Share

Chapter 7

MALAPIT nang bumalik sa Maynila sina Uno at Ellie pero naging abala na si Uno sa restaurant. Hindi na nito natupad ang pangako kay Ellie na mamamasyal sila sa Tagaytay at pupunta ng Batangas para magswimming bago sana sila umuwi ng Maynila.

Naiintindihan naman ni Ellie. Sa loob ng bahay lamang siya dahil hindi naman niya kabisado ang Tagaytay. Isa pa, si Uno ang gusto niyang makasama sa pamamasyal.

Habang si Uno naman ay naging abala sa restaurant lalo na at pinuntahan pa siya ni Sandra sa Tagaytay. Talagang sinabay pa ni Sandra ang mga kailangan din sa branch na bubuksan nila sa Baguio kaya mas lalo siyang nawalan ng oras kay Ellie.

"Sandra, hindi ba puwedeng next week na lang ito? Busy pa ako dito sa Tagaytay. I'm sure this can wait. May lakad kami ni Ellie bukas bago kami babalik ng Maynila. My manager can assist you regarding this," ani Uno kay Sandra na pinapakita ang plano niya sa restaurant.

Biglang nag-iba ang timpla ng mood ni Sandra. Kung kanina ay mahinahon ito, ngayon ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status