Share

Iam a trainee wife

last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-16 08:28:41

   ♡ KABANATA 5 ♡

 

    5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya.

   “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa!

    “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinagat!

   “Hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya iyan lang ang niluto ko, tsaka yan kasi madalas naming almusal!” wala sa isip ko kung ano ba ang hilig niyang kainin bukod sa nagkakape lang siya sa umaga ng huli kong punta.

  “Hindi ako kumakain ng mais!” binitawan niya ang mais pagkatapos kagatan, tumayo siya at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko, napayuko ako ng tumigil siya sa harapan ko.

   “Sorry na!” lumakad pa siya kaya napaatras ako, hanggang sa sumagad na kami sa pader ng kusina. “Huwag kana magalit! Sorry na?” Bumuntong hininga siya.

  “Sa daming laman ng fridge, ito lang talaga?”

   “Masarap naman yan at masustansiya, katumbas din yan ng kanin noh?” pagmamalaki ko dahil minsan ang giniling na bigas ang aming ginagawang sinaing na papartneran lang ng inihaw na tuyo.

    Napapitlag pa ako ng umangat ang kamay niya papuntang pader.

   “Pagbibigyan kita ngayon! Next time masarap ang ihain mo!” Tumango na lang ako saka siya umalis. Dumaretso siya sa banyo, sa labas ko na siya inantay habang hawak ang tuwalyang panuyo ng kanyang buhok!

    Nagugutom na rin ako at takam na takam sa mais, ngunit kailangan ko pa maghintay, sumandal ako sa pintuan, wala sa isip ko kung lalabas na ba siya o magtatagal pa.

    Napahiga ako ng bumukas ng bigla ang pintuan at bumagsak ako sa pagitan ng kanyang mga hita, iindahin ko sana ang sakit ng ulo at likod ko pero bigla akong napatayo ng may makita akong hindi ko dapat makita. Nakatalikod ako habang inaabot ang tuwalyang panuyo ng buhok niya, hindi ko siya matignan kung bakit ba naman wala siyang suot sa loob ng roba niya.

   Wala siyang reaction kahit pa nasilipan ko na siya, mukhang normal na sa kanya iyon! Hindi ko masabi kong lahat ba ng trainee niya ay nakita na ang katawan niya pero saan nga ba niya dinadala  ang mga trainee niya kung ako lang ang ang sinasabi niyang nakapasok sa condo niya o marahil ay nagsisinungaling lang ba siya? Pang-69 daw ako sa lahat ng trainee na dumaan sa kanya ibig kaya niyang sabihin sa 68 ay nakasama na niya ang trainee niya sa kama niya. Napalunok ako at napapikit, hindi ko maiwasan isipin ang mga susunod na mangyayari. Lalo pa ng maalala ko ang kanyang mapusok na halik.

    “Ano iniisip mo ha?” Namilog ang mata ko ng magsalita siya. Binilisan ko ang pag-aayos ng polo niya at sa mga sandali na iyon ay hindi ko pa rin siya matignan.

   “W-wala S-sir!” Nanginginig ang mga daliri ko habang binubutones ko ang polo niya.

   “Sumusuko ka na ba agad dahil sa nakita mo?” Hindi ko siya tinignan at nakatuon lang ang mga mata ko sa butones. Bumaba ang mukha niya at pumantay sa akin. Saka ko siya nakatitigan! –  “Sa nakita mo siguro umaatras kana sa kasal! Ayokong makita niya na naapektuhan ako sa mga nakita ko . – “Akala ko pa naman papatunayan mo sa akin na hanggang dulo ka!”

    “Hindi no! Ano naman kung makita ko,” pagmamalaki ko kahit laman pa rin iyon ng utak ko. —  “Hinding hindi ako susuko no! Papatunayan ko yan sayo! Tayo talaga hanggang dulo diba” Pilit kong ngiti, sabay hinawakan ko ang buhok niya na kunwari ay sinusuklayan ko.

    “Mabuti kahit malabo!” Sinundan ko siya papasok ng kwarto, sa tokador siya huminto at parang namimili ng isusuot! – “Ito ang isuot mo sakin!” abot niya.

    “Pero, hindi ba ito isinusuot mo sa opisina?” Hindi na siya sumagot, mabilis nito pinalitan ang polo niya ng stripe na T-shirt at tinak-inan niya sa gray niyang pambaba.

