"I was actually planning on seeing you before this day ends," natatawang sabi niya."Well, I'm here na po," I giggled.After eating, we joined his friends and cousins inside. He formally introduced me to some of his cousins that are present tonight. Iyong iba raw ay umuwi na dahil may mga trabaho pa raw bukas.The night ended nang ihatid ako ni Kuya Sean sa bahay. He keeps on saying thank you and I just keep on giggling dahil ang cute niya. One hundred times na ata siyang nagpasalamat sa akin.Nag-shower lang ako pag-akyat ko sa kwarto bago nahiga sa kama at chineck ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na notifications nito. It was from our group chat.Brixton Ramos:sana all sino-soft launchLeizie Mendoza:sana all sayo @Janniza Avril VenturaJanniza Avril Ventura:huh?Zaydrielle Garcia:soft launch lang? kaya kitang i-hard launch @Leizie MendozaLeizie Mendoza:yuck kadiriZaydrielle Mendoza:ayan nanaman siya sa yuck kadiri niya kala mo hindi ako sinabihan ng pogi datiLeizie Me
"Ah! Oo nga! Gago talaga mga 'to, may gagawin pa pala tayo mamaya. Sige tol, mauuna na kami!" biglang sabi nung lalaki bago nakipagtulakan sa mga kaibigan para maunang umalis."Bakit 'yon?" takang tanong nila Lei at Nova."Magpapa-picture raw," I whispered to them."Sila Vince 'yon, ah?" kunot-noong tanong ni Lei habang sinusundan ng tingin iyong paalis na mga lalaki. "Mga papansin na 'yon."Napatingin ako sa bagong dating na si Kuya Kai na may hawak-hawak na pop corn. Nang makita niya ako ay ngumiti kaagad ito at kumaway bago umupo sa tabi ni Kuya Sean."Bakit nakasimangot ka diyan?" dinig kong tanong niya.Umiling lamang si Kuya Sean sa kaniya bago mabigat ang mga kamay na kumuha ng popcorn at kinain. Palihim akong natawa dahil sa ginawa niya kaya naman nag-iwas na lamang ako ng tingin."Nice one, Tim!" Lei cheered.Pinasa kaagad ni Tim kay Zayd iyong bola ay shinoot niya for three points kaya naman nagka-score na naman ang team namin."Ang galing mo, Tim!"Pansin kong panay ang bal
"Congratulations for winning the silver medal!" sigaw ko nang makalapit kami kila Brix at Zayd.Hinihintay kasi muna naming mawala ang mga tao sa mismong court bago kami bumaba para makalapit sa kanila. Zayd immediately went to Lei kaya naman hindi nalang namin sila pinansin pa."Group picture!" I suggested before taking out my phone. Kuya Sean volunteered on taking a picture of us pero sinali ko pa rin siya."I'll introduce you to Kuya Blade," mahinang sabi niya sa akin. I actually met him na noong birthday niya but we didn't had the chance to interact dahil nag-iinuman sila that time.Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago sumunod kay Kuya Sean. Naabutan namin siyang kausap sila Kuya Kai at Kuya Axel kasama iyong girlfriend ni Kuya Blade."Ayan na pala ang taksil!" sigaw ni Kuya Kai nang makalapit kami sa kanila."Sabi mag-ccr lang daw. Hindi naman ako aware na nasa tabi ni Avril 'yong cr!" dagdag ni Kuya Axel kaya naman tumawa si Kuya Blade."Thanks sa support. Much appreciated
Nilagay ko na lamang ang cellphone ko sa loob ng purse ko bago pinilit na ituon ang buong atensyon ko sa mga candidates pero sa tuwing napapatingin ako sa gawi nila ay naabutan kong bumubulong iyong babae sa kaniya. Mag-iiwas lang ulit ako ng tingin kapag tumitingin din si Kuya Sean sa pwesto ko."But before we completely say goodbye to our reigning Miss Intramurals 2022, let's take a moment to honor her incredible journey and her year of service to RU University."Umayos ako ng tayo sa backstage nang marinig ko ang sinabi ng host. The audience erupts in applause as a video montage of my reign is displayed on the large screen."Janniza Avril has truly been an inspiration to us all, not just for her beauty but for her kindness, dedication, and commitment to making a positive impact on our campus community."The video montage concludes, and the spotlight now focuses on me. I was gracefully standing at the end of the stage, wearing my stunning evening gown."Janniza Avril, it's been an h
