Share

Chapter 4

"Have you seen that? He was looking at me!" kinikilig na sabi ni Leizie habang hindi pa rin maka-move on sa performance ni Kuya Sean.

"I don't think so," Zayd disagreed. "Sa pwesto ata siya ni Avril nakatingin, eh?" hindi pa siguradong dagdag niya.

Tumikhim ako sa sinabi niya at hinayaan na lamang silang magsagutan ni Leizie tungkol doon. Natigil lamang iyon nang dumating sila Kuya Mikko at Kuya Sean sa table namin.

"Hi, Kuya Mikko!" mabilis na bati ni Leizie bago lumapit sa akin para sikuhin ako. "Ang galing mo raw mag-perform kanina sabi ni Avril!" nagtaas-baba ang kilay niya sa akin.

"Thank you," Kuya Mikko chuckled.

"Kuya Sean!" pagkuha ni Brix sa atensyon nito. "Sinong pumilit sa 'yong tumugtog? Ang kung sinumang nakapagpapayag sa 'yong kumanta ngayong gabi ay deserve ng isang malaking reward!" he shouted.

"I just felt like performing tonight," nakangiting sagot ni Kuya Sean. Mula kay Brix ay nilipat niya ang paningin sa akin. Mabilis niya akong ginawaran ng ngiti kaya naman gano'n din ang ginawa ko.

Umakbay sa kaniya si Brix kaya naman naputol ang tinginan namin. "At bakit naman kanta ni Taylor Swift? Lowkey swiftie ka ba? Fan din si Avril!"

"Really?" gulat na tanong niya rito. He was already smirking when our eyes met again. "What can you say about my performance then?"

"Uh," napalunok ako. "It was actually good po," I said, giving him a thumbs up.

"Tapos ang pogi pa!" makapal ang mukhang dagdag ni Leizie na. Lumapit tuloy si Zayd sa kaniya at walang pasabing tinakpan ang bibig nito.

"Lasing na ata!" pilit na tumawa si Zayd. "Tara, upo na!"

Uupo na sana ako sa pwesto ko nang bigla akong hilain ni Leizie patungo sa kabilang upuan kung saan umupo si Kuya Mikko. Sa kabilang upuan naman ay nakita kong pasimpleng sinenyasan ni Leizie si Brix dahil inagawan niya ito ng pwesto sa tabi ni Kuya Sean kaya ang ending ay sa tabi siya ni Nova umupo.

Panay ang tikhim ko habang si Kuya Mikko naman ay nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman magawang makisali dahil maya't-maya rin ang tingin ko sa relo ko.

"Why?" Kuya Sean mouthed when our eyes met. Umiling lamang ako sa kaniya bago muling tumingin sa relo ko.

"Nova, I'm sorry. I think I should go, it's getting late na," mahinang sabi ko kay Nova pero dahil katabi niya si Leizie ay narinig niya iyon.

"Are you sure? We still have lots of activities later after dinner," sabi nito sa akin.

"I'll be grounded if I came home late," alanganing sabi ko sa kaniya.

"Okay lang! Mabuti nga at pinayagan ka pang pumunta ngayon," baling ni Zayd sa akin. "Hindi ka rin naman kasi talaga pinapayagan sa mga ganito."

Humarap sa akin si Nova. "Kami na ang bahala rito. Don't feel guilty and go home," malumanay na sabi niya.

"Halika na, ihahatid na kit---"

"I'm leaving, too," putol ni Sean kay Brix.

"Bakit?!" malakas na tanong ni Leizie. Awtomatiko kaming napatingin sa kaniya dahil sa naging reaksyon niya kaya naman mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at bahagyang nagtago sa likuran ni Zayd.

"Dumaan lang talaga ako. I don't want Mikko to sulked," he chuckled.

"Ulol," mura kaagad ni Kuya Mikko sa kaniya.

He laughed before facing my friends. "I'll accompany her outside," he told them.

"Sige, pare! Ingat pauwi," paalala ni Kuya Mikko. "Ingat, Av," nakangiting baling niya naman sa akin.

"Kayo rin po," sabi ko bago kinuha iyong bag ko at muling nagpaalam sa mga kaibigan.

"Are you sure you're going home? I heard you were the one who planned all the activities for tonight's party. You won't participate?" tanong niya sa akin.