“Tara na!” Saad niya, at lumabas na ng kwarto, pagkahanger ko ng suit niya ay sumunod na ako sa kanya palabas ng condo, nakaday-off si denver kaya siya muli ang nagmaneho!

    Habang nasa sasakyan ay parang nag-iiba ang takbo ng daan namin, hindi ito papuntang opisina, kahit papaano ay nakakabisado ko na ang daan papuntang opisina! Sa palagay ko may iba kami pupuntahan, balak ko sana magtanong kaya lang baka magalit siya.

    Mga ilang minuto rin kami ng makarating sa isang lugar base sa nakita ko sa karatula Lao Farmhouse and café.

Nang maiparada niya at makababa ako ay napanganga ako sa lawak ng lupain, pati ang strawberry na mapipitas mo agad sa bukana pa lang.

    Mahangin rin ang lugar kaya kahit mataas na ang sikat ng araw ay malamig pa rin.

    Pumasok kami sa loob at nagdala ng basket, hindi ako magkamayaw kung gaano ba ang kukunin ko at kung dapat ko bang punuin.

   “Ang tamis naman, hindi siya maasim!” ng kagatan ko ang isa sa strawberry, inabutan ko rin siya at pilit pinapakagat pero umiwas siya at ayaw tikman! Nag-ikot ikot pa kami, hindi lang pala strawberry ang marami sa farm maging mga oranges! Nagpitas rin ako at naglagay sa basket.

   “May pupuntahan pa tayo! Tara na!”

   “Saan?”

    Sumunod ako sa sasakyan hindi ko alam saan kami pupunta. Sa mga kwadra kami napadpad! Isang lalaki ang lumapit sa amin at may hila hilang itim na kabayo,

    “Mabuti at nakabalik kayo rito?” saad ng lalaki na may matipid na ngiti. Napatingin sa akin ang lalaki at parang kinikilala ako.

   “Si Menard katiwala sa mga kabayo!” Pakilala ni Earniel sa akin, kumaway lang ako at ngumiti! –“Kumusta si Lio?” Balik niya muli kay Menard.

   “Maayos naman Sir! Naroon siya!” Tumuro ang daliri ng lalaki papunta sa isang kubo na hindi kalayuan.

   “Sige pupuntahan namin!” Akala ko tatanawin lang namin ngunit nagsimula kaming maglakad papunta roon sa matirik na araw at katamtamang init na dumadampi sa balat namin, hindi ko siya nakitang nag-inarte o humiling na magpapayong sa akin.

   Nang huminto kami isang kubo isang bata ang lumapit sa amin, mukhang sa musmos niyang katawan ay nagttrabaho na siya sa kwadra.

    “Ikaw ba si Lio?” Tanong ko sa bata! Iniisip ko na may tinatagong anak si Earniel, pero umiling ito at tumuro sa loob! – “M-may iba pa?”

   “Pinagsasabi mo?” Irita niyang sabi. Pumasok kami sa pintuang kahoy, nakita ko ang isang putting kabayo na parang matanda na at payat na payat! – “Kabayo si Lio, at hindi tao! Paboritong kabayo ni Earlio!” Bigla niyang sabi ng makalapit kami. Napagtanto ko na magkatunog ang pangalan ng mga ito!

   “Siguro malungkot na siya dahil wala na ang amo niya!” nang himasin ko ang ulo ng kabayo, hindi naman ako takot dahil marami akong nakikitang ganun sa amin kahit hindi ko pa nasasakyan.

   “Hindi ganun ang mga hayop!”

   “Hindi ah! Kahit hayop may emosyon! Wala ka siguro alaga no?”

“Wala! At wala ako balak mag-alaga!”

 “Iniisip ko anong klaseng tao ang kapatid mo? Mabait siguro siya.”

  “Huwag muna alamin! Hindi siya ganun sa inaakala mo!”  Palabas na kami ng pinto ng may matanaw ako sa labas na baby, agad akong nagmadali na lumabas at makipaglaro dito, kalong kalong siya ng kanyang nanay, sa tantiya ko ay nasa ikawalong buwan na ang baby, naalala ko sa kaniya ang mga nakakabata kong kapatid na naiwan sa San Agustin, hindi ‘man kasing liit niya ang mga ito, ay namimiss ko ang sandali na sila ay kalong kalong ko noon.

