Share

Chapter 5: Being a Chef

Humahangos na tumatakbo si Samara papunta sa isang high class restaurant. Napatingin sya sa kanyang wristwatch. Dalawang minuto na lang at malelate na sya sa pagpasok sa kanyang trabaho.

Nahuli kasi sya sa paggising dahil napasarap kagabi ang panonood nya ng K-Drama. Dagdag pa roon ay coding ang kanyang sasakyan kung kaya't nag-commute sya.

Mukhang nakikipaglaro pa sa kanya ang tadhana lalo na't buhol-buhol na traffic ang kanyang naabutan habang sakay ng isang jeep.

"Damn. I need to keep going." Nagmamadaling turan ni Samara. Isang minuto na lang at magtatime na. Nasa harapan na sya ng kanyang pinagtatrabahuhang restaurant.

When she went inside, her co-workers started to greet her. Isang ngiti na lang ang kanyang naisagot.

"Whoo! Finally!" Samara sighed in relief nang tuluyan na syang nakapag-check in.

"Oops. Mukha atang hinihingal ka ah." Someone said to her. She looked at that person and she saw Ava, one of her co-workers na chef din.

Sa lahat ng katrabaho ni Samara ay ito ang naging malapit sa kanya.

"Yeah. Muntik na nga akong ma-late eh." Sinimulan nyang ipusod ang kanyang buhok at inilagay ang toque. Pagkatapos non ay sinuot na nya ang kanyang apron.

Napatawa si Ava at umiling-iling. Katulad ni Samara ay nakaayos na rin ito ng suot.

Sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi nito. "By the way, may binigay na naman si Boss sayo."

Just by hearing that, agad na napasimangot si Samara. Her face turned bitter. Shivers ran through her body. Nanindig ang kanyang balahibo.

"At tinanggap mo naman?"

"Of course. Ayoko pang mawalan ng trabaho noh." Mapang-asar na turan ni Ava. "Sorry na agad."

Samara let out a deep sigh. Naiintidihan nya ang sinabi ng dalaga. Kahit sya ay ayaw nya ring mawalan ng trabaho lalo na't may kataasan ang sahod dito.

Samara's an average worker. Hindi sya mayaman, hindi rin sya mahirap. Nagkataon lang na nagkaroon sya ng bahay dahil ito ang pamana ng kanyang lolo sa kanya. Habang ang mga magulang naman nya ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho rin. Si Samara ay only child lang kung kaya't solong-solo nya ang bahay.

Si Michael, ang boss na sinasabi ni Ava ay ang literal na may-ari ng restaurant na kanilang pinagtatrabahuhan. Matagal na itong may pagtingin kay Samara at kahit kailan ay hindi nya ito inilihim sa dalaga. Bukal sa kaloooban nitong sinusuyo si Samara. He keeps on showing his admirations by giving gifts and messages to the woman everyday.

Pero sa lahat ng kanyang ibinigay, wala ni isa man doon ang kinukuha ni Samara.

Kahit na gustong-gusyo nya nang bastedin ang binata ay hindi nya magawa. The only thing that Samara can do that is to turn down his date offers.

Ayaw nyang paasahin si Michael lalo na't simula pa lang ay wala na itong pag-asa sa kanya.

Aaminin nyang may kagwapuhan ang lalaki at may ibubuga ang katawan, pero hindi sya ang tipong lalaki ni Samara. May pagkamahangin din kasi sa katawan ang lalaking 'yun. He thought that all girls will swoon over him.

Unlike that mysterious man that he met at the baar who made her night memorable.

"Sayo na lang 'yun." Walang kaabog-abog na turan nya.

"What? Pero sayo ipinapabigay ni Boss Michael 'yun. Malaki ang gift na 'yun ha."

"Sige, mamili ka. Sayo mapupunta o itatapon ko na lang sa basurahan?" Hindi lang ito ang unang beses na sinabi nya 'yun kay Ava.

Hindi tinatanggap ni Samara ang lahat na ibinibigay ng boss nya dahil nag-iingat lang sya. Who knows, baka mamaya ay may hidden cam ang mga 'yun o gayuma.

Ava pouted her lips. "Hmp. Sige na nga. Sa akin na lang. Sayang naman 'yun kung mapupunta sa basurahan."

