Share

Chapter 15

"Ah! Oo nga! Gago talaga mga 'to, may gagawin pa pala tayo mamaya. Sige tol, mauuna na kami!" biglang sabi nung lalaki bago nakipagtulakan sa mga kaibigan para maunang umalis.

"Bakit 'yon?" takang tanong nila Lei at Nova.

"Magpapa-picture raw," I whispered to them.

"Sila Vince 'yon, ah?" kunot-noong tanong ni Lei habang sinusundan ng tingin iyong paalis na mga lalaki. "Mga papansin na 'yon."

Napatingin ako sa bagong dating na si Kuya Kai na may hawak-hawak na pop corn. Nang makita niya ako ay ngumiti kaagad ito at kumaway bago umupo sa tabi ni Kuya Sean.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" dinig kong tanong niya.

Umiling lamang si Kuya Sean sa kaniya bago mabigat ang mga kamay na kumuha ng popcorn at kinain. Palihim akong natawa dahil sa ginawa niya kaya naman nag-iwas na lamang ako ng tingin.

"Nice one, Tim!" Lei cheered.

Pinasa kaagad ni Tim kay Zayd iyong bola ay shinoot niya for three points kaya naman nagka-score na naman ang team namin.

"Ang galing mo, Tim!"

Pansin kong panay ang bal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status