Mag-log inSa loob ng isang medyo bagong dalawang palapag na villa, itinapon ni Wallie ang kanyang phone sa tabi at ipinagpatuloy ang pagnguya ng kalahating nginuyang nganga sa kanyang bibig, habang malalim na nag-iisip.Ang villa ay isa sa kanyang mga karaniwang tambayan, kung saan siya at ang kanyang mga tauhan ay madalas na nagtitipon para uminom.“Twenty million… Makakakuha kaya siya ng ganoon kalaking pera? What if pinaglalaruan lang niya tayo?”Ang mas batang lalaki sa tabi niya na si Antonio ay nasa kwarenta na rin ang edad. Matagal na siyang sumusunod kay Wallie mula pa noong huminto ito sa junior high school.Maaaring mas bata si Wallie, pero mabilis ang isip nito. Kahit nag-aalala siya, hindi niya pwedeng ipakita 'yon sa harap ng kanyang mga tauhan.“'Wag kang mag-alala. Hindi niya magagawa 'yon. Hawak natin ang leeg niya, at napakarami nating hawak na litrato. Ang mga taong katulad niya na may maayos na buhay sa lungsod, mas mahalaga sa kanila ang kanilang reputasyon.”“Nabalitaan ko
At ang lahat ng mga bangungot ay mabilis na nagbalik.Nakaupo si Amara sa kanyang desk, ang kanyang mga kamay at paa ay malamig pa sa yelo kahit nakabukas nang malakas ang heater.Baka nagkakabisa na rin sa wakas ang gamot sa lagnat.Ang kanyang isip ay naging mas malinaw na.Nang mag-tanghalian na, tinawag siya ng matandang guard sa pinto."Miss Amara, may package para sa'yo."Napatigil si Amara.Saka niya kinuha ang package.Medyo mabigat at makapal ito.Sinabihan niya ang kanyang mga kasamahan na mauna nang mag-tanghalian habang bumabalik siya sa opisina nang nag-iisa.Nang buksan niya ang package, lumubog ang kanyang puso.Ang mismong kinatatakutan niya ang nasa loob.Isang makapal na bunton ng mga printed na litrato.Mga litratong walang damit.Naggitgit ng ngipin si Amara at pilit ang sariling isa-isahing tingnan ang mga 'yon.Saka nagbago ang kanyang ekspresyon.Ang walanghiyang si Wallie ay hindi lang pala kumuha ng mga litrato niya.May mga litrato rin ng kanyang ina.Naramda
Hindi maintindihan ni Amara kung paano nagagawang maging napakapal ng mukha ng isang tao.Sa matinding galit ng kanyang ina, itinuro nito ang babae at nagmura, "Wala ka man lang bang kahihiyan? Hindi pa nga ako pumupunta sa'yo para makipagtuos, tapos may lakas ka pa ng loob na pumunta sa pintuan ko?""Dahil gusto mong pag-usapan ang pera, then let's do the math.""Sa nakalipas na mga taon, 'yang walanghiyang si Danny ay siguradong gumastos ng napakalaking halaga para suportahan kayo ng anak mo, 'di ba?""You're a lawyer. Dapat alam mo na bilang legal wife niya, I have every right to take this matter to court at hilinging ibalik ang lahat ng ari-ariang 'yon!"Hindi lang 'yon basta sinabi ng kanyang ina.Talagang ginawa niya ito.Naghain siya ng demanda laban sa mag-ina at kinuha ang mga bank record ni Danny bago ito namatay.Lumalabas sa imbestigasyon na totoong itinago ni Danny ang karamihan sa kita ng kanyang mga pribadong negosyo.Pero halos lahat ng 'yon ay kinuha niya sa cash.Wal
Simple lang ang libing ng kaniyang ama. Ilang mga kamag-anak at kaibigan lang ng pamilya ang dumating para magpaabot ng kanilang pakikiramay.Umiyak nang napakasakit ang kaniyang ina. After all, naging asawa niya 'to nang higit sa kalahati ng kanyang buhay, at ngayon ay wala na 'to magpakailanman.Niyakap ni Amara ang kanyang ina, nag-aalala sa kung gaano 'to kapayat ngayon. Halos wala siyang maramdaman kundi mga buto na lang sa ilalim ng kanyang yakap.Nang pumasok ang isang babae at isang batang babae sa lamay, inakala ni Amara na purong dating kasamahan o kakilala lang sila ng kanyang ama. Hahapitin niya sana sila para tanungin kung sino sila.Pero ang babae ay direktang naglakad papasok sa kwarto nang hindi man lang sila tinitingnan.Lumuhod ito sa harap ng litrato ng kanyang ama at nagsimulang humagulgol."Papa, dumating kami ni Mama para bisitahin ka. Nandito kami para ihatid ka sa huling paglalakbay mo."Tila taon-taon nang pinipigil ni Lysandra ang kanyang mga emosyon. Sa sand
