Thaliana Pov
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na muling nagparamdam sa akin si Casper. Hindi niya talaga ako pinanagutan. Hindi pa rin alam ng parents ko na buntis ako, ayoko pang malaman nila dahil alam kong magagalit sila sa akin. Mabuti nalang at napakiusapan ko si Roselyn na huwag na munang ipaalam sa parents ko. Kasalukuyan akong andito sa condo ni Roselyn, dalawang buwan na din pala. Lumalaki na din ang tiyan ko. Mabuti nalang at napakiusapan ko ang prof namin na kung pwede ay iexcuse ako sa mga mabibigat na activities dahil nga sa buntis ako. Mabuti nalang din at ilang buwan na lang ay graduate na kami. Pwede na akong maghanap ng trabaho. Habang nagmumunu-muni ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si daddy. “Hello Daddy?” Bungad ko. “Hello, pumunta ka dito sa bahay mamaya after lunch. May pag-uusapan tayo.” seryosong saad ni daddy. Sa boses pa lang niya ay kinakabahan na ako. “Sige po,” sagot ko at pinatay na ni Daddy ang tawag. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Nang sumapit na ang tanghali ay kumain na ako at nag-umpisang gumayak papunta sa bahay. Ewan ko ba, habang gumagayak ako ay nakakaramdam ako ng kaba. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako para maghanap ng masasakyan ko. Alas dos na nang tanghali ng makarating ako dahil sa haba ng traffic. Pagtungtong ko palang sa bakuran namin ay may sumalubong na sa aking kasambahay at sinabing hinihintay na ako nila Daddy. Pagpasok ko ay nakita ko sila ni Mommy na nakaupo, napatingin sila sa gawi ko. Ramdam ko ang lamig ng tingin nila sa akin at ang seryosong awra nila, ngunit hindi ko iyon pinansin at lumapit sa kanila ng nakangiti. Paglapit ko ay yayakap sana ako sa kanila nang bigla akong sampalin ni Daddy. Sa gulat ko ay napaupo ako sa sahig. Ramdam ko ang sakit sa aking pisngi sa lakas ng impak sa akin. “ISA KANG MALAKING KAHIHIYAN SA PAMILYANG ITO!” Galit na sigaw ni Daddy sa akin, habang si mommy naman ay pinipigilan si Daddy habang umiiyak siya. “Tama na Ethan! Anak parin natin siya!” Sabi mom habang umiiyak. “Wala akong anak na disgrasyada!” Sigaw ni Daddy. “Mamili ka, ipalalaglag mo yan o lalayas ka dito sa pamamahay na ito?” Malamig na saad ni daddy sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko dahil anak ko ito. Mas pipiliin ko nalang na umalis na muna kaysa ipalaglag ang anak ko. “Ethan!” Saad ni Mommy. “Tumahimik ka Valerie!” Galit na sigaw ni daddy kay Mommy. Nakita ko ang awa sa mata ni Mommy ngunit hindi siya makalapit sa akin dahil nakakapit sa braso niya si Daddy. Tumayo nalang ako at dinampot ang bag ko. “P-pasensya na po daddy, p-pero h-hindi ko kayang ipalaglag ang anak ko.” Saad ko at tinalikuran sila. “Sa paglabas mo ng bahay at bakuran na ito, kalimutan mo nang may pamilya ka pa.” Saad ni daddy at nagsibagsakan ang mga luha ko. Nakita ko pa ang ibang maids namin na nakatingin sa akin. Alam kong naaawa sila sa akin dahil sa kalagayan ko, ngunit alam ko ring wala silang magawa. Kahit masakit ay tatanggapin ko dahil ayokong magkaroon ng kasalanan sa Diyos at ayokong patayin ang batang nasa sinapupunan ko. Nang makabalik ako sa condo ni Roselyn ay naabutan ko siyang nagluluto na sa kusina. Alas sais na din ng gabi, nagpalipas kasi muna ako ng oras sa park. “Oh, bakit ngayon ka lang? Alam mo namang buntis ka at hindi pwedeng mahamugan, naku ka talaga.” Sermon niya sa akin. Napangiti naman ako, dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Daldal lang ng daldal si Roselyn at ako naman ay nakikinig lang. Sinabi ko na din sa kanya ang pag-uusap na nangyari sa amin nila Daddy at alam na din niya ang mga sinabi nito. Mabuti nalang at siya ang naging kaibigan ko. Sinabi niya sa akin na hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari. At iyon nga ang kanyang ginawa. Sinamahan at inalagaan niya ako hanggang sa makagraduate na kami. Malaki na rin ang tiyan ko at halata na. Hindi na ako pinapasok ni Roselyn sa kahit na anong trabaho dahil malapit na ang kabuwanan ko. Si Roselyn lang ang lagi kong nakakasama. Magmula ng itakwil ako ni Daddy ay wala na akong natanggap na kahit na anong tawag, text o balita mula sa kanila. