Share

Chapter 6: Her Suitor

Hindi umabot ng isang oras pero umalis na rin agad ang lalaki sa restaurant. Inubos lang nito ang mga pagkaing kanyag in-order. Dahil doon ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Samara.

She was relieved. Sigurado sya na napadaan lang ang lalaki sa lugar nila lalo na't ito ang unang beses na makita nya ang taong 'yun.

Naging maayos ang naging araw ni Samara. Masyado syang naging abala lalo na't dinumog ang kanilang restaurant dahil na rin ngayon ang araw ng sahod. Dagdag pa roon, Saturday ngayon.

She was happy to cook people's order. Masayang-masaya sya sa tuwing nakikita nya na nag-eenjoy ang mga tao sa mga pagkaing kanilang niluluto. Hindi nya man lang namalayan ang oras.

"Whoo! Another day done." Kahit na pagod ay may mga ngiti pa ring nakapaskil sa mga taong nagtatrabaho sa Joyeux Festin. Nag-eenjoy sila sa ginagawa nila.

"Mukhang malaki-laking tip ang binigay sa atin ngayon ah." Saad ng taong nasa cashier. Agad na naghiyawan ang mga taong nasa loob. Close na rin ang restaurant kung kaya wala ng customer sa loob.

Pagkatapos nilang mabilang ay agad nilang pinaghati-hatian ang tip na nakuha nila. Ang 20% ay mapupunta sa restaurant at ang 80% naman ay sa mga staffs, waiter, cashier, at mga chef.

Pagkatapos nilang magkwentuhan ng ilang saglit ay tsaka nila naisipan na umuwi na. Alas-onse na rin ng gabi.

Now, nakatayo si Samara sa waiting shed. Hindi sya kinakabahan lalo na't may mangilan-ngilan na nag-aabang din ng masasakyan. Dagdag pa roon ay may ilaw sa kanyang pwesto at may mga CCTV din na nakapalibot.

Palaging handa si Samara dahil may dala-dala rin syang pepper spray at emergency knife, panakot sa mga taong maiisipan na guluhin sya.

Suddenly, isang kulay pulang Honda Civic ang huminto mismo sa kanyang harapan.

"Naloko na." Napaatras si Samara dahil may hinala na sya kung sino man ang nasa loob ng sasakyan na 'yun.

"I'm 100% sure na si Michael ang nagmamay-ari nito." She thought in her head.

At hindi nga sya nagkamali. Unti-unting bumaba ang front door glass ng pulang sasakyan at nakita nga nya ang taong kanyang hinuha.

"Hi, Samara!" He winked at her. Naroroon na naman ang napakalawak na ngisi sa labi nito. Dahan-dahang ibinaba ni Michael ang kanyang suot na salamin at nagkunwaring inaayos ang kanyang buhok.

Samara's stopping herself from cringing at the man's movement. Para sa kanya ay hindi nya 'yun nagustuhan. Medyo trying hard, kumbaga. Akala siguro ni Michael ay nagwapuhan si Samara sa kanyang ginawa.

"Hello po, Boss..." She greeted back with a smile on her lips.

"I told you na tawagin mo na lang akong Michael." The guy said while giggling. Samara forced a laugh para sabayan ang lalaki.

"Ayoko, Boss. Baka mamaya ay may marinig na lang akong issue sa ating dalawa." Isa pa 'yun sa dahilan kung bakit nya gustong patigilin na ang binata sa ginagawa nito.

Ayaw nyang magkaroon ng mga haka-haka at sabi-sabi ang mga katrabaho sa kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa ni Michael.

Ang chismis pa naman ay parang isang nakakamatay na sakit. Mabilis kumalat.

"Let them be. Alam naman natin kung anong totoo." Pero sa totoo lang ay gustong-gusto ni Michael na isipin ng lahat na girlfriend nya na ang dalaga. He likes Samara so much that's why he keeps on pursuing the woman.

Michael faked a cough. "So, I just want to ask if you're you free now?" He's looking at Samara with so much determination.

Hindi pa man nakakasagot ang dalaga nang magsalita na naman muli ang lalaki.

