หน้าหลัก / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 8: Games of Power and Desire  

แชร์

Chapter 8: Games of Power and Desire  

ผู้เขียน: Lyric Arden
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-02 22:04:12

"Atty. Lancaster!"

Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga.

Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan.

Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao.

"Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses.

Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito.

Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Love Under Legal Terms   Chapter 71: A Slap and A Standoff  

    Binalibag ni Blake ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Whitney. Matulis ang tingin niya na ibinaon sa lalaki habang magkatapat silang nakatayo sa tahimik na pasilyo ng ospital. Tila isang iglap lang ay napuno ng tensyon ang paligid."Sinadya mo ba talaga 'to?" mariin niyang usal, kasabay ng pagtaas ng kanyang baba na puno ng hamon. "Hinila mo ako palayo para makapag-ayos sila nang hindi ko alam?"Hindi pa man nakakasagot si Whitney ay mabilis na siyang tumalikod, nagmamadaling humakbang pabalik sa ward. Halos nagngangalit ang boses niya. “Hindi puwedeng hayaan na lang natin ang hayop na 'yon na lapitan ang kaibigan ko. Walang karapatan ang lalaking iyon na mapalapit sa kanya. Hindi bagay ang gan’yang klase ng tao na mapalapit kay Amber!”Hinabol siya ni Whitney at muling hinawakan sa pulso. "Ms. Enthir, sandali lang. Hindi naman tama 'yan. Kampi rin ako kay Amber, okay? Mula pa noon, Team Amber ako. Walang tanong-tanong. Pero ang kalusugan niya ang mas mahalaga ngayon. Menstrual cr

  • Love Under Legal Terms   Chapter 71: Silent Regret

    Agad niyang ibinaba ang tawag, halos isumpa niya ang sarili sa nagawa. Kung may nakakatakot na si West, mas lalo pa ang nag-iisang Professor Lukas, isang ginagalang na iskolar, disiplinado, at kilala sa mga leksyong hindi mo makakalimutan habambuhay. Siya rin ang mag-isang nagpalaki kay West simula nang mawala ang ina nito.Ayon sa iba, tila ruler daw ang gamit ni Lukas sa paghubog sa pisngi ni West, ganun katumpak ang pagpapalaki niya rito. Si Chito, na kababata ni West, sanay na sa katahimikan nito, pero kahit siya’y napapako sa kinatatayuan kapag napatingin sa kanya ang Uncle Lukas niya.Sa sala ng bahay ng pamilya Lancaster, kalmado si West habang umiinom ng tsaa sa tabi ng kanyang ama. Mula sa kusina, sumigaw si Wendy, pilit binubuksan nito ang garapon na ayaw paawat sa pagkakasara. Bago pa man siya makagalaw para tumulong, tumunog ang cellphone ni Lukas. Tinitigan niya ang screen nito at hindi iyon pangkaraniwan dahil wala namang direktang kumokontak dito. At ang mas lalong naka

  • Love Under Legal Terms   Chapter 70: Fall and Fallout

    Nakatayo si West sa dilim, tahimik na pinapanood habang maingat na isinakay ni Dash si Amber sa sasakyan. Hindi man lang ito lumingon. Hindi nagsalita. Maingat na isinara ni Dash ang pinto, tinapik ang bubong ng kotse, at tumango kay Lilith.Bumagsak ang tingin ni West sa suot ni Dash.Basang-basâ ang harap. At may bakas ng ibang likido.Dugo.Isang pulang mantsa ang dahan-dahang kumalat sa puting tela, direkta sa ibabang bahagi ng kanyang damit.Hindi natinag si Dash. Sa halip, dumaan ito sa harap niya, tumigil sandali, at mahinahong nagsalita. “May personal ka bang galit, Attorney Lancaster?”Hindi siya sinagot ni West.Nagpatuloy lamang si Dash. “Ang pagtulak sa isang babaeng may buwanang dalaw sa pool, ganito ka ba magpakita ng kawalan ng interes?”Sumingkit ang mga mata ni West. “At sa anong posisyon mo sinasabi ‘yan?”Tuwid ang tindig ni Dash at lumingon sa kanya. “Hindi bilang kalaban mo kundi bilang host ng kaganapan ngayon. Ayoko lang ng eskandalo sa bubong ng pamilyang Lexin

