Home / Romance / Love start at Contract / Uncontrolled Affection

Share

Uncontrolled Affection

last update Last Updated: 2024-08-15 21:45:01

♡ KABANATA 4 ♡

Hindi ako nahimatay sinadya ko lang na pumikit para ipagamot naman niya ako! Iniisip ko na baka maubusan ako ng dugo! Dahil noon sa aming baryo ng San Agustin ay may nasugatan sa amin noon dahil sa layo ng ospital siya ay naubusan ng dugo at namatay.

Wala ako narinig na salita sa kanya pero nararamdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan. Sa isang private hospital kami tumigil! Mga nurse ang umalalay sa akin at hindi siya. Private room ako dinala may IV (intravenous) pa. Pinagsisihan ko tuloy ang madala rito! Nakaupo siya sa upuang nasa sulok at nagbabasa ng dyaryo. Napatitig ako ng husto ng makita ko siya sa FrontPage.  Bumaba ang dyaryo at siya na ang nakita ko, tumayo siya at lumapit.

“Magpahinga ka mabuti, aalis na ako!” Malamig niyang sabi, pinagmasdan ko ang IV puno pa ito at ayoko mag-isa at mabored rito.

“Samahan mo muna ako! Ayoko mag-isa!” Iniangat ko ang kamay ko para bahagyang hilahin ang suit niya.

“Hindi pwede busy ako!” alis niya ng kamay ko sa suit niya, hindi na ako umangal pa ng makalabas siya. Hinawakan ko ang nasa noo ko isang gasa lang naman ito pero kailangan kong gumugol ng ilang oras dito. Wala ako magawa kundi ang mahiga at maghintay na maubos ang dextrose.

Hindi ko namalayan na nakaidlip ako, nagising na ako na puro pagkain ang nasa tabi ko, kahit wala naman akong inaasahan na bisitang dumating nakaramdam ako ng pagdudumi kaya bumangon ako at hinila ang IV stand at ilagay doon ang dextrose. Lumabas ako at naglakad para hanapin ang banyo. Pero hindi ko inaasahan na naroon siya sa labas at nakaupo busy siya nagbabasa ng magazine. Tumigil ako sa harap niya.

“Hindi pa oras para lumabas!” tumigil siya sa pagbabasa at bumaling ng tingin sa akin.

“Naiinip na ako, anong oras ba?” sabay umupo ako sa mga upuang nakahilera sa harapan niya.

“5pm!”

“Pero! Gasgas lang naman ang nasa noo ko bakit kailangan ko ng ng dextrose?” hawak ko sa gasang nasa noo ko.

“Dehydrated ka; that’s why you still here.” Bumalik siya sa pagbabasa, at nagpalipat lipat pa ng pahina –“Bumalik kana sa kwarto mo. Matulog kapa!” Utos niya at hindi na tumingin pa sa akin, ipinagpatuloy lang niya ang pagbabasa at dumekwatro pa ng upo.

“Ano ba yan!” Nang makabalik ako sa kwarto,  Hindi na ako nakapagbanyo nawala ang sakit ng tiyan ko ng makita ko siya, mula sa wall clock ng ospital ay nasipat ko ang oras, may dalawang oras pa ako na ilalagi at sasamatalahin ko na ang matulog ng matulog. Umayos ako at muling nahiga, nag-isip ako ng pampaantok para makabalik ako sa pagkakatulog.

Hindi ko namalayan ang oras, lagpas na ng ala-singko ako nagising, oras na pala para umuwi. Bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang malaking paper bag, wala siyang sinabi at pahagis na nilagay iyon sa ibabaw ng kama!

“A-ano ito?” ng buklatin ko ang paper bag.

“Damit! Sukatin mo,” isang red dress ang tumambad sa akin ng ilabas ko sa paper bag, simple lang ito at hindi daring,  pero nung makita ko ang tag ay nanlumo ako sa presyo. Binalik ko sa loob ng paperbag ang dress at inabot sa kanya.

“Ang mahal! Nasaan na ba ang damit ko kanina!” baling ng mata ko sa katabing kong lamesa.

“Nasa laundry shop! Kung ayaw mo isuot yan, hospital dress na lang gamitin mo palabas dito!” Tumalikod na siyanat nagtuloy tuloy palabas ng pinto. Wala na ata ako magagawa kundi ang suotin ito!