Hindi na bago ang ganitong tagpo sa kanilang dalawa. Halos lahat ng gift na bigay ng boss nila ay napupunta kay Ava.

Kakabukas pa lang ng restaurant na kanilang pinagtatrabahuhan pero marami na agad ang customer sa kanila. Kung kaya hindi na magkandaugaga ang dalawa sa pagluluto ng mga order ng mga ito.

"For table number 3. Paki-serve na lang, thanks."

"For table 14."

"For table 17."

Kahit na pagod ay hindi pa rin nila nakalimutang ngumiti. Ava and Samara are happy, most especially that this is their passion. Masaya sila na makapagluto ng pagkain ng maraming tao.

Ang Joyeux Festin ay isa sa mga high class na restaurant. Talagang na-eenjoy ng mga customer ang mga dishes na sine-serve rito.

Hindi nila namalayan na mag-aalas dos na pala ng hapon. At isa ito sa mga pinakahihintay ni Samara lalo na't ito ang time ng kanyang break. Makakapag-f******k sya kahit saglit lang.

"Ava, mauuna na muna ako ha." Paalam nya sa kapwa nya chef. Nag-thumbs up lang ang dalaga at ipinagpatuloy muli ang kanyang pagluluto.

She's humming to a song while walking.

"Samara!" Hindi pa sya nakakalayo nang marinig ng dalaga na may tumawag sa pangalan nya.

Agad syang lumingon sa direksyon ng taong nagsalita. And she saw the head manager of this restaurant.

"Bakit po, Sir?"

"Pwede bang pakibigay nito sa table 27?" At itinaas ang tray na may lamang pagkain.

Akmang sasagot na sana si Samara ng oo nang makita nya kung sino ba ang customer na tinutukoy ng kanyang kausap.

Ganon na lang ang panlalaki ng kanyang mata. Her mouth parted a little. Ramdam na ramdam nya ang panlalamig ng kanyang mga kamay. It's like her world stopped spinning.

Nabalisa si Samara. Hindi nya na alam ang gagawin. Parang nablangko bigla ang kanyang isipan.

She blinked for a few times, ngunit nandoon pa rin ang lalaki. Hindi sya namamalikmata lang. Malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang lalaking nakaupo sa may corner ng kanilang restaurant.

"H-Huh? Bakit ako, Ma'am?" Nagsimula syang mag-isip ng palusot para hindi nya magawa ang sinabi ng kanilang head manager.

"Atsaka breaktime ko na po ngayon. Tumatakbo po 'yung oras ko." Dagdag pa nya.

"Dali na, Samara. Busy 'yung mga waiter natin ngayon. Ikaw lang ang medyo free. Madadaanan mo rin naman ang table na 'yun kapag pumunta ka sa eating area natin."

"Ayaw mo ba nun? Isang gwapong lalaki ang bibigyan mo nyan. At mukha pang mayaman! Baka sya na ang para sayo, Samara." He's wiggling both of his eyebrows at her. Alam nya kasi na single ang dalaga. He did that thinking na maco-convince nya si Samara.

"Sir, hindi talaga pwede. Hindi nya ako pupwedeng makita."

"Kilala mo ba ang isang 'yun?"

Dahan-dahang tumango ang dalaga bilang sagot. Namumutla na sya.

Paanong hindi nya makikila ang lalaking ilang beses inangkin ang kanyang pechay? Ang lalaki na unang-unang nakakuha ng kanyang interes. Ang lalaki na naglagay ng napakaraming hickeys sa kanyang buong katawan.

She looked at the man's direction once again. Walang kaemosyon-emosyon itong nakatingin sa kanyang laptop. Ibang-iba ang aura nito sa mga taong kumakain. He's a head-turner.

"Wait. Makikilala nya nga ba ako?" Samara thought in her mind. She was sure na hindi lang sya ang naikama ng lalaki. Baka nga ay kinalimutan na sya ng binata.

Pero para kay Samara, mas maganda pa rin ang nag-iingat. Prevention is better than cure, ika nga nila.

"Oh, ayun naman pala eh. Ano bang pumipigil sayo?" Nagtatakang turan ng Head Manager nila.