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari ay hindi ko pa rin sila kayang talikuran dahil mahal ko sila at magulang ko sila. Siguro, pagdating nang panahon ay matatanggap rin nila ako. Sobrang swerte ko dahil naging kaibigan ko si Roselyn. Siya na ang nag-aalaga sa akin hanggang sa pagpapacheck up ko. Hindi niya ako sinukuan at tinalikuran. Sinamahan niya ako hanggang sa manganak ako ay hindi niya ako iniwan. Sobrang saya namin dahil dumating sa buhay namin si Calia. Kahit na anong sakit pa ang pinagdaanan namin ay parang wala lang sa amin ni Roselyn iyon dahil sa magandang anghel na binigay sa amin ng panginoon. “Anong pangalan ng inaanak ko?!” Excited na tanong ni Roselyn habang karga ang anak ko. Natawa naman ako sa kanya. “Calia. Calia Marie Conception, ang ganda diba?” Saad ko sa kanya. “Yeah, bagay na bagay sa kanya! Ang ganda ganda niya gurl!” Saad niya at hinalik halikan ang anak ko, kulang nalang ay panggigilan niya ito. Hindi rin nagtagal ay nag-paalam na siya dahil may trabaho pa siya. Ako naman ay todo pasalamat sa kanya dahil sa laki ng tulong niya sa akin. Hindi pa rin alam ng parents ko na nanganak na ako. Ayaw ko din munang sabihin dahil baka galit pa rin sila sa akin. Nakangiti lang ako at tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan ang anak ko na mahimbing na natutulog sa bisig ko. Ang ganda-ganda ng anak ko. Kahit na hindi naging mabuti ang pinagdaanan ko ay ni minsan hindi ko nagawang sisihin ang anak ko, dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari sa akin. My princess will be my light and strength… Marami pa ang naging karanasan ko, namin ni Roselyn habang lumalaki siya. May sakit siya, ngunit hindi pa iyon matukoy ng mga doctor dahil sa bata pa siya kaya naman nireresitahan nalang siya ng gamot. Lahat ginagawa namin ni Roselyn para sa anak ko. Habang si Casper? Ayon. Lumabas sa balita, engineer na at may fiancee na. Ganun ganun nalang para sa kanya ang mga nangyari. Sabagay, ginamit niya lang naman ako. At nung nagsawa tinapon na ako ng parang basura. Kami ng anak namin. Sana lang ay hindi na magtagpo ang landas namin at nang anak niya. ----- ⪩⪨ ----- 4 years later…. Apat na taon na ang nakararaan. Calia is now 4 years old. She's in day care now. She's smart, kind, friendly and caring child. Madami na din siyang kaibigan at sabi pa ng ibang mother sa akin na may kamukha siya. Yeah. Kamukha niya si Casper. Ewan ko ba, sa lahat ng pwedeng maging kamukha ng anak ko ay ang tatay niya pa. “Roselyn, ikaw muna ang magbantay kay Calia ha. Papasok na ako sa work.” Saad ko kay Roselyn. “Pasensya na sa abala ha.” Dugtong ko. “Ano ka ba naman! Hindi ka abala at ang anak mo no. Wala din naman akong ginagawa eh, tiyaka sabado naman kaya no worries.” Napangiti nalang ako sa sagot niya. Nang makapag paalam na ako ay pumara na ako ng masasakyan at pumunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Ang trabaho ko ay isa sa umaga, sa restaurant at waitress sa bar sa gabi. Mabuti nalang at agad akong natanggap sa trabahong ito. Nasa dalawang buwan na ako dito. Ngunit kulang pa rin ang kinikita ko para sa gamot ni Calia, kaya dala-dalawa ang trabaho ko. Nang makarating ako ay pumunta agad ako sa locker room namin