Lumabas na ako suot ang damit na binigay niya. Sukat naman sa akin ang dress, lumagpas naman ito ng bahagya sa tuhod ko at nagustuhan ko rin dahil may manggas ito, sa parking lot ko na siya nakita. Wala ang driver niyang si Denver kaya siya ang nakita ko sa driver seat, binuksan niya rin ang pinto bago pa ako makapasok. Nang makaupo ako ay lumapit siya sa akin malapit na malapit hindi siya nakatingin pero nalalasap ko ang amoy ng hininga niya maging ang amoy niyang humalo na sa pabango at nagresulta ng pagiging amot Man scent niya na parang ang sarap sa ilong! Mainit rin ang katawan niya naparang tumagos sa black suit niya.

“Huwag mo lagi ito kakalimutan!” Lock niya sa taling hinila niya sa gilid ko. Tumango lang ako, saka siya umandar.

“Salamat dito!” saad ko habang umaandar kami. Hindi siya tumugon diretso lang ang tingin niya sa daan. Madilim na rin iyon at nakikita ko na ang city lights na parang natatanaw ko lang sa bayan namin sa San Agustin. May nadaanan kaming street foods kaya kinalabit ko siya para tumigil siya.

“Bakit?” usisa niya saka itinabi.

“Kain tayo bilis!” kahit hindi pa siya sumasang-ayon ay bumaba agad ako ng maitabi niya ang sasakyan. Nanakbo ako at agad sumulyap sa mga stall na naroroon.

Mga turo turong pagkain ang nagpasaya sa akin, kinawayan ko siya na lumapit pero nanatili lang siyang nakatayo sa malayo lumapit ako at hinila siya.

“Hindi ako kumakain sa ganito!” hindi ko siya pinakinggan, hinila ko siya hanggang matigil kami sa mga stall,  inabutan ko siya ng isaw at palamig, one day old, chicharong bulaklak, punong puno ang lagayan namin kaya nagpasya ako na maupo kami sa mga bakanteng upuan at lamesa na gawa sa plastic

Naupo siya at pinagmasdan ang hawak niya. Hindi ako nakatiis sinubuan ko siya. Pinasak ko sa kanya ang isang malaking tokneneng, halos maduwal siya pero hindi niya niluwa. Natawa ako sa ekspreston niya na parang bata pero matanda!

Hindi pa namin nauubos  ang nasa lamesa ay umorder ako ng hotdog sandwich at nilagyan ko na sandamakmak na hot sauce. Naccrave kasi ako sa maanghang ng araw na iyon.

“Bayaran mo ahh! Wala ako pera!” inangat ko pa ang kamay ko at isinubo naman sa kanya ang hotdog muntik na naman siya maduwal pero nginuya niya at nilunok. Napansin kong may ketchup siya sa labi, tinanggal ko at gamit ang daliri ko at sinipsip. Nangiwi siya at parang nadiri. Hindi pa ako umalis sa pagkakalingon ko sa kanya at pinakatitigan pa ang labi niya.

“Ano ginagawa mo ha?” napansin kong parang namumula siya. At hindi mapakali ang tingin. Kaya hindi ko napigilan ang hawakan siya sa magkabila niyang pisngi .

“Mabuti hindi nagpasa ang suntok ko sayo!” Titig ko pa rin sa gilid ng labi niya na nalagyan noon ng ketchup! – “Madaya sa akin may gasgas!” tinanggal ko ang kamay ko na nakalagay sa kabila niyang pisngi at humawak ako sa noo ko, at hinimas himas ang gasang nakadikit sa itaas ng ulo ko, hanggang sa umakyat ang tingin ko papunta sa ilong niya na may kaliitan pero matangos, napangiti ako bahagya akong nainggit kahit hindi naman ako pango, sabay tinitigan ko siya pataas sa mata niya. Lalo akong natulala ng makatitigan ko ang maliit at nangungusap niyang mata! Pero ng kumurap siya bigla niya akong tinabig palayo.

“Umuwi na tayo!” Tumayo siya at nagsimulang lumakad, habang ako hindi magkamayaw kung ano ang dadamputin sa rami ng laman ng lamesa, wala akong tinira at dinala ko lahat ng nabili namin.

“Mamaya na tayo umalis!” Habol ko sa kanya, bago pa siya makasakay, hingal na hingal akong huminto sa harap niya dahil sa bilis niyang maglakad.— “Hindi ko pa ubos ehh! Tsaka tignan mo sa labas ang ganda sa city lights!” Turo ko sa kanya! Tumingin naman siya. –“Alam mo mananawa ka ng ganyan sa amin!” Pagmamalaki ko sa kanya dahil sa lugar ng San Agustin ay mananawa ka makita ang citylights dahil bukod sa liblib ay mataas rin ang lugar.

