Share

Chapter 1

"Alisha Alouette!" 

ALLAN'S loud voice echoed in the living room that earned a giggle from her, before she immediately run as fast as she could. 

She's heading to her favorite place in their house, ang 'garden. Kung saan tanaw niya ang parents nila na nagmemeryenda. 

Hawak ang cellphone ng kuya niya ay natatawang hinubad niya ang sout na sandals niya bago iyon itinapon nalang sa kong saan. Baka kasi maging dahilan lang 'yon, para maabutan siya nito. 

She felt so alive at pakiramdam niya ay hindi mauubos ang energy niya kung tuksuhan lang din ang pag-uusapan. 

"Mommy help! Nagiging monster na naman si kuya." she said loudly but laughing, ng makalapit siya sa mommy niya ay kaagad na kumandong siya dito, na labis na ikinagulat nito. Muntikan pang matapon ang juice na iniinom nito na buti nalang ay naagapan ng daddy niya. 

"Goodness gracious, Alouette! You almost give me an heart attack!" bulalas nito na ikinatawa ng daddy niya. 

"Oh, honey you're too young, para magkaron ng heart attack. At isa pa, hindi ka pa 'ba nasasanay sa anak mong malaki na nga ang kulit pa rin." mapang asar na sabi ng daddy niya na ikinasimangot niya dito. 

"Hmmp, coming from you daddy na kung maka baby face kay mommy kala mo naman teenager parin. I'm not a kid anymore," aniya at umalis sa pagkakakandong sa mommy niya. "Pag naglalambing bata agad, don't talk to me daddy 'ha, naiinis ako sa 'yo," aniya at kunyari ay maiiyak. 

Kaagad naman itong napahawak sa paa nito ng makitang pasimpleng sipain ito ng mommy niya sa ilalim ng mesa. She bit her lower lip to stop herself from smiling, pag talaga hokage moves ng mommy niya nagiging matalas ang paningin niya. 

"Ouch! Honey naman-" reklamo nang daddy niya na umani lang ng taas kilay sa mommy niya. 

"Tigilan mo ako Anthony, kaya nagmana sa 'yo, tong anak mo dahil d'yan sa pagiging isip bata mo."

"Bakit napunta sa'kin ang usapan honey, si Alouette ang-" napatigil ito ng simangutan ito ni mommy. "Oo na, I'm sorry.." kakamot kamot na sabi nito. 

She hid her triumph smile, pag talaga ang mommy na niya ang nag o-overtake sa kalokohan niya talagang talo asar parati ang daddy niya. Palihim na ngumisi siya, 'poor daddy.. 

Takot lang talaga nito sa mommy niya, dagdag pang mahal na mahal talaga nito ang huli, kaya parati ring nagpapatalo. 

"Tsk! Can't blame my friend kong bakit hindi ka niya magustuhan, Alouette.." 

Sabay-sabay na napabaling ang tingin nilang tatlo sa kuya niya na ngayon ay pawisan na at halata ang inis sa gwapong mukha nito. Hawak na nito ang white coat nito na kanina lang ay maayos at plansiyadong suot nito kanina. 

Sumimangot naman siya rito bago ito binelatan. "Hmmp, inggit ka lang kuya dahil active ang love life ko, samantalang ikaw hanggang tingin lamang sa kaibigan ko." aniya dito na syempre ay biro lamang, baliktad kasi ang sitwasyon, sinabi niya lang iyon dahil alam na alam kasi niyang maiinis ito pag binubuyo na niya ito sa kaibigan niyang si Hazel, na parehas niya ay maaga ring kumerengkeng. 

Kaagad namang sinamaan siya nito ng tingin na may pagbabanta na tumigil na siya dahil kung hindi ay malilintikan siya nito. Pero hindi niya iyon pinansin at ngumisi lang nang maloko. 

Malas lang talaga ng kaibigan niya sa kuya pa niyang pinaglihi sa bato at sama ng loob, ito na inlove. Samantalang siya ay sa pogi at maginoong medyo bastos na si Luttrell, siya nainlababo. 

Her Dr. Kazmer Luttrell Vozmer, the love of her life, ang icing sa ibabaw ng cup cake niya, ang prinsipe sa favorite disney movie niya, ang pares niya na bubuo sa buhay niyang matagal ng colorful. 

She smile sweetly nang sumagi na naman ito sa isip niya. Kinikilig na napakagat siya sa labi ng maalalang nginitian siya nito kanina at binati ng 'good morning' 

Talagang routine na niyang daanan ito sa hospital na pagmamay-ari nila kung saan ito nag t-trabaho. 

Nagiging routine na niya na pagkatapos ng klase o kaya naman ay lumalabas siya t'wing weekend at wala siyang magawang productive sa buong araw ay dadalawin niya ito sa ospital, na kanina nga ay ginawa niya pagkatapos nang pagkatapos ng mesa. 

