Share

Chapter 6

3RD POV

"ELLIE?" Uno called Ellie. Hindi siya natulog sa silid nila ni Uno kagabi. Naiinis pa rin siya sa ginawa nito kay Judah. He didn't even say sorry kaya mas lalo siyang nainis.

Dahil may susi si Uno ng silid ni Ellie, ginamit niya iyon para makapasok sa loob. When he entered the room, Ellie rolled onto the other side of the bed. She wrapped her body in the comforter. It's her way of telling Uno that she doesn't like to talk to him.

"Ellie, alam ko na gising ka. Please talk to me." Nilapat ni Uno ang kaniyang mukha sa bandang leeg ni Ellie na natatakpan pa rin ng comforter.

"Tulog ako."

Imbes na mainis si Uno ay tumawa ito nang malakas. Bakit naman kasi nasabi iyon ni Ellie?

Inis na tinanggal ni Ellie ang comforter sa katawan at sinimangutan si Uno na nakatawa pa rin. Bumangon siya at padabog na tumayo. Hinila siya ni Uno kaya napaupo siya sa kandunga nito. Niyakap siya nito. Nilagay ni Uno ang baba niya sa balikat ni Ellie.

"Bati na tayo, please?"

She heaved a sigh. Magagawa ba niyang tiisin na hindi pansinin si Uno.  Syempre hindi! Marupok na kung marupok siya pero hindi niya talagang kayang magalit nang matagal sa binata.

"Basta huwag mo nang uulitin iyon, Uno. Kaibigan ko si Judah."

Ngumiti si Uno sa sinabi Ellie. Though he knew already that Ellie couldn't stand being mad at him for too long. Hinalikan niya sa labi si Ellie. Tinakpan pa nito ang labi nang maisip na hindi pa siya nakapagtoothbrush man lang.

Uno just chuckled when Ellie tried to push him away from her and covered her mouth with the back of her palm.

"H-ndi pa ako nagtotooth brush," nahihiyang saad ni Ellie kay Uno lalo pa't nakaligo na ang binata at nakabihis na.

Maagang nagising si Uno dahil may meeting siya ng Alas Otso ng umaga. Ayaw pa nga sana niyang gisingin si Ellie pero hindi siya mapalagay hangga't hindi sila nagkakabati na dalawa ni Ellie.

"It's okay. I'd still want to kiss you." Muling hinalikan ni Uno si Ellie.

Noong una ay nahihiya pa si Ellie, ngunit nang lumalim na ang kanilang halikan ay bumigay na rin siya at tumugon sa mapusok na halikan nila  ni Uno.

He was tempted to claim her at that moment, but he restrained himself. If he didn't get it under control, he'd be late for work. May meeting pa siya na kailangan niyang puntahan.

Napaungol si Ellie sa ginawa niyang pagsipsip sa dila nito. Tuluyan nang naputol ang pisi ng pagkontrol ni Uno nang humarap nang pagkakaupo si Ellie sa kaniyang kandungan. She straddled him on his top. Making him hard and wanting her more.

"Ellie..." Hirap na hirap nitong banggit sa pangalan ng dalaga. Mas lalo pang ginalaw ni Ellie ang balakang nito. "I want you now."

Hindi na nakapagpigil si Uno at tinanggal na nito ang saplot ni Ellie. Tuluyan na silang nalunod sa sensasyon na iyon.

***

INIS NA INIS si Uno pagkadating sa opisina ng kaniyang restaurant. Hindi na niya pinasama pa si Ellie lalo na nang nalaman niyang kasama si Judah. Si Judah ang may-ari ng construction company kung saan kinuha ng kumpanya ni Uno bilang contractor ng lahat na bubuksan na restaurant ng pamilya ni Uno.

"Where's Ares?" tanong niya sa isa sa mga Manager ng restaurant niya.

"Sir, kausap po kanina ni Mr. Sandejas." Imporma ng Manager kay Uno.

Sinenyasan na niya itong lumabas ng kaniyang opisina. Mas lalo siyang nainis. He knew Judah back then. Kinaiinisan niya ito noon pa man dahil malapit ito kay Ellie. Kapag hindi si Reese ang kasama noon ni Ellie ay si Judah. And knowing that he's back, naiinis siya.

Gusto niyang umatras na kuhanin na contractor ang Sandejas Construction Company but he think, mahihirapan na siya dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na rin ang construction sa Baguio, maayos lang nila ang ibang mga dokumento.

Mas lalo siyang nanlumo lalo pa at hindi niya makakasama si Ellie sa susunod na linggo dahil nasa Baguio sila ni Sandra. Isa pa iyon sa iniisip niya. Natutuwa siya dahil nagseselos si Ellie kay Sandra pero 'di niya maiwasang mainis pa rin dahil pakiramdam niya ay walang tiwala sa kaniya si Ellie.

He just let out a sigh before he focused his attention on his laptop.

NAGHANDA NG paboritong ulam ni Uno si Ellie. Siya ang nagluto ng lunch nila dahil uuwi si Uno sa bahay niya para magkasabay sila ng pagkain. She's excited to prepare all his favorites.

"Naku! siguradong titirik ang mata ni Sir Uno sa sarap nang pagkakaluto mo, Ma'am Ellie," masayang saad ni Aling Concha kay Ellie.

Naging magaan ang loob ni Aling Concha kay Ellie bukod kay Sandra dahil iisang babae pa lang naman ang dinadala nito sa bahay niya sa Tagaytay. Bukod kay Sandra na palaging kasama rin noon ni Uno ay si Ellie na ang kilala ni Aling Concha.

Ramdam niya ang espesyal na tinginan ng dalawa.

"Grabe naman sa tirik talaga ng mata, Aling Concha." Natatawang saad ni Ellie sa pagbibiro ni Aling Concha.

"Totoo iyon. Basta busugin ang tiyan at puson ng lalaki, paniguradong titirik ang mata nila." Sabay silang napalakas nang pagtawa sa biro nito.

"Para hindi ka iiwan ng lalaki, kailangan parehas na busog ang bibig at ang baba. Pakainin mo lang nang pakainin, tingnan mo lang kung maghahanap pa iyon."

Namula yata ang pisngi ni Ellie sa pasmadong bibig ng matanda. Kahit na matanda na si Aling Concha ay napansin ni Ellie na malambing pa rin sa isa't isa si Aling Concha at Mang Ricardo. Nahuli pa niya ito na nagyayakapan ang dalawa sa kusina.

Gano'n pala iyon. Kailangan busog para hindi maghanap ng ibang kakainin sa iba.

Napatigil sila sa masaya at maberdeng usapan nang tumawag si Uno. Excited niyang sinagot ang tawag nito.

"My Ellie, I'm sorry. Hindi ako makakauwi diyan ngayon para sabay sana tayong kumain. Nagkaroon ng biglaang meeting dito sa site."

Ang malapad na ngiti niya kanina ay naglaho. Wala naman siya magagawa kung kailangan talaga si Uno sa trabaho. "It's okay. Kumain ka na lang diyan ng lunch."

Narinig niya ang pagpapakawala ng isang mahabang buntong hininga. "Sandra is here," dagdag nitong imporma.

Hindi agad siya nakakibo. "May magagawa ba ako? Kailangan sa trabaho mo iyan."

Ayaw niyang gawin ang ginawa ni Uno. Besides, kaibigan ni Uno si Sandra kaya walang dahilan para magselos siya. Pipilitin na lamang niya na alisin sa sistema ang nararamdamang inis kay Sandra.

"Thank you."

Pinatay na niya ang tawag. Yayayain na lang niya na sabayan siya sa pagkain nina Aling Concha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status