“Bakit taga saan ka ba?” Napapitlag ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na wala siyang kaalam alam sa akin!

“Ibig mong sabihin hindi mo alam kung taga saan ako?” Nauna ako pumasok sa kanya sa loob ng kotse at naupo habang patuloy na inuubos ang lahat ng street foods. Sabay sumunod siyang pumasok at umupo at sumandal sa upuan.

“Hindi! Kailangan pa ba?” sagot niya na akala ko ay hindi na niya sasagutin.

“Dapat inaalam mo kung saan manggagaling ang asawa mo, paano kung killer?”

“Edi ayos!” Kampante ang boses niya na parang okay lang sa kanya ang mamatay, at hindi ko gustong marinig iyon dahil maraming buhay ang nais madugtungan pa ang kanilang buhay. At makasama pa ng matagal ang mga mahal nila sa buhay! Ngunit bakit siya okay lang sa kanya ang mamatay?

“Uy wag ka naman magsalita ng ganyan, dapat kahit gaano pa kahirap ang nararanasan mo huwag mong pipiliin ang mamatay!”

“Bakit nung nalaman mo na magpapakasal ka sa akin hindi mo ba binalak na magpakamatay?”

“Hindi no! Iniisip ko para sa pamilya ko.

“Wala pala tayo pinagkaiba! nabubuhay para sa pamilya, sa kapangyarihan at reputasyon!”

Naging tahimik kami ng may makita akong dumaan na angbibike agad ko siyang nilingon at kinalabit.

“Ahm… pwede ba humingi ng pabor?” Tumingin lang siya at bumalik muli sa manibela ang tingin.— “May sahod ako?”

“Sahod kailangan pa ba?— Kapag kinasal na tayo kung ano pera ko pera mo na din. Magagamit mo ng dalawang taon!”

“Pero ayoko naman ng ganun, gusto ko yung pinaghihirapan ko!”

“Edi paghirapan mo!”

“Paano?”

“Trainee wife ka diba?—Let’s go home!” sabi niya at pinaandar n ang sasakyan. Sa condomininium niya ulit kami tumigil na dapat ay ihahatid niya ako sa bahay ng mga magulang niya.

“Magcocomute na lang ba ako pauwi!”  nang makababa kami sa sasakyan, nakasunod ako sa kanya hanggang elevator.

“Bukas kana umuwi, inaantok na ako!”

“Pero baka hanapin ako ni Madam Victoria?”

“Bakit ka naman niya hahanapin kung alam niyang kasama mo ako!”

May point naman siya kaya ng makapasok kami sa bahay niya ay pabagsak siyang naupo sa sofa, sumunod ako at nakatayo sa gilid.

“Lumapit ka dito at tanggalin ang damit ko!”

“Hah?”

“Kasama yan sa kontrata ahh!”

“Hah..ahh..okay! Tumayo ako sa harap niya at yumuko sa mga butones niya ako nakatuon ng sulyapan ko siya ay nakapikit siya. “P-pati ba pantalon?”

“Oo lahat, maliban sa—”

“O-okay I get it!”

“Ihanda mo panligo ko!” Tumango ako at dumaretso sa banyo, binuksan ko ang gripo na may hot and cold. Tinantiya ko bago ko siya tinawag, nakaroba siya ng huminto sa pinto.

“Hindi naman na kailangan ako dyan diba?”

“Hindi na! Bakit gusto mo ba ako silipan?”

“Hah?” sabay umiwas ako ng tingin sa kanya.

Nang matapos siya maligo ay tinuyo ko ang buhok niya at minasahe ang likod niya nakaupo siya sa harap ng salamin kaya nakikita ko ang ekspresyon niya.

“Ano ba dapat itawag ko sayo? Mr. Lao, Sir Earniel o honey?” Napamulat siya ng marinig niya iyon kahit ako parang nabigla din. – “Ahh…huwag muna pansinin iyong huli kong sinabi nagjojoke lang ako!”

“Kung saan ka komportable bahala ka! Matutulog na ako!” Tumayo siya at nagpunta na sa kama. – May mga damit sa tokador pwede ka magpalit!” sabi pa niya at nahiga na.

Nag-alinlangan pa ako na magbukas lalo na at hindi sa akin ang tokador na iyon pero dahil may pahintulot niya ay kumuha ako ng terno, isang mahabang manggas at pajama  na puti na parehas na makintab na pantulog. Hindi ko inaasahan na may nakalaan na tokador siya na puro gamit pangbabae, napapaisip tuloy ako kung ano ba siya.

