เข้าสู่ระบบNanliit ang mga mata ni Lysandra, bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha. Habang pilit na ngumingiti, agad siyang sumulyap sa lalaking nasa tabi niya.
Nanatiling nakatayo si Lucien, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, ngunit may kakaibang lamig na nagmumula sa kanya.
“Ulitin mo ang sinabi mo.”
Mababa ang kanyang boses, ngunit hindi maikakaila ang panganib na dala nito.
Naramdaman ni Amara ang kanyang galit, pero wala na siyang pakialam.
“Sabi ko, gusto ko nang—”
Bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla siyang hinila ni Lucien sa kanyang mga braso. Lalo pang nagdilim ang mga mata nito, ngunit bago pa man ito makapagsalita, bumukas ang pinto ng emergency room.
Natigilan ang attending physician sa tensyong nasaksihan niya.
“Anong nangyayari rito?”
Mabilis na itinulak ni Amara ang kamay ni Lucien at balisang humakbang pasulong.
“Doc, kumusta po ang nanay ko?”
Pinunasan ni Caius ang pawis sa kanyang noo. “Lucien, Amara, dahil sa nangyari ay kinailangan siyang operahan. ’Wag na kayong mag-alala, naging successful ang first stage ng surgery kahit napaaga ng kaunti. Kaya lang, malaki ang naging epekto nito sa katawan niya, at dahil sa edad niya, kailangan niya ng matinding pag-aalaga sa kanyang recovery.”
Idinagdag niya sa seryosong tono, “At pakiusap, iwasan niyo siyang ma-upset. Swerte tayo this time—naging timely ang surgery. Kapag naulit pa ito… baka hindi na siya magising.”
Tila nabingi si Amara sa narinig. Ang kanyang puso na kanina pa hindi mapakali ay muling kumabog nang malakas, at agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon, naging mas seryoso ang mukha ni Lucien. Humarap siya kay Amara, akmang may sasabihin—
Ngunit biglang gumiwang ang katawan ng babae. Pagkatapos ay tuluyan siyang bumagsak.
Nagulat si Caius at awtomatikong sasalohin si Amara.
“Amara—!”
Pero may mas mabilis pa sa kanya.
Nasalo ni Lucien si Amara sa kanyang mga braso. Nang hawakan niya ang noo nito, kumunot ang kanyang noo—nag-aapoy ito sa lagnat. Walang pag-aalinlangan, binuhat niya ito at tumalikod para umalis.
“Lucien!” mahinang tawag ni Lysandra.
Saglit na huminto si Lucien, pagkatapos ay bahagyang nilingon ang ulo.
“Naka-arrange na ang ward ni Nagel. You can go there yourself.”
Ang dati niyang malamig na boses ay may dalang pagmamadali na tila maging siya ay hindi namamalayan.
“Pero—” Gusto pang magsalita ni Lysandra para pigilan siya.
Sa huli, wala siyang nagawa kundi panoorin ang pag-alis nito habang karga si Amara. Nagdilim ang kanyang mukha, puno ng pagkairita.
Napaka-perfect ng timing.
Paano ang isang taong mukhang maayos naman ay bigla na lang hihimatayin? Ang pagbanggit tungkol sa divorce—lahat ng iyon ay pag-arte lang. Ginagamit lang ni Amara ang pagkakataong ito para paikutin ang malambot na puso ni Lucien. Kung hindi, papansinin ba siya nito?
Mukhang kailangan ko nang bigyan ng konting tulak ang mga bagay-bagay.
Sa isiping iyon, inilabas ni Lysandra ang kanyang telepono at nag-post ng ilang mga larawan nila ni Lucien sa internet.
–
Napadpad si Amara sa isang malabong nakaraan…
Habang nakapikit ang kaniyang mga mata… bumalik siya sa araw ng kanilang kasal ni Lucien. Sa ilalim ng arko ng mga bulaklak, nakatayo si Lucien sa isang perfectly tailored na puting suit. Sa gitna ng karamihan, nagtagpo ang kanilang mga mata, puno ng lambing na napakalalim na mahirap ipaliwanag.
