Thaliana Pov "WHAT?!" malakas na sigaw ni Roselyn kaya napatingin sa gawi namin ang iba naming kaklase. "Boses mo nga!" suway ko sa kanya. "Sino ba kasing hindi magugulat sa sinasabi mo? The heck! Alam kong tanga ka, kaya please iwasan mo siya." saad ni Roselyn. "Alam mo naman siguro ang sinasabi nilang playboy siya diba?" dagdag pa niya. "Oo, pero hindi ako naniniwala sa kanila Roselyn. Mahal ko siya, at isa pa may nangyari na sa amin." saad ko "What?! Bumigay ka?! Thaliana, bakit ka bumigay? Tangina, paano kung magbunga ha?!" tanong niya sa akin. "Alam kong mabuti siyang tao at pananagutan niya ako. Kaya chill ka lang diyan okay?" saad ko sa kanya. "Hay nako, bahala kang magpakatanga diyan Thaliana. Malaki kana, pero ito lang ang sasabihin ko sayo. Pag ikaw sinaktan niyan, sa ayaw at sa gusto mo kakalimutan mo yang Casper na yan!" gigil niyang saad sa akin. "Oo na," saad ko. Buti nalang dumating na ang next subject namin dahil kung hindi, hanggang ngayon sesermunan
최신 업데이트 : 2025-07-10 더 보기