at nagpalit. Maaga palang ngunit puno na agad ang restaurant. Nagmamadali ako para makatulong agad. Serve dito, serve doon. Dahil punuan ay kailangan naming bilisan ang kilos. Ako ang taga serve ng mga pagkain. “Thalia, pakiserve sa table 10.” Saad ni Ashley kaya kinuha ko ang tray. Pumunta na ano sa table 10 at nag serve ng pagkain. Aalis na sana ako nang may mahagip ang mata ko. Paglingon ko ay si Casper ang nakita ko. May kasama siyang dalawang lalaki, marahil ang assistant at business partner niya. Bago pa siya lumingon ay tumalikod na ako. Sana lang ay hindi niya ako napansin. Marami ang nagbago sa kanya. Medyo tumangkad siya at naging mas guwapo. Ay ano ba yang nasa isip ko! Pinilig ko ang ulo ko at iniuntog sa pader. “Oh? Anong nangyayari sayo dai? Okay ka lang ba?” Nagulat ako ng magsalita si Ashley sa likuran ko. “Oo okay lang ako,” saad ko at nginitian siya. Nagkwentuhan lang kami saglit at nagtrabaho na ulit. Hanggang sa pag-uwi ay si Casper pa rin ang laman ng isip ko. He's successful now. Tapos ako, eto walang stable na trabaho at inaalala ang gamot ng anak namin. Ang swerte niya, kasi wala siyang inaalala. Galit na galit ako sa kanya. Dahil hindi man lang niya inisip ang anak niya! Siya nagagawang tumawa, ako? Hinde. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko ipakikilala ang anak ko sa kanya! Wala siyang karapatang makilala ang anak ko!Roselyn PovPasalo ala una na nang makarating ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Rheigne. Nakakainis pa dahil late na nga ako ay nalate pang lalo dahil sa traffic na yan! Arghh, nakakahiya talaga! I'm so unprofessional!Nang makapasok ako ay nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan malapit sa counter. Nakayuko at mukhang kanina pa talaga nag aantay sa akin. Walang pagdadalawang isip na lumapit agad ako.“Uhh, Rheigne? Pasensya na at late ako ah? Traffic kasi at isa pa nalate din ako ng gising.” Pangbungad ko sa kanya sabay kamot sa ulo. Dahan dahan naman siyang nag angat ng tingin sa akin at ngumiti.“No need to sorry. I understand and besides i love waiting kung ikaw naman ang hihintayin ko.” Saad niya. Sus, nambola pa. Napangiti na lang ako sa sagod niya sa akin. Hindi rin maiwasan na mupula ang aking mga pisngi.“Bolero ka talaga HAHAHA, so?” Saad ko at naupo na.“Let's eat first,” saad niya at kinawayan ang waiter. Nang makalapit ang waiter sa amin ay binalingan niya ako
Casper PovI'm here at Henry's bar. After the incident earlier, i decided to go here. Wala din naman akong masiyadong ginagawa sa kompanya ko. I'm now successful and millionaire. But, i'm not happy. Why? Because the woman i love is angry at me. It’s because of the past that i do to her. I don't know how to do, to ease her pain that i’ve done.“Bro, advice ko lang huh? Paano kung tigilan mo muna si Thaliana? Para makapag isip isip siya at malay mo naman siya ang kusang makipag usap sayo.” Henry said.“Oo nga, agree ako sa kanya Cas. Kasi, alam natin na nasaktan siya sa ginawa mo.” Dugtong ni Jules, nagtignan ko si Rheigne ay tanging pagtango lang ang naging tugon niya.“Paano kung ayaw niya na akong makausap kahit kailan? Paano kung ayaw na niya sa akin? Paano kung may iba na siyang mahal? Pare, alam niyong hindi ko kayang mabuhay nang wala siya.” Mahabang saad ko sa kanila.“Kung puro negative ang iisipin mo, eh baka magkatotoo nga.” Sagot ni Jules.Sa sagot na ‘yon ni Jules ay nagin
