Share

KABANATA 3: Reception

SLOAN

Nasa iisang sasakyan kaming umalis ni Dominic sa Manila Cathedral, kung saan ginanap ang kasal naming dalawa. We are now on our way to Luxe Haven for the reception. It is a five-star hotel located in Manila. Our guests are heading there too, using the vans provided by Dominic, while others are using their own vehicles.

Binabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan. Abala si Dominic sa pagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Nakikiramdam.

I don’t know how to initiate a conversation. I don’t know Dominic that well yet, so I don’t know what to say to him.

Ngunit kung ganito na lang ako palagi, laging natatakot, hindi ko talaga siya makikilala. Should I talk to him? Pero ano naman ang sasabihin ko? Tatanungin ko kaya siya ng mga common information about sa sarili niya? Pero hindi kaya magmukang ang random ko naman no'n? I just asked him out of nowhere, gano’n?

“Are you okay? Do you have something to say?” he asked. My eyes widened as I looked at him.

“Uh… a-anong sabon mo?” natatarantang tanong ko.

Mabilis kong kinastigo ang sarili ko dahil sa naging tanong ko sa kaniya. Ano ‘yon, Sloan?! Ayaw mong magmukang random pero ang random naman ng tanong mo!

I closed my eyes tightly upon hearing him chuckle. It’s embarrassing!

“Bakit mo natanong?” tanong niya.

I searched my brain to find something to say. Pilit akong ngumiti. “I am p-planning to buy you one,” sabi ko na lang.

“Really?” Tumango ako. “I am using Park Avenue Premium.”

I know that soap! “You have the same soap with Simon,” biglang sabi ko nang hindi nauutal.

He frowned. “Who’s Simon?”

My eyes widened upon hearing him say that. Did I say Simon? Late ko na na-realize kung ano ang sinabi ko.

Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan. Maybe he was waiting for my answer because he kept glancing at me.

I gulped. “Uh… S-Simon is my… ex-boyfriend,” I confessed, biting my lower lip.

Alam kong nakakagulat na ang isang katulad ko ay may ex-boyfriend. I’m not a saint. Dumaan ako sa edad na gusto ko ng insipirasyon habang nag-aaral and Simon became my inspiration at that time.

Simon Madrigal is my classmate from college. Kilala ko na talaga siya dati pa lang dahil sa pagiging bulakbol niya at hindi pagseseryoso sa pag-aaral. I thought I couldn’t get along with him because of his attitude, pero no’ng nagkaroon kami ng marketing research, siya ang naging kaparehas ko.

“Tahimik ka lang ba talaga? Hindi naman ako magpapabigat sa research natin ‘no. Promise, Utang,” Simon said. Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

My brow furrowed. “U-Utang?” ulit ko sa tinawag niya sa akin.

Ngumiti siya ng malawak. “Yes. ‘Di ba Loan ang pangalan mo?”

“W-What? My name is Sloan, not Loan. W-Where did you get that?”

He scratched his nape. “Ay, iyon pala ang pangalan mo. Narinig ko lang kasi sa tabi-tabi. Can you repeat it again? Parang ang hirap naman i-pronounce,” reklamo niya.

I winced. Inalis ko ang atensiyon ko sa laptop ko at saka tinuon ang atensiyon sa kaniya.

I took a deep breath. “M-My name is pronounced as Is-lo-wan, Mr. Madrigal, not Is-lown or Loan. D-Did you get it?” pagpapaintindi ko sa kaniya.

He just stared at me with a smile on his lips. Creepy.

“Feeling ko kapag nauutal ka habang kausap ako, crush mo ko,” sabi niya bigla.

“W-What?” The audacity! “F-For your information, I have a—”

“Stuttering disorder…” pagtatapos niya sa sasabihin ko. “Yes, I know, and I’m not mocking you. Nacu-cutan lang ako kapag nauutal ka.”

My brow rose upon hearing that. “I’m n-not cute,” I said, turning my gaze back on the laptop screen. Anyway, how did he know that I have a stuttering disorder?

“Yeah, you’re not cute,” sabi niya. “Maganda ka kasi.”

That day, we ended up being scolded by our research professor dahil hindi namin natapos ang research proposal na kailangan ipasa nang araw na ‘yon kasi mas inuna pa naming magdaldalan kaysa gawin ang mga dapat gawin.

“T-This is your fault,” sisi ko kay Simon pagkalabas namin ng faculty room.

“Bakit ako lang? Naki-cooperate ka kaya sa chismis.”

I rolled my eyes. “W-Whatever.”

Simon and I became close. He became my knight in shining armor whenever Shirley bullied me. I felt comfortable with him, and I fell in love with him. It was my first time falling in love. Sa totoo lang, si Simon ang dahilan kung bakit naka-survive ako sa college life ko.

