LOGINMay mga lalaki talagang naniniwala na ang ganitong paraan ay kayang ayusin ang lahat.
Pakiramdam ni Amara ay napaka-kaawa-awa niya. Kaya nang dumaiti ang mainit at mapilit na kamay na iyon sa kanya, buong lakas siyang nangagat.
“Hey—Lucien, Stop! Look at me now… makikita mo ngayon kung sino ba talaga ako!”
Sa gitna ng kaniyang pagpupumiglas, nahulog ang kanyang hair clip sa sahig, at bumagsak ang kanyang hanggang-balikat na buhok nang gulo-gulo. Napadaing sa sakit si Lucien at binitiwan siya, ang mukha nito ay nagdilim sa inis. Lalo na ng makita ang maiksi na niyang bulok.
“Bakit mo ginupit ang buhok mo?”
Dahil sa pagkakataon, mabilis na bumaba ng kama si Amara at lumayo sa kanya.
“Bakit, hindi mo na ba siya nakikita sa akin ngayong pinutol ko na ’to?”
Hindi na niya matandaan kung kailan ito nagsimula. Noong una, ginagaya niya ang pananamit ni Lysandra, ang hairstyle nito, pati na ang mga kilos nito—makuha lang ang atensyon ni Lucien.
Pero ang tao ay sakim.
Unti-unti, naniwala siya sa ilusyon na baka… balang araw, mamahalin din siya ni Lucien gaya ng pagmamahal nito sa babaeng iyon. Pero nang bumalik ang tunay na Lysandra, doon lang luminaw kay Amara ang lahat ng katangahang ginawa niya sa loob ng maraming taon.
Agad na naging malamig ang ekspresyon ni Lucien. Ang boses nito ay bumaba, paos na tila nagbabanta.
“Alam mo ba ang mga sinasabi mo?”
Huminga nang malalim si Amara, pinipilit na manatiling kalmado.
“Lucien, matatanda na tayo. Let’s stop playing these childish games. Ipapahanda ko na ang divorce papers para mapirmahan mo as soon as possible.”
Lalong lumalim ang gatla sa pagitan ng mga kilay ng lalaki, tila isang bagyong sasabog na.
Nagpakawala ito ng isang mahinang tawa.
“Ang isang kalkuladong tao na gaya mo, na nakuha pang i-frame up ang sariling kapatid noong wedding day, ay susubok ng bagong trick? Aren’t you tired of this? Hindi ka ba natatakot na baka totohanin ko ang pagpirma?”
Hinaplos ni Amara ang bakas ng singsing sa kanyang daliri at nagpakawala ng hininga.
“That would be perfect. Pareho na tayong magiging malaya.”
“Saan ka pupunta? You have no degree, no job, and your mother is sick. Akala mo ba kaya mong mabuhay nang wala ako? You’re just acting up dahil bumalik si Sandra.”
Ngunit ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay hindi na ang Amara na kilala niya.
Tumingin siya diretso sa mga mata nito—walang takot, walang luha, walang bakas ng dating pagmamahal.
“Maybe I’ll struggle,” mahina ngunit matalim ang boses niya. “Pero mas pipiliin kong maghirap sa labas kaysa manatili dito—sa ‘yo—bilang kapalit ng babaeng hindi mo kailanman binitawan.”
Sa unang pagkakataon… natahimik si Lucien.
Ang pang-uuyam sa mga mata niya ay dahan-dahang naglaho. Akmang lalapit na ito sa kanya nang biglang tumunog ang telepono nito. Sa sandaling umilaw ang screen, nahagip ng mata ni Amara ang pangalan ng contact—
My Dear.
Pagkasagot na pagkasagot, sadyang tumalikod si Lucien. Pero ramdam ni Amara—si Lysandra ang nasa kabilang linya. Ang boses nito ay tila umiiyak. Agad na lumambot ang tono ng lalaki, isang lambing na hindi kailanman naranasan ni Amara.
Hindi naman pala siya manhid. Marunong naman pala siyang maging malambing. Hindi niya mapigilang mapatawa nang mapait. Naalala niya noong isang beses na nalasing ito. Palihim niyang kinuha ang phone nito at pinalitan ang contact name niya ng Wife, umaasa—kahit kaunti—na magkakaroon ito ng reaksyon. Pero dumating ang pagkakataon na ibinalik ito ni Lucien sa dati.
Amara.
Walang kulay. Malayo. Walang kaibahan sa ibang mga contact.
Maya-maya ay tinapos na ni Lucien ang tawag at humarap muli, ang kanyang mukha ay bumalik na naman sa dati nitong kawalan ng pakialam.