"Ano kasi, Sir...." Hindi nya pupwedeng sabihin ang totoong dahilan. Naglikot ang kanyang mga mata upang hindi mahalata na hindi sya nagsasabi ng totoo.

"That man, may utang ako sa kanya na hindi ko pa nababayaran." She reasoned out and put on a nervous smile. Nanatiling nakatingin pa rin sa kanya ang kanilang Head Manager.

Suddenly, isang lalaki ang dumaan sa gilid ni Samara. Agad nya itong hinila.

"Eto si Bryan. Tapos na ata sya, Sir. Sya na lang ang magbigay nito roon sa lalaki."

Bryan was clueless on why did Samara unexpectedly pulled him. Pero na-gets nya na rin 'yun nang makita ang tray na hawak-hawak ang kausap nya.

"Aish. Sige na nga." The Head Manager said. Iniabot nya kay Bryan ang tray na may lamang pagkain na in-order ng lalaki.

"Mamaya ka na dumaan kapag naibigay na 'yung order ni Sir."

Sinunod ng dalaga ang sinabi nito. Once na makita nyang nagsisimula nang kumain ang lalaki ay tsaka sya naglakad papunta sa eating area ng mga workers ng restaurant na ito.

Habang papalapit ay mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ni Samara. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Pero isang lang sigurado nya, sya ang kinakabahan.

She's silently praying na hindi sya nito mapansin.

Umakto sya ng parang normal lang. Hindi maiwasang mapapikit ni Samara nang maamoy nya ang pabango ng lalaki. Ganoon din ang suot-suot nito nang magkita sila dati.

His scent was so manly. Hindi masakit sa ilong. Samara wouldn't mind to sniff him every day.

Parang nakahinga nang maluwag si Samara nang mapayapa syang nakadaan sa pwesto ng lalaking nakasiping nya ilang araw na ang nakakalipas. Hindi sya lumilingon sa pwesto nito.

Agad syang dumiretso sa kanyang destinasyon. May harang ito kung kaya't confident sya na hindi sya makikita ng lalaki.

Nagdasal muna si Samara bago nya tuluyang kainin ang kanyang niluto. Imbes na mag-f******k, napagdesisyunan nya na pagmasdan na lang ang lalaki.

He has a serious look while gazing at his laptop. He's also wearing a business attire. Mas lalo syang naging gwapo sa paningin ni Samara. Nakatanggal ang dalawang butones ng polo na suot nito na syang nakadagdag sa pagiging hot ng lalaki.

Ganadong-ganado kumain si Samara habang nakatingin sa lalaki. Kahit na nagagwapuhan sya sa lalaki ay hinding-hindi nya ito lalapitan. Para saan pa? Atsaka ayaw nya dahil nahihiya syang gumagawa ng first move.

Para kay Samara, magmumukha lang syang desperada kung naisipan nyang gawin 'yun.

And that man, he looks as the type of person that will make your life miserable. At ayaw na mangyari 'yun ng dalaga.

Sigurado sya na hindi na uli babalik ang binata sa restaurant na ito. Mukhang napadaan lang kasi ang binata dahil ito ang unang beses na makita sya ni Samara bilang customer nila.

Agad na yumuko si Samara nang makita nyang iginala ng lalaki ang kanyang mata. Mukhang naramdaman nito na may nakatingin sa direksyon nya.

"Aish. Mukhang nasobrahan ata ang pagtitig ko." She wants to slap herself for making a careless move. Shivers ran through her body when she felt that the man's gazing at her direction.

Grabeng kaba na ang nararamdaman ni Samara lalo na't ilang sandali na ang nakakalipas pero nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Gosh. Nahuli nya ba ako? Sana naman ay hindi." Pinanatili nyang nakayuko ang kanyang ulo.

Samara was relieved nang maramdaman nyang unti-unti nang inalis ng lalaki ang tingin nito sa kanya. Hindi pa sya ready na makaharap uli ang binata.

Or much better, ayaw na nyang magkrus pa uli ang kanilang landas. Alam nyang malayo ang agwat nila sa isa't isa dahil na rin sa paraan ng pamumuhay nito.

That man owned a freaking penthouse. It was not a joke to begin with. Mukhang bigatin ang lalaking nakasalamuha nya ng gabing 'yun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status