Mag-isa lang naman kasi siyang pumunta sa simbahan dahil may biglaang emergency sa ospital na kailangang unahin ng mommy at daddy niya, na mukhang ok na naman dahil hayon at nauna pa sakanila ng kuya niyang dumating. 

Ang kuya naman niya ay sa opisina na nito nagpalipas kagabi dahil night shift naman ito kaya naman gano'n nalang ang inis nito ng makita siya kanina na nagpapacute kay Luttrell. 

Kaya ayon sa inis nito ay pinauwi siya at nang hindi siya pumayag ay sumama na ito para hindi na siya maka imik pa.

Sa huli ay 'yon nga ang nangyari, ayaw na niyang umangal at baka mabangasan pa ang ganda niya mahirap na at mukhang puyat mapagbalingan pa siya ng galit nito. 

Her kuya Allan is a neurosurgeon while Luttrell is an OB-gynecologist, yes he's an obgyne, talagang expert ito pag dating sa babae. Thankfully Luttrell doesn't mixed his work with pleasure, though because of he's work and expertise ay talaga namang dinudumog ito ng mga kababaihan. 

Which is hindi naman niya masisisi dahil malakas naman talaga ang appeal at gandang lalaki nito. Pero minsan nakakainis rin dahil kahit wala namang sakit at hindi related sa profession ng bebe loves niya, nagpapa appointments parin ang mga ito maka 'da moves lang. 

Kaya syempre hindi rin siya nagpapahuli, sinisigurado kasi niyang nabibisita niya ito, kahit may klase man o wala ay talagang hindi siya napapalya. She loves baking kaya parating may masarap na cupcakes at cookies ito sa umaga, kahit na nga ba paminsan-minsan ay nagsusungit ito ay hindi naman nito tinatanggihan ang mga bigay niya. 

Luttrell looked strict and really stoic sometimes, pero pagdating naman sakanya ay napagpapasensyahan nito ang kakulitan niya. Mild lang naman ang kulit niya dahil syempre hindi dapat siya maging wa poise pag nasa harapan nito, hinahaluan niya rin ng pagiging demure para hindi rin gaanong kahalatang patay na patay siya dito.

Besides alam naman kasi niyang may gusto ito sakanya hindi pa lang talaga nito alam. She smirk, buti nalang talaga mahal siya ng parents niya at hindi siya sinasaway sa mga ginagawa niya. 

They're very supporting since the day na sinabi niya sa mga ito na may gusto siya kay Luttrell, and the good things about her parents, they always remind her na hindi dapat magmadali, that its ok to love someone kahit malayo ang agwat ng edad basta ba hindi dapat siya sumubra and that always trust the process of patience and waiting. 

Kaya siguro gano'n nalang ka healthy ang relationship nang parents niya, they both love and respect each other, kaya naman pinakikinggan niya ang payo ng mga ito. 

Because it doesn't mean na sinusuportaan siya ng parents niya ay aabusuhin na niya ang mga ito, that would never happen, she knows her limitations, and she doesn't want to disappoint her parents pag nagkataong hindi niya sinunod ang payo ng mga ito. 

That's why she study hard, consistent honored student siya at hindi pumapalya ang grades niya, just to prove to her parents na hindi sagabal ang presensya ni Luttrell sa pag-aaral niya and to make them proud of her and she did. 

Ika nga beauty and brain siya, isa pa hindi lang naman iyon ang rason kung bakit nagsusumikap siya, pambawi narin kasi niya iyon sa kabaitan ng mga ito na kahit iba ang gusto niyang pangarap ay suportado parin siya ng mga ito. 

Her parents, especially her kuya Allan is proud of her kahit pa nga ba tutol ito sa kaalamang may gusto siya sa kaibigan nito. 

Wala na rin naman itong magagawa kahit pa ayaw nito sa ideyang iyon, titiisin na lamang niya ang kasungitan nito kaysa patulan pa ito. 

Ano ba naman kasing magagawa niya kung sa kaibigan siya nito na in love, yes she's just fifteen pero hindi naman habang buhay kinse anyos siya, besides she's responsible enough to handle her own feelings, hindi siya gagawa ng mali na ikakasira ng pamilya niya. 

She maybe young but she'll be forever proud of herself. Hindi siya pabayang anak at hindi siya sakit sa ulo. Katunayan at the age of fifteen she already earned money from her passion in painting at sa pag b-bake without her parents knowledge pati kuya niya ay wala ring alam doon. It started when she was ten, talagang hilig niyang mag bake at nang minsang magdala siya ng cup cakes sa school nila ay talagang nagustuhan iyon ng mga ka-klase niya. At doon niya nakilala si Hazel ang nag-iisang matalik niyang kaibigan. 