"Hanggang 9 pm lang po kasi ako pwede. Hindi po ako pwedeng lumagpas," magalang na sagot ko. Although Dad extended my curfew, gusto ko pa ring sundin si Mommy para hindi siya magalit sa akin.

"You still have curfew at your age?" hindi makapaniwalang tanong niya. "I mean, sorry for my question, I was just shocked," paumanhin niya.

"I understand po," sabi ko. "I really have to go now. Nagtetext na rin po kasi si Mommy," sabi ko sa kaniya pero bago pa man ako tuluyang makasakay sa kotse ko ay muli ko siyang nilingon.

"Tinanong niyo po ako kanina kung anong masasabi ko sa performance niyo," sabi ko. "Ang ganda po ng boses niyo. You should perform more in front of the crowd."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil nagmadali na akong umalis. I can't risk a minute dahil ayokong kuhanin ni Mommy ang mga cards and keys ko. Taking away my cards and car key means I'm also grounded at iyon ang iniiwasan kong mangyari.

"Good thing you still followed me," bungad ni Mommy sa akin nang makapasok ako sa loob ng bahay. "Go to your room and rest. Sleeping late is not good for your health, Janniza."

Marahan akong tumango sa kaniya bago walang imik na umakyat patungo sa kwarto ko. Maaga akong ginising ni Mommy the next day because we have to prepare for Daddy's birthday party. For sure Mom woke me up early because she wants to show to people that I was obedient and willing to help in preparing for my Dad's party.

"Happy birthday, Daddy," nakangiting bungad ko sa kaniya pagkababa ko.

He gave me a smile. "Thank you," he said. "What time did you come home last night?"

"Before 9 pm po," magalang na sagot ko. "Can I invite my friends later po?" I asked him while eating our breakfast.

Mom raised her brows at me. "Who's friends? You mean those five?"

I gulped. "Opo."

"You can," sagot ni Daddy kaya naman napantingin ako kaagad sa kaniya. "Why not?"

"Talaga po?"

"Invite them if you want. That's not a problem."

"Thank you, Dad!" mabilis na sabi ko.

After eating breakfast with them, I excitedly messaged my friends to attend the celebration tonight. Mabuti nalang at free silang lahat kaya makakapunta sila.

"Where are you going?" tanong sa akin ni Mommy nang nakasalubong ko siya sa main door.

"I was about to go to you po," sagot ko. "Magpapaalam lang po sana ako na bibili ng regalo for Dad."

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Wearing that? Are you really going to the mall with that kind of outfit?"

"Saglit lang naman po---"

"Magbihis ka. Wear something casual. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag may nakasalubong kang kakilala namin sa mall? They'll probably insult you for wearing such kind of boring outfit," mahabang sabi niya.

"Sorry po," paumanhin ko nalang.

She sighed before walking towards me. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko. "Don't get me wrong. I just want you to look presentable all the time."

Nagbihis lang ako ng simpleng blue dress at tinernuhan ko ng blue clip ko bago muling nagpaalam kay Mommy. Wala naman na siyang sinabi nang makita niya ang suot ko kaya umalis na rin ako.

I headed directly to the mall. Wala pa akong gift on mind pero kung maglilibot ako ay may makikita rin naman ako. One of my struggles every year is thinking of what to give my parents a gift on their birthday, even in their wedding anniversary.

Bukod sa hindi naman sila open sa akin sa mga gusto nila, halos lahat din ay kaya nilang bilhin. One time, I gave Mom a bracelet. I thought she would love it kasi nung binigay ko iyon sa kaniya, sobrang tuwa niya. But then I realized that she only reacted that way dahil may mga bisitang nakatingin sa amin.

I spent almost all of my allowance in buying that pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakitang sinuot iyon. I was hurt but her skin is quite sensitive kaya naiintindihan ko kung bakit mailap siya sa mga ginagamit na accessories.

I picked up a beautifully crafted watch that caught my attention. Matagal kong tinitigan iyon pero umiling din at ibinaba nang maalalang may relo na si Daddy at hindi ko pa siya nakitang gumamit ng ibang regalo bukod doon.

Nagtungo ako sa perfume section at napagdesisyunang pabango na lang. Unlike the other things, I must say that Dad loves perfume dahil minsan ko nang nakita ang collection niya sa kwarto niya.

I just look on a perfume somehow similar to his scent. May nakita akong isang pabango at parang familiar din iyong amoy kaya naman iyon na ang kinuha ko.