    “Pwede ko ba siyang kargahin!” kinarga ko at niyakap ang baby, hindi ito umiyak bagkus ay natutuwa ito sa presensiya ko. Lumapit ako kay Earniel. – “Papakarga ko din po sa kanya ah?” Paalam ko sa ina ng sanggol. Nag-aalinlangan ang babae na ibigay ko kay Earniel ang baby, dahil narin siguro sa pagkakakilala nila rito. Ang babae ay tahimik lang nakamasid at nangingiti.—“Para na tayong may anak hindi ba?” biro ko kay Earniel habang nilalaro ko ang sanggol na hawak niya.

   “May kamera ako dito pwede ko ba kayo picturan? Remembrance lang!” saad ng babae at naglabas ng phone camera. Inunahan ko na agad si Earniel alam kong tutol siya.

   “Sige ho!” sabi ko pa at dumikit ako kay Earniel. Mga ilang shot lang ng camera ay natapos na. Pinagmasdan ko ang picture na nasa phone.

  “Cora pakuha na ang bata!” Si Earniel na parang asiwang asiwa, paabot na sana niya ang sanggol ng biglaan ang pag-ihi nito.

   Natawa ako ng makita ko ang reaksiyon niya ng mabasa ng ihi! Halatang diring diri siya.

   “Paano yan basa kana?” Tawang sabi ko! Kaya lalong gumuhit ang gatla sa noo niya.

  “Let’s go home!” Aya niya ng biglaan rin ang buhos ng ulan! Mabuti na lang at nakaalis na ang mag-iina. Sa sobrang lakas ay nabasa agad kami at hindi nakasilong. Lumapit ang ilang trabahador para payungan siya, hindi na ako nakipagsiksikan na sumilong sa maliit na payong, bagkus hinayaan ko ang sarili ko sa ulan sabi nila! Let’s your inner chilhood feel! – “Hoy! Ano ginagawa mo?” Tawag niya sa akin ng makasilong siya.

  “Tara! Sama kana!” Kumpas ng kamay ko para lumapit siya. Pero hindi siya umalis sa kinaroroonan niya, nakatayo lang siya kasama ang ilang trabahador ng farm. Nang magsawa ay lumapit na ako sa kanya, “Sana sumama ka!”

  “Bakit ko gagawin yun ano ako bata?” asik niyang sabi, na kahit may mga tao ay ganun siya makipag-usap.

   “Sorry na alam ko naman na matanda kana!” Narinig kong may nagtawanan, may ngilan nagpigil, kaya tumalim ang titig niya sa akin, napayuko na lang ako habang pinagmamasdan ang patak ng ulan sa lupa.

   “Sir! Bakit kayo nagpabasa sa ulan!” isang matandang lalake ang lumapit sa amin, – “Tara ho magpatuyo tayo!” Tawag ng matanda sa amin!

   Sa isang lumang bahay kami pumasok, luma ‘man ay maaliwalas ang bahay na may malawak na kusina, naabutan namin na nagluluto ang isang matandang babae. At nagmamadali pa na lumapit sa ng makita kami.

   “Sir Earniel, totoo palang narito kayo!” nagsalang agad ito ng tubig sa takuri  ng mapansin nito na basa kami.— “Sana ho nagpasabi kayo para naasikaso namin ang kwarto ninyo!”

      “Huwag na ninyo kami initan. Didiretso na kami ni Sir sa banyo!” Singit ko. Alam kong malaking abala pa iyon sa niluluto niya, sanay naman ako maligo ng malamig kaya kahit hindi na ako magmainit, ang kaso lang wala kaming dalang pamalit, na hindi ko naisip ng magpabasa ako sa ulan. – “Saan ho ang banyo ninyo? Maliligo na po kami!” Nakita kong nagkatinginan ang dalawa parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko, maging tignan ko rin ang ekspresyon ni Earniel ay ganun rin.

  “Ahh! Maglalabas na lang ako ng panuyo at pamalit!” sigaw ng matandang babae, habang tulak tulak ko pa si Earniel papuntang banyo.

   Sinarado ko kaagad ang pawid na pinto, wala akong tinanggal na kahit ano at dire-diretso lang ako nagbuhos,

   “Magbuhos kana, magkakasakit ka niyan kapag pinatagal mo pa!” Biglaan ko pang buhos sa kanya ng sunod - sunod.

   “Nasisiraan kanaba? Mamaya ano isipin nila na sabay tayo naliligo!”

