna siyang lumabas ng mansion, habang ako naman ay nakasunod. Salamat naman at nagising na si Kuya Steve.★Soriano General Hospital★Nagmamadali akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Kuya Steve. Kinausap pa ni Denver ang doktor na gagawa ng surgery ni Mama.“Kuya.” Gulat na lumingon sa akin si Kuya pati na rin ang kausap nitong nurse.“Kuya.” Paiyak akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap nang m
“Just one night, that's all." Saad niya.“Huwag ka mag-alala wala naman akong gagawin sayo. Gawin mo na lang ito para kay Mom, hindi niya alam ang tungkol sa atin,” dagdag pa niya.“Okay, basta huwag mo kung aanuhin,” ani ko saka yakap sa sarili ko. Tumawa lang ang loko saka lumapit sa akin – ayan na naman siya, bakit ang hilig niyang lumapit sa akin ng ganito. Isang tulak lang eh pwede na kami nito magkiss.“Opo, kaya maligo ka na para makatulog na rin tayo-” Lumapit pa siya tsaka lumapit sa tenga ko.“Babe,” bulong niya.Umayos na ito ng tayo saka ngumisi. Napayuko na lang ako sa hiya.“Mauna na ako, sunod ka na lang sa kwarto natin,” saad niya at naglakad na.Grabe ka Sienna, babe talaga? Eh ginagawa ko lang naman sinabi niya na magpanggap eh, iyun kasi ginagawa ko kay Oliver dati.****Nang matapos na ako maligo at makapagbihis ng pantulog ay lumabas na ako para magtungo na sa kwarto ni Denver.Pagkalabas ko pa lang ay nabungaran ko na si Mom.“Oh Sienna bakit nandiyan ka? Di ba
“7 years ago, lagi mainit ang ulo niya tapos mahilig siyang magkulong lang sa kwarto niya. Walang pake sa paligid niya. Pero sa hindi ko malamang dahilan paunti-unti siyang nagbago.” Lumingon si Mom sa kinaroroonan nila Denver.Napatingin naman ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na ang pogi niya pala kapag ngumingiti.“Kaya, Sienna. Kung may nagawa o magawa man sa iyo si Denver ay sana bigyan mo siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya,” saad niya sabay hawak sa kamay ko.“Pakiusap, alagaan mo si Denver, ayaw ko na siyang bumalik sa dating siya.” Napatango na lang ako sa mga sinabi niya, saka naman niya ako niyakap nang mahigpit.“Mom. Pwede ko po ba mahiram si Sienna,” paalam ni Denver kaya napalingon ako sa kaniya.“Go ahead,” turan naman ni Mom.“Mag-enjoy ka po sa birthday party mo Mom, mamaya may surprise ako,” nakangiting sabi ni Denver at hinawakan na ang kamay ko.“Thanks,” mahinang sabi niya. Saka niya binitawan ang kamay ko ng makalayo na kami mula sa kinaroroo
“Tulungan ko na kayo,” ani ko.“Huwag na po, kailangan niyo pa po kasi mag-ayos,” pigil ni Cara.“Kami na po bahala rito, doon na po kayo sa sala. Ihahanda na po muna namin ang almusal niyo,” saad naman ni Luisa.“Ako na lang bahala sa pag-aasikaso ng almusal,” nakangiting ani ko. Sinimulan ko nang kumilos, kumuha ako ng mga kubyertos at dalawang plato. Ako na rin nag-asikaso ng paghahanda sa pagkain namin. Pinipigilan pa akong nina Maria, pero hindi ako pumayag.Naayos ko na ang lahat ng pagkain naming dalawa, ipinagtipla ko rin siya ng kape.“Good morning Sien.” Napalingon ako sa nagsalita – si Denver na bagong gising. Hindi ko ito pinansin at umupo na.“Meron ka ata,” ani niya at umupo na rin.“Anong meron?” mataray na tanong ko.“Ah wala yun.” Napakunot naman ang noo ko, anong meron pinagsasabi niya.“Ikaw ba naghanda nito?” tanong niya.“Oo,” tipid na sagot ko. Nakita ko namang napangiti siya.“Hoy, hindi porke na ako ang nahanda nito eh ibig sabihin okay na tayo,” paalala ko. N