I was patiently waiting for my receipt when I heard a familiar voice from behind. Nilingon ko kung sino at nakitang si Kuya Sean iyon.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya dahil bigla siyang napatingin sa gawi ko. I panicked kaya ngumiti na lamang ako sa kaniya. He whispered something to the sales lady before he headed towards my direction.

"Hindi kita napansin," aniya nang tuluyang makalapit sa akin.

"I just heard your voice po," sagot ko. "Ano pong ginagawa niyo rito?"

"My mom asked me to buy a gift for your Dad's birthday," mabilis na sagot niya.

"Talaga po? I was also here to buy him a gift. Tingnan niyo po." Nilabas ko iyong box ng perfume at pinakita sa kaniya. "What do you think po?"

Inabot niya iyon at bahagyang inamoy. "It's a manly scent. I'm also using that perfume."

Right, that's why it's familiar to me. Ngayon ko lang naalala na sa kaniya ko nga pala naamoy ang pabango na iyon.

"I just bought it because the scent is familiar to me. Sa 'yo ko po pala naamoy." Bahagya akong tumawa. "I'll be excusing myself na po. Saglit lang po kasi ang paalam ko kay Mommy."

"Wait," pigil niya nang aalis na sana ako. Lumapit siya sa akin bago walang pasabing inayos iyong hairclip ko. "You really look good in blue," he complimented me again.

Pagkabalik ko sa bahay, nagbihis lang ako ng simpleng black na maong short at tank top. Maingat ko munang nilapag iyong hairclip ko sa side table at saglit pang tinitigan iyon bago muling lumabas para tumulong na sa labas.

"Your dress is already in your room. The make up artist is also waiting inside. Pumasok ka na," utos niya sa akin na kaagad kong sinunod.

Nadatnan ko iyong make up artist na tinutukoy ni Mommy sa living room na kasalukuyang inaayos iyong mga make up kits na dala niya.

"Hello po," magalang na bati ko. "Can you wait me for a few minutes po? Magsho-shower lang po sana ako," nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Sure, ganda! You can take your time," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.

I was in my bathrobe nang bumaba ako. Nag-sorry pa ako dahil alam kong medyo natagalan ako pero hindi naman siya mukhang nagalit. He was really nice, actually.

"Alam mo, hindi mo na talaga kailangan ng make up, eh. Bare face mo palang, pamatay na. Gumaganda ka lang lalo kapag nilalagyan ng kolorete ang mukha mo," sunod-sunod na sabi niya sa akin.

"Thank you, po," nahihiyang bati ko.

"Ikaw 'yong nanalo sa RU last year, 'di ba? Noong intrams?" paniniguro niya.

"Yes po."

"Bongga. Hawak ko iyong first runner up pero talagang kabog ka," nakangiting sabi niya. Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan kaya naman kahit papaano ay hindi ako na-bored.

Nang sumapit ang alas syete at nagsimula na ang celebration ay halos kalahating oras muna akong nasa tabi ni Daddy para sumama sa pagbati sa mga bisita. Nang kalaunan ay pinayagan na ako ni Daddy na umalis sa tabi niya ay kaagad kong hinanap ang mga kaibigan ko.

"Ganda!" malakas na sigaw ni Leizie. Malaki ang ngiti sa labi kong naglakad palapit sa kanila.

"Hello! Did you eat already?" tanong ko sa kanila.

Siniko ni Leizie si Zayd. "Itong unggoy na'to, oo. Ilang beses na siyang bumalik sa---"

"Hoy! Bumalik lang ako kasi ako ang inutusan niyong kumuha ng pagkain!" agarang depensa ni Zayd.

"Anong niyo? Si Leizie lang 'yon! Dinadamay mo kaming dalawa ni Nova na nanahimik dito," apila kaagad ni Brix.

"Excuse me? Sinasabi mo bang ako ang umubos sa mga 'to?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Leizie sa katabing si Brix.

"That's enough," suway ni Nova. "Ako nalang ang kumain para tapos ang usapan. Ewan ko sa inyo," umiiling na sabi ni Nova, mukhang kanina pa pinagsasabihan ang tatlo.

Sabay-sabay silang tumikhim bago umayos ng upo at muling bumaling sa akin. Awkward naman akong ngumiti sa kanila.

"Should we eat na?" tanong ko. Napapalakpak kaagad si Leizie sa sinabi ko kaya naman mahinang tumawa si Zayd.