   “Kagaya naman ng ano? Nakadamit parin naman tayo!” pero hindi napagkakaila na maliit ang banyo na parang pang -isang tao lang! Sa tangkad niya nakayuko na siya sa mababang bubong ng banyo. Halos magkalapit na ang mukha namin.

  “Basta! Lumabas kana agad!” utos pa niya.

  “Ayoko nga ang lakas ng hangin sa labas, giniginaw na ako!” yakap ko sa sarili ko.

  “Ideya mo maligo sa ulan! Tapos mag-iinarte ka ng ganyan!”

  “Ikaw unang lumabas, hindi ka masyadong basa!”

  “Anong hindi basa, nakailang buhos kana nga, ang lamig lamig pa!” Nanginginig pa niyang sabi.

  Natapos ang pagtatalo namin ng may mahinang boses na nagsalita mula sa pintuan, si Manong Carlito na nag-abot ng pamalit! Kinuha ko kaagad at sinara.

   “Lumabas kana! Magbibihis ako!” Tulak niya sa akin palabas.

   “Ako ang nagbibihis sayo na bahala magtanggal niyan!” hawak ko pa sa butones ng pantalon niya.

   “Subukan mo, makikita mo hinahanap mo?”

   “Nakita ko na yan bakit kaba nahihiya pa!” asar ko pa sa kanya.

   “Kapag naghubad ako maghubad ka rin?”

  “Sige! Basta umikot ka!”

  “Satingin mo makakaikot ako dito? Nanakit na batok ko!”

   “Edi sabayang hubad!” tanggal ko pa ng tshirt ko, natawa ako ng  mapapikit siya. Tumalikod na ako at nagpalit, hindi ko na siya tinignan kung nakatingin ba siya, pag-ikot ko nakatakip na ang tuwalya sa pagitan namin!

   “Tapos kana ba?”

   “Tapos na! Bibihisan na kita!”

   “Hindi! Antayin mo ako sa labas!” Lumabas na akonat hindi na nakipag argumento, narinig kong nagbuhos pa siya, na akala ko ay hindi siya naliligo ng malamig.

   Nakasuot na siya ng navy blue na t-shirt at black pants. Naupo siya sa bangko at pinupunasan ang buhok niya, inagaw ko iyon para ituloy, marahan ko rin pinunasan ang mukha niya. Pansin kong timititigan niya ako pababa, marahil sa suot ko na hindi ko alam kung kanino.

   “Bagay diba kahit anong isuot ko?” Pagmamayabang ko sa kanya! Narinig ko lang ang pagbulong niya na hindi ko naintindihan.

   “Kakain na po!” sabi ng matandang babae.

    Matapos kami makapagbihis ay tinawag kami sa hapunan, ganap na ganap na bisita ang pakiramdam ko, isda, hipon, gulay at kung ano ano ang hinain sa hapag namin na parang kami lang ni Earniel ang kakain sa rami nito ay hindi namin mauubos. Nagtawag ako ng mga trabahador na magilan-ngilan naroon, lumapit sila at sumalo, sa mahabang dahon ng saging ang nagsilbing pinggan namin! Paghihimay ng una kong inatupag para kay Earniel!

   “Kumain kana!” Utos ko sa kanya na parang ayaw niya galawin ang mga hinimay ko, dumampot ako at sinubuan siya. Pansin ko na nagtinginan sa amin ang mga trabahador. Nagpatuloy ako hanggang sa tumayo na siya.

   Hindi siya gaanong kumain kaya naiwan ako sa hapag at nakipagkwentuhan.

  “Anong meron sa inyo ni Sir?” Usisa agad ng mga katabi at katapat ko sa upuan.

  “Ahh! Wala secretary lang!” sunod sunod kong subo. – “Tawagin ninyo akong Secretary Doree!”

  “Secretary Doree! May ganun ba Boss at secretary sabay maliligo at magsusubuan pa?” kantyaw pa ng isa.

  “Yun kasi nakaassign sa akin na trabaho ehh!”

  “Talaga?  Yung asawa niya nga dati hindi niya ginagawa yan!”

  “Si Selena ba?”

  “Oo! Pag nagagawi mga iyon dito, nag-aaway lagi, literal na boss si Sir!”

   “Naku mapapainom tayo sa dami ng ikkwento namin sayo!”

  “Sige maglabas na kayo ng alak, game ako diyan!” Kalampag ko pa sa ‘mesa.

  “Parang ikaw na ikaw si Ma’m Selena! Mas sweet ka nga lang!”

