LOGINDEVI POV KASALUKUYAN "We're here." Pasimple kong pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Winston. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga iyon. Marahil ay dahil sa mga alaalang muling bumalik sa isip ko habang nasa biyahe kami. Mga alaalang pilit kong ibinaon sa limot. Mga alaalang nag-iwan ng sugat na kahit lumipas na ang ilang taon ay hindi pa rin tuluyang naghihilom. Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang tumingin sa bintana. At doon ko muling nasilayan ang bahay. Ang malaking mansyon na minsan nang naging bahagi ng buhay ko. Nanatili pa rin ang engrandeng anyo nito. Ang malawak na bakuran, ang matataas na bakal na gate, at ang magagarang ilaw na nakapaligid sa buong mansyon. Para bang walang nagbago. Ngunit ako... ako ang nagbago. Hindi ko maiwasang maalala ang panahong huling umuwi ako dito. Mahina pa noon ang katawan ko matapos ang mahabang pananatili sa ospital. Ngunit hindi rin naman ako nagtagal dito. Sa sandalin
DEVI POV NAGISING ako na nasa loob na ako ng kwarto ng hospital. Mag-isa at ramdam ang sakit sa buo kong katawan. May benda din ako sa aking ulo at nang may pumasok na nurse at nakita niyang gising na ako, mabilis siyang lumapit sa akin "Nasaan ako?" nanghihina kong tanong "Miss Devi, nandito po kayo sa hospital. Bugbog sarado po kayo at halos dalawang araw po kayong walang malay." sagot niya sa akin Ilang saglit lang, muli kong naalala ang kung ano ang nangyari sa akin. Ang pambububog nila Racehll at Elma kasama ang iba pa...si Winston na walang ibang ginawa kundi ang manood lang Hindi ko na naman mapigilan ang maluha. At pagkatapos noon, ibinaling ko ang tingin ko sa nurse. "Si Mommy, nasaan ang Mommy ko?" naluluha kong tanong "Ahmm, opo..tatawagan ko po siya para ibalita sa kanya na gising na po kayo." sagot niya naman sa akin Hindi ko naman mapigilana ng mapakunot noo. Noon kasi, kahit isang munting sinat lang, hindi ako iniiwan ni Mommy. Pero ngayun, bakit wala
DEVI POV "MASAKIT ang likod ko..." naluluha kong wika habang pilit na bumabangon mula sa pagkakaupo sa sahig. Ngunit sa halip na makakuha ng kahit kaunting simpatya, isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong paligid. "Narinig n'yo ba siya?" pangungutya ni Elma habang nakahawak sa tiyan sa kakatawa. "Masakit daw ang likod!" "Anong masakit ang likod? Para iyan lang, mag-iinarte ka na kaagad? Tumayo ka diyan at umpisahan mo ang trabaho mo. Dapat pagsilbihan mo kami para naman hindi masayang ang perang ginagastos sa iyo ng tiyuhin ko!" mataray na wika ni Rachell. Nagdilim ang mukha niya sa galit. Mabilis siyang lumapit at walang pag-aatubiling sinunggaban ang buhok ko. "Aray!" napasigaw ako dahil sa sakit. Mariin niya akong hinila patayo na para bang isa lamang akong basahang nakakalat sa sahig. Ramdam ko ang hapdi sa aking anit. Pakiramdam ko'y isa-isang nabubunot ang mga hibla ng buhok ko. "Tumayo ka at pagsilbihan kaming lahat!” galit niyang sigaw. Ngunit
DEVI POV AT HINDI nga ako nagkamali. Dahil kinabukasan, pagpasok ko ng School, biglang nagbago ang lahat sa akin Ang dati kong mga kaibigan na malapit sa akin ay bigla nalang lumayo. Na para bang may nakakahawa akong sakit Kabilaan din ang mga gossip tungkol sa akin at sa Mommy ko. Na kesyo, pumatol daw si Mommy kay Vicente Imperial para makaraos sa kahirapan At bilang anak, masakit sa akin iyun. Kung hindi lang ako graduating ng Senior High School, baka ayaw ko nang pumasok ng School eh. Isang buwan na lang at graduation na namin at hanga't maaari, ayaw kong sayangin iyun. Kaunting tiis na lang at kapag college na ako, hihiling ako kay Mommy na kung pwede sa Manila na lang ako mag-aaral Iyun lang kasi ang alam kong paraan para makalayo ako sa lugar na ito eh. Hindi ko kaya ang kabi-kabilaang tsismis. At dumating pa sa punto minsan na nabu-bully ako "Devi...hi...sa wakas, natiyempuhan din kita!! isang araw, nagulat na lang ako nang bigla na lang akong in- approach ng