“Saan mo gustong kumain? Gusto mo ba sa Jollibee?” Simon asked while we were walking toward his motorcycle in the parking lot.

I shrugged. “I haven’t tried eating at Jollibee yet; masarap ba doon?” tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad na parang may nasabi akong masama. Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“You didn’t shutter…” hindi makapaniwalang sabi niya.

My eyes widened upon realizing it! Hindi nga ako nautal! What does this mean?

After that, Simon and I became more comfortable with each other. Hindi na ako nauutal kapag kausap ko siya pero kapag ibang tao ay gano’n pa rin pero wala naman kaming pakialam lalo na si Simon.

Simon knows my situation at home. Our relationship became a secret. Tatlong taon rin ang tinagal ng relasyon namin hanggang sa maghiwalay kaming dalawa. I broke up with him because my dad found out about our relationship. Pinagbantaan niya ako na papabagsakin niya ang kumpaniya nina Simon kapag hindi ko pinutol ang ugnayan naming dalawa.

It was a tough decision for me. It’s been four years, but the pain is still here. Naghiwalay kami ng walang maayos na closure. I just ended our relationship without telling him the main reason.

“We’re here.” I snapped back to reality when I heard Dominic’s baritone voice. It was like a wake-up call from a dreamy haze.

Tumango ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Pinagbukasan ako ng pinto ng body guard na nakasunod sa amin patungo rito. I snatched my wedding dress to avoid any embarrassing moments.

“Let’s go,” Dominic said, handing me his arms.

Tiningnan ko muna iyon bago dahan-dahang sinukbit ang braso ko doon. We walk through the parking lot into the five-star hotel with bodyguards surrounding us.

Nirentahan ni Dominic ang buong hotel kaya bukod sa mga staff, security, at guests ay wala nang ibang tao sa buong Luxe Haven. Honestly, when it comes to this wedding, Dominic footed the bill for everything. Well, I chipped in, but my contribution was nowhere near half of what Dominic shelled out.

Hindi naman ako nagrereklamo. Hindi ko lang mapigilang mahiya dahil sa inambag ko sa kasal na ‘to.

Nang makarating kami sa harap ng pinto ng hall ay humigpit ang kapit ko sa braso ni Dominic. A crowded place makes me nervous, alam ko kasi na mas marami ang mga tao dito sa reception kaysa sa simbahan kanina.

“Are you okay?” Dominic muttered. Napasin niya marahil ang panginginig ng kamay ko.

I nodded slowly. “Y-Yeah.”

“Don’t be nervous. You’re my wife now, Sloan. No one can hurt you as long as I’m here…” he assured.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang sabihin niya ‘yon. Sa simpleng salita niya lang ay napagaan niya loob ko. Does he have magic? The way he effortlessly eases the nervousness in my chest with just his words is nothing short of extraordinary.

Simon suddenly popped into my mind. Kung siya ba ang pinakasalan ko magiging maayos kaya ang lahat? Makikilala ko kaya si Dominic? Mararanasan ko kaya ang lahat ng naranasan ko noon?

The big double door opened kaya bumalik ako sa reyalidad. Stepping into the five-star hotel hall for my ideal wedding reception feels like stepping into a fairytale. The moment I enter, I am greeted by a breathtaking foyer adorned with cascading flowers and shimmering crystal chandeliers. The air is filled with a delicate scent of fresh blooms, instantly creating an atmosphere of elegance.

As I walk further into the hall, I am captivated by the grandeur of the space. The high ceilings seem to touch the sky, and the walls are draped in luxurious fabrics that create a soft, ethereal glow. The hall is bathed in warm, ambient lighting over every corner.

Napaka-detailed ng pagkaka-ayos. The tables are meticulously set with exquisite linens, delicate china, and gleaming glassware. Each table is adorned with stunning floral centerpieces that perfectly complement the color scheme of my dream wedding. The chairs are plush and comfortable.

“Ladies and gentlemen, please join me in giving a warm welcome to our incredible newlyweds, Mr. Dominic Adam Velasco and Mrs. Sloan Beatrice De Falco-Velasco! Congratulations!” bati sa amin ng master of ceremonies, habang naglalakad kami sa red carpet papunta sa mini stage na may magandang flower decorations.

The hall was filled with a round of applause. Hindi alam nang mga bisita ang totoong dahilan ng kasalang ito—kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang totoong rason. Only my dad and Dominic know everything behind this wedding. The guests were widely smiling while clapping their hands. Ako naman ay tanging pilit na ngiti lang ang ginanti samantalang si Dominic ay hindi man lang ngumingiti.

Ayan na naman siya. Does he hate crowded spaces too?

After we sat on the mini stage with a table for us, mabilis kong inalis ang kamay kong nakakapit sa braso niya. All the eyes of the guests were focused on us, and I couldn’t help but feel nervous. Pakiramdam ko sa likod ng mga ngiti nila ay hinuhusgahan nila ako.