Ibinaba nito ang kanyang ulo, ang boses ay napakahina na siya lang ang nakakarinig.
“You have no idea how long I’ve waited for this day.”
Nanginig ang kamay ni Amara, pero itinaas pa rin niya ito para ilagay sa kamay ng lalaki. Pero nang isusuot na ang singsing—ang simbolo ng kanilang pangako—biglang sumulpot ang babaeng iyon.
Nagkatapatan sila ni Lysandra sa dressing room at nagsimulang magsalita nang may halong pang-uuyam. Ayaw sirain ang sariling kasal, pinilit ni Amara na umalis na lang at nilunok ang kanyang galit.
Ngunit biglang sumigaw si Lysandra sa kanyang likuran at bumagsak sa tumpok ng mga baso ng champagne. Naging magulo ang paligid—nagkalat ang basag na salamin at dugo. Nagtakbuhan ang mga bisita nang marinig ang ingay.
Sinubukan ni Amara na magpaliwanag, pero walang pinaniwalaan si Lucien sa mga salita niya. Nahiwa ang bukung-bukong ni Lysandra. Tiningnan niya si Amara nang may hindi makapaniwala at pagkadismaya sa mga mata.
“Sandra just debuted through a singing and dancing competition. Itataya ba niya ang future niya para lang i-frame up ka?”
Hindi lang si Lucien—wala ni isa sa mga bisita ang naniwala sa kanya. Mula sa araw na iyon, nakilala si Amara bilang isang malupit at walang pusong babae. Lahat ay nakatingin sa kanya nang may panghuhusga.
Noong wedding night nila, pinili ni Lucien na manatili sa ospital para mag-overtime, iniwan siyang mag-isa sa kanilang honeymoon.
Puno ng paghuhusga ang hinarap ni Amara, tila nakalimutan na ng lahat na minsan niyang itinaya ang sariling buhay para saluhin ang saksak para kay Lucien.
Biglang dumilat ang mga mata ni Amara.
Ang kanyang noo ay nababalutan na ng manipis na pawis. Ang malamig na amoy ng disinfectant ay agad na nagpaalala sa kanya na nasa ospital pa rin siya. Mabilis siyang bumangon, akmang bababa na sa kama.
Isang kamay ang humawak sa kanya.
“Saan ka pupunta?”
Ang pamilyar na boses ng lalaki ay lalo lang nagpataas ng kanyang inis. Itinulak niya ito nang walang pag-aalangan. Idiniin siya ni Lucien pabalik sa kama.
“Stay here and don’t move.”
Kumunot ang noo ni Amara at binigyan siya ng malamig na tingin. “Umalis ka. I need to see my mother.”
Nang mapansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi, bahagyang lumambot ang tono ni Lucien—isang bagay na bihirang mangyari.
“Hindi pa gising ang nanay mo, but her vital signs are stable. May mga nurses namang nagbabantay sa kanya.”
Doon lang nakahinga nang maluwag si Amara. Napansin din niyang tuyo at paos ang kanyang lalamunan. Inabutan siya ni Lucien ng isang basong tubig. Hindi niya ito tinanggap. Sa halip, tiningnan niya ito nang diretso.
“Then why are you still here?”
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lucien, halatang hindi inaasahan ang ganoong tono mula sa kanya. Ang kamay nitong may hawak na baso ay natigilan sa hangin.
Sa nakalipas na apat na taon ng kanilang kasal, ang lahat ay laging nasa ilalim ng kontrol niya. Gaano man siya kalamig o kalayo, basta’t uuwi siya sa gabi, isinasantabi ni Amara ang sama ng loob nito para batiin siya nang may ngiti. Para sa kanya, si Amara ay parang saranggola—ang pisi ay mahigpit na hawak niya, at ang emosyon nito ay sumusunod sa kanyang kumpas.
“Lucien, seryoso ako sa sinabi ko kanina.”
Tumawa lang nang mahina ang lalaki. Ibinaba niya ang baso at tiningnan siya nang nakakaloko.