Sa loob ng ward, pagkaalis ni Madam Del Castillo at Lysandra, dahan-dahang idinilat ulit ni Lucien ang kanyang mga mata.Agad siyang nagpadala ng mensahe sa kanyang assistant, na hinihiling na dalhin ang kanyang computer sa lalong madaling panahon.Pero bago pa makarating ang assistant niya, pumasok si Raphael .Pagkapasok sa ward, tumingin si Raphael kay Lucien na nasa kama ng ospital, saka sa na-injure nitong braso."Malala ba?"Nakatitig lang si Lucien nang blangko sa kisame."Wala 'to."Tumango si Raphael .Saka, nang walang babala, inabot niya at tinapik ang na-injure na braso ni Lucien.Agad na lumabas ang malamig na pawis sa noo ni Lucien.Galit na galit siyang tumitig sa kanya."Gusto mo ba talagang mamatay?"Hindi man lang natakot si Raphael . Kaswal niyang hinarap ang isang upuan at umupo."'Di ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan?"Kasabay noon, itinapon niya ang computer na hiningi ni Lucien sa kama.Agad 'tong binuksan ni Lucien at tiningnan ang tracking software.Sa
Ang pamilya Navarro ay dating itinuturing na kumportableng middle-class.Mayroon silang maliit na kumpanya, habang si Laura naman ay nagpapatakbo ng isang stationery shop. Ang pamilya ay may dalawa ring ari-arian sa ilalim ng kanilang pangalan.Kahit pa na-ospital si Danny dahil sa cancer, ang kanyang mga gastos sa medisina ay hindi kailanman dapat umabot sa napakalaking utang na 'yon.Umiiyak si Laura habang desperadong nagpapaliwanag, "Sinabi ko na sa inyo ang lahat! Ang walanghiyang si Danny ay may itinagong kabit. May illegitimate daughter pa siya. Siya ang nagbigay ng pera sa babaeng 'yon at sa anak niya. Wala kaming natanggap kahit sentimo!"Pero tumanggi ang lalaki na maniwala sa kanya."Nagtanong-tanong na ako. Wala man lang isang taong nakabalita na may iba siyang babae. Ginagawa mo lang 'to para linlangin ako."Kailangang sabihin na naprotektahan nang napakahusay ni Danny si Lysandra at ang ina nito sa mga taong 'yon.Kahit ang mga taong inutangan niya ay hindi kailanman nag
Nanatili si Amara nang magdamag sa isang malapit na hotel.Pagkagising niya kinaumagahan, hinilot niya ang kanyang kumikirot na sentido; mukhang sinumpong siya ng sipon dahil sa mga nangyari kagabi. Akma niyang titingnan ang oras sa kanyang telepono nang makuha ng isang mensahe ang kanyang atensyon
Sa labas, balot na ng kadiliman ang paligid, ngunit tila walang balak tumigil ang ulan, dahilan upang lalong maging mabalisa ang gabi.Ipinagpag ni Amara ang mga patak ng tubig mula sa kanyang payong habang nag-aalinlangang nakatitig sa mga unanswered at cancellation na mga pina-book niyang grab at
May mga lalaki talagang naniniwala na ang ganitong paraan ay kayang ayusin ang lahat.Pakiramdam ni Amara ay napaka-kaawa-awa niya. Kaya nang dumaiti ang mainit at mapilit na kamay na iyon sa kanya, buong lakas siyang nangagat.“Hey—Lucien, Stop! Look at me now… makikita mo ngayon kung sino ba tala
Nanliit ang mga mata ni Lysandra, bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha. Habang pilit na ngumingiti, agad siyang sumulyap sa lalaking nasa tabi niya.Nanatiling nakatayo si Lucien, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, ngunit may kakaibang lamig na nagmumula sa kanya.“







