Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am
Napatawa nang bahagya ang babae. “Ako po ang housekeeper na in-hire ni Mr. Lancaster. Permanenteng naka-assign dito sa unit.”Huminga nang malalim si Amber, parang may tinik na biglang nawala sa lalamunan niya. Housekeeper lang pala. Hindi madrasta. Hindi miyembro ng pamilya.Sapat na ang stress niyang kasama si West. Kung may isa pang taong dapat niyang pakisamahan, at kamag-anak pa, baka tuluyan na siyang pumutok.“May kailangan po ba kayo, Miss Harrington?” tanong ng babae.“Mainit na tubig lang, salamat,” sagot ni Amber habang inaayos ang kumot sa balikat.“Binanggit ni Mr. Lancaster na naghanda na raw po siya ng almusal bago siya umalis kanina. Gusto n’yo na po ba, o mamaya na lang?”“Mamaya na lang. Salamat.”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya mula sa gilid ng sofa. Tumigil siya sa paglakad at dahan-dahang kinuha ito.Pagtingin niya sa screen, halos malaglag ang cellphone niya sa pagkabigla.Nakita niya ang isang pangalang matagal na niyang hin
Bumukas ang pinto ng hospital room na para bang isang bagong kabanata ang pinilit bumangga sa kalmadong katahimikan ng silid.Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagpasok nina Blake at Whitney. Hawak ni Blake ang paper bag mula sa pharmacy habang si Whitney, na naka-suot ng simpleng cream blazer at puting slacks, ay may dalang clipboard. Tumigil sila pareho pagkatawid ng pintuan, tila natigilan sa tanawing tumambad sa kanila.Ang nurse, nanginginig na, ay luhaan at mukhang hindi na alam ang uunahin. Si Amber naman ay pulang-pula ang mukha, hindi lamang dahil sa lagnat kundi sa pigil na galit. Sa tabi niya, si West, tila estatwa sa pagkakatayo at may bakas ng kamay sa pisngi. Parang sunog ang marka, makintab at mapula, halatang sariwa pa. Wala siyang sinasabi, pero ang tensyon sa katawan niya ay parang kutsilyong kayang humiwa ng hangin.Lumapit si Whitney nang walang pag-aatubili. “Sumablay sa ugat?” tanong niya, banayad ang boses at parang hindi apektado ng tensyon.Tahimik na tumango an
Binalibag ni Blake ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Whitney. Matulis ang tingin niya na ibinaon sa lalaki habang magkatapat silang nakatayo sa tahimik na pasilyo ng ospital. Tila isang iglap lang ay napuno ng tensyon ang paligid."Sinadya mo ba talaga 'to?" mariin niyang usal, kasabay ng pagtaas ng kanyang baba na puno ng hamon. "Hinila mo ako palayo para makapag-ayos sila nang hindi ko alam?"Hindi pa man nakakasagot si Whitney ay mabilis na siyang tumalikod, nagmamadaling humakbang pabalik sa ward. Halos nagngangalit ang boses niya. “Hindi puwedeng hayaan na lang natin ang hayop na 'yon na lapitan ang kaibigan ko. Walang karapatan ang lalaking iyon na mapalapit sa kanya. Hindi bagay ang gan’yang klase ng tao na mapalapit kay Amber!”Hinabol siya ni Whitney at muling hinawakan sa pulso. "Ms. Enthir, sandali lang. Hindi naman tama 'yan. Kampi rin ako kay Amber, okay? Mula pa noon, Team Amber ako. Walang tanong-tanong. Pero ang kalusugan niya ang mas mahalaga ngayon. Menstrual cra
Agad niyang ibinaba ang tawag, halos isumpa niya ang sarili sa nagawa. Kung may nakakatakot na si West, mas lalo pa ang nag-iisang Professor Lukas, isang ginagalang na iskolar, disiplinado, at kilala sa mga leksyong hindi mo makakalimutan habambuhay. Siya rin ang mag-isang nagpalaki kay West simula nang mawala ang ina nito.Ayon sa iba, tila ruler daw ang gamit ni Lukas sa paghubog sa pisngi ni West, ganun katumpak ang pagpapalaki niya rito. Si Chito, na kababata ni West, sanay na sa katahimikan nito, pero kahit siya’y napapako sa kinatatayuan kapag napatingin sa kanya ang Uncle Lukas niya.Sa sala ng bahay ng pamilya Lancaster, kalmado si West habang umiinom ng tsaa sa tabi ng kanyang ama. Mula sa kusina, sumigaw si Wendy, pilit binubuksan nito ang garapon na ayaw paawat sa pagkakasara. Bago pa man siya makagalaw para tumulong, tumunog ang cellphone ni Lukas. Tinitigan niya ang screen nito at hindi iyon pangkaraniwan dahil wala namang direktang kumokontak dito. At ang mas lalong naka
Nakatayo si West sa dilim, tahimik na pinapanood habang maingat na isinakay ni Dash si Amber sa sasakyan. Hindi man lang ito lumingon. Hindi nagsalita. Maingat na isinara ni Dash ang pinto, tinapik ang bubong ng kotse, at tumango kay Lilith.Bumagsak ang tingin ni West sa suot ni Dash.Basang-basâ ang harap. At may bakas ng ibang likido.Dugo.Isang pulang mantsa ang dahan-dahang kumalat sa puting tela, direkta sa ibabang bahagi ng kanyang damit.Hindi natinag si Dash. Sa halip, dumaan ito sa harap niya, tumigil sandali, at mahinahong nagsalita. “May personal ka bang galit, Attorney Lancaster?”Hindi siya sinagot ni West.Nagpatuloy lamang si Dash. “Ang pagtulak sa isang babaeng may buwanang dalaw sa pool, ganito ka ba magpakita ng kawalan ng interes?”Sumingkit ang mga mata ni West. “At sa anong posisyon mo sinasabi ‘yan?”Tuwid ang tindig ni Dash at lumingon sa kanya. “Hindi bilang kalaban mo kundi bilang host ng kaganapan ngayon. Ayoko lang ng eskandalo sa bubong ng pamilyang Lexin