"Ano? Hindi ka talaga magso-sorry?" may diing tanong ni Lei."Relax, please," mahinang sabi ni Zayd sa kaniya pero hindi niya ito pinakinggan."Let's just go. You'll put yourself into trouble kapag hindi pa tayo umalis," mahinang sabi ko kay Lei."Hindi tayo aalis dito hangga't hindi sila nag sosorry sa 'yo," pagmamatigas niya kaya naman napatingin na ako kay Nova para manghingi ng tulong."You deserve an apology, Avril. Hayaan mo siya," sabi nito sa akin."Why would I apologize---""Haaaay!" malakas na sabi ni Lei na para bang naririndi na siya."Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo namang may girlfriend talaga si Kuya Sean! Baka nga umeeksena lang 'yang kaibigan mo to ruin their relationship tapos para magkaroon na rin ng benefit sa company nila!"Napatingin ako ro'n sa babae nang matapang niyang sabihin ang mga 'yon sa harapan ko. May iilang mga estudyanteng nabulungan nang marinig ang sinabi niya."Kindly take all those words back," malumanay na sabi ko sa kaniya. "I don't mind being
Umalis din siya kaagad pagkatapos niya akong ihatid sa bahay dahil may lakad pa raw silang dalawa ni Kuya Logan.When I entered the house, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mommy na mukhang kakatapos lang makipag-usap sa phone."Go to your room and change. We'll eat our dinner now," seryosong sabi niya sa akin kaya naman tahimik akong nagtungo sa kwarto ko.Nagmadali akong nagbihis at naghilamos bago bumaba dahil ayaw nila Mommy na pinaghihintay sila ng matagal lalo na kapag kakain."We already got a copy from your prelims and midterms grades."Hindi pa man ako nakakaupo ay sinabi na ni Mommy iyon. I gulped before looking at her, she's obviously not satisfied with my grades.Hindi ko pa nakikita ang grades ko dahil balak ko sanang sa finals nalang din i-check. Hindi naman issue kung ayaw mong i-check ang grades mo."Paupuin mo muna ang bata, Janine," mahinang suway ni Manang bago niya ako sinenyasang umupo na."Sit down," malumanay na sabi ni Daddy kaya naman dahan-dahan akong u
I was immediately stunned when I saw the old house he was talking about. This isn't a house, this is a mansion.Napalunok ako at hindi maitago sa mukha ang pagkamangha. I know their rich pero mas lalo lang napatunayan ang yaman nila dahil sa mansion na ito!Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa garden. I was amused on how they spread like a lush tapestry around the mansion."Avril!"Narinig ko kaagad ang malakas na boses ni Tita Shane. Agad siyang hinanap ng mga mata ko at nakitang nagmamadali na siyang lumapit sa pwesto namin."Happy birthday po, Tita!" masiglang bati ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin."Thank you so much! I'm so glad that you're here!" tuwang-tuwang sabi niya bago ilang beses na humalik sa pisngi ko. Nasa tabi niya na ngayon si Tito Leander."Good evening po, Tito," bati ko sa kaniya bago nagmano."Good evening, hija. Mabuti at nakapunta ka. Kanina pa nakasimangot ang Tita mo dahil akala niya ay hindi ka makakapunta," kwento nito. Mahina tuloy
Everything went on smoothly. Our normal school days went on until it was only a few days away for our Paskuhan."Sinong date mo sa paskukan, Brix?" dinig kong tanong ni Zayd sa kaniya. Kakarating ko lang din dahil kumain kami ng lunch sa labas ni Sean."Si Nova nga, sino pa ba?""SI Nova? Eh, paano pala kapag may ibang date si Nova?" pagpapatuloy na tanong ni Zayd."Eh 'di wala? Ikamamatay ko ba kung wala akong ka-date?""Ano ba kasing pakialam mo?" iritadong tanong ni Lei dahil nakaupo siya sa gitna nila Brixton at Zayd. "Ganiyan ka ba ka-curious sa magiging date ni Brix kung hindi available si Nova?""Nagagalit ka na naman, eh. Tinatanong ko lang," malambing na sabi ni Zayd dito."Pakialamero ka kasi. Basta si Nova ang date ko, tapos ang usapan," pagtatapos ni Brix sa usapan nila."Wala ka bang date sa paskuhan?" baling ko kay Nova na tahimik lang habang nakikinig sa kanila.Bumaling siya kaagad sa akin. "Sino namang magiging date ko?"Nagkibit-balikat ako. "Baka bigla kang may ipak