“Divorce? Haven’t you said that before?”
Agad na nag-igting ang kamao ni Amara, kasabay ng pagdaloy ng kahihiyan. Naalala niya ang pagkakataong iyon nang malinaw. May isang magandang intern na pumasok sa ospital, at nang magdala si Amara ng pagkain, nakita niyang magkadikit ang dalawa.
Nang gabing iyon, nagkaroon sila ng matinding sagutan. Halos mabasag ni Amara ang lahat ng gamit sa bahay. Iyon ang unang pagkakataon na nagbanta siya ng divorce. Pero dinurog siya ni Lucien sa isang pangungusap lang.
“Amara, kahit magtaksil ako sa’yo, kahit magkaroon pa ako ng ibang babae at mabuntis sila—anong magagawa mo? Are you really willing to divorce me?”
Natigilan siya noon, na tila nahulog sa isang napakalamig na balon, hindi makasagot. Mula sa sandaling iyon, tila tuluyan na siyang naging hawak sa leeg.
Nagbalik lang ang diwa ni Amara nang maramdaman niyang mahigpit na hinawakan ang kanyang baba. Napaingit siya sa sakit. Nang makita ito, ang hindi maipaliwanag na inis sa mga mata ni Lucien ay bahagyang kumalma. Isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito habang lumalapit, ang boses ay mababa at nang-uuyam malapit sa kanyang tainga.
“Amara… look at how shameless you are.” Pagkasabi niyon, nagsimula na niyang kalasin ang kanyang belt gamit ang isang kamay.
Napaatras si Amara sa gulat. “Lucien, are you crazy? Nasa ospital tayo!”
Kakatapos lang ng operasyon ng kanyang ina at wala pa itong malay. Kung sana ay may kahit konting respeto man lang ito para sa kanya—pero nang makita ang kanyang umiiyak na pagpumiglas, lalo lang nagdilim ang tingin ng lalaki.
Kasabay ng tunog ng napunit na tela, nahila ang kuwelyo ng kanyang damit. “Mrs. Del Castillo, masyado ba akong naging gentle sa’yo kanina? Is that why you can’t seem to learn your place?”
Tuluyan nang bumigay si Amara. Itinulak niya ito nang buong lakas, ang boses ay nanginginig habang sumisigaw, “Huwag mo akong hawakan! Get away!”
Pero nahuli nito ang kanyang pulso, at naging delikado ang tono nito habang lalong lumalapit. “You’re my wife. Kinakain mo ang pagkain ko, iniinom ang ibinibigay ko, nakatira ka sa bahay ko. Your only role is to please me—anong karapatan mong tumanggi?”
A/N: Dahil nagkamali po ako ng lapag ng chapter, ipa free chapter ko po itong Chapter 31. Chapter 32-33 po kasi ang na update ko at walang Chapter 31. Enedit ko siya at nag double ang Chapter 33. Wala akong idea kung kailan ma approve ang modifications na ’yon. Kaya ito po ang Chapter 31. Pasensya na po.CHAPTER 31Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali. Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya? Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi. Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan. Kaya sa hal
Nagulat si Amara na sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi, hindi pa rin umalis si Lucien. Napadako ang tingin niya sa natitirang pork ribs sa loob ng refrigerator. Sa isang maikling sandali, isang katawa-tawang isipan ang pumasok sa kanyang ulo—posible kayang bumalik ito kagabi nang may galit at lihim na ginalaw ang kanyang pagkain? Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang container at itinapon ito sa basurahan. “Achoo!” Isang bahing ang narinig niya mula sa likuran. Hinimas ni Lucien ang kanyang sentido at dahan-dahang naupo. Si Amara ay laging matalas ang pakiramdam pagdating sa lalaki. Noon, mapapansin niya agad kahit ang pinakamaliit na senyales ng sakit at agad ipagluluto ito ng ginger soup—simple, pero laging epektibo sa simula ng sipon. Pero ngayon, umarte siya na tila walang narinig. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa pinto. “Don’t you have work in the afternoon?” kumunot ang noo ni Lucien. Hindi man lang siya nilingon ni Amara. Y
“Sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang sabihin ’yan?!” Pumiyok ang boses ni Amara sa tindi ng emosyon, ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa hindi mapigilang hinanakit at galit. Sa talas ng kanyang tingin, tila ba nanginig maging ang chandelier sa itaas nila. Natigilan nang sandali si Lucien bago tumigas ang kanyang ekspresyon. “Can you not speak like that?” Ngunit tila nawala na sa sarili si Amara. Sinugod niya ito, sinubukang saktan, pero madali lang siyang napigilan ni Lucien. Mahigpit na nakakulong ang kanyang pulso sa kamay nito. “Parent-teacher meeting? Minsan lang siya pumunta sa buong buhay ko,” nanginginig niyang sabi. “And I wish he hadn’t come at all.” Naputol ang kanyang paghinga habang sumusulpot ang mga masasakit na alaala. “Masyado pa akong bata noon… nagsisimula pa lang ang regla ko. I didn’t understand anything… at iniwan niya ako doon nang mag-isa.” Gaya lang ng nangyari ngayong gabi. Iniwan siyang mag-isa para tiisin ang kahihiyan. Ang imahe ng kanyan
Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali. Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya? Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi. Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan. Kaya sa halip na mag-isip ng kung ano-ano, ang atensyon niya ay bumalik sa pera. Ang one hundred thousand pesos na iyon. Bahagya siyang kumunot ang noo at sinabi, “If you don’t need anything else, babalik na ako doon para kunin ’yung pera.” Pagkatapos ng lahat, tiniis niya ang kahihiyan at ininom ang alak. Hindi naman pwede
“Gusto niya ba talaga ng divorce? Who is she trying to scare? Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya noon para lang kumapit kay Lucien?” “Masyado ka bang nanonood ng mga drama? This is giving off that cliché ‘love triangle, hard-to-get, tragic romance’ vibe—at mukhang effective naman ang pag-arte mo!” Matagal nang sanay si Amara sa ganitong uri ng panunuya. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid, ang mga labi ay nakakurba sa isang matipid at walang pakialam na ngiti. Para sa kanila, wala siyang ibang silbi kundi maging libangan sa gabing ito. Natural lang na mabilis na nalipat ang paksa ng usapan. Karamihan sa mga nasa silid ay mga dating kaklase ni Lucien sa private school. Habang nagbabalik-tanaw, hindi naiwasang mapunta ang usapan sa kanilang mga araw bilang estudyante. At tuwing mababanggit si Lucien, lalong sumisigla ang kanilang mga boses. Noon, siya ang tinaguriang “young master ng campus”—sikat sa mga babae, sinusunod ng mga lalaki, mailap at walang takot. Kapag masama ang
Bumakat ang limang daliri sa pisngi ni Amara. Likas na humakbang pasulong si Lucien—pero natigil siya nang mapadako ang tingin kay Lysandra na nanghihinang nakasandal sa kanya. Nanikip ang kanyang lalamunan. Sa huli, wala siyang sinabi. Agad na isiniksik ni Lysandra ang sarili sa mga bisig ni Lucien, hawak ang dibdib na tila siya ang dehado. Ngunit sa anggulong tanging si Amara lang ang nakakakita, nagpakita ito ng isang mapang-uyam at matagumpay na ngiti. “Wala ka talagang hiya! Lysandra, ano ba talagang balak mo?!” Nang makitang sinalo ni Amara ang sampal para sa kanya, napa-angat ng manggas si Alyssa at akmang susugod para ibalik iyon nang sampung beses, pero mabilis siyang pinigilan ni Amara. Ayaw na niyang lumaki pa ito. Alam na ng lahat—ang ugnayan nina Lucien at Lysandra ay matagal nang isang lantad na lihim. Wala nang saysay na makipagtalo pa rito. Wala siyang pakialam kung masira ang sarili niyang reputasyon, pero tumatanggi siyang idamay ang kaibigan sa gulo. Nang hin