DEVI POV CONTINUATION OF FLASHBACK Ang akala ko talaga, masaya na dahil nakita kong nasapak si Winston ng ama niyang si Tito Vicente. Pero nagkamali ako Noong nalaman kasi ito ng mga Lolo at Lola ni Winston, bigla silang napasugod dito sa bahay. Nagkagulo at sinisisi kami ni Mommy kung bakit nangyari ito "Sinabi ko naman kasi sa iyo na wala talagang matinong mangyayari iyang pag-aasawa mo ulit. Tingnan mo kung ano ang nangyari? Nagawa mong saktan ang anak mo dahil lang sa isang maliit na bagay!' galit na wika ni Donya Celestina. Halos murahin kami ni Mommy at kung wala lang siguro si Tito Vicente na handa kaming ipagtangol, baka higit pa sa mura ang ginawa niya sa amin eh. "Mom, buhay ko ito. Tsaka, kailan ba naging mali ang disiplinahin ang sarili kong anak?" sagot din naman kaagad ni Tito Vicente. Kaya lang, muling nagkagulo dahil bigla na lang tumayo si Don Amador at walang sabi-sabing basta na lang nitong sinikmuraan si Tito Vicente. Gulat na gulat naman ako sa aking
DEVI POV Nauunawaan ko na ang ibig sabihin ng salitang iyon, pero ramdam ko ang sakit na dala nito. Parang sinasabi niya na yaman lang ng angkan nila ang habol ni Mommy kaya bigla itong nagpakasal sa Daddy nito. Hindi ko na mapigilan ang maluha pero kaagad kong pinunasan iyun.. Pakiramdam ko, bigla akong nagising sa isang mahabang panaginip. Na kahit gaano kaganda ang bahay, kahit gaano kalambot ang magiging higaan ko, hindi kami ni Mommy kailanman magiging bahagi ng pamilya nila. Dahil, hindi pala kami tangap sa pamiyang ito. Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Ngunit pinigilan ko itong pumatak. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong isipin niyang natatakot ako. "Kung goldigger kami, mapang husga ka naman!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ni Manang. Samantalang si Winston ay tila hindi makapaniwala na sinagot ko siya. "Ano'ng sinabi mo?" naniningkit ang mga mata niyang tanong. "Masama kang tao!" ulit ko habang nakataas ang baba. “Devi!!!’ galit niyang
VENUS pov Pagkatapos naming mag-usap ni Darren, kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos, pagkatapos kong gawin ang duty as a personal nurse nito, nagpasya na kong puntahan si Madam Laura sa garden. Gusto daw kasi ako nitong makausap at baka hinihintay na ako
VENUS POV “MADAM, sorry po.” Mahina kong sambit. Napansin kong parang hindi talaga masaya si madam kasi nakasimangot pa rin ito. Pagkatapos noon, nilapitan nito ang anak na si Darren at pinagmasdan. “Next week, aalis na kami ng bansa para magpagamot si Darren. Tatapusin na din namin ang serbisy
VENUS POV MABUTI na lang talaga at nilapitan ako ni Vanilla at nakipag-usap ito sa akin kung hindi baka ma-bored lang ako. Paano ba naman kasi, halos dalawang oras din si Darren na walang ibang ginawa kundi ang nakaupo lang sa tabi ng kabaong ng namayapa nitong dating asawa. Nang matapos ito do
VENUS Medyo matagal din si Darren nakipag-usap sa kung sino sa cellphone nito at nang natapos ito, mukhang nasa magandang mood na. May bahid ng ngiti na kasi sa labi na hinarap siya nito eh. “Sorry for that. By the way…tapos ka na bang kumain?” malumanay ang boses na tanong nito sa kanya. Well,