    “Talaga?” Nagsalin sila ng alak sa akin, nilagok ko ng isa dalawa at pangatlo may pumigil na.

“Huwag ninyo siya bigyan ng alak!” singhal niya at nagpulasan ang lahat! Masama ang tingin niya bago niya ako iniwan sa lamesa. Natakot ako kaya sinundan ko kaagad siya. Kahit ang dalawa ay napatingin rin! umakyat siya sa isang malaking silid. Sinarado ko kaagad ang pinto pagkapasok namin. – “Wala ka bang commonsense? Nilalasing kana nila!”

  “Dalawang tagay pa lang paano ako malalasing!”

  “Kung hindi pa kita binaba baka pinagpipistahan kana, at pwede ba huwag ninyo banggitin ang asawa ko rito!”

  “Sir! Wala ka ng asawa!” Lalong tumalim ang paningin niya kulang na lang ay mawala ang mata niya.—" Tsaka pakiramdam ko parang sila yung mga kalugar ko!”

  “Damn!” Singhal niya lalo, -- “Pwede ba mag-move on kana, wala kana sa lugar mo!”  Naupo siya sa kama, tumabi ako sa kanya, hindi ko alam paano siya kakalma kaagad! Kaya umakyat ako sa kama at pumuwesto sa likuran niya, dinampi ko ng marahan ang palad ko sa magkabila niyang balikat maging sa ulo niya na halos mapuno na ng gatla sa labis na inis sa akin, at routine niya rin magpahilot bago siya matulog!

  “Matutulog na ako!”

   “Sandali!” Pinigilan ko siya makaalis sa pagkakaupo sa kama, dinantay ko ang chin ko sa balikat niya, makailang beses siyang napalunok. – “magkwentuhan muna tayo Sir!”

   “Ano naman pagkkwentuhan natin?”

   “Sabi nila Sir, parehas daw kami ni Selena! Anong klaseng babae ba siya?” malakas din ang ulan ng gabing iyon kaya nilalapit ko ang bibig ko sa tainga niya para marinig, tahimik siya at parang ang paligid ang nag-iingay, maging ang bawat sulok ng silid na iyon dahil sa kalumaan.

   “Hindi kayo pareho akala lang nila iyon!” Gumalaw siya at tinanggal ang mga kamay kong nakapatong sa balikat niya. Umayos ako at naupo ako sa gilid niya. L “Matulog kana, huwag mo siyang ihambing sayo!”

    “Siguro talagang minahal mo siya no?” kinuha ko ang kumot at isinaklob sa likuran namin. Sumiksik rin ako sa kanya upang mabawasan ang lamig na tumatagos sa kumot, tabig niya ng mahina sa akin, pero hindi ako umalis at sumiksik pa lalo.

  “Giniginaw ako Sir!”

  “Hindi kita yayakapin kahit hilingin mo pa!”

   “Hindi ko yun hihilingin no!”

   “Lumayo kana! Naiinitan na ako!”

   “Bakit ganun?” Tinitigan ko siya hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

  “Ilan nabang trainee ang nakatabi mo? May mga nakasiping kanaba?” Namilog ang eyeball niya ng mapatingin sa akin, maging ang labi niya ay umawang na parang may gustong sabihin.

   “Dirty minds huh?” dutdot niya sa noo ko.

   “Masama ba malaman? Curious ako ehh!”

  “Bakit mo tinatanong ha. Kung sabihin kong lahat sila maniniwala kaba?”

  “Oo naman! Sa edad mo impossible namang virgin kapa?” Umiwas siya ng tingin at akmang aalis sa kumot na nakasaklob sa amin, pero hindi ko binitiwan ang braso niya at tinignan siya na may halong pang-aasar.

   “40 na ako malamang hindi na!” Ikot ng mata niya at binaling sa iba. – “itulog mo na ang pagtatanong mo, may gagawin pa tayo bukas!” akma muli niyang tayo hinila ko siya, hanggang mapaharap siya sa akin. Nagkatitigan kami at parang ang mga mata namin ang nag-usap. Lumapit ako at humalik sa kanya. “Good night Sir! Good night kiss yan ahh?” Natatawa ko pang sabi, pero nanatili lang siyang seryoso.