“Huwag mong isiping matatakot ako sa pananakot mo ng divorce. I’d be happy if you stepped aside. Pero hindi kita pinabayaan sa loob ng maraming taon. You’ve had the best food and clothes. Huwag mo ding subukang gamitin sa akin ang ‘utang na loob’. If we divorce, aalis kang walang-wala.”
Pagkasabi niyon, tumalikod siya at lumabas. Pero sa likuran niya, umalingawngaw ang kalmadong boses ni Amara—
“Fine. I’ll make it clear sa agreement.”
Pumintig ang sentido ni Lucien. Hindi niya aakalaing ganito katigas ang ulo ng babae.
“We’ll see kung hanggang saan ’yang katigasan ng ulo mo.”
Pagkatapos, marahas na bumagsak ang pinto.
Walang duda, pupuntahan kung sino man ang tumawag dito.
Si Lysandra.
Noong tuluyan nang naglaho ang mga hakbang nito, doon lang bumagsak si Amara sa kama. Ang katahimikan sa paligid ay tila isang bangin na lumalamon sa kanya. Hindi pa bumababa ang kanyang lagnat, at pinipilit lang niyang magpakatatag. Ngayong mag-isa na lang siya, hinayaan na niyang dalawin siya ng antok. Kailangan niyang gumaling agad—marami pa siyang kailangang ayusin.
Pero kahit sa panaginip, hindi siya tinatantanan ng mga boses na iyon.
...Bagay na bagay sina Sandra at Lucien. Marami kayong similarities.
...Si Amara ay housewife lang na hindi man lang nakatapos ng college. Anong alam niya kundi magluto?
...Wala kang kakayahan gaya ni Lysandra—bakit mo ba pinipilit makipagkompetensya?
...Kinakain mo ang pagkain ko, iniinom ang ibinibigay ko, at nakatira ka sa bahay ko. If we divorce, aalis kang walang-wala.
Ang mga salitang iyon ay tila sumpa, paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tainga. Para kay Lucien—at para sa lahat—siya ay walang silbi. Kasalanan niya rin naman. Masyado siyang nagmahal nang mababa. Sa paglipas ng panahon, unti-unti niyang kinalimutan ang sarili hanggang sa hindi na niya matandaan kung sino ba talaga siya dati.
Noong nag-aaral pa siya, siya ang pinakamagaling. Tuwing ilalabas ang resulta ng exams, pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase, puno ng paghanga at pagbati. Noon, tumatango lang siya, dahil alam niyang pinaghirapan niya iyon. Mayroon siyang talento at sipag.
Mula elementarya, itinakda na ng kanyang ina ang isang napakahigpit na routine. Gigising siya ng alas-singko ng umaga, mag-aayos, tatakbo, magmememorya ng mga vocabulary sa alas-sais, at kailangang tapos na ang lahat ng homework bago mag-alas-diyes ng gabi. Dahil ang mahabang buhok ay kumakain ng oras, pinanatili niyang maikli ang kanyang buhok.
Habang ang ibang bata ay nasa amusement park tuwing Sabado at Linggo, ang mundo niya ay umiikot sa mga tutoring sessions at tambak na gawain. Isang perfectionist ang kanyang ina. Hindi lang nito napagsasabay ang karera at pamilya nang maayos, mataas din ang ekspektasyon nito kay Amara. Minsan, noong bumagsak siya sa isang placement test, kinaladkad siya ng kanyang ina mula sa kama sa gitna ng gabi at sinampal siya.
Noong una, sumasama ang loob niya. Pero kalaunan, nagpasalamat siya sa higpit na iyon—dahil doon siya nakapasok sa National Institute of Defense Science & Technology, ang paaralang palagi niyang pinapangarap. Hangga’t naipagpapatuloy niya ang ganoong bilis, tiyak na magiging maliwanag ang kanyang kinabukasan.
Pero ang lahat ay biglang huminto dahil kay Lucien. Pagkatapos niyang saluhin ang saksak para rito, napilitan siyang huminto sa pag-aaral at manatili sa ospital. Sa kabila niyon, noong bahagyang gumaling na ang sugat niya sa tiyan, nagsimula siyang mag-aral muli.
Pero malupit ang tadhana. Biglang lumala ang kanyang kondisyon at naging progressive gastric cancer—AGC. Wala itong lunas. Halos hindi kinaya ng kaniyang katawan. Iniiwasan din niya ma-stress kaya ang kanyang pangarap sa pag-aaral ay tuluyang gumuho.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatagpo siya ng pag-ibig. Isang taon siyang nanatili sa ospital, at sa panahong iyon, hindi siya iniwan ni Lucien. Kahit na sobrang busy nito, siya mismo ang nag-aalaga sa kanya—naghuhugas ng paa, nagtatapon ng kanyang urine bag, nag-aayos ng kanyang study materials.
Bumubulong ito sa boses na napakalambing na kayang tunawin ang puso ng kahit sino, “Amara, don’t cry. Kahit anong mangyari, I’ll take care of you. I’ll treat you well… habambuhay.”