Thaliana PovDahil sa pagkaka confine ng anak ko sa hospital ay nagpaalam na muna ako sa boss ko, kay Rheigne na mag sisick leave na muna ako dahil may emergency akong kailangan na asikasuhin. Tinatanong pa niya kung ano ‘yon pero hindi ko na lang sinagot.Dahil ayoko. Ayokong malaman niyang may anak kami ni Casper. Kahit pa alam kong mapagkakatiwalaan ko siya ay hindi ko pa rin sasabihin sa kanya.“Tulala ka na naman Thaliana, si Calia ba? Wala ka pa ring mahanap na donor?” Tanong sa akin ng kadadating pa lang na si Roselyn.“Wala pa, sabi naman ng ibang hospital na napagtanungan ko ay mahirap daw talaga makahanap ng blood type na A.” Sagot ko.“Hays, habang naghahanap tayo ay mas magandang thru medicines na lang muna si Calia. Nang sa ganon ay medyo maagapan natin.” Saad ni Roselyn at tinanguan ko.“Salamat Roselyn ha, pati ikaw naiistorbo ko na.” Pagpapasalamat ko sa kanya at bahagya siyang nginitian.“Sus, ikaw pa ba? At isa pa, hindi ko pababayaan ‘yang inaanak ko noh!” Saad niya
Roselyn PovAkala ko sa pagpunta ni Casper dito ay magkakausap na sila ng maayos ng kaibigan ko. Ngunit hindi pa pala. Nang mga nagdaang linggo ay kinukulit ako ni Casper na tulungan siya sa aking kaibigan. Nung una galit pa ako, pero nung pinaliwanag niya sa akin ang lahat nalaman ko. Gustong gusto kong mabuo ang pamilya nila para sa anak nila. Hindi pa rin alam ni Casper na may anak na sila.Wala rin naman ako sa posisyon para sabihin na may anak na sila at mas lalo na ang pinagdaanan ni Casper. Dapat siya ang magsabi nito sa bestfriend ko.Nakatulog na naman si Thali sa bisig ko sa kakaiyak. Mabuti nalang talaga at tulog pa ang anak niya nang dumating si Casper. Nakipag tulungan ako sa kanila, si Rheigne ang kumausap sa akin tungkol kay Casper kaya pumayag naman ako.Nang nakita kong mag aalas siyete na ay kinuha ko ang cellphone ni Thali at nagchat sa boss niya na kung pwede ay lumiban muna siya sa trabaho niya dahil sa may sakit ang anak niya, mabuti nalang at mabait ang boss ni
Thaliana Pov Sumapit na naman ang araw ng lunes. Ito ako gumagayak papasok sa restaurant na pinapasukan ko. Nung saturday pa ako nakapag resign sa bar na pinapasukan ko at sa isang restaurant dahil mababa ang pasahod. Kaya lumipat ako dito dahil malaki laki ang bigayan at kaya naman na kaming buhayin.Nakarating na ako sa restaurant kung saan ako mag uumpisang magtrabaho ngayon. Pagpasok ko ay andoon na ang iba ko pang kasamahan na nag aasikaso para sa opening. Ako naman ay dumiretso sa locker room namin para magpalit ng damit.Pagkatapos ko ay tumulong na akong mag asikaso ng mga gagamitin namin at bago mag open. Hindi rin naman nagtagal ay binuksan na namin ang restaurant.Kabubukas pa lang namin ay madami na agad ang pumapasok na costumer. Mukhang mapapasabak siya. Dalawa silang waitress ng kasamahan niyang si Stella.Lakad dito, lakad doon. Serve dito, serve doon. Yun ang routine namin. Nakakapagod man ay kailangan ko itong gawin para sa amin ng anak ko."Gosh, nakakapagod. Ang d
Thaliana PovIt's been a week. Simula ng makita ko si Casper ay hindi ko na siya pa nakitang muli. Mabuti narin iyon. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. His engaged now. I don't know, but sometimes when i heard that news, i feel something in my chest like i'm hurting. Ngayong araw ay day off ko at napag usapan namin ni Roselyn na ipapasyal namin si Calia sa park bilang pambawi na din sa anak ko. Malapit na din siyang mag birthday. Pinaghahandaan din namin iyon ni Roselyn.“Baby, it's already seven in the morning. Come on, wake up na.” Andito ako ngayon sa kwarto ng anak ko.“5 minutes mommy, please.” Inaantok na saad ng anak ko at napangiti naman ako.“Okay baby, i will prepare our breakfast okay? After 5 minutes go downstairs huh?” I said.“Yes mommy, i love you.” She said, what a lovely daughter!“Oh, how sweet. I love you more baby.” Napangiti nalang ako dahil kahit anong antok ng anak ko ay nalalambing niya pa din ako sa kahit salita lamang.Siya nalang ang lakas