  • Love Under Legal Terms   Chapter 69: Underneath the Guise  

    Kumapit sa kanyang mga buto ang lamig, parang sumpang ayaw kumawala.Mas lalo pang isiniksik ni Amber ang sarili sa dibdib ni Dash, pilit hinahanap ang init sa gitna ng basang suot at namamasang katawan. Binalot siya ng coat ng lalaki, isang mamahaling jacket na halatang hindi para sa kanya; masyadong malaki, masyadong basa, at kulang na kulang sa ginhawa. Pero sa ngayon, iyon na ang pinakapwede niyang sandalan. Dumadaloy ang init mula sa katawan ni Dash, pilit tinatawid ang pagitan ng kanilang balat, pero hindi pa rin tumigil ang panginginig niya. Para siyang nilalamon ng bagyo sa loob ng sarili niyang katawan.Hinigpitan ni Dash ang pagyakap sa kanya. “Miss Harrington?”Pumiglas ang tinig ni Amber mula sa kanyang mga labi. Paos, basag-basag, halos hindi marinig. “Giniginaw ako. Hindi ko sinasadya.”Ang tunog ng boses niya ay tila isang batang nawawala, malayo sa dating palaban at mayabang na babae na kilala ng madla. Wala ni anino ng babaeng pinupulutan ng tsismis sa media. Sa hali

  • Love Under Legal Terms   Chapter 68: A Fox in Silk and Smoke  

    Nagmadaling dumating si Blake, hingal at namumula ang pisngi sa pagmamadali. Halos hindi pa siya nakakabawi ng hininga nang iwagayway niya ang mga kamay sa harap ni Amber, bahagyang nanunukso at bahagyang iritado.“Hindi ba dapat sabay kayong dumating?” tanong ni Mikael, bahagyang tinaas ang kilay habang pinagmamasdan ang gusot na itsura ni Blake.Napabuntong-hininga si Amber, para bang pinipiga na ang huling hibla ng kanyang pasensya. “Dapat sana. Pero may isang—”“Okay, tumigil ka na,” putol ni Blake, mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Amber ng kanyang palad bago pa ito makapagsalita. Alam na niyang walang mabuting susunod doon.Nag-aasaran pa rin sila nang lumitaw ang isang mataas at mahinhing babae. Dumating si Helena, ang presensiya niya ay agad na umagaw ng atensyon. Nakasuot ito ng itim na cheongsam, tradisyunal ang hiwa at kilos, simpl

  • Love Under Legal Terms   Chapter 67: The Art of Playing Dangerous Games  

    Narinig ni Amber ang tinig ng lalaki, kalmado, magaan, masyadong magalang para maging totoo.Bahagya itong ngumiti, nakataas ang isang kilay.“Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko kanina.” Ani Amber.Lumingon siya kay Dash at may idinagdag. “Pero kung pagbabatayan ang reputasyon ni Ginoong Lexington bilang isang ginoo, pinapatawad ko na siya.”Tahimik lang si Alina sa gilid, pinagmamasdan ang banayad ngunit tensyonadong palitan ng mga salita ng dalawa. Hindi niya lubos mawari kung anong klaseng enerhiya ang namamagitan sa kanila. Kaya’t napatingin siya kay West, saka mahinang ngumiti, at marahang pinisil ang braso ni Dash. “Dash, nasa kamay mo na si Miss Harrington.”Tumango si Dash, banayad at may dignidad. “Miss Harrington, kung maaari.”Humakbang si Amber, at pumasok sa banquet hall habang kasa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status