Matapos kong maghilamos at pumasok muli ako sa kwarto niya, gusto ko sana malamn kung saan ako matutulog gayong iisang silid lang ang meron siya sa condo niya. Nakahiga na siya at nahihiya na akong kulitin soya kaya minabuti ko na maupo at mahiga sa sofang malapit sa kama niya. Gumalaw siya at humarap sa akin. Nakatagilid ako kaya kita ko ang mukha niya, nakapikit na siya kaya malayo ko siyang napagmasdan.

“Tulog kanaba? Gusto mo ba makinig ng kwento sa baryo namin?”

“Kung walang sense hindi ko papakinggan!”

Bumangon ako at lumapit sa kama, sa kumot na nakatabing sa kanya ay sumukob ako, gumalaw lang siya at tumihaya.

“Kukuwentuhan kita hanggang sa makatulog ka!”

“Ano ako bata?”

“Alam mong hindi! Tsaka praktis narin, malay mo magkaanak tayo, babasahan ko rin sila ng kwento o kkwentuhan ko sila about sa atin!”

“2 years lang tayo magsasama, umaasa ka na magkakaanak tayo?”

“Alam ko naman yun matanda kana! Tsaka sa age mo dapat may anak kana!” Gumalaw siya at dumagan sa akin, napalunok ako habang magkalapit ang mukha namin.

“Gusto mo ba?” Namilog ang mata ko, ng tumuon ang mata niya sa labi ko. – “Sabi mo hinalikan kita? Anong naramdaman mo?”

“W-wala! Hindi naman para sa akin iyon ehh!”

“Gusto mo ba ulitin ko?”

Hindi na ako nakapagsalita pa, napapikit na lang ako ng maramdaman kong tumatama na ang ilong niya sa ilong ko. Ngunit naudlot iyon ng tumunog ang phone niya na nakapatong sa tabi ng lampshade, sa tabi ko ng pwesto ko.

Nakuha na niya ang phone niya pero hindi siya umalis sa pagkakadagan sa akin, busy ang mga mata niya sa pagbabasa ng mensahe kaya, malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Hindi ko napigilan hawakan ang mata niya kaya napabaling sa akin siya, dun na rin siya umalis at nahiga. Sa kabilang gilid naman ako pumuwesto.

“6am magluto ka na ng almusal!”

“O-okay Sir!” hawak ko pa rin ang dibdib kong malakas ang kabog. Hanggang sa nakatulugan ko na.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love start at Contract    102. Crose Destiny

    Malapit sa isang train station ang nahanap ko na bagong apartment, maliit at kongkreto sapat sa iisang tao, hindi ko nagawang bumalik ng San Agustin dahil ayokong mag-alala muli ang mga magulang ko, lalo pa at nasa kanila na ang anak namin na si Earen na kanilang alaga. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal rito, ngunit parang gusto kong sanayin ang sarili na mag-isa. Abala ang mata ko sa pagtingin sa terris ng apartment, nasa ikalimang palapag ang tinitirhan ko numero 57, may fire exit na hagdan kung sakaling may sakuna, at elevator para mabilis makaakyat at baba. May kakaunting gamit kaya hindi ko na kailangan mamili ng sobra. Itinago ko na din ang sim na nakasalpak sa phone ko at ang pera sa card ko ay inilabas ko na. Dahil buo na ang aking pasya wala ng balikan, dahil iyon rin naman ang hiniling niya. Nagtry na din ako maghanap ng pwedeng pagkaabalahan, kagaya ng paghahanap ng trabaho. Matapos ang isang linggo ay nakakuha naman ako ng trabaho isang receptionist sa isang mali

  • Love start at Contract    101: He wanted a Divorced

    Akala ko ay okay na kami ng araw na iyon, ngunit pag-uwi niya ay matabang na naman siya sa akin, para akong multong dinaanan niya ng lumapit ako. Napahawak ako sa kwintas, para saan nga ba ito? Hindi ba ito sign ng pagiging okay namin o talaga bang simpleng regalo lang ito. Pinilit kong balewalain ang lahat kaya pinuntahan ko siya sa kwarto, napansin kong nakaupo siya sa kama at parang tulala. Agad kong binuksan at nilapitan siya, saka lang siya gumalaw. Sa wardrobe siya nagtungo. “Inihain na ko na ang dinner natin, baka pwedeng magsabay naman tayo!” Pinipilit ko ilagay ang ngiti sa labi ko kahit pa punong puno ng takot ang dibdib ko na baka tanggihan niya. “Kumain na ako sa labas, kaya ikaw na lang!” Matabang niyang sabi, at tuluyan ng nawala ang ngiti ko, hindi na rin ako nakipag argumento at lumabas muli ako ng kwarto. Bumalik ako sa kusina, unti-unti kong niligpit ang mga nakahain, nawalan na rin ako ng gana, kaya ang display na alak ang napagdiskitahan ko. Nang tamaan