At dahil sa private school siya nag-aaral, syempre pasekreto niyang ibinibinta ang mga cupcakes niya, at pati sa online pinatos niya rin, hindi naman sana niya gagawin iyon pero dahil sa kakapilit ni Hazel sakanya ay naengganyo siyang sumbok. 

And when it became successful iyon tinuloy tuloy na niya. Na realized niya na masarap pala sa pakiramdam na kahit bata pa siya ay nagkakapera na siya sa sariling sikap niya. 

The feeling of having money through hard work and through her passion is really amazing. Those canvas and cookies especially her fruit tarts that she made really click. Kaya maituturing niya ang sariling madiskarte at maganda. She smiled with that thought. 

Ibang pangalan naman ang gamit niya kaya safe ang sekreto niya. She really love the feeling of having money na pinaghirapan niya. 

But as of now mas minabuti niyang e sekreto na muna iyon, the only person who knows her secret ay ang kaibigan niyang si Hazel. It's only between her and her friend na siyang tumutulong sakanya. 

She wanted to keep it a secret dahil baka isipin pa ng parents niya na sagabal lamang ang mga 'yon, sa pag-aaral niya. At baka sabihin rin ng mga ito na pinagkakaitan siya ng pera kaya siya nag o-online business kahit bata pa lamang siya. 

Mababaw siguro kung iisipin ng iba. But she just don't want to give her family a bad impression especially that their family is well-known of being a successful neurologist and one of the owner of the famous and ranked as most excellence hospital in whole Asia. 

Talagang nasa dugo daw nila ang pagiging doctor, dahil ang Lolo at great-great grandpa nila ay doctor rin sa kapanahunan nito. 

Kaya naman ini-expect ng lahat na susunod sila ng kuya niya sa yapak ng mga magulang nila. 

But to everyone's disappointment, siya lang talaga ang iba ang gusto, mahilig siya sa arts at mag bake kaya pinaplano niyang mag take ng Fine arts o di kaya ay Culinary arts pagtungtong niya ng college either in the two alam niyang magiging masaya siya. 

Hindi naman sa ayaw niyang maging doctor, talaga lang iba ang gusto at pangarap niya. Isa pa doctor na nga ang magiging Asawa niya mag d-doctor pa siya halerrr hindi balance gusto niyang maiba sa parents niya. 

Kailangan niyang maging madiskarte para naman hindi siya maging pabigat kay Luttrell, nasa third year high school pa naman siya kaya habang underage pa lang siya atleast may sarili na siyang pera. 

She giggle again na ka agad ring napawi ng batukan siya ng kuya niya, napahawak naman siya sa ulo niya. Hindi naman masakit sakto lang para masira ang day dreams niya.

"Wake up kiddo, and give me back my phone may lakad pa ako.." seryosong sabi nito na nakalahad ang kamay sa harapan niya. 

Napasimangot siya. "Wait lang, eto naman ang hot, kunin ko muna number ng bebe loves ko," aniya at binuksan ang cellphone nito. "Alam kong nagpalit na naman 'yon, ng simcard- ayy! Ano ba kuya..!" maktol niya ng mahablot nito ang cellphone nito. 

"Kaya siya nagpapalit dahil sa'yo. Tinatadtad mo ng text at tawag yong tao kahit nasa kalagitnaan ng trabaho. Kahit ako mawawalan ng gana kong may stalker akong kagaya mo." walang prenong sabi nito. 

"Tsk, Allan that's enough, gosh kayo talagang dalawa ang iingay niyo, kararating n'yo nga lang," her mother said at napapailing sakanilang dalawa. "At ikaw naman Alouette, wag masyadong agresibo, pwedeng kang maging makulit pero 'yong, hindi ka nakakaabala." 

Napataas naman ng kilay ang kuya niya. Objecting for what their mother said. 

"Tsk! Pwede kamo siyang umaktong ganyan ma, pero hindi muna sa edad niya ngayon." anito at umupo katabi ng mommy nila at dumapo ang tingin sakanya. "Stop acting like you're some of a die hard fan Alouette, it's not cool, mabuti pang itutok mo ang boung atensyon mo sa pag-aaral mo, focus on your studies dahil wala kang mapapala kay Kazmer.."

Napanguso naman siya. "Kahit hindi ko ituon ang isip ko sa pag-aaral mataas parin ang grades ko kuya, isa pa pangarap ko si Luttrell love of my life ko siya, kaya hindi siya magiging sagabal sa 'kin," aniya at nakasimangot na umupo malapit sa daddy niya. "Besides, wala naman akong bad records kaya okay lang-" 

She stop when he raise his hand stopping her from talking. 

"Oh c'mon Alouette, you're just what? Fifteen," anito na ibinaling sa cellphone ang tingin. "kids like you should focus on other things, hindi 'yong iba ang inaabala mo. Maawa ka sa kaibigan ko, halos araw-araw ka nang inirereklamo sa 'kin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status