"Basta usapang pagkain, ang saya-saya," bulong ni Zayd. Mabuti na lang at hindi iyon narinig ni Leizie.

From time to time, I would stand up to greet the newly arrived guests and then return to our table afterwards. Iyon ang ginawa ko hanggang sa matapos na kaming kumain.

Hindi na rin naman sila nagtagal dahil parehong mga pagod pa raw sila from the party last night kaya hinayaan ko na rin silang umuwi ng maaga. Alam ko ring hindi sila comfortable lalo na kapag nasa paligid lang ang parents ko.

After meeting a few more guests, I decided to go to the backyard. I sighed loudly before sitting on the couch.

"That was deep."

I almost jumped on my seat when I heard someone. Nilibot ko ang paningin ko, only to see Kuya Sean standing beside the swing.

"Sorry, akala ko napansin mo na ako," he apologized before walking towards me.

"Nandito ka na po pala. Hindi po kita nakita kanina," I told him.

"Yeah. You were busy talking with the guests earlier," he replied. "Did your dad like your gift?"

"Hindi ko pa po naibibigay," sagot ko sa kaniya. "Bakit ka nga po pala nandito? Naiingayan ka rin po ba sa loob?" pag-iiba ko sa topic.

"Rin?" ulit niya sa tanong ko. "Naiingayan ka?"

Dahan-dahan akong tumango. "Lowbat na po ang social battery ko," I joked. Half meant. Ayoko nang makihalubilo pa sa loob.

He laughed. "Do you want to walk outside instead?"

Nag-alangan akong sumagot sa kaniya. "Baka po hindi ako payagan ni Mommy."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "I'll talk to your Mom."

Bumalik ako sa garden at sumunod sa kaniya. My Mom instantly greeted him as soon as she saw him. Sabay pa silang lumingon sa akin bago ko nakitang ngumiti si Mommy at ilang beses na tumango.

"Pumayag po ba?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

"Let's go," he said.

We were just silent while walking around. Wala naman kaming makikita rito sa loob ng village kung hindi ang mga bahay at bakanteng lote lang. May mini park din dito at bukod doon ay wala na.

"God, I'm craving for ice cream," wala sa sariling sabi ko. My eyes immediately widened. I instantly covered my mouth when I realized I said it out loud. It was supposed to be on my mind only!

"Hindi ako si God pero pwede naman kitang bilhan ng ice cream," he joked.

"Hala, I didn't mean it that way," I bit my lower lip to stop myself from talking.

"Bili tayo?"

We went back to our house. Akala ko sa loob ng bahay kami kakain pero nagulat ako nang patunugin niya ang kotse niya. Lumapit kami kung nasaan iyon bago siya humarap sa akin.

"Okay lang ba? Babalik din tayo kaagad," sabi niya. "Okay lang kung hindi ka komportable. You can wait for me inside."

I just nodded at him kaya naman lumapit siya sa akin at mabilis akong pinagbuksan ng pinto. I gladly entered and was immediately greeted by a mixture of the smell of his car and his perfume.

We went out of the village and went straight to a nearby convenience store. Hindi iyon kalayuan mula sa village at kayang-kaya lang talaga siyang lakarin, which I usually do when I was young.

"The ice cream sandwich here is nice. This is my favorite," nakangiting sabi ko sa kaniya habang tinuturo iyong mga madalas kong bilhin dito.

Tumatango-tango lang siya habang hinahayaan ako sa pagpili ng ice cream. Nang makakuha na kami ay saka lang ako natigilan nang ma-realize kong hindi ko nga pala dala ang wallet o cellphone ko.

"Bakit?" takang tanong niya sa akin.

"I don't have my wallet with me."

"I have mine."

Hindi na rin naman ako nakatanggi dahil wala namang ibang magbabayad doon kung hindi siya.

"Babayaran po kita mamaya," I told him.

"No need. It's my treat," baling niya sa akin.

Bumalik din kami sa bahay at dumeretso sa backyard para doon kainin iyong binili naming ice cream.

"You really like ice cream that much?" puna niya nang mapansin ang reaksyon ko habang nakatingin sa ice cream.

"Sorry. My Mom doesn't allow me to eat kasi it wasn't good for my health daw," pagkwento ko sa kaniya.

Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain hanggang sa maubos ko lahat iyong kinuha ko.

"Thank you so much for tonight po," muling sabi ko sa kaniya.

He gave me his sweet smile. "It's nothing. Thank you for your time as well."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status