  • Love start at Contract    100. Another Wedding Anniversary

    Isang malakas na sound ng alarm ang nagpagising sa akin, dinampot ko ang phone na nasa loob ng drawer, na hindi ko nakita kahapon.Walang password kaya nabuksan ko kaagad, sa message app ako nagpunta, pero katulad ng sabi ng mayordoma ay wala naman ako natanggap na mensahe mula sa kanya.Saka ko tingnan pa lahat ng mga nasa notification, nahagip ng mata ko ang isang anniverary notes na kanina ay tumunog.Wedding anniversary ang nakasulat.“Para kanino?” kaya dagli akong bumangon at bumaba, sa mayordoma ako nagpunta na noon ay naghahanda ng almusal.“Magandang umaga Madam!” Bati nito sa akin.“May ideya ba kayo rito?” Pakita ko sa kanya ng phone“Sa pagkakaalam ko ay Wedding Anniversary ninyo iyan ni Master Lao!”“Wedding Anniversary namin?” Sa pag-iikot ko rito ay wala naman ako nakita na kahit anong magpapatunay na kasal kami, kahit pa sa kwarto.— “May ideya ba kayo kung kelan ang balik niya?”“Kadalasan naman ay gabi na siya umuuwi at sa opisina siya dumederetso! Meron ako numero n

  • Love start at Contract    99. Who is Ekio

    Nakalabas na ako sa ospital si Denver ang sumundo sa akin, at nasa opisina na rin si Earniel, kaya tahimik ang bahay ng dumating ako, habang pinagpasya ni Earniel na iuwi si Earen sa San Agustin habang nagpapagaling ako rito, base na rin sa kwento ni Denver kaya nakaramdam ako ng pagkalungkot.“Hindi ko ba pwedeng puntahan siya sa opisina?”“Pasensiya na pero hindi maari, bilin niya rin na siguraduhin na nakauwi kana para magpahinga.“O-okay!” Pagkahatid ni Denver sa akin ay umalis rin siya kaagad.Ginala ko na lang ang sarili sa kabuuan ng bahay, muli akong nanibago, dahil ba tila nagbago narin ang paligid sa paningin ko.Nilibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng tubig at paglublob ng paa sa pool. Nakakaaliw pero hindi nakakagaan ng loob.Nang may matanaw akong mukha sa likuran ko, kaya napapihit ako ng malala ako, si Ekio na ngayon ay nasa likuran ko at may ngiti sa labi, ang mga kamay niya ay punong puno ng kung ano ano, dagli akong umahon para lapitan siya.“B-bakit narito k

  • Love start at Contract    98. My Cold Husband

    Habang nasa ospital ay hindi ko inaasahan ang isang bisita, halos matakpan ang mukha niya ng isang bouquet ng roses at ilang box ng chocolate na parang sobra para sa isang pagdalaw. “Hello kumusta kana? Magiliw niyang bati sa akin.” Agad naman ako napabangon kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. “M-mabuti naman, salamat sa pagdalaw mo!” “Siya nga pala para sayo!” lapag niya ng bulaklak sa mga hita ko. Kahit nakakailang ay tinanggap ko, ayoko lang isipin ni Earniel na may namamagitan sa amin. “S-Salamat ulit!” “Mabuti at nailigtas ka ni Mr. Lao!” nagulat ako ng tumayo siya at bigla akong yakapin, hindi ako kaagad makakilos para pigilan siya. “Sana hindi ako nakaistorbo!” namilog ang mata ko ng makita si Earniel na nakatayo sa pinto kasama si Denver, kaagad ko natulak si Ekio. “Ah…kanina ka pa ba?” “Sige aalis na lang ako!” Gusto ko siyang lapitan at pigilan, pero hindi ko magawa dahil sa pilay ko sa katawan. “Sige Sir! Aalis din ako maya maya babantayan ko siya!” Sambit ni Ekio

  • Love start at Contract    97. Lost and Found

    Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status