Hindi nagtagal, nagkaroon ng engrandeng proposal. Nang makita niya ang engagement ring, naniwala siyang iyon ang pinakamabisang lunas sa lahat ng sakit. Pero ang mga pangako ay may expiration date.
Ang mga alaala ay humampas na parang baha, tila nilulunod siya. Walang pigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mukha. Nang magising siya, basang-basa ang kanyang unan.
“Masyado akong napahimbing…” bulong niya, sabay bangon para maghilamos ng malamig na tubig sa banyo.
Noong bata pa siya, iniisip niya ang kanyang sarili sa hinaharap—puno ng kumpyansa, maningning, buhay na buhay. Pero ngayon, ang nasa salamin ay isang maputla at pagod na mukha.
Siguro nga ay hindi ang mga kasinungalingan ang nakakasakit sa tao. Ang mga masasakit na salitang narinig niya ay hindi naman ganap na mali. Naging isa nga siyang walang silbing housewife. Pinunasan niya nang mariin ang kanyang mukha, pinipilit na kumalma.
Maya-maya ay kinuha niya ang kanyang selpon at nagpadala ng mensahe sa isang dating kaklase, nagtatanong tungkol sa mga requirements at slots para sa pag-uulit ng exams ngayong taon. Bago pa siya makakuha ng sagot, isang nars ang nagsalita mula sa labas ng pinto.
“Miss Amara, gising na ang nanay mo at hinahanap ka niya.”
Nagliwanag ang mga mata ni Amara. Kinuha niya ang kanyang coat at nagmamadaling nagtungo sa ward. Pero pinigilan siya ng nars nang marahan.
“Medyo agitated ang nanay mo. Try to be patient with her—kakatapos lang niya sa surgery.”
Natigilan si Amara, pagkatapos ay tumango. “Salamat.”
Pagpasok niya sa ward, nakasandal na ang kanyang ina sa ulunan ng kama.
“Ma, kamusta po ang pakiramdam niyo—”
“Nabalitaan kong makikipag-divorce ka raw kay Lucien?”
Natigilan si Amara.
Nang marinig ang pagbabago sa tono ng ina, naramdaman ni Amara ang kaba. At ang isiping, paano nakarating sa kaniyang ina ang balitang iyon sa maiksing oras?
“Opo… pero huwag niyo na po ’yong isipin.”
Slap!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha.
“Hindi ko iisipin? Ang asawa mo, malapit nang makuha ng babaeng ’yon!” sigaw ng kanyang ina, ang boses ay matalim sa galit. “Inutil na bata! Ang divorce ay pag-amin ng pagkatalo. You are not allowed to divorce! Bumalik ka sa kanya ngayon din at makipag-ayos kay Lucien!”
Nagulat si Amara na sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi, hindi pa rin umalis si Lucien. Napadako ang tingin niya sa natitirang pork ribs sa loob ng refrigerator. Sa isang maikling sandali, isang katawa-tawang isipan ang pumasok sa kanyang ulo—posible kayang bumalik ito kagabi nang may galit at lihim na ginalaw ang kanyang pagkain? Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang container at itinapon ito sa basurahan. “Achoo!” Isang bahing ang narinig niya mula sa likuran. Hinimas ni Lucien ang kanyang sentido at dahan-dahang naupo. Si Amara ay laging matalas ang pakiramdam pagdating sa lalaki. Noon, mapapansin niya agad kahit ang pinakamaliit na senyales ng sakit at agad ipagluluto ito ng ginger soup—simple, pero laging epektibo sa simula ng sipon. Pero ngayon, umarte siya na tila walang narinig. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa pinto. “Don’t you have work in the afternoon?” kumunot ang noo ni Lucien. Hindi man lang siya nilingon ni Amara. Y
Nagulat si Amara na sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi, hindi pa rin umalis si Lucien. Napadako ang tingin niya sa natitirang pork ribs sa loob ng refrigerator. Sa isang maikling sandali, isang katawa-tawang isipan ang pumasok sa kanyang ulo—posible kayang bumalik ito kagabi nang may galit at lihim na ginalaw ang kanyang pagkain? Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang container at itinapon ito sa basurahan. “Achoo!” Isang bahing ang narinig niya mula sa likuran. Hinimas ni Lucien ang kanyang sentido at dahan-dahang naupo. Si Amara ay laging matalas ang pakiramdam pagdating sa lalaki. Noon, mapapansin niya agad kahit ang pinakamaliit na senyales ng sakit at agad ipagluluto ito ng ginger soup—simple, pero laging epektibo sa simula ng sipon. Pero ngayon, umarte siya na tila walang narinig. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa pinto. “Don’t you have work in the afternoon?” kumunot ang noo ni Lucien. Hindi man lang siya nilingon ni Amara. Y
“Sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang sabihin ’yan?!” Pumiyok ang boses ni Amara sa tindi ng emosyon, ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa hindi mapigilang hinanakit at galit. Sa talas ng kanyang tingin, tila ba nanginig maging ang chandelier sa itaas nila. Natigilan nang sandali si Lucien bago tumigas ang kanyang ekspresyon. “Can you not speak like that?” Ngunit tila nawala na sa sarili si Amara. Sinugod niya ito, sinubukang saktan, pero madali lang siyang napigilan ni Lucien. Mahigpit na nakakulong ang kanyang pulso sa kamay nito. “Parent-teacher meeting? Minsan lang siya pumunta sa buong buhay ko,” nanginginig niyang sabi. “And I wish he hadn’t come at all.” Naputol ang kanyang paghinga habang sumusulpot ang mga masasakit na alaala. “Masyado pa akong bata noon… nagsisimula pa lang ang regla ko. I didn’t understand anything… at iniwan niya ako doon nang mag-isa.” Gaya lang ng nangyari ngayong gabi. Iniwan siyang mag-isa para tiisin ang kahihiyan. Ang imahe ng kanyang ama ay
“Gusto niya ba talaga ng divorce? Who is she trying to scare? Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya noon para lang kumapit kay Lucien?” “Masyado ka bang nanonood ng mga drama? This is giving off that cliché ‘love triangle, hard-to-get, tragic romance’ vibe—at mukhang effective naman ang pag-arte mo!” Matagal nang sanay si Amara sa ganitong uri ng panunuya. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid, ang mga labi ay nakakurba sa isang matipid at walang pakialam na ngiti. Para sa kanila, wala siyang ibang silbi kundi maging libangan sa gabing ito. Natural lang na mabilis na nalipat ang paksa ng usapan. Karamihan sa mga nasa silid ay mga dating kaklase ni Lucien sa private school. Habang nagbabalik-tanaw, hindi naiwasang mapunta ang usapan sa kanilang mga araw bilang estudyante. At tuwing mababanggit si Lucien, lalong sumisigla ang kanilang mga boses. Noon, siya ang tinaguriang “young master ng campus”—sikat sa mga babae, sinusunod ng mga lalaki, mailap at walang takot. Kapag masama ang
Bumakat ang limang daliri sa pisngi ni Amara. Likas na humakbang pasulong si Lucien—pero natigil siya nang mapadako ang tingin kay Lysandra na nanghihinang nakasandal sa kanya. Nanikip ang kanyang lalamunan. Sa huli, wala siyang sinabi. Agad na isiniksik ni Lysandra ang sarili sa mga bisig ni Lucien, hawak ang dibdib na tila siya ang dehado. Ngunit sa anggulong tanging si Amara lang ang nakakakita, nagpakita ito ng isang mapang-uyam at matagumpay na ngiti. “Wala ka talagang hiya! Lysandra, ano ba talagang balak mo?!” Nang makitang sinalo ni Amara ang sampal para sa kanya, napa-angat ng manggas si Alyssa at akmang susugod para ibalik iyon nang sampung beses, pero mabilis siyang pinigilan ni Amara. Ayaw na niyang lumaki pa ito. Alam na ng lahat—ang ugnayan nina Lucien at Lysandra ay matagal nang isang lantad na lihim. Wala nang saysay na makipagtalo pa rito. Wala siyang pakialam kung masira ang sarili niyang reputasyon, pero tumatanggi siyang idamay ang kaibigan sa gulo. Nang hin
Nanliwanag ang mga mata ni Alyssa. “Pero walang bagay na perpekto. Hindi ako naniniwalang nalinis nila ang lahat nang ganoon kadali. There must be a mistake somewhere.” Dahil sa seryosong mukha nito, nakaramdam ng bahagyang init sa dibdib si Amara. Mahina niyang sinabi, “Ayos lang ’yun. Hinayaan ko na lang ang tadhana na magpasya.” Ang mahanap ang katotohanan at malinis ang kanyang pangalan ang pinaka-ideyal—pero huli na ang lahat para sa kanya. Kahit pa mapatunayan niya ang kanyang pagiging inosente ngayon, ang mga tsismis, kahihiyan, at panghuhusgang dinanas niya sa loob ng maraming taon ay nangyari na. Mababalik pa ba ang oras para burahin ang lahat? “Matapos ang nangyaring ’yun, si Lucien, bilang asawa mo, hindi man lang naniwala sa’yo,” patuloy ni Alyssa. “That means he still thinks you’re a cruel, heartless person.” “Ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipag-divorce ay siguro dahil sa saksak na sinalo mo para sa kanya.” “But now that you’ve finally asked for it, dapat ay