"Balak kasi kitang ayain ng date..."

Wala sa sariling napalunok si Samara. Hindi na bago sa kanyang pandinig ang sinabi ni Michael. He's always asking her out for a date na syang palagi nyang dine-decline. Hindi alam ng dalaga kung manhid ba ang kanyang boss kaya hindi nito maramdaman na ayaw nya sa kanya.

Dagdag pa roon, dis-oras na rin ng gabi. Gusto nang magpahinga ni Samara sa kanyang kwarto at humilata sa kanyang kama.

"Ano... Hindi kasi ako pwede ngayon eh." Agad syang nag-isip ng palusot para hindi ma-offend ang lalaki sa pagtanggi nya.

Biglang nagbago ang masayang mukha ni Michael. Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa. He was disappointed. Hindi 'yun ang ine-expect nyang sagot mula sa dalaga.

"Nasa bahay na kasi ang bestfriend ko at inaantay na akong umuwi." She reasoned out. Michael put on a smile para hindi mahalata ng dalaga ang tunay nyang nararamdaman.

He was actually looking out for this night for the both of us. Nagpa-reserve na rin sya sa isang kilalang restaurant na tanaw na tanaw ang buong city lights. He guess that this is just not his day. May susunod pa naman.

But still, wala pa rin sa bokubolaryo nya ang pagsuko. Handa si Michael na i-pursue si Samara hanggang sa bumigay na rin ito sa kanya.

"Ohhh... It's fine with me. I guess, it's a girls night out huh?"

"Yeah. Kind of." Sagot ni Samara.

"Well, if that's the case, pwede bang ako na lang ang maghatid sayo? It's the least thing that I can do for you." Michael's using her pleading eyes to the latter.

Samara looked at her. Kitang-kita nya sa mga mata nito na determinado pa rin sya. She also felt bad for him.

Napalinga-linga sya sa paligid. Kakaunti na lang ang tao at sigurado sya na mahihirapan syang makasakay dahil dis-oras na rin ng gabi.

"Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang offer nya." Samara though in her mind. Nagiging praktikal lang sya. Dagdag pa roon, makakabawi rin sya sa effort ng lalaki.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ginawa. "Sure. Alam mo naman na 'yung bahay ko, diba?"

Mabilis na tumango-tango si Michael bilang sagot. He's happy to hear the woman's answer. Nagdidiwang sya sa kanyang loob-looban.

He quickly opened the door for her. He made sure that Samara is comfortable on her seat. Nang masiguradong okay na, sinimulan na ni Michael na mag-drive papunta sa kinaroroonan ng bahay ng dalaga.

He faked a cough to catch her attention. "So, can I know if you have someone in your mind? Did someone already caught your interest?" He badly wants to knows.

Napatigil si Samara dahil doon. For unknown reason, biglang sumagi sa kanyang isipan ang lalaking nakasiping nya ng gabing 'yun. The handsome man whom she shared a night with.

Tanging ang lalaking 'yun ang nagpayanig sa buhay ni Samara. Ginising nito ang natutulog nyang apoy sa kanyang katawan.

Napahawak sya sa kanyang dibdib. Napakabilis ng kabog ng kanyang puso. Ang kanya ring tiyan, parang may mga paro-paro roon. Para syang kinikiliti.

Mariing ipinikit ni Samara ang kanyang mata. She quickly shrugged those thoughts away. Para sa kanya, kailangan nya na itong itigil lalo na't isa lang itong kahibangan.

"Wala pa naman. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang trabaho." Sagot nya sa tanong ng binata. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagngiti ni Michael. Akala nya siguro ay may pag-asa na sya sa dalaga.

"That's good." He said. "I know na ilang beses ko na 'tong tinatanong pero gusto ko lang malaman ang sagot mo."

"Do you think may pag-asa bang maging tayo?"

Samara turned to her right side. Napangiwi sya sa itinanong ng lalaki. Yeah, he keeps on asking that to the woman. At kaunti na lang ay mawawalan na ng palusot si Samara para hindi masyadong harsh ang sagot nya sa tanong na 'yun.