The program started. The master of ceremonies mentioned a few things about the flow of the event pagkatapos ay nag-proceed na sa kainan na siyang inaabangan ng mga bisita.

The waiters were all over the place to serve the guests. May mga pumupunta sa lamesa namin para magpa-picture dahil pang post daw nila at ang iba naman ay binabati kami.

“R-Restroom lang ako,” paalam ko kay Dominic nang makaramdam ako nang tawag ng kalikasan.

“Gusto mong ihatid kita?” he asked.

I quickly shook my head as my cheeks flushed. “I c-can manage. T-Thanks.”

Hawak ko ang laylayan ng gown ko na nagtungo ako sa restroom. May mga nakakasalubong ako na binabati ako at tanging ngiti lang ang tinutugon ko.

When I entered the restroom, there was no one except me. Mabilis ko namang ginawa ang pakay ko’t pumasok sa isa sa mga cubicle. Thankfully, the cubicle is huge, kung hindi ay paniguradong mahihirapan ako dahil dito sa suot ko.

Hindi naman malaki ang damit ko. It was a mermaid style with a long sleeve made of delicate lace. Sumasayad lang talaga sa sahig kaya pakiramdam ko ay hirap akong maglakad.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi nang marinig kong may pumasok sa restroom. Ang tunog ng mga takong nito ang siyang unang gumawa ng ingay sa apat na sulok ng banyo.

I had no intention of paying attention to them, but my ears perked up when I heard Dominic’s name.

“Oh, my god! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ‘yon ang napili ni Dominic na mapangasawa!” maarteng bulalas ng isang babae.

“I agree. Hindi ba tatlong beses nang ikinasal ang babaeng ‘yon and pang-apat niya na ‘to, right?” dagdag ng kasama nito.

Humigpit ang hawak ko sa gown ko dahil sa narinig ko. I can feel the sweat forming on my forehead. I know naman na hindi impossible na may nakakaalam na nga ng katotoohanan na ikinasal na ‘ko noon bukod sa pamilya ng napangasawa ko at pamilya ko.

Nananatiling lihim ang mga kasal na nangyari sa loob ng dalawang taon. Itong kasal lang namin ni Dominic ang hindi naging lihim dahil maimpluwensyang tao siya at gusto niyang gawing public.

“I don’t know. Iyon din ang alam ko but we are not sure pa rin. Hindi natin alam kung tatlo lang ba talaga o may iba pa.”

“Sabagay, baka nasa loob ang kulo niya. Siguro inakit niya si Mr. Velasco para pakasalan siya.”

I didn’t seduce, Dominic!

Gusto kong depensahan ang sarili ko. Gusto kong linisin kung ano man ang iniisip nila. I want them to know what really happened, but… I can’t. I still can’t speak for myself. I’m still a coward.

Hindi ko naman sila masisisi kung gano’n nga ang iniisip nila tungkol sa ‘kin. Who wouldn’t think badly of someone who has been married three times? Mabuti na lang sana kung pagkatapos ng ilang taon bago ulit magpakasal, but that’s not the case in my part, araw lang ang pagitan pagkatapos mamatay ng mga naging asawa ko ‘tsaka ako muling magpapakasal.

Lutang akong bumalik sa hall dala-dala ang mga sinabi ng mga babae kanina. Hinintay ko talaga muna silang lumabas bago ako sumunod.

“Oh, here’s your wife na pala Dom, eh.” Mabilis na bumaling ang mata ko sa nagsalita. She has an American accent kaya mabilis na naagaw nito ang atensiyon ko.

Ngayon ko lang napansin na may nakatipon pala sa lamesa namin. Nagtama ang paningin namin ni Dominic. Ayan na naman siya sa tingin niyang nakakailang. Mabilis na lang akong nag-iwas ng tingin dahil baka malaman niya pa kung ano ang iniisip ko.

“Uhm… D-Did I… Did I interrupt something?” utal na tanong ko dahil lahat sila sa akin nakatingin.

“Hindi mo ba kami ipapakilala sa asawa mo, pre?” tanong ng isang lalaki na matangkad katabi niya ang babaeng may maamong muka at brown ang buhok.

I looked back at Dominic. The way he looked at me didn’t change, seryoso pa rin na para bang isa akong mathematics equation na pinipilit niyang sagutin, mentally.

“Hi! I’m Tami Kit Cordova nga pala. Dom’s sister. You can call me Tam or Tami—everything that makes you comfortable. Nice to meet you, sister-in-law!” greeted by the woman, who has an American accent. Nakipagbeso-beso pa siya sa akin.

Nagulat ako na malaman na may kapatid pala si Dominic. Sabagay hindi naman ibig sabihin na kasal na kami ay kailangan ko nang malaman ang lahat.