   “Nakakatawa ba talaga sa inyo ang kontrata?” Nag-iba ang tono niya na parang nagagalit. Bigla siyang lumabas at malakas na sinarado ang pinto, pero hindi ako nanatili roon at hinayaan siya na makaalis, sinundan ko siya palabas, hindi ko rin hahayaan na mabasa siya ng malakas na ulan. Paglabas ko nadatnan ko siyang nakaupo sa labas ng pinto, sa lamesang naiwan namin kanina. May hawak siyang bote, inagaw ko iyon bago pa mangalahati at naupo sa tabi niya.

  “Mabilis ka malasing, huwag ka uminom ng marami!” sabi ko at lumagok mula sa bote niya. Malungkot ang mukha niya ng titigan ko, wala akong alam sa kanya, wala akong alam sa nararamdaman niya, ngunit ano ba ang rason ng biglaan niyang pagtahimik. Inagaw niya ang bote sa akin at ininom, tumayo siya at naglakad, sa malakas na buhos ng ulan sa malamig na paligid ay lalo akong gininaw, agad ko siyang hinila bago pa siya tuluyang mabasa, halos yakapin ko na siya huwag lang siya makarating sa gitna, naupo siya at tumungo!

    “May mali ba sa kontrata?” Galit ang tono niya ng tumunghay siya,

  “Hindi ko alam, ikaw naman gumawa ng kontrata!”

  “May mali tumawa ka diba?” lumakas lalo ang boses niya at tumayo ng pasuray suray, kaya kinabahan ako na magising ang mga dalawang matanda nakasama namin sa bahay. “Umaarte ka na good wife! Pero hinding hindi mo mapapalitan ang asawa ko!” Bulyaw niya sa akin, hindi ko alam kung paano magrereact, hindi ko alam kung dapat ba magalit ako o umiyak, pero nanatili akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Wala akong balak na palitan ang asawa niya, o higitan ito, sinusunod ko lang ang nasa plano ng kontrata, mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng pagsasama namin.

   “Tama na Sir, lasing kana!” Kumuha pa ito ng bote at ininom ang lahat ng bukas, lalo siyang nagwala kaya niyakap ko na siya, hindi ko alam kung paano siya pinapakalma ng asawa niya, mahigpit kahit nagmamatigas siya. Pero lalaki pa rin siya at malakas, nagawa niya akong maitulak palayo sa kanya, sugat sa braso hindi ko na ininda, tumayo ako at hinagilap ang labi niyang nag-iingay! Mukhang effective at kumalma siya! Niyakap ko siya ng mahigpit. Binubulong niya ang pangalan ni Selena!

   Inakyat ko siya sa kwarto, tinanggalan ko kaagad siya ng damit at tinuyo ng tuwalya. Nakapikit na siya at bulagta sa kama, tumabi ako kanya habang hinahagod ang buhok niyang basa.

    “Magpahinga kana! Bukas hindi muna ulit maaalala ang lahat!” patuloy niyang binabanggit ang pangalan ni Selena kahit pa tulog pa siya.

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
Iwan Ang gulo ng kwento mo hahhah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love start at Contract    98. Price

    Isang linggo na kami sa bagong rest house, patuloy pa rin kaming nagtatago, maliban kay Earniel na sa opisina muna pinili magstay, hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan, nag-aalala na rin ako kila Mamay, Papay, mga kapatid ko at kay Earen.Gusto ko na rin silang lumayo rito at magbalik sa San Agustin at isama si Earen!Alam kong mas protektado sila lalo na si Earen kung magiging malayo sila rito dahil sa gulo, kahit pa mahirap para sa akin ang malayo kay Earen, ngunit kailangan subukan kahit pansamantala lang.Mag-isa ako sa sala at nagbabasa ng libro ng lumapit si Mayel isa sa mga kasambahay ng rest house, sinabi niyang may bisita ako sa labas at nais pumasok.Napaisip ako, dahil wala naman akong inaasahan na bisita at isa pa ay tagong resort ito ng mga Lao.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, saka nilakad ang mga paa papuntang dalampasigan kung saan ay naghihintay ang bisita ko.Hindi ko inaasahan na lalaki, nakita ko na ang mukha niya ngunit hindi ko maalala ang pangal

  • Love start at Contract    97. Lost and Found

    Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k

  • Love start at Contract    96. A Game

    Hindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi

  • Love start at Contract    95. Camp Sad in a Camp Site

    Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal

  • Love start at Contract    94. Marriage Contract

    Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na

  • Love start at Contract    93. The Real Wife

    Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status