Nanatili syang tahimik. Nag-iisip sya kung paano nya masasabi na wala nga talagang pag-asa na maging sila.

While she's busy thinking, isang kulay itim na sports car ang biglang humarurot papunta sa kanilang tabi.

Napakunot-noo si Samara. "Ang kaskasero naman ng isang 'to." She whispered. Ayaw nya pa naman sa mga driver na kung magmaneho ay parang sa kanila ang daan.

"Pardon?" Michael asked. Dahil doon ay nataranta si Samara.

"Ah... t-that's nothing." Nauutal na turan ng dalaga. "About your question, I think hindi ko pa masasagot 'yan. For now, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko. I want to spoil myself with love. May gusto pa akong malaman sa sarili ko."

Agad na nag-iwas ng tingin si Samara dahil ayaw nyang makita ang dismayadong mukha ni Michael. She's 100% sure na 'yun ang magiging reaksyon nya.

Pero mukhang mali ang desisyong ginawa ng dalaga. Parang naestatwa sya sa kanyang kinauupuan nang mapatingin muli sa sports car na katabi nila. From her spot, tanaw na tanaw nya ang taong nagmamaneho nito.

His face... paano ba naman nya makakalimutan ang mukha ng lalaking umangkin sa kanyang pagkababae ng ilang ulit sa loob ng buong gabi?

Yes, the man that het met at the bar was the one who was driving the car.

Katulad ng dati, seryoso lang itong nagmamaneho. Diretso rin sa daan ang kanyang mga mata. Sya lang ang taong nasa loob.

Ang lakas pa rin ng dating nya kay Samara. Her heart, it's beating so fast than the usual.

"What's wrong? Bakit dalawang beses ko nang nakikita ang lalaking 'yun sa isang araw lang? Oh gosh. This is bad!" Samara thought in her mind. Hindi na sya mapakali ngayon sa kanyang kinauupuan.

She blinked for a few times. Hindi nga sya nananaginip ng gising. Mukhang lumiliit na ang mundo sa pagitan nilang dalawa.

Isang malalim.na buntong-hininga ang ginawa ni Samara. Pilit nyang pinakalma ang kanyang sarili. She also stopped looking at his direction. Instead, itinuon na lang nya ang kanyang atensyon sa pag-scroll sa F******k.

Mukhang nakatulong ang kanyang ginawa dahil hindi nya na naisip pa ang lalaki. Bumalik na rin sa normal ang pagtibok ng kanyang puso.

"We're already here in your village." Michael announced. Napaangat ng tingin si Samara. Hindi nya man lang namalayan na nandito na pala sila.

Agad syang nahintakutan nang makita ang itim na sports car na kanina ay nasa tabi lang nila pero ngayon ay nasa harapan na.

"What the? Bakit pumasok dito ang isang 'yun?" Hindi maiwasang magtaka ni Samara. Kahit kailan ay hindi nya pa nakita ang lalaking 'yun sa kanilang community. This is the first time.

Siguro ay may binibisita ang lalaki dahil mababa ang chance na rito sya nakatira lalo na't halos lahat ng lupa ay may nagmamay-ari na.

Parang nakahinga nang maluwag ang dalaga nang makita nyang lumiko ang lalaki. Mukhang tama nga ang hinuha nya.

"Thank you sa paghatid, Michael." Nakangiting turan ni Samara. Nasa tapat na sila ngayong kanyang bahay.

"Walang anuman, Samara. I can literally do this every day." The man said while intently looking at the woman.

Samara forced a laugh. Hindi nya gusto ang sinabi ng lalaki.

"I'll get going. Enjoy sa night out nyo."

Samara made sure na nakaalis na si Michael bago sya tuluyang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Nagawi ang kanyang tingin sa bahay na kanyang katapat.

"Hmm... Akala ko ay may nakatira na roon." She said to herself. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakabukas ang mga ilaw nito. There's no sign of people inside. Nagkibit-balikat si Samara. After that, she made her way inside of her house.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kilutz Yohgatz
mukhang maganda ito, magaling ang writer,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status