“Hi, ikaw si Ate Sloan, ‘di ba? Ako nga pala si Nala Cabral, kapatid rin ni Kuya Dominic. It was nice to meet you. Sana maka-bonding ka namin ni Ate Tami,” bati rin ng babaeng may brown na buhok.

I got confused even more. Kung magkakapatid sila, bakit magkakaiba sila ng apilyido? Kasal na rin ba sila kaya ginagamit nila ang apilyido ng mga asawa nila? Well, I think that makes sense.

“Of course, makaka-bonding natin siya, sister. Nanakawin natin siya kay Dominic,” sabi ni Tami kay Nala. “Anyway, this is Callum, Rocco and Damian, sister-in-law. They’re our friends.” Isa-isa niyang tinuro ang tatlong lalaki na kasama nila.

They all smiled at me and wished me congratulations. “T-Thank you. N-Nice to meet you too,” sabi ko’t ngumiti.

“Akalain mo nga naman, buong akala namin ay si Lion ang unang ikakasal sa ating lima. Iba rin pala duma-moves si Dominic,” bulalas ni Callum at malakas na tumawa.

He suddenly stopped laughing when he realized that he was the only one laughing at his own joke. Damian and Rocco gave him disapproving looks, while Tami anxiously glanced at Nala.

“You’re so talkative talaga, Callum. Gusto mo bang tahiin ko ‘yang bibig mo para manahimik ka na?” sermon ni Tami at saka umirap.

Callum scratched his nape and smiled awkwardly at Nala. “Peace, Miss Nala.”

My heart skipped a beat as Dominic casually slung his arm around my waist and squeezed it gently.

“They are an absolute pain in the ass,” Dominic whispered, sapat lang upang ako ang makarinig.

“Okay lang. Huwag niyo nang isipin ‘yon. Ayos lang naman ako. Ang mabuti pa umalis na tayo rito. Bigyan natin ng space ang bagong kasal.”

They all turned to us. Tami sneakily looked at Dominic’s arms wrapped around my waist, pretending to clear her throat before quickly grabbing onto Nala’s arms.

“Oo nga, boys. Nala’s right. Let’s go na. Mukang they need quality time pa eh. Let’s give them space na.”

“Pero may sasabihin pa k—” hindi na natapos ni Callum ang sasabihin niya ng hilahin na rin siya nila Rocco at Damian palayo sa lamesa namin.

“Bye, Dom! Bye, sister-in-law!” paalam ni Tami. Kumaway lang din si Nala sa amin bago na sila humalo sa mga tao.

“What took you so long?” Dominic asked.

“H-Huh?” takang tanong ko sa kaniya. Alam kong ako ang kausap niya dahil kaming dalawa lang naman dito.

“You were literally gone for 20 minutes. Why did it take you so long in the restroom? Everything alright? What happened?” sunod-sunod niyang tanong. Nangapa naman ako ng sasabihin ko.

Pansamantala kong nakalimutan ang mga sinabi ng mga babae kanina.

I shook my head. “I a-am okay. M-Medyo marami lang talagang tao kanina kaya natagalan ako,” pagdadahilan ko nangyari. Sanay na ‘ko sa mga panghuhusga ng mga tao.

“Sure?” I nodded.

Nagpatuloy nang muli ang program. The MC called us to open the dance floor. We did our first dance as husband and wife. Habang sumasayaw kami ay may nagpi-pin na mga pera at cheque sa damit na suot namin. Mas madami ang cheque na hindi ko alam kung ilan ang mga laman kaysa sa perang papel.

We went back to our table, our clothes overflowing with money, causing my dress to become even heavier. Dominic lent a hand in carrying my gown. Feeling ko tuloy ay nagsuot ako ng pera at cheque na gown.

The ceremony ended at midnight. Pagod na pagod ang lahat. Kahit ako ay inaantok na. Ang iba ay nabitin pa kaya pupunta raw silang bar para ituloy ang kasiyahan.

I haven’t seen my Dad kagaya ng laging nangyayari kapag kinakasal ako. Pumunta lang siya sa simbahan pero hindi siya dumeretso dito sa reception.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng tampo. He’s always like this. Kahit naman kinokontrol niya ang mga nangyayari ay gusto ko pa rin naman siyang umattend ng kasal ko. He’s my father, and no one can change that.

“Go to sleep first, Sloan. I’ll just wake you up kapag nakarating na tayo,” sabi ni Dominic nang makapasok siya sa driver seat.

I bit my lower lip. “H-How about you? C-Can you drive?”

“Yeah, I can. My condo is not far from here,” he said.

I simply nodded, feeling the weight of exhaustion settle in. As I closed my eyes, the darkness eagerly enveloped me, almost as if it couldn’